Episode 01: Once Upon a Wake

Once Upon a Wake

• • • SNOW • • •

Once upon a wake, a group of gifted college students stumbled upon a special mission that will change their lives forever and... ever.

Nalingon ako sa likod nang marinig ko ang bulungan ng mga estudyante.

Kapapasok lang nina Dean at Rum sa loob ng memorial hall kung nasaan ang lamay ng may-ari ng University of Portofino na si Dr. Maleficia Portofino. They are drawing attention not just because of their sudden entrance but might as well as due to their hard-not-to-notice presence. It is an undeniable fact that both are equally charming, sa magkaibang paraan.

Rum, with his blonde hair and blue eyes, looks like the young Leonardo DiCaprio. His pleasing features are as soft as his personality.

Si Dean naman ang talagang pang-bad boy ang datingan. Dagdagan pa nang pabilog niyang hikaw sa kaliwang tenga. If Rum is the young DiCaprio lookalike, Dean is young Johnny Depp's doppelganger.

Muntik ko pang hindi makilala ang nakasimangot na babaeng kasama nila.

Si Tutti.

She ran away from home, from us, almost a month ago. Nangyari 'yon pagkatapos pumutok ang balita tungkol sa nanay niya na ninakawan at pinagtangkaan ang buhay ng governor namin na tatay naman ni Rum.

Pero bakit kulay blonde na din ang buhok niya?

"Finally." I heard Queen murmur beside me.

Kanina pa kami hindi nag-uusap habang nahintay kina Rum. Alam at ramdam ko namang galit pa din siya sa akin dahil sa kasalanan ko.

I understand.

There was no valid excuse for my mistake.

Mali ko iyon at aaminin ko iyon kasabay nang pagtanggap ko sa magiging kaparusahan ko.

At ito 'yon.

"Bakit daw tayo pinapatawag?" tanong agad ni Rum pagkaupo sa tabi ko.

Nasa tabi naman niya si Tutti tapos si Dean ang nasa may dulo.

Umiling ako. "Hindi pa din namin alam. Mukhang nahintay nila tayong makompleto."

"But ever since we came here, we were being watched by that midget over there," dagdag pa ni Queen sabay galaw nang bahagya sa ulo niya upang ituro ang unahan.

Binalingan naming apat ang harapan. There's a man whom I guess stood just below my hips. Even his features were child-like.

Nakasuot ang maliit na lalaki ng barong at slacks saka tic-tac-toe shoes. Nahuli namin siyang nanonood sa amin. His eyes sparkled with mischief and as if he was watching something really magical.

Ang mas weird pa niyan ay hindi siya umiwas ng tingin nang mahuli namin siya. Nanatili siyang nakatitig sa aming lima nang may misteryosong ngiti sa kanyang labi.

"What is he? Bakit mas maliit pa siya kay Tutti?" natatawang bulong ni Dean na sinamaan naman ng tingin ni Tutti.

"Dean," mahinang saway ni Rum sa kanya.

"A midget," Queen replied.

"Sus, pinaganda mo pa. Onano," Tutti butted in as she crossed her arms and leaned on her seat.

"Tutti!" saway ulit ni Rum saka nagpalinga-linga sa paligid. Sinisiguro niya kung may nakakarinig ba sa amin.

Napabuntong-hininga ako.

"May medical condition siya which is called dwarfism," I explained.

"Please huwag naman kayong magpadalos-dalos sa mga sasabihin niyo. He is Professor David Portofino. Anak ni Dr. Mal at oo, may medical condition siya. Now that his mother's gone, siya na ang magiging successor ng UP. Kaya kailangan nating magpakita ng respeto sa kanya," pagpapakilala ni Rum sa lalaki.

Tinanguan namin siya. Rum acts as the mother of the group. Sobrang soft niyang pang-maternal figure talaga. Maalalahanin and he's always taking care of us. Nakakahiya iyon para sa aming mga babae sa grupo.

Or at least for me.

Si Queen, gaya nang sinasabi ni Tutti, ay matigas ang puso. Si Tutti naman ulo mismo ang matigas at sanay siyang mag-isa. Tapos ako naman, masyadong sensitive. Rum's the perfect blend of all the qualities the three of us do not have.

"Sandros, pinapatawag kayo ni Professor David. Punta raw kayong lima sa radio station ng campus. He wants to meet all of you there. Oy, Tutti! Kamusta ka na?!"

"Lee!"

Akmang yayakapin na ni Tutti ang lalaking lumapit sa amin nang biglang tumayo si Rum at kinamayan ito.

"Pupunta kami."

Natango ang lalaki at nang bitawan siya ni Rum ay nagpaalam ulit siya kay Tutti saka umalis na.

"Rum, blockmate ko 'yon sa Communication. Na-miss ko lang," ani Tutti.

"Kung na-miss mo siya bakit 'di ka agad bumalik?" malungkot na tanong ni Rum sa stepsister niya.

Nagulat ako kasi biglang natawa si Dean. "Masama parin loob ng kuya mo."

Natahimik lang si Tutti at humilig sa upuan niya ulit.

"Let's get this done so that I can go home."

Naunang tumayo si Queen dala ang mamahalin niyang Hermes handbag at naglakad na palabas ng memorial hall. Kaagad naman siyang sinundan ni Rum.

Nang tumayo si Tutti ay sumabay na ako sa kanya. Ayokong maiwan kasama si Dean dahil natatakot ako.

Kung si Queen sadyang iniiwasan ako. Si Dean naman ay kinamumuhian pa din ako.

• • • BEAST CHARMINGS • • •

Panay ang libot ko ng aking tingin sa paligid ng school radio station. Akala ko ay simpleng radio station lang ito pero nasa isang kwarto lang pala iyon sa malaking room na kinaroroonan namin ngayon.

First time ko dine kaya hindi ko alam na ganito pala ang setup nito. Isa siyang malaking room na may tatlong kwarto.

Pagpasok mo, bubungad agad sa iyo ang sala set. May couch at dalawang grandfather chairs. Tapos coffee table at flat screen na naka-mount sa pader. Sa likod ng mga shelves ay naroroon ang dining table at simpleng kitchen. Tapos nasa gilid iyong tatlong kwarto.

Iyong unang kwarto sa may gilid ng sala na napapagitnaan ng glass window ay ang radio station. Tapos sa gitna naman ay ang conference room kung saan may rectangular table at mga upuang nakapalibot tapos whiteboard sa harap at naka-mount sa ceiling na projector. Ang huling kwarto na may blinds ay ang opisina ng moderator ng station at school publication na si Professor David Portofino.

Nasa conference room kaming lima. Si Dean nakasubsob ang mukha sa braso niya sa lamesa. Si Queen na katabi niya ay nakatutok ang atensyon sa cellphone. Si Tutti naman na nakaupo sa harapan ko ay bumubulong-bulong sa mga lenggwaheng hindi ko alam. Tapos si Rum na nasa likurang kabisera ay tina-tap gamit ng index finger niya ang ibabaw ng lamesa. Malalim ang iniisip niya.

Nang natingin ako sa glass window ay mabilis na umayos ang mga staff ng station at publication na nagpakilala sa amin kanina. Pinapanood nila kami.

May alam kaya sila kung bakit kami pinatawag?

May kilala akong tatlo sa kanila since lagi ko silang nakikita kasama si Tutti noon. Si Lee, Norma, at Whiskey, iyong gay. Tapos may higanteng nakababad sa monitor ng computer kanina. Si Goliath Portofino naman iyon. Senior sa IT Department at kapatid ni Prof. David. Nand'yan din si Adele na mala-Dora 'yong buhok at sobrang daldal.

"Stop swearing, Tutti," saway ni Rum na natigil na sa ginagawa.

Nagulat naman ako doon kaya agad akong napatingin sa kay Tutti na natigil na pero panay pa din ang pag-fidget ng mga daliri niya.

Namura pala siya. Akala ko talaga nadasal siya.

"Swearing in different languages makes me feel at ease when I'm scared, irate, or nervous. It's my version of prayer," tugon niya at napabuntong-hininga na lang si Rum.

Kung ipapatayo kaming lahat ngayon at ihahanay base sa tangkad namin ay nasa harapan si Tutti. Ascending order. Ang maganda naman doon ay kahit na hindi siya katangkarang babae gaya ni Queen ay matatag ang loob niya at matapang siya na hindi tulad ko.

Nahiya ako sa kanila. Hindi ko magawang magsalita masyado dahil sa ginawa ko.

Nayuko ako at hinigpitan ang pagkakahawak ng dalawa kong kamay.

Tinanggap pa din nila ako kahit na hindi ako deserving sa second chance na 'to.

I lifted my gaze at the hand with familiar plain silver bangle placed on the top of my shivering hands. I looked at him. Rum smiled at me reassuringly. He really makes me feel safe and at ease always. I am really thankful for that.

Bumukas ang pinto at pumasok doon si Professor David. Tumayo kami except for Queen pero kaagad niyang kinumpas ang kanang palad niya para paupuin kami ulit.

"Sorry for the very short notice but thank you for coming, anyway," nakangiti niyang panimula.

"Let's go straight to the point. I've already wasted more than an hour waiting for you," biglaang sabi ni Queen.

Nagulat kaming apat sa diretsahan at walang galang na sabi ni Queen. Sinamaan siya ng tingin ni Dean samantalang nahilot naman ng sentido si Rum.

"Ako na po ang humihingi ng pasensya sa inasal ng kaibigan ko," ani Rum.

Prof. David smiled with mischief evident on his eyes.

"As you wish."

Nag-dim ang ilaw ng conference room sa pagkaka-on ng projector. A video of Queen filling up a form flashed on the whiteboard screen.

Anong nangyayari?

Pinanood namin ang video. Sunod-sunod. Mula sa pagfifill-up ni Queen ng application form para sa isang international aptitude exam, pagpunta niya sa London para magtake no'n saka ang pagsuka niya bigla sa kalagitnaan ng exam. Nagtapos iyon sa pagtatake niya ulit ng exam pero dine sa Pilipinas na at ang pagpapa-party ng mga magulang niya dahil proud ang mga ito sa pagpasa niya.

Queen was mumbling Italian profanities on her seat and Tutti couldn't help but giggle. Medyo pamilyar na ako sa lenggwahe ni Queen. Ang kay Tutti lang ang hindi kasi pabago-bago siya ng mga ginagamit.

"Marquesa's initial take on the exam in London wasn't counted because she was rushed to the hospital and it wasn't her name signed on the application form there so she got away easily. Then, she immediately discharged herself the next day to come to the Philippines to take that exam with her legit application form. The catch? When she was scanning the test booklets in London, she was actually memorizing every question since she has an autobiographical memory and so she made her exam here perfect. Her parents are so proud of her that they threw a party to congratulate her success. Wow," panunuya ng propesor.

"Queen..." si Rum.

"Tone–cold; speech pattern–quick and he trailed off; indication–suppressed anger and disappointment," pag-aanalisa ni Tutti sa sinabi ni Rum.

Rum's mad and disappointed at that. Who wouldn't be anyway? UP's so-called genius queen bee cheated in an international aptitude exam.

Nang nabaling si Queen kay Rum ay kumalma siya at biglang lumambot.

"Look," pagtawag ni Dean sa atensyon namin.

Panibagong video naman ang naka-flash sa screen. Madilim ang lugar at ang kuha no'n dahil nasa isang sinehan iyon.

Ang kumukuha naman ay nasa malayong likod ng dalawang taong nakaupo sa unahan pero ang dim na ilaw ng camera niya ay nakatutok doon sa babae kaya pagbaling nito sa katabing lalaki ay side profile agad ni Tutti ang nakita namin.

She was smiling at the man beside her then she slowly leaned in pero dahil maliit siya at matangkad ang kasama niya ay hindi niya ito kaagad naabot. Nang mapansin ng katabi niya ang gusto niyang gawin ay ito na mismo ang nagbaba ng mukha para magkalebel sila at hinalikan siya.

I tried to figure out who the man was pero hindi ko magawa dahil sobrang dilim talaga nang kuha sa kanya.

I looked at Tutti. Namumutla siya and she's fidgeting again.

Bumaling ako kay Rum na seryoso lang na nanonood sa video. He was always been protective of Tutti. Sa amin actually pero dahil stepsister niya ito ay mas doble ingat siya para dito. Siguro ay hindi siya makapaniwala ngayon kung paano nakatakas ang eksena at tagpong iyon sa kanya sa kabila ng pagbabantay niya.

"Vega, you looked nervous, why?" natatawang tanong ni Prof. David.

He's obviously blackmailing us...

"Now, are you ready to watch a scan-"

Hindi na natapos ng propesor ang sinasabi niya dahil malakas na binato ni Dean ang cellphone niya sa projector dahilan nang pagkakasira ng phone, ng projector, at ng natitirang kumpiyansa ko sa sarili ko.

"Stronzo! That's my phone!" sigaw ni Queen.

Kanya pala 'yon.

Yumuko ako at hinawakan nang mahigpit ang mga kamay ko sabay kagat ko sa pang-ibabang labi ko upang pigilan ang mga luha ko sa pag-agos.

Nahiya ako.

Akin ang pangatlong video.

"Tangina mong onano ka!" sigaw ni Dean sabay tayo.

Mabilis na tumayo si Rum at nabulong kay Dean upang pakalmahin siya bago pa siya magwala sa kwartong ito.

Dean's breathing hitched until he calmed down. Napansin kong hawak ni Rum ang pressure point ng palapulsuhan ni Dean. He's trying to weaken Dean para mapigilan itong magtapon o manghampas nang kung ano while hypnotizing him at the same time.

Kalmadong naupo si Dean ulit at ganoon din si Rum.

"What do you want us to do?" seryosong tanong ni Rum.

Professor David Portofino flashed a mischievous grin.

"You have to work for me under the Project Beast designed by my very own mother, Dr. Mal."

"And what exactly do you want us to do with that project?" inis pa ding tanong ni Queen.

"With your special abilities, you will run the secret and not-so-ordinary funeral business of my mother. A funeral home for the beasts."

Beasts? Anong klaseng mga beasts?

•|• Illinoisdewriter •|•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top