Alapaap
AUTHOR'S NOTE:
Ever since I ventured into the world of creative writing, I told myself I should write with a solid purpose. I will write not because I want to be known nor to have lots of followers. I will write because I want to share my advocacies to others. I will write because I want to raise awareness, to inform, and to prove that writing is indeed more than entertainment.
Again, I am not after the followers nor fame. I just want to find readers who are willing to grasp a deeper sense of understanding about life and what it truly means to be living. I just want to share through my art the paradox of our time that while some cry for iPhones, others cry for food and even eat prayers for dinner. While we're busy blaming others for our misfortune and nursing our broken hearts, we overlooked the secret sacrifices and efforts of our parents to comfort us. We're too caught up in pursing our dreams and living our lives that we hardly notice how they're struggling on their own too. I wish to also help everyone realize that it's really okay not to be okay physically, mentally, and emotionally. Whether you are Black, White, or Asian, gay, bi, or transexual, our differences do not make us less of a human being. I also would want to show a sympathetic point of view as to why others resort to heinous crimes because, even to the bad and villainous, they too have their stories.
I always, always wish to create transformative and inspirational tales that are good for the heart, mind, and soul. However, I am also aware that not everyone likes that sort of reading material that's why I have doubts about this too, but I still pushed through it because I verily believe that it's about time that we include something like this in our narratives. I just really want to give inspirations and learning because we live only once and I want to spend mine exploring countless of possibilities to help in making a little difference to the world. Thank you for reading it up until here. It already means a lot.
THIS IS THE SPECIAL CHAPTER. I really hope you bring with you the values and philosophies you have earned from here as you venture into the battlefield called life. I will truly appreciate it more once you apply respect, sympathy, understanding, and lending a helping hand to those who are most in need into practice. Let me quote Mahatma Gandhi's words to end this note, "In a gentle way, you can shake the world". We may not be able to change the world in a snap but we can certainly make some difference, and I chose mine through rewriting our most-loved fairy tales with social issues as modern twists.
Alapaap
Humahangos na tumatakbo papasok sa gubat sa likuran ng mansyon ang isang otso anyos na batang babae habang hinahabol ng isang nasa kwarenta anyos na lalaki. Gabi na noon at makulimlim din ang langit, hudyat nang nagbabadyang pag-ulan.
"Tutti, nasaan ka? Labas ka na. Laro muna tayo habang wala pa ang mama mo," anito.
Sumiksik naman agad ang bata sa may halamanan at tinakpan ang bibig niya upang hindi makagawa ng ingay. Subalit pag-atras niya ay naapakan niya ang kumpol ng mga tuyong dahon dahilan upang malingunan ng matanda ang direksyon niya.
He grinned and slowly stepped towards her direction. "Halika na. Laro na tayo."
The little Tutti knew by then that he didn't mean playing, he meant danger. Ito na ang pang-apat na asawa ng mama niya. Her mother prefers rich dirty old men. Iyong madaling mamatay para makamkam nito lahat ng yaman ng mga ito. However, her fourth husband's a maniac, a pedophile, and he sees the little girl as his next victim.
Humakbang ulit ang lalaki subalit iyon na ang huli niya sapagkat nabutas na ang gitna ng ulo niya nang barilin ito nang walang emosyong si Tatiana. Bumagsak ang katawan nito sa mismong tapat ni Tutti. Her chinky eyes stared intently at the dead body in front of her. Dilat ang mga nito at ang dugong umaagos mula sa tama nito ay humalo sa tubig na nagmula sa biglang malakas na pagbuhos ng ulan.
Tila nagbalik sa alaala ni Tutti ang nangyari pa sa pangalawa at pangatlong asawa ng mama niya. She killed them all, mercilessly.
"Anong nangya-" Hindi na natapos pa ng isa sa dalawang bodyguards ng matanda ang tanong nang pareho silang binaril ni Tatiana sa sentro ng ulo nila.
"Dispose them," malamig niyang utos sa anak.
Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Tutti dahil hindi pa rin siya nakakabawi sa gulat. Nanlalamig at nanginginig ang buong katawan, sistema at kaluluwa niya sa ginagawa nila. Kahit ilang beses na niyang nasaksihan ang mga ganoong eksena, kailanman ay hinding-hindi niya pa rin iyon masisikmura.
"Show me what you've learned from Russia. Make me proud, Tuttieana," dagdag pa nito bago siya talikuran at tuluyang iwanan doon.
Tumango si Tutti kahit wala sa sarili at tumayo na upang ligpitin ang kalat ng ina.
Papauwi na ang ngayon ay dalaga nang si Tutti sa bahay nila. Dumaan siya sa may sakahan at binati ang lahat ng mga magsasaka roon. Natutuwa siya sapagkat ilang taon na simula noong huling bangungot niya. Sila ngayon nang mama niya ay naninirahan sa isang probinsya. Ang akala niyang tahimik na nilang buhay panghabambuhay ay isa lang palang ilusyon nang maabutan niya ang kanyang inang karga-karga ang mga gamit nila at isinisakay sa lumang pick-up ng Aunt Jody niya.
"Ano pong nangyayari rito?" she asked her Aunt Jody who sadly looked at her.
"Lilipat na kayo sa mansyon ni Governor Sandros sa may Sentosa. Magpapakasal na sila ng mama mo," tugon nito.
Governor Sandros? Kailan pa? Paano?
Ang daming tanong ni Tutti subalit sa isang malamig na tingin lamang na ipinukol ng kanyang ina ay natameme agad siya. Alam na niya agad ang plano nito. Kung may isang bagay man na pumipigil sa kanya upang suwayin ang ina at hindi iwan ito, iyon ay ang pagmamahal niya para rito. She grew up waiting and wishing for her mother to love her back or at least, show her some care or affection, but there was none. Pinagkakasya niya na lamang ang sarili sa kung anong kayang maibigay nitong kakarampot na atensyon sa kanya, because she considered that to be the kind of love in which her mother could only give her.
Pagdating nila sa mansyon ng mga Sandros sa Sentosa ay namamanghang tiningala ito ni Tutti. Ito na kasi ang pinakamalaking mansyon at tiyak niyang pinakamayamang naging asawa ng kanyang mama. Ang hindi alam ng dalaga ay nakatanaw ang isang binata mula sa bintana ng kwarto nito habang nakangiti at pinagmamasdan siya.
"Mukha pa rin siyang manika, dad. Gaya noong una ko siyang makilala sa opsital, noong mga bata pa kami," Rum remarked.
"I'll make sure she'll live a happy, healthy, and prosperous life with us. Kulang pa itong kabayaran sa utang ko sa Ninong Darcy mo," Governor Sandros told him.
Pareho nang nakatayo sa tapat ng pinto ang mag-ina.
"Alam mo na ang plano. Higit sa lahat, ayoko nang tatanga-tanga," Tatiana reminded her before flashing a smile upon the opening of the luxurious and gigantic double doors.
Masdan mo'ng aking mata
'Di mo ba nakikita?
Ako'y lumilipad at nasa alapaap na
Gusto mo bang sumama...
"Hindi ko naman kayo iiwan. Magbabakasyon lang ako sa alapaap..."
NAPABALIKWAS AKO NANG bangon mula sa pagkakahiga at naghabol ng hininga. I then noticed that I was sitting on a big sofa and I looked around. There were antique items everywhere. The place was made of fully varnished oak and hardwood. The place was eerie but at the same time comforting. Its atmosphere was overall mysterious.
"Tumayo ka na r'yan at darating na ang sundo mo. Ang tagal naman ng isang 'yon."
Napabaling agad ako sa babaeng nagsalita sa may counter. She was leaning on it with her elbows rested on top of it. Kumunot ang noo ko nang matantong parang pamilyar siya. She chuckled and placed her chin on her palm.
"T-Teka parang, parang kamukha mo iyong babaeng manghuhula sa may overpass noon ha!" I pointed out. She really looked like her, just a younger version.
"Ako si Nena at nasa tindahan kita," she introduced.
Namilog ulit ang mga mata ko nang matantong kamukha niya rin si Aling Nena na may tindahan din sa may Kalayaan Avenue sa UP.
"Kaano-ano mo si Aling Nena?! Ikaw ba si Aling Nena na may tindahan sa Kalayaan?! Bakit bumata ka? Bakit nandito ka? Teka, nasaan na ako?"
She chuckled and said, "Kambal kami, actually, triplets kami. We are called the Sisters of Fate. The old fortune teller who read your fate at the overpass is the one assigned for Birth. The Nena whom you've met in the mortal world with her store is assigned to guard Life. I am the youngest and the one tasked to watch Death, and I welcome you to my store in the Afterlife."
Nagulat at natahimik ako sa paliwanag niya. So that means, I am really... dead.
Sabay kaming napabaling sa kung sinumang pumasok sa may tindahan niya nang tumunog ang wind chime nito.
"You're late. Parang ayaw mo ata siyang sunduin ha," ngisi ni Aling Nena, ni Nena pala kasi mukha siyang dalaga, sa lalaking dumating. Nahihimigan kong tinutukso niya ito.
The man was tall and he was wearing a black trench coat. His dark clothes were matched with the serious look on his face. May hinugot siyang ginintuang card mula sa bulsa niya at inilahad iyon sa akin paglapit niya sa direksyon ko.
"Paragon," he simply remarked.
Namangha ako at natulala sa card pero deep inside nagbubunyi ako. Kahit nasa Afterlife ay feeling ko nanalo ako ng jackpot sa lotto dahil doon.
"T-Talaga po? Paano nangyari iyon? I didn't live a life that's worth emulating. Masama po akong tao," pag-amin ko dahil pakiramdam ko rin ay hindi ako deserving sa panalong iyon.
"Untimely death. You're a paragon because you have taken someone else's supposed death," paliwanag niya.
I looked at my reflection in the card he was holding. It shifted into something else, a scene of what's supposed to happen. Nasaksihan ko kung paano mamatay si... Snow...
Hindi pwede...
Umiling ako at tinanggap ang card. My death's untimely but I will surely do it again if given another chance. I will still save Snow instead of saving myself. She's worth dying for and I am not.
"Tanggap ko naman po ang kapalaran ko," tugon kong sinamahan ko pa ng ngiti. He just looked at me with blank expression.
"You're a second-blood guardian, I assumed you knew things about the Afterlife. There are seven hells that you need to pass. Natubos na ang lahat ng kasalanan mo sa Hell of Murder at Hell of Violence dahil sa pagsuko mo sa Chamber of Torture. Dahil isa ka ring paragon ay ligtas ka na sa Hell of Indolence at Hell of Betrayal. Ang Hell of Deceit, Hell of Lust at Hell of Filial Impiety na lamang ang naiiwan."
"Nasabi nga po ng funeral director namin at ng guardian ng Chamber of Torture iyan. Haharapin ko po kung anumang hatol ang ibigay sa akin dito sa Afterlife."
"Kung gano'n ay kailangan mo nang ihanda ang sarili mo para sa mangyayaring trial sa tatlo pang natitirang impyerno. If you passed all those three, you will be given a chance to be reborn."
Reborn.
Reincarnated.
Nalungkot ako bigla nang maalalang hindi nga pala ako nakapagpaalam nang maayos kay Rum.
Kung sakaling makapasa man ako at maisilang muli ay paano na siya? Nasasaktan ako kasi iniwan ko siya...
"Sir, pwede ko po 'di bang makausap ang mga naiwan ko sa nakaraang buhay ko bago ako isilang ulit?" tanong ko agad nang maalala iyon.
Kailangan kong magpaalam kay Rum. Parang hindi ko kayang umalis nang hindi siya nakakausap.
"'Yan ay kung makakapasa ka."
Tumango at ngumiti bago sumagot. "Ipapasa ko po. Gagawin ko lahat para makausap ang naiwan ko."
"Halika na," aniya bago tumalikod at nauna nang lumabas sa tindahan.
Bago pa man ako makalapit sa pinto ay humarang si Nena at ibinigay sa akin ang isang antigong lampara.
"Madilim sa labas ng tindahan ko. Dahil isa kang kaluluwa ay mahihirapan kang makakita. Siya ang magiging guardian mo at magtatanggol sa'yo sa bawat trial kaya makipagtulungan ka sa kanya. Mabait 'yan, seryoso lang talaga siya kapag may pinoprotektahan," bilin niya sa akin na tinanguan ko naman.
"Tatandaan ko po 'yan."
"Nga pala, isang libo 'yang lampara-"
"Ha?! Naku po, balik ko na lang po 'to. Singkit lang po ako pero malinaw naman po iyong mata ko. Saka pinapakain po ako lagi ni Rum ng kalabasa kaya yakang-yaka ko 'to!" awkward kong tawa kasi wala akong maisip na pambayad sa negosyanteng 'to ng kabilang-buhay.
Natawa siya at pabirong tinampal ako sa balikat. "Sus, ang mura lang n'yan! Hindi naman kita sisingilin ngayon. Basta ako nang bahala," aniya at kinindatan ako.
She held the door open for me. Paglabas ko ay sumindi agad ang lampara kaya nagkaroon ng ilaw sa paligid. Hindi nga siya nagsisinungaling kasi ang dilim-dilim talaga ng paligid at mahamog pa. Napaatras naman ako nang may karwaheng huminto sa tapat ko. Iyong sundo ko ang drayber at nagpapaamo no'ng kabayo.
"Sakay na," utos niya.
Nilingon ko saglit si Nena sa may tindahan niya at kinawayan niya ako habang nakangiti. Tumango ako at sumakay na papasok sa karwahe. Luh, para akong princess pero hindi sa kastilyo ang punta ko kundi sa impyerno.
Nakasilip lang ako sa bintana buong biyahe namin hanggang sa tuluyan na kaming makalabas sa kadiliman at napunta sa isang lugar na puno ng salamin.
"Nasaan na po tayo?" tanong ko kay manong kutsero. Kanina niya pa ayaw sabihin ang pangalan niya, e.
"Hell of Deceit," tipid niyang sagot.
Napatingala ako nang madaanan namin ang signage na gawa sa basag na salamin at may nakasulat na Hell of Deceit gamit ang dugo.
Ewan ko ba kung lutang lang ako o talagang sobrang bilis lang ng mga pangyayari kasi naabutan ko na lamang ang sarili kong nakatayo sa harapan ng isang batang babae na nananalamin. May isang nasa 40's na lalaki rin sa tabi niya na may dalang scroll. Pinaningkitan niya ako ng mga mata niya na tila ba sinusuri ako. Ang sabi ng sundo ko ay ang batang babae raw ang namumuno sa Hell of Deceit at siya ang magsisilbing hukom na magbibigay ng hatol sa akin. Iyong lalaki namang kasama niya ay ang Prosecutor ng Afterlife.
The mirrors were showing the footages of how I deceived people from all ages starting when I was young until I grew up.
"Your Honor, ang lahat nang nakikita niyo ay mula sa kanyang karma at lahat ng ito ay may kaugnayan sa kanyang mga panloloko sa kanyang kapwa noong siya ay nabubuhay pa lamang. Kung inyong mapapansin ay nagsimula siyang magnakaw at manloko noong siya ay bata pa lamang."
Napatitig ako sa salaming nagpakita noong ako ay walong taong gulang pa lamang. Natatandaan ko iyon. Nasa grocery ako no'n at gutom na gutom kasi tatlong araw na akong hindi pinapakain ni mama. May matandang ginang ang nahihirapang magbasa ng mga pinamili niya dala nang kalabuan ng mga mata niya. I offered her my help and seeing that I am a tiny and innocent-looking kid, she let me. Sinamahan ko pa siya hanggang sa counter at tinulungang dalhin ang mga pinamili niya. Nang mabayaran na niya lahat at nang makalabas na kami ng mall ay doon ko na tinakbo at tinangay ang mga iyon. Matanda na ang ginang kaya nang makalayo na ako ay huminto na siya sa kakahabol sa akin at sinapo na lamang ang naninikip na dibdib.
"Nangangailangan siya nang matindi ng mga panahong iyon. She's just a kid and it's stipulated in their mortal law that children are prohibited to work," giit ng aking sundo.
Nang-aasar na natawa ang Prosecutor. "Look at these hypocrites! Mga mortal nga naman, gagawa ng batas na sila rin naman mismo ang lalabag. Have you seen those children who were forced to work on mines and on factories? Dapat pala ay boluntaryong inalok niya na lamang ang serbisyo niya sa mga hipokritong iyon upang hindi na siya magsinungaling at manloko pa ng iba."
I drew my eyes off the scene. She trusted me and I just deceived her. Sumunod namang pumukaw ng atensyon ko ay iyong mamang may convenient store kung saan ako nagmakaawang tanggapin ako sa trabaho nang sa ganoon ay may makain ako. Nahuli niya rin kasi akong nangungupit ng isang lata ng sardinas kaya kinaladkad niya ako palabas ng store niya at papunta sa pulisya. Sana nga na-DSWD na lang ako no'n para may makain ako kaso inaalala ko naman iyong mama ko. Wala siyang kasama.
"Sir, tanggapin niyo na po ako, sir. Kaya ko pong maglinis dito o di kaya magbantay. Gawin niyo po akong katulong, hindi po ako magrereklamo sa sweldo. Kailangan ko lang po talaga nang makakakain," pagmamakaawa nang batang ako sa may-ari. Pinilit ko pang lumuhod at pinaglapat ang mga palad ko para magmakaawa.
Nagulat naman ang may-ari pero umismid din siya at hinatak ako patayo. "Nasaan ba ang mga magulang mo? Tingnan mo nga ang itsura mo, oh! Ang dungis-dungis mo, ang liit-liit mo at ang dami mong pasa! Sino sa tingin mo ang nasa katinuan na tatanggap sa'yo niyan? Baka mapagkamalan pa akong minaltrato ka!"
Noong naranasan ko iyan noon ay akala ko ayos lang ako pero ngayong nasaksihan ko mismo ang naging takbo ng buhay ko at ang itsura ko noong mga panahong iyon ay nakaramdam ako ng pagkahabag para sa sarili ko.
Ang liit-liit ko lang, ang payat-payat, ang dungis-dungis pa at ang daming pasa. Para akong kuting na ginutom at sinipa-sipa dahil walang gustong mag-alaga. Ngayon... ngayon naiintindihan ko na kung bakit laging sinisigawan ni Aunt Jody si mama sa tuwing dadalaw siya sa bahay at makikita ako. Nakakaawa ako...
Hinawakan ko ang kamay ng lalaki no'n at nagmakaawa ulit kaso inisang hawi niya lang ako kaya natumba ako sa may kalsada. Pinilit kong tumayo no'n at kumaripas ng takbo tangay-tangay ang Rolex niyang pasimple kong kinuha nang hawakan ko ang kamay niya.
"Sinubukan niyang alukin ang iba ng serbisyo niya subalit hindi siya tinatanggap ng mga ito. Who would accept a tiny and filthy kid covered in bruises and with records of stealing?" my guardian calmly argued.
"Kaya magnanakaw na lamang siya at manloloko ng iba? Your Honor, kahit anuman ang intensyon at sitwasyong mayro'n siya ay hindi maitatama no'n ang ginawa niyang kasalanan. Narito po tayo upang bigyan nang kaukulang parusa ang sinumang lumabag," baling ng Prosecutor sa hukom.
She eyed me from head to toe. She was about to open her mouth for what I think was her verdict for me but then my guardian spoke once again.
"She did ask for forgiveness and did something to return everything she had stolen. Let her karma show it to you."
Ang mga kaninang ipinakita sa salamin ay biglang napalitan. Medyo malaki na ako no'n pero marami pa ring pasa. Nasa tapat ako ng convenient store no'ng lalaki hawak-hawak ang maliit na kahon na naglalaman ng bagong Rolex. Iniwan ko iyon doon sa harap ng pintuan niya at sinamahan ko pa ng sticky note. I wrote in there my sincere apologies for stealing his Rolex and a can of sardines way back. Dumapo naman ang atensyon ko roon sa isang salamin na ipinakita akong nagdadala ng dalawang malaking supot ng mga groceries. Iniwan ko rin iyon sa tapat ng pinto ng bahay noong matandang ginang na ninakawan ko noon kasama na ang isang sticky note. Nagdoorbell ako bago kumaripas ng takbo. Nang makalayo ay kinuha ko ang maliit na notebook sa sling bag ko at inekis doon ang pangalan ng matanda. Napahalakhak pa ako bahagya nang makita ko ang isinulat ko roon. Hindi ko siya kilala kaya ang inilagay ko na lang doon ay 'Si Lola sa Grocery'.
"Paano-" the Prosecutor stuttered.
"Nais kong ipaliwanag ng nasasakdal ang kanyang panig," putol ng hukom sa kanya.
Tiningnan ko ang sundo ko na tinanguan naman ako. He was encouraging me to explain my side. I nodded and bravely faced the judge of the Hell of Deceit.
"Hindi ko itatanggi lahat ng mga nagawa kong mali kasi parte ko iyon na hindi ko naman ginusto kaya pilit kong tinama at binago. Lahat-lahat ng mga ninakawan at niloko ko ay tinandaan ko. Sinundan ko kung saan sila nakatira tapos isinulat ko sa maliit kong notebook iyong utang ko sa kanila at kung saan ko sila mababayaran. Medyo matagal bago ko naisuli at napalitan lahat kasi... kasi kinailangan ko pang mag-ipon. Iyong kinikita ko sa mga laban ko noon, nagtatabi ako para mabayaran sila."
I chuckled and continued. "'Sabi ko sa sarili ko no'n, 'di bale nang magmukha akong bugbog sarado basta mabayaran ko lang sila kasi alam ko... kakailanganin din nila ang mga iyon pagdating ng panahon. Sorry po, sorry kasi napilitan lang ako, e. Higit apat na araw na akong walang kain no'n at nanginginig na. Maniwala po sana kayo sa akin kung sasabihin kong masakit din po para sa aking makita na iyong tiwalang ibinigay nila sa akin ay tinapon ko lang nang basta-basta. They trusted me and I deceived them but believe me, it hurts me too seeing how I disappointed and hurt them."
Walang nagsalita ninuman pagkatapos kong magpaliwanag hanggang sa binasag ng hukom ang katahimikan.
"Handa na ang aking hatol."
"Pero, Your Hon-"
Naiinis na binalingan ng hukom ang Prosecutor na nagmamadali at natatarantang binuksan naman ang kanyang scroll.
"Tuttieana Darcy Vega is not guilty," the judge of the Hell of Deceit announced.
NABAGOT AKO SA likuran ng karwahe kaya tumabi ako sa sundo kong kutsero.
"May burger ka po?" tanong ko sa kanya.
"Kaluluwa ka na at nasa Afterlife ka kaya imposibleng magutom ka pa," aniya.
Napahagikhik naman ako. Sinubukan ko lang naman. Hindi naman talaga ako nakakaramdam ng gutom. Gusto ko lang talagang kumain ng borger, frays saka milkti bago ako ma-reincarnate.
"May pangalan po ba kayo o talagang guardian o sundo lang tawag sa inyo?" pangungulit ko ulit. Hindi naman niya ako sinagot.
Muling sumindi ang lampara dahil napunta na kami sa isang lugar na may pulang ilaw, as in pula lahat. Ang sakit sa mata no'ng kulay tapos may mga halinghing at ungol pa kaming naririnig, luh.
"Nasaan na po tayo?" tanong ko sa sundo ko.
"Hell of Lust," sagot niya at itinigil ang karwahe sa tapat ng isang motel na may neon sign pang kulay pulang Hell of Lust.
Tinulungan ako ng guardian kong bumaba saka kami sabay na pumasok sa loob ng motel. Kaagad naman kaming sinalubong ng babaeng nakahiga sa isang king-sized bed na nakahubad. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing may dalawang hubong lalaki rin na nakatayo sa magkabilang bahagi ng kama niya.
Kaagad naman akong nagtakip ng mga mata at sumigaw. "Hindi ko po tinapos ang Fifty Shades, maniwala po kayo!"
Wala talaga akong ideya kung bakit nasasakdal ako rito. Wala akong makitang dahilan para kailangan mahatulan ako sa impyernong 'to.
Humalakhak ang babae. Sinilip ko siya sa pagitan ng mga daliring nakatakip sa mga mata ko. Tumayo naman siya mula sa pagkakahiga at inangat ang mga braso niya. In fairness, ang sexy niya, naol. Nagbaba naman ako ng tingin saglit sa aking pyutur at naismid na lamang ako sa sobrang disappointment. Malnourished.
Sinuotan no'ng dalawang lalaki ng roba ang babae na siya namang naglakad papunta at paupo sa grandfather's chair niya. Nakasilip pa rin iyong cleavage niya, kainggit.
"Bakit po ako nandito sa Hell of Lust?" tanong ko agad kasi naguguluhan ako.
"You don't know?" she asked, surprised.
Umiling naman ako. "Hindi po. Promise po, hindi po talaga ako nanonood ng porn. Lagi lang po akong nagma-marathon ng We Bare Bears."
Nasilip ko pang napangiti ang sundo ko sa gilid ko.
Napatakip naman ako ng bibig nang may matanto. "Oh my goodness! This might be a mistake. FoodHub po iyong Youtube channel ko, hindi PornHub."
My guardian chuckled lightly. Iyong hukom naman ng Hell of Lust ay napanganga, hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.
"Well, you're here because..." pambibitin niya.
"Nandito ako because?" tanong ko pabalik habang slightly naka-kunot iyong noo, curious at atat na sa sagot.
"You had a secret relationship with your stepbrother," paliwanag ng Prosecutor na bigla na lamang sumulpot sa tabi ng hukom.
"It was purely platonic," giit ng sundo ko.
"No," I disagreed immediately. Napangisi naman ang Prosecutor. That's one point for him.
Binalingan ako ng sundo ko at seryosong tiningnan. "Didn't I tell you not to disagree with me during the trial? I'm the one who's trying to defend you here."
"I'm sorry," sagot ko na lamang.
The judge of the Hell of Lust leaned on her seat and placed her chin on the back of her hand.
"Show me her karma," she ordered.
Mabilis namang tumalima ang Prosecutor at sinindihan ang torch na nasa gilid nila ng hukom. The red fire replayed mine and Rum's intimate moments. We never had sex, for goodness sake! Those were all hugging and kissing on the lips, neck, and nape, and he's not my stepbrother!
"Those moments are counted under lust, and with your stepbrother, really?" the Prosecutor explained.
"They're not step siblings. The documents were falsified. Kasal si Sebastian Sandros sa asawa niya ng mga panahong iyon kaya void o walang epekto ang pagsasama nila ni Tatiana," my guardian countered.
"Ang tanong ay alam ba ng nasasakdal iyon ng mga panahong iyon?" banat ulit ng Prosecutor na siyang nagpatahimik sa sundo ko.
Hindi ko alam... and that means, in my eyes, stepbrother ko talaga si Rum but I had a relationship with him. Hindi tama iyon pero ipinagpatuloy pa rin namin.
"Ngayon ay tatanungin ko ang nasasakdal," ani ng Prosecutor.
"Alam mo ba ng mga panahong iyon na walang bisa ang kasal ng ina mo at ni Sebastian Sandros?" dagdag niya.
"Hindi po," tapat kong sagot.
"That means, ang alam mo lang noon ay stepbrother mo si Rum at legal ang pagsasama ng mga magulang niyo?" pang-uusig niya pa.
"Opo..." halos pabulong kong tugon.
He smirked and resumed. "Ibig sabihin, you are aware that having a secret relationship with Rum, your stepbrother, was wrong."
Hindi ako sumagot.
"Kailan mo lang nalaman na hindi mo siya totoong stepbrother dahil walang bisa ang mga dokumento ng kasal ng mga magulang niyo?"
"Seven months after my mother died."
"Kailan kayo nagsimulang maging magkarelasyon ni Rum?"
"A year after our parents' fake wedding."
He smirked and faced the judge. "There you go, Your Honor. She must have mistaken love for lust and that's why you need to punish her."
"It was an honest mistake, then. She was young and didn't know what love is-"
"Can I speak for myself?" seryosong tanong ko habang nakatitig sa hukom. Wala na akong pakialam kung pinutol ko ang sariling guardian ko.
"Go," ani ng hukom.
"Totoong hindi ko alam na peke ang kasal ng mga magulang namin noong naging kami ni Rum. Totoong mali iyon. Totoong nagkamali ako at totoong bata pa ako no'n kaya humihingi po ako ng tawad dahil doon. Pero may isang bagay akong alam at pinanghahawakan kong totoo sa puso ko at 'yon ang katotohanang mahal ko siya. Mahal na mahal ko po siya..." My eyes began to sting.
The red fire suddenly reflected some memories I had with Rum, the ones I have treasured the most.
Nandoon iyong mula sa UP ay ba-biyahe siya ng halos isang oras araw-araw pauwi ng Sentosa para sunduin ako sa paaralan ko. Walang palya iyon. Ipinakita rin doon kung paano ako alagaan ni Rum nang magkasakit ako. It was the first time someone told me that it's okay to feel sick and tired because he's there to take care for me.
"Sandali lang, may regalo pala ako sa'yo," aniya habang pauwi kami isang hapon.
May inilabas siyang supot sa satchel niya na ikinatuwa ko naman dahil mahilig ako sa mga tali, scrunchie bandana at laso sa buhok kahit noon pa man. Kinuha niya ang isang pulang laso at umikot papunta sa likuran ko para itali iyon doon.
"Napansin ko kasing mahilig ka sa mga ganito. Sana magustuhan mo," he told me and that's when I knew I fucked up.
"Hoy, Tuttieana, umayos ka. Stepbrother mo 'yon at alam mo naman iyong nanay mong demonyita, iba ang plano. Kaya kung ako sa'yo mas maigi pang umiwas ka na lang," pangaral ni Aunt Jody sa akin habang lumalamon ako ng lomi. Nakatambay ako sa may food truck nila.
Business nila 'tong tatlo nina B1 at B2 kung hindi sila nagnanakaw. Tiyempo namang sa labas ng school ko sila nagbenta. Si B1 ang taga-luto, si B2 ang taga-bigay ng order tapos si Aunt Jody naman ang kumukuha ng order at siyang boss.
"Isang lomi," order ng isang payat na lalaking lumapit sa truck.
"Iniiwasan ko naman, Aunt Jody, e. Kaso hindi ko mapigilan iyong nararamdaman ko."
"Patay tayo r'yan."
"Isang lomi."
"Aunt Jody, ano nang gagawin ko?"
"Iwasan mo! Lumayo ka sa tukso, Tuttieana!"
"Isang lomi!" ulit no'ng lalaki sabay katok na sa counter ng truck.
"Hindi ako bingi! B2, isang lomi nga para sa butiking 'to!" pasigaw na utos ni Aunt Jody kay B2 na nagmamadali namang kumilos.
"Doll..."
Namilog ang mga mata ko nang marinig ang boses na iyon. Nagkatinginan kaming dalawa ni Aunt Jody. Sinenyasan niya akong tumayo na at umayos. Kaagad kong kinuha ang backpack ko at tumayo na para umalis kaso bumalik ulit ako sa upuan ko para higupin at ubusin ang inorder kong lomi. Sayang, e! Kumaripas agad ako ng takbo pauwi sa mansyon namin pagkatapos.
Napahalakhak ako nang maalala iyon habang nanlalabo na ang mga mata ko. Para kaming mga sira ni Rum na naghahabulan. Gusto niya akong makausap pero hindi ko siya hinahayaan kaya binibilisan ko pa ang takbo ko sa tuwing malapit na niya akong maabutan. Nang malapit na kami sa mansyon ay doon lamang siya um-overtake sa akin at hinarangan ako.
"Iniiwasan mo ba ako?" malungkot niyang tanong.
"Hindi... Hindi. Bakit naman kita iiwasan? Wala naman akong utang sa'yo," awkward kong tawa kasi wala na akong ibang maisip na palusot.
"Bakit lagi kang nauunang umuwi? Bakit hindi mo na ako hinihintay sa school mo?"
"Ano... maaga kasi iyong uwian namin, e. Kaya gano'n."
"Bakit noong isang araw na susunduin sana kita ay tumakbo ka rin at nagmamadaling sumakay ng jeep?"
"Ano kasi... uhmm... busy ako. Maraming assignments kaya kailangan double time."
"Busy din naman ako pero lagi akong may time para sunduin ka," sagot niya na may malungkot na ngiti sa labi. It even made sense kasi college na siya samantalang Grade 12 pa lang ako no'n tapos sa malayo pa siya nag-aaral pero araw-araw siyang umuuwi sa Sentosa.
I stomped my right foot and scratched my head. Wala na akong takas sa kanya no'n kaya kailangan ko na siyang komprontahin.
"I know you care for me pero please hindi mo naman kailangang bumiyahe ng isang oras para umuwi at sunduin ako sa school araw-araw. Please lang, Rum. Please lang!"
Nagkatinginan kami. I saw the hurt in his eyes but I refused to recognize it. He nodded slowly and stepped aside.
"Naiintindihan ko."
"Mabuti naman kung gano'n," prangkang sabi ko sa kanya.
Nilagpasan ko na siya para pumasok sa gate nang mapahinto ako dahil sa tawag niya.
"Doll..."
"Bakit?" baling ko sa kanya.
Katahimikan.
Hindi ako nagsalita. Hinintay ko siya kasi ayokong baka may masabi akong pagsisisihan ko habang buhay.
Lumunok siya bago ako tiningnan nang diretso sa mga mata. The lampposts illuminated his alluring blue orbs. They were sad yet determined.
"Mahal kita."
Hindi ko alam ang isasagot.
"Mahal din naman kita, e," makahulugan kong sagot.
He smiled sadly and replied, "I know we're both aware that it's not brotherly love."
Hindi ulit ako nagsalita. He advanced towards me and I looked down immediately. He held my chin and made me look at him.
"You are my blessing, doll. The one that I have been waiting and praying for so long," he said before pecking on my lips.
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at ngumiti upang ipagpatuloy ang pagpapaliwanag ko.
"Tama iyong sundo ko, e. Hindi ko talaga alam kung ano iyong pagmamahal. Kasi iyong klase ng pagmamahal na alam ko simula bata ako ay dapat ako iyong laging nagbibigay, nagpapatawad, umuunawa at hindi nang-iiwan. Lahat nang iyon para sa mama ko pero... pero... noong makilala ko si Rum, nalaman kong higit pa pala 'yon do'n. Natanto kong dapat dalawa kayo. Dapat, dapat hindi lang ikaw 'yong bigay nang bigay. Dapat... dapat magtira ka para sa sarili mo. Dapat... dapat humanap ka rin ng isang taong tatanggap at magmamahal sa'yo. Prosecutor, Your Honor, guardian, it's not lust. It's true love. Kasi hindi lang ako tinuruan ni Rum na magmahal. Tinuruan niya rin akong magmahal nang totoo," umiiyak subalit nakangiti kong paliwanag sa kanila. It feels so good to cry and let it all out.
"Prosecutor, I am ready to give my verdict."
Suminghap si Prosecutor at inilabas na ang kanyang scroll. Surprisingly, he didn't argue with me.
"Dismiss all her charges under the Hell of Lust because she's not guilty," the judge of the Hell of Lust announced while giving me a smile.
FEAR AND ANXIETY are two normal human responses to situations they find dreadful and worrisome. Ang hindi ko lang inaasahan ay yaon ang eksaktong mararamdaman ko ngayong nasa tapat na ako ng Hell of Filial Impiety.
"Ang impyernong nagpaparusa sa mga anak na nawalan nang paggalang at nakagawa nang masama sa kanilang mga magulang," my guardian explained.
Nasa gitna kami nang malawak na anyong tubig. Kumikinang at sobrang linaw ng repleksyon ng aking sarili rito. Sakay kami ng isang malaking de-kawayang balsa.
"Kapag nalampasan mo ang impyernong ito ay maaari ka nang maisilang ulit at makausap upang magpaalam nang maayos ang taong gusto mo sa panaginip niya."
"Paano kapag hindi ako nakapasa?" wala sa sariling tanong ko.
"Lulunurin ang kaluluwa mo rito at hindi ka mabibigyan ng pagkakataong maisilang ulit," sagot niya.
Ni tango ay hindi ko magawa sa sobrang takot at kaba. We moved forward and towards the man who sat on his wooden throne. He has long green with intricate gold carvings outfit. Seryoso lang siya, hindi kagaya ng mga naunang hukom na kakikitaan ng ibang emosyon at ekspresyon.
Ang Prosecutor ay nakangisi na sa gilid niya na natitiyak kong alam na ang katotohanang pinilit kong kinalimutan at ikinubli.
"Ano ang kaso ng nasasakdal?" tanong ng hukom.
Itinaas ng Prosecutor ang kamay niya at kasabay no'n ay ang pag-angat din ng tubig sa pagitan namin.
The scene I have long kept flashed on the clear waters.
"As you can see, Your Honor, her karma is showing us the exact day where she planned on killing her own mother," nakangising hayag ng Prosecutor.
Ipinakita no'n ang araw na sinabi ng Prosecutor at ang parehong araw na pinili kong lumayas at maglaho. Kapwa kami nabaril pero mas malala ang sa kanya. Ako na sinalo ang bala na para kay Gov at siya na binaril nang maraming beses ng mga pulis dahil nagwawala na rin. It showed that after my operation, I woke up and pushed myself to stand up. Walang nagbabantay sa akin no'n dahil narinig kong nagpaalam si Rum na uuwi muna sa mansyon saglit. Hinalikan niya ako sa noo at umalis na. Kumilos agad ako pag-alis niya dahil alam kong pipigilan niya ako sa plano ko. I disguised myself as a nurse, wearing the scrubs I had stolen from the staff room. Nagsuot din ako ng mask at inayos ang paglalakad ko kahit na masakit pa ang tahi ko mula sa operasyon upang hindi nila ako mahalata. May dala rin akong scalpel. I was able to sneak into her room. There were machines attached to her.
"She didn't do it," my guardian defended.
"But she planned on doing it and that counts to her sin, a grave sin under the Hell of Filial Impiety," the Prosecutor argued.
Walang emosyong pinanood ko lang ang flashback. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Alam kong hindi tama iyon kaya hindi ko tinuloy. I hate how odd she had turned my life into.
"Plinano mo ba talagang patayin ang iyong ina?" walang pag-aalinlangang tanong ng hukom sa akin.
"Opo," sagot ko nang hindi inaalis ang mga mata sa pinapanood.
"Bakit mo ginawa iyon?" he probed more.
Matagal bago ako nakasagot.
Should I fight for my chance to be reborn and to speak with Rum to say goodbye? Or should I just stay here, drown my own self to pay for the sin I have committed to my own mother? Either way, I lose. Hindi mababawasan ng alinman no'n ang mararamdaman kong pagsisisi, sakit at paghihinayang.
"Uulitin ko ang tanong, bakit mo ginawa iyon?"
"I want her gone... That's it... I want her dead..."
"Makes sense. Her mother wasn't exactly good to her when she was alive," my guardian defended me.
"It's wrong in any way, guardian. Killing your parents just because they did you no good will never be a valid reason in the Hell of Filial Impiety," ani ng Prosecutor.
Nanlalabo man ang mga mata ay ipinagpatuloy ko ang panonood. I was already standing beside her lying and unconscious body. Inangat ko ang scalpel and was ready to stab her. Handang-handa ako no'n at plinano ko nang maigi ang lahat. Pero nang nandoon na ako, naduwag ako. The tip of the scalpel was so close to her chest na isang tulak na lang ay tuluyan na iyong babaon at mawawala na siya, but I backed out. Tinapon ko iyong scalpel at napasalampak ako nang upo sa sahig, sa gilid pa rin ng kama niya habang umiiyak. Iyon ang huling beses na umiyak ako noong buhay pa siya.
"Ma, ang sama-sama mong tao. Ang damot-damot mo sa akin. Bakit gano'n ka, ma? Alam mo ba tuwang-tuwa ako noong dumating ka isang araw para kunin ako kay Aunt Jody. Sabi ko sa sarili ko, sa wakas... sa wakas, may nanay na akong dadalo sa PTA meeting ko... tapos... tapos iniimagine ko, dadalhin mo ako sa Jollibee, kakain tayo ng paborito kong spaghetti... tapos bibilhan mo ako ng laruan. Pero bakit gano'n, ma? Bakit sinunog mo 'yong mga gamit ko sa eskwela?" Nahinto ako saglit para punasan ang mga luha kong nag-uunahan sa paglabas.
"Bakit... bakit hindi mo ako pinapakain? Bakit... bakit hinayaan mo akong makulong sa hawla at mabugbog sarado sa harap ng maraming tao? Bakit ipinasok mo ako sa mga sindikato? Ma, alam mo... wala naman akong hinangad kundi ang magandang buhay para sa'tin, kahit para sa'yo na lang. Ang daya-daya mo naman, e. Kasi sa lahat-lahat ng pagkukulang mo sa akin at sa lahat-lahat ng kasalanan mo sa akin, niminsan, ni isang beses, hindi ka humingi ng sorry..." humahagulgol kong sabi, iniisip na nakikinig siya kahit na mukhang malabong pakinggan niya ako.
"Pero alam mo 'yong mas nakakatawa? Kasi... kasi... kahit na hindi mo hingin sa akin 'yon, ibibigay ko sa'yo 'yong kapatawaran ko kasi, ma, alam mo... kahit gaano ka pa kasama, mahal na mahal kita, e... Mahal na mahal kita... Mahal kita, ma, kaso... kaso pagod na pagod na ako, e. Ayoko na. Suko na ako... Gusto ko nang magbagong buhay..."
Tahimik kaming lahat matapos masaksihan iyon.
"She didn't do it and have asked for forgiveness," hayag ng sundo ko.
"But forgiveness wasn't given," kontra ng Prosecutor.
"How can you be so sure of that? This is her karma. Why don't we see her mother's karma?" ani ng guardian ko at binalingan ang hukom.
"Your Honor, I am requesting access to view Tatiana Vega's karma to find out the truth," he requested.
Tumango ang hukom at inanunsyong, "Request granted. Where is Tatiana's soul?"
"S-si m-mama? Nasaan siya?" pumipiyok kong tanong sa kanila.
"Her soul's trapped in an ice cube for twenty years for failing in the Hell of Violence, Your Honor," paliwanag ng Prosecutor.
"Twenty years? Disobedient souls are bound to stay there forever," naguguluhang puna ng hukom.
The Prosecutor darted my guardian a sideway glance before returning his attention to the judge of the Hell of Filial Impiety.
"Someone offered another twenty years of his service to have her soul reincarnated after the said length of time," paliwanag ulit ng Prosecutor bago sinummon ang karma ni mama.
Nawala iyong alaala ko sa nangyari at napalitan nang parehong eksena pero nang ibang pokus. It was my mother, Tatiana. I was crying on the side while she was still lying on her bed. Namilog ang mga mata ko at napaluha nang mapansin kong umiiyak din si mama.
"She was listening," ani ng guardian ko.
"But that still isn't a confirmation that she granted her daughter the forgiveness," sagot ng Prosecutor.
Lumapit ako sa lumulutang na tubig sa pagitan namin at napaluhod sa tapat no'n saka pilit na inabot ang repleksyon ni mama roon.
"I'm sorry, ma... I'm so sorry, ma... Patawarin mo ako... Mahal na mahal kita... I'm sorry, ma..." humahagulgol kong paghingi ng tawad kahit sa karma na lamang niya.
"D'yan ka nagkakamali, Prosecutor. Parents have different language of love and so as their ways of forgiveness, and Tatiana expressed hers through her tears." Lalo akong napahagulhol sa winika ng guardian ko. Pinatawad ako ni mama kahit sa huling hininga niya. Forgiveness is love and that's all I need.
"Handa na ang aking hatol para kay Tuttieana Darcy Vega," ani ng hukom.
Inihanda ng Prosecutor ang kanyang scroll.
"I grant her reinca-"
"I have a proposition to make, Your Honor," dinig kong putol ng aking sundo.
Napatingin ako sa kanya nang lumuhod siya sa tapat ng hukom ng Hell of Filial Impiety.
"Bilang isang magulang, I offer my eternal servitude in the Afterlife in exchange for my daughter's resurrection," aniyang ikinagulat ko.
The Prosecutor smirked but readied his scroll. "After offering twenty years of your service to save your wife, here you are again, offering yourself to stay here forever for your daughter's life. How tragic your story is, Darcy."
Dahan-dahan akong tumayo. Muntik pa akong matumba pero kinaya ko para lang malapitan ang ama kong buong akala ko ay hindi ko na makikilala. He's on his knees, begging for my own life and resurrection.
Tinakpan ko ang bibig ko upang hindi kumawala ang hikbi ko habang umiiling at patuloy na umiiyak.
"P-Papa... Papa..."
🄱🄴🄰🅂🅃 🄲🄷🄰🅁🄼🄸🄽🄶🅂
Buhat-buhat nang lumuluhang si Rum ang bangkay ni Tutti na ipinuslit niya kanina sa morgue. Inilayo niya ito sa iba at dinala sa may dalampasigan. Gusto niya munang solohin ang sinisinta. Hindi man lang siya nakapagpaalam nang maayos dito.
He gently placed her body on the sand with her head lying on his lap. He was crying when he took the small velvet box out of his trousers' pocket. He opened it and pulled the silver ring inside it. Matagal na niyang suot ang isa. Hindi niya pa nga lang nabibigay ang isa pa kay Tutti. He bought it after they made a promise to be with each other in front of Father Frodo. He slid it on her ring finger and kissed her cheek.
"I'm so sorry, doll. It took so long for me to give you this. Pasensya na kung nahuli 'yong singsing," he told her.
"I'm really, really sorry, baby. I wasn't able to save you. I'd rather be with you than live alon-"
He stopped when he noticed that she stirred. Nang magmulat ng mga mata si Tutti ay nagkatinginan sila. Sumigaw ang babae at mabilis na umupo at lumayo kay Rum.
"S-Sino ka?! B-Bakit duguan ka?" sigaw ni Tutti.
Nagimbal kasi siya sa duguang itsura at damit nito. When she looked at her clothes, she noticed that it was covered with blood too.
Rum blinked three times while looking at her. He couldn't believe what he just witnessed. He was sure she had no signs of life seconds ago and for about hours but then here she is, alive, kicking, shocked, and shouting.
"Teka, bakit duguan din ako? Hala, sino ba ako?" naguguluhang tanong ni Tutti sa sarili.
Rum doesn't know what and how exactly it happened. However, he was sure that he's grateful and wants to be with her even if that means they have to be away from others for the meantime while figuring out everything. He wants to start a new with the love of his life.
He licked his lips and calmed down before smiling at her.
"Ikaw si Tutti at ako si Rum. Mag-asawa tayong dalawa," he told her then Tutti noticed the identical rings they are both wearing.
She looked at him again and asked, "Legit?"
Rum smiled widely and hugged her tightly then he whispered tearfully, "Thank God, you are alive. I love you, doll. I love you so much."
•|• Illinoisdewriter •|•
Book 2 will be written after Hotel Grimm (altho it's stand-alone, it's connected with Beast Charmings). See you, Charmings! 🧡✨
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top