Episode 03: Funeral Home of Mysteries and Magic

Funeral Home of Mysteries and Magic

• • • SNOW • • •

Magkakasama kaming lima ngayon sa canteen. Tutti was dancing on her seat while holding her class schedule in her both hands.

Nangiti ako. Ang sarap niyang tingnan. Namiss ko kasing maging ganoon kasaya.

"Ilang units mayro'n ka, Tutti?" I asked.

Natigil siya sa pagsasayaw at nangiti sa akin.

"I have 21 units. May apat na majors. Dalawang special subjects kay Yorme saka isang Foreign Language."

We have two special subjects kay Yorme. Ang una ay Combative Sports na sigurado akong si Ma'am Ferrer na tigasing PE Instructor ang magtuturo sa amin. Ang kay Yorme naman ay Fundamentals of Funeral Service.

"FoLa? Anong balak mong kunin?" I know she's very interested with it.

"Hmm. Let's see. I want to get either Greek, Yiddish, Finnish, Portuguese or Polish," aniya sabay bilang sa mga daliri niya.

"They're only offering French and Deutsch," Rum remarked before taking a sip on his tea.

Nangiwi si Tutti.

"Tapos na ako sa mga 'yan," she responded, defeated.

"Your fault. You've been getting FoLa in advance since the first semester of your sophomore year," ani Queen na nagtitipa naman sa cellphone niya.

Nadapo naman ang tingin ko kay Dean na nasa harapan ko. He's looking at somewhere with a ghost of seductive smile on his lips. Pasimple kong sinundan ng tingin ang tinitingnan niya. Mula sa kabilang table ay may magandang babaeng mahiyaing nakangiti sa kanya. Nang mapansin akong naninitig ay biglang nag-iwas ng tingin ang babae. Nang ibalik ko ang atensyon sa harap ay madilim na nakatingin na sa akin si Dean.

"You're seriously ruining my fun, aren't you?"

"Sorry," sabi ko at nayuko.

Kinagat ko ang labi ko sa hiya. Ginalit ko na naman siya.

"Tsk."

Napaangat ako ng tingin sa kanya nang marinig ko ang pagtayo niya.

"Hoy, Dean!" tawag ni Tutti na 'di man lang niya pinansin.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Nang malagpasan na niya ako ay sinundan ko siya ng tingin.

Huminto siya sa tapat na table no'ng babae kanina. Ramdam kong nanginit ang gilid ng mga mata ko nang tumayo din ang babae at nangiting sumama sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin at yumuko na lamang.

"Girlfriend niya ba 'yon?" tanong ni Tutti.

"Just let him have his fun. Hindi naman pwedeng 'yong isa lang ang nag-eenjoy," komento ni Queen.

Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang sarili kong umiyak. Sinisisi na naman niya ako...

"Queen, stop it."

"What now, Rum? I'm just telling the truth."

"You're making her feel bad again."

Dali-dali kong isinukbit sa balikat ko ang shoulder bag ko at tumayo na. Natigil sa pagtititigan sina Rum at Queen at ibinaling ang atensyon nila sa akin. I caught Queen rolled her eyes before returning it to her phone. Malumanay akong tiningnan ni Rum. He smiled softly at me.

"Mauna na ako. Mag-eempake pa kasi ako." Which was partly true.

Ngayong hapon kami pupunta sa Funeral Home. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo nang may brasong biglang kumapit sa kanan kong braso. Tumigil ako. Natingin ako doon. A smiling Tutti tightened her hold of me.

"Samahan mo naman ako, Snow. Mag-grocery tayo ng mga personal na gagamitin natin sa funeral home."

I smiled.

"Sasama ako."

Sabay kaming lumingon ni Tutti kay Rum nang tinawag niya kami.

"May kotse kang dala?" Tutti asked her stepbrother.

Nahihiyang napakamot naman ng batok si Rum.

"Wala. Gusto ko lang sana samahan kayo."

I smiled again. I know, Rum. I know.

Mas gusto niyang sumakay sa jeep kaysa magdrive ng sarili niyang kotse. He always humbled himself despite being extremely wealthy and being the son of the governor. That's Rum.

Nang matapos kami sa pamimili kanina ay nauna na akong umuwi kina Rum at Tutti dahil mag-aayos pa ako ng mga gamit na dadalhin ko sa funeral home.

"Tutti."

Napabuntong-hininga ako nang wala pa ding sumasagot sa pampito kong katok sa trailer niya. Sasabay sana ako sa kanya papunta sa funeral home kaso mukhang wala nang tao.

Ay! Nakalimutan ko din pala siyang i-text bago pumunta dine! Nagtipa agad ako ng mensahe para sa kanya sa cellphone ko. Maglalakad na sana ako hila-hila ang maleta ko nang bumukas ang pinto ng trailer at bumungad sa akin ang gulat na mukha ni Tutti. She's tying her ash blonde-dyed hair into a messy bun. Napansin ko din ang pagsulpot ni Rum sa likod niya. He's here?

"Snow?" tawag ni Rum sa akin.

He's still wearing his olive polo shirt that was tucked in his black trousers. Napatitig ako sa polo shirt niya. Hindi nakatakas sa mga mata ko na nakabukas lahat ng tatlong butones nito. Kinagat ko ang labi ko at lumapit.

"Sasabay sana ako kay Tutti papunta sa funeral home. Akala ko walang tao."

"Sasabay ka? Sure! Halika sa loob," aya ni Tutti.

Pagpasok ko ay iginiya agad ako ni Tutti paupo sa four-seater niyang lamesa.

"Gusto mo ng sandwich, Snow? I'll make one for you," anyaya ni Rum.

Nakasara na ang dalawang butones niya pagtingin ko.

I nodded and smiled. "Thank you."

"Sandali lang, Snow. Maupo ka muna r'yan at tatapusin ko lang muna ang pagliligpit ng mga gamit ko."

Pinapanood ko lang siya habang natupi siya ng mga damit niya sabay pasok nito sa loob ng maleta niya. Hindi ko maiwasang hindi tapunan ng pansin ang mapulang markang sumisilip sa kwelyo ng kulay orange niyang wrap dress.

"Tutti."

"Hmm.."

"Kinagat ka ba ng insekto? Nagmarka kasi ng pula 'yong sa may bandang leeg mo. It's swollen," I said.

Si Rum na naghahanda ng sandwich ay biglang natigilan. Mabilis na kinapa naman ni Tutti ang leeg niya kung saan ko tinuro ang marka.

"Ah, ito ba? Kasalanan niya kasi 'to." Tinuro niya si Rum na nakatingin na sa amin ngayon.

"Dumaan kami sa isang Chinese restaurant bago umuwi. Hindi ko namalayang may tofu pala 'yong soup," paliwanag niya.

"You have allergies with tofu?" I inferred and she nodded in agreement.

"Nagsimula na tuloy magpantal ang balat ko dahil doon," dagdag niya sabay pakita nang isa pang pulang marka sa palapulsuhan niya na kagaya no'ng nasa leeg niya.

"I'm sorry," Rum sincerely apologized.

Mayamaya pa nang tiyempong matapos si Tutti sa pag-iimpake ay narinig namin ang malakas na busina ng sasakyan sa labas ng trailer. Sinilip ni Rum ang bintana at kaagad na pinaghanda na kami para umalis dahil nasa labas na sina Dean at Queen. We took all of our things and hurried outside. Nasa backseat kaming tatlo nina Rum at Tutti. Si Tutti naman ang nasa gitna namin. Dean turned on the radio and we were immediately greeted by a loud heavy metal music. He started driving afterwards.

"Adios," Tutti mumbled while wearing her headphones on. She then leaned on her seat.

Medyo malakas ang music ni Tutti kaya narinig ko din ang Ligaya ng Eraserheads na pinapatugtog niya. She loves them and everything that screams '90s.

"Dean, paki-hinaan mo naman, please," Rum calmly requested.

Dean tsked but still did as he was told. Mabuti na lang talaga at kasama namin si Rum. Matapos ang kinse minutos na biyahe ay lumiko si Dean sa kaliwang crossing kung saan may gasoline station sa kanan at malawak na rice fields sa kaliwa. Diretso ulit ang takbo namin hanggang sa tinatahak na namin ang paakyat na kalsada. Nakasilip lang ako sa bintana, iniisip kung may masasakyan ba kaming jeep o multicab paakyat dine kung wala si Dean at kung magko-commute lang kami.

Mukhang nasagot din naman ang mga tanong ko dahil may nakasabay kaming jeep paakyat at panaka-nakang van na nakakasalubong mula sa itaas. Hindi naman siguro kami mahihirapan sa pagsakay dine tuwing may pasok. Kinakabahan ako kasi baka dumating 'yong araw na kailangan kong magpahatid kay Dean dahil siya lang ang may kotse. Mayroon naman si Queen pero mas gusto niyang hinahatid siya. Si Rum ayaw talagang bumili ng sasakyan dahil mas gusto niyang mag-commute pero marunong siyang magmaneho. Sana magbago pa ang isip niya...

"Rum, sa tingin mo, mahihirapan tayong mag-commute mula dine papuntang school?" I asked and he nodded.

"Posible kaya mas maigi kung sabay-sabay tayong papasok at uuwi para mahatid tayo ni Dean. Kung wala naman siya o kung may pasok pa siya ay dapat may kasama tayo kahit isa sa atin."

"But don't worry, I had checked all of our schedules. Alas-kwarto ng hapon lang ang pinakahuling klase nating apat. I think Prof. David was able to foresee this will happen. Para na rin hindi tayo mahirapan," he added and smiled.

Tumango ako. I somehow felt relieved.

Paakyat pa din ang rota pero huminto si Dean sa isang matayog na wrought-iron gate. Biglang bumukas iyon pero wala namang tao.

"Cool," Dean commented in front.

Mukhang may nakita siyang nakakamangha. Sumilip ulit ako sa bintana ng kotse. Napaawang ang bibig ko sa gulat dahil sa nakita. May nagbukas ng gate para sa amin. Isang multo ng lalaking nakaputi lahat na nasa labas ng guardhouse nakatayo. Bakit napakaliwanag niya? Si Tutti maging si Queen sa front seat ay sumilip na din.

"What is he?" She turned to the backseat to ask Rum.

"Ang sabi ni Prof. David ay 'wag daw tayong magugulat sa lalaking magbubukas ng gate natin. Sabi niya elemental guardian daw 'to at siyang nagpoprotekta sa buong lugar," paliwanag niya.

This is amazing.

Queen nodded and returned her attention in front. I know she wants to ask more but didn't do so because she thought that it will take up her energy and drain all her life force. I swear, she's really like that.

Kung magtatanong siya sa'yo dapat masagot mo lahat nang gusto niya. She doesn't like asking twice. Hindi lang talaga niya kayang humirit pagdating kay Rum.

"Maraming salamat po," Rum thanked the guardian who just smiled in return.

Nagpatuloy sa pagmamaneho si Dean. Paakyat pa din ang rota namin pero hindi na gaya kanina na sobrang taas. Dine, katamtaman lang.

Matapos ang ilang segundo ay naaninag na namin si Prof. David at Goliath na nakatayo sa harap ng funeral home.

Nagulat ako nang makalapit kami. Ang laki niyon at ang lawak din ng buong lugar. The funeral home stood in front of us with its eerie grandeur. Ang laki niya na papasa na sa hotel size.

Nang bumaba si Rum upang salubungin si Yorme ay sumunod na kami sa kanya bitbit ang mga hand carry na gamit namin. Ang mga maleta ay nasa compartment pa din ng sasakyan ni Dean.

"It's good to finally see you here along with the other Charmings, Mr. Sandros," nakangiting bungad ni Yorme sa amin sabay lahad niya ng kamay kay Rum na magalang naman iyong tinanggap.

"So, it's also a private cemetery. Might be one of the reasons why it's earning so much. Impressive." Napatingin ako kay Tutti sa narinig.

Saka ko pa lang napansing ang napakalawak na paligid na may mga bermuda ay may mga nitso din pala. Talagang nasa elevated area kami dahil kita mula sa kinatatayuan ko ang cityscape. Sa baba din ng kinaroroonan ko ay nandoon ang iba pang nitso. Ang mga halaman sa paligid ay inayos sa iba't ibang hugis. Ang ganda dine... Sobrang nakakamangha at mapayapa.

"Goliath, paki-tulungan naman sila sa mga gamit nila," pakiusap ni Yorme sa kapatid na tumango naman.

Iginiya na niya si Dean sa garaheng nasa kanang gilid namin.

"Take care of my things. They're the purple ones," bilin ni Queen kay Goliath na wala man lang reaksyon.

"Ako na bahala sa gamit ko." Tutti jogged her way to the garage.

Sinundan ko na din siya. Nakakahiya kasi kung iba pa ang kukuha. Balak din sanang kunin ni Rum ang kanya pero pinigilan siya ni Yorme at una nang iginiya sa loob.

Sumunod naman si Queen. Nang makuha na namin ang amin ay sumunod na din kami. Si Tutti ang naghila ng maleta ni Rum. Inagaw agad ni Dean sa kanya iyon nang mapansin nitong nahihirapan siya. Nakaharap kasi siya sa dalawang maleta habang hila-hila ang mga ito papasok ng funeral home.

"Mas malaki pa ata to sa'yo," pang-aasar ni Dean sa kanya.

"Boo! Ang pangit ng joke mo," si Tutti sabay ayos sa strap ng backpack niya.

Nang magbukas ang higanteng double doors ay nanigas ako sa pwesto ko. I thought it was just the outside that looks similar pero pati din pala ang loob.

Natingin sa akin si Tutti nang marahil ay mapansin niya din iyon. We both love horror movies kaya hindi namin maiwasang ikompara ang lugar sa itsura ng Overlook Hotel sa The Shining.

" haí. This looks like the Overlook Hotel from The Shining," Tutti remarked with eyes sparkling excitement.

Parehong-pareho mula sa disenyo ng carpet, pader, at sa pinto. Nangiti si Yorme na nasa unahan naming lahat. Para kaming mga turista at siya ang tour guide namin sa ayos namin ngayon.

"Good that you noticed it. This was actually a hotel and the very first owner fancied horror movies and everything mysterious so he built this resembling the actual hotel from the movie. However, it didn't work out. My mother saw this as the perfect site for her business so she bought it," paliwanag ni Yorme.

"Let's proceed to your rooms so that you can leave your things for awhile while I resume touring you around," he added.

Dinala muna niya kami sa mga kwarto namin sa second floor. The girls will share the same room and the other vacant room will be shared by the boys.

Nasilip ko ang kwarto nina Rum at Dean. Sa kaliwa at kanan ay may kanya-kanyang katamtamang mga kama para sa kanila. May isang banyo din, may simpleng glass window at mga cabinet.

Ang amin naman ay may simpleng mini sala na may flat screen na naka-mount sa puting pader, gray na couch, may four-seater na maliit na table sa gilid ng maliit na lababo at refrigerator. May bar table din na nagse-separate ng mini sala at kitchen. The room's interior looks like a camper or trailer. Much like Tutti's trailer.

Sunod naman sa mini kitchen ay ang naka-elevate na bedroom kung saan hardwood ang sahig at may isang malapad at malaking kama. Sa uluhan no'n ay mahabang dresser at nasa magkabilang gilid naman ang mga closet at organizer.

"Don't tell me we're going to share that bed?" asked Queen.

"Pasensya na, Queen. Yours and the boys' rooms are the only ones available and suitable for the crew. Ang third floor ay para sa mga kaluluwang kliyente natin."

Bigla akong pinagpawisan nang malamig sa sinabi ni Yorme. Mga kaluluwang kliyente sa third floor?

"Shall we proceed to the tour now?" he asked when we were settled.

Tumango kami at lumabas na ng kwarto. Nasa labas na din sina Rum at Dean kasama si Goliath na naghihintay sa amin.

"Before we begin, I will first delegate the five of you sa mga trabaho ng funeral crew," wika ni Yorme.

"Sandros will be the funeral director or the mortician since he has the leadership skills and other pleasing qualities to help run this business and to comfort the grieving families. Siya ang susundin niyong lahat," he began and we nodded.

"Dahil nag-aaral siya ng Forensic Science ay siya din an-"

"Rin," Tutti butted in.

We all turned to look at her.

"He said, I quoted and corrected, 'Dahil nag-aaral siya ng Forensic Science ay siya rin'. 'Siya' ends with a vowel so the term implying also in Filipino should be 'rin' and not 'din'. Anyway, please go on," she said.

"Nerd," Queen mumbled.

Tumikhim si Yorme at nagpatuloy. "As I was saying, since Sandros was taking Forensic Science in college, he's also qualified to be the funeral mortuary technician."

Rum was actually double majoring in BS Forensic Science and BA Philosophy. Si Tutti naman ay BA Communication. Si Queen ay BS Economics at si Dean naman BS Civil Engineering. Ang akin ay BS Biology.

"Siya rin ang naka-assign sa pag-au-autopsy, pag-eembalsamo o cremate ng bangkay. Kung wala naman siya ay si Snow ang hahalili sa kanya."

Namutla ako sa sinabi ni Yorme. I'm next to Rum in qualification.

"Tsk. Lagi ngang ngumangawa 'yan tuwing nag-di-dissect," si Dean.

Naismid din si Queen. I couldn't agree more. It's true.

"Okay lang po sa akin 'yong mismong dalawang trabaho. Hindi naman natin kailangang pilitin si Snow. Kaya ko naman po." Rum smiled at me.

Bakit ba ang bait niya?

"A'right then. Snow, you'll be the funeral arranger. Ikaw ang mag-aayos ng venue ng funeral rites at burial ceremony. You'll arrange the flowers, the lights, the position of the coffin, and everything that deals with ceremonies and vigils."

Tinanguan ko si Yorme. Gagawin ko nang maigi ang trabaho ko para makabawi kay Rum.

"Tutti, you'll be the funeral steward. Ikaw ang magiging assistant ng funeral director. You'll have to deal with the documents and documentaries of the funeral rites. Everything related to technology ay ikaw din ang gagawa."

Tutti nodded.

"Queen, you'll act as the makeup artist o naka-assign sa cosetting at ikaw din ang nakaatas para sa dressing o pagpili ng wardrobe o kasuotan ng mga bangkay. You have to make sure they look on their best or at least presentable."

Naismid lang ulit si Queen. Obviously, she's not happy with this whole ordeal.

"And Dean will serve as the strength of the crew. Ikaw ang chauffeur at magbubuhat ng kabaong."

"Tangina," bulong ni Dean.

Si Tutti napatakip ng bibig niya gamit ang dalawang kamay. Tumataas-baba din ang balikat niya. Halatang tumatawa sa naririnig.

"You'll be driving a limousine," pampalubag-loob ni Yorme.

"And most importantly, you'll protect all of them if the barrier fails. Napansin niyo ba ang bilog sa lupa kanina na pumapalibot sa buong funeral home? That's a protective barrier. Hindi kayo masasaktan ng mga beasts dito sa loob. That's why you have to feel at ease here inside," dagdag niya.

We went on with the tour around the funeral home. Una naming pinuntahan ang lobby. Katulad na katulad talaga nang sa Overlook Hotel. Iyong parte ng hotel kung saan laging nagsusulat ang tatay ng bida.

It's very spacious. May mahabang rectangular table din kung saan nakalapag ang isang telepono at printer. May mga sofa din na nakaharap sa isa't isa sa di-kalayuan. Ito ang nagsisilbing sala dine. May dalawang matayog na glass window din. Elevated ang lobby sabi ni Yorme dahil sa basement na pupuntahan namin mamaya kaya kung sisilipin ang labas mula sa mga bintanang iyon ay para kang nakatayo sa second floor.

Nakaharap naman sa rectangular table na iyon ang grand staircase. Kitang-kita mula doon ang hagdanan papuntang second floor na nasa kaliwang wing samantalang nasa right wing naman ang hagdanan paakyat sa third floor kung saan naroroon ang mga kaluluwang kliyente namin.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang bumisita kami doon. May tatlumpu't limang kwarto doon. Nagsisimula sa 341 ang room number. Ang sabi ni Yorme ay ganoon na daw ang ayos no'n nang bilhin ito ni Dr. Mal sa naunang may-ari. As I expected, kuhang-kuha din nito ang itsura ng mga rooms sa Overlook Hotel. It gave me a lot of creeps. Sa gilid ng pinto ng bawat kwarto ay nakalagay sa animo'y digital na orasan ang sinasabing expiration date ng mga kaluluwa.

Sabi pa ni Yorme ay hindi daw dapat kami kabahan sapagkat hindi naman makakalabas ng kwarto ang mga kaluluwang iyon kung hindi pa malapit ang kanilang expiration date. That's why it's very important to always keep our records updated para walang makalabas nang hindi namin namamalayan. Bilin din niya na ang funeral director at steward lang ang pwedeng pumasok sa mga kwartong iyon. I don't even intend to.

Sinuyod din namin ang kabuuan ng second floor kung saan naroroon ang opisina ng funeral director. Nandoon din ang mortuary o morgue kung saan dinadala ang bangkay at inilalagay sa mga cold chambers o kina-cremate sa ovens o tinatawag na retorts. Katabi ng mortuary ang storage ng mga kabaong. Sunod naman ay ang kwarto para sa wardrobe at mga makeup ng bangkay.

Nasa dulo, katabi ng kwarto naming mga babae ang kusina. Sa banda naman ng mga lalaki, ang opisina ng funeral director ang katabi. Nasa pinakagitnang kwarto naman ang morgue.

Ang kusina ang pinakanagustuhan namin ni Tutti. Gaya ng paborito naming parte ng Overlook Hotel. Ang laki nito at ang daming mga gamit. Katulad ng mga kusinang nasa hotel o restaurant ang ayos. Sa gilid no'n ay naroon ang storage room na pinuno daw nina Yorme kahapon ng mga supply para sa amin at ang refrigeration room ng mga karne at iba pang pagkaing dapat naka-store sa malamig na temperatura.

May flat screen din na naka-mount sa pwesto ng mga pang-itaas na cupboard. Pinaghalong marble at steel ang countertops pati na ang sahig at ang ibabaw ng rectangular na dining table doon. Ang ganda dine.

Sa bandang kaliwa ng main entrance ng first floor ay naroroon ang Gold Room na siyang function hall kung saan gaganapin ang funeral rites at vigils kung gugustuhin ng pamilya. May mga banyo doon para sa dadalo ng seremonyas saka may counter din kung saan pwedeng magtimpla ng kape. Ang storage room naman no'n na nasa pinakalikod ay mayroong mga monobloc at cushioned chairs depende daw sa gusto ng pamilya ng kliyente. Pero mas mahal daw ang rate ng cushion.

Sa kaliwa at ibabang wing ng grand staircase papuntang second floor ay naroroon ang laundry section na may limang washing machines at dalawang dryers. Nandoon din ang ibang mga panlinis gaya ng mop, walis tambo at tingting, dustpan saka vacuum. May exit din doon palabas ng backyard at garden.

Huli naming pinuntahan ay ang basement. Dumaan kami sa kanang wing ng grand staircase kung saan kami sumakay ng elevator. Espesyal daw iyon sabi ni Yorme. Siguro kasi nagkasya kaming lahat sa isang sakayan lang. Tumunog ang elevator namin at bumukas. Kadiliman ang kaagad na bumungad sa amin. Yorme stepped out of the elevator followed by Goliath and Rum. Sumunod naman kaming apat na natitira.

A huge tree suddenly lit up. Namamanghang lumapit ako doon. When I looked closer, the light was coming from fireflies. Special fireflies, I guess. They're emitting a very white light unlike the normal yellowish light of the ordinary fireflies. Ramdam kong napatitig na din sina Tutti at Queen doon.

"Wow," Tutti whispered, still in awe.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. The tree illuminated the whole basement.

Nagulat ako sa nasaksihan. There's a river in here but I couldn't see the other end because of the thick fogs surrounding it.

"What is this place?" tanong ni Dean na hindi din makapaniwala.

Yorme turned to us and smiled. "This is the river to the underworld," he said and we all grew silent.

"Dito niyo ihahatid ang mga kaluluwa patawid sa afterlife," aniya sabay turo sa hindi namin maaninag na kabilang bahagi.

"Dahil wala tayong kaluluwang ihahatid ngayon ay hindi magpapakita sa atin ang bangkerong si Charon," dagdag niya pa.

"Sino si Charon?" tanong ko.

"The underworld's ferryman in Greek Mythology," Rum answered without taking his eyes off the other side.

"Greeks had a belief that the souls of the dead are on a journey to the afterlife. It's Charon who sails them to reach it," he added.

"This can't be true," Queen whispered, still unable to believe the wonders right before her eyes.

"Take it from me. Everything can happen in this funeral home, in Charmings' Funeral Home, I mean." Yorme smiled at all of us.

Funny, but this is why I still believe in fairy tales and magic...

• • • TUTTI • • •

Tumayo ako mula sa pagkakahiga saka naglakad-lakad nang pabalik-balik sa paanan ng tulugan namin habang nakabalot ng kumot ang buong katawan ko mula sa ulo.

Unang gabi namin sa funeral home kaya hindi ako makatulog. Namamahay ata ako. Sucks for me. I'm always like this.

Queen was already soundly asleep and even Snow who was initially uncomfortable of the funeral home because of its great resemblance to the Overlook Hotel.

Ako na lang talaga.

Natigil ako sa paglalakad at inabot ang cellphone ko sa ibabaw ng dresser namin at tinext ang taong makapagpapakalma sa akin.

Hindi ako makatulog 😭

Umilaw ulit ang naka-silent kong phone dahil sa reply niya.

Nasa lobby ako ngayon.

Maingat at tahimik akong lumabas at bumaba papunta sa lobby kung saan naroroon nga siya.

He's standing in front of the tall window. Nakapantulog na rin siya. He looked peaceful to look at. Nang mapansin ang pagdating ko ay bumaling siya sa akin at ngumiti.

"Bakit gising ka pa rin?" I asked.

"Alam kong hindi ka kaagad makakatulog. Gusto mo nang gatas?"

Umiling ako. He just smiled again and slightly extended his arms for a hug. I immediately closed our distance and buried my face onto his hard chest. He also tightened his embrace on me and I felt him kissed the top of my head.

Zut. This is my favorite sanctuary.

"Sorry," I mumbled.

"Bakit ka nagso-sorry?"

Tumunghay ako sa kanya. Why was he so tall? Or maybe... I'm just too small.

"Because I want to earn money by working here that's why I signed up. Naka-freeze pa rin kasi ang account ni mama saka nahihiya na ako manghingi ng allowance kay Gov," paliwanag ko.

"It's fine. Ayoko rin namang nakikitang tinitipid mo ang sarili mo. Kung hindi ko pa nakita ang sirang tsinelas mo ay hindi mo pa rin papalitan 'yon hanggang ngayon."

I buried my face onto his chest again and hugged him tighter. Hinigpitan niya rin ang pagkakahawak sa akin.

"This place is magical, isn't it?" I mumbled.

"It is," he answered.

A funeral home of mysteries and magic.

•|• Illinoisdewriter •|•

Do vote and share. Let me hear your thoughts too.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top