Simula

He's a first year college and I'm a high school student.

He's 19 and I'm 14.

He's one of the best player and I'm one of his admirer.

He's everyone's attention while I was just a nobody.

Malayo ang agwat namin pero noon pa man, I know, I am deadly in love with him. Sigurado akong hindi lang ito paghanga kasi ilang taon ko na siyang gusto. Sabi nila, matatawag mo lang na crush 'yon kung hindi pa ito umabot ng pitong buwan but I've been romantically attracted to him for more than 7 months!

Ilang taon ko na siyang sinusubaybayan kahit na minsan it's already over the line dahil alam kong kahit kailan hindi niya ako makikilala at mapapansin because I'm just one of those admirers. In his eyes, isa lang akong batang grade 9 na malayong malayo sa mundo niya.

Mas lalo lamang lumalalim ang nararamdaman ko tuwing pinapangalandakan ng paaralan namin ang husay niya kapag nakakauwi ng awards galing sa ibang tournamento.

At kung maaari, halos lahat ng mga liga nila pinupuntahan ko. Kapag breaktime naman tatambay ako kung saan sila madalas kumain makasabay lang kahit na hanggang tingin lang. Lagi akong dumadaan sa harap ng room nila kahit na may mas malapit namang hagdanan sa harap ng classroom namin pero pinipili paring dumaan sa mini bridge ng ikalawang palapag para masilayan ito kahit saglit lang. Sa madalas kong pagsilip sa kanya tuwing napapadaan, I even know where he usually sit or even notice where he used to go when their teacher is not yet around. These are the reasons I am certain that this is not infatuated. Kahit bata pa ako sa paningin niya o paningin ng lahat, I know, this is not just a crush or a puppy love, I love him more than that.

"Pio!!" Naputol ako sa pinapanood ko ngayon na match practice sa outdoor basketball ng school nang maramdaman ang siko ng isang kaibigan ko sa gilid. Nasa corridor kami nakaupo sa mga upuan na may lamesa sa gitna harap ng classroom namin. Mula dito sa itaas, kita dito ang malawak na oval kung saan madalas doon nagprapractice at naglalaro ang mga kasali sa ibat-ibang sports. Nasa second floor kami ng building namin at kanina pa ako abala sa panonood.

Itinuro ng kaibigan ko ang lalaking hingal na hingal at tagaktak ang pawis habang naglalakad palapit sa amin. Umirap ako nang makita sila. Siguro naglalaro na naman sila ng habol-habolan. Huminga ako ng malalim.

Bago pa sila makalapit sa amin, umalingaw-ngaw ang hiyawan at panunukso nila sa amin. Sanay na ako doon kasi kahit na tuksuhin ako sa kanya, alam ng buong kaklase ko na noon pa man may nakakuha na ng atensyon ko at 'yon ay si Gael Elliott Nuevas, ang dahilan kung bakit mas lalo nakilala ang paaralan namin sa ibang karatig. He's popular in the college building at kahit dito sa high school, kilalang kilala siya.

"Pio, kanina ka pa hinahanap niyan!" dinig kong sabi ng isa pang kaklase.

"Bat' ba ayaw niyong sumali sa amin. Hindi ba kayo nagsasawa kapapanood diyan sa mga freshman." inis na tugon ni Seig nang makalapit sa amin.

"Duh! Would you really expect us to play habol-habolan?" Si Blair.

Si Seig, ang bunsong kapatid ni Gael. Kung sinuswerte ka nga naman, kaklase ko ang nakakabata niyang kapatid. Kung tititigan ng mabuti, Seig is like a kid version of Gael. Matalino si Seig at halos lahat ng mga pinagaaralan namin, he already knows bago pa namin pag-aralan kaya madalas, sakanya kami nagpapatulong at nagpapaturo.

Alam niyang may gusto ako sa kuya niya at madalas ko siyang kulitin lalo na kung patungkol ito kay Gael. Pero wala akong makuhang matinong impormasyon galing sa kanya.

Sumiksik siya sa tabi ko tsaka hinarap ako na nakapangalumbaba. I raised my brows as I looked at him lazily.

"Will you stop watching my brother?" Mahina iyon pero sakto lang na marinig ng mga nasa lamesa namin. Our friends laughed in amusement.

"Dito naman si Seig oh!" sabay siko ni Ruben sa katabing si Seig.

"Wala akong pake." tamad kong ibinalik ang paningin sa mga freshman na abalang nagprapractice para sa laban next week.

Kahit tirik na tirik ang araw, ramdam parin iyong haplos ng mainit na hangin.

"Maglaro na lang uli kayo doon." pagtataboy ni Shee.

"Tsk!" sabay tayo ni Vince. "Sali na kasi kayo, ang boring kami kami lang."

"Hindi ba kayo nagsasawa sa laro niyong 'yan? Para kayong mga bata!" si Blair na stress na stress.

"Tara, Seig. Sungit niyo naman." bago pa nila tuluyang hatakin si Seig sa kinauupuan. My body stiffened and I almost puke because of what he whispered.

He smirked. "Stop wasting your time because he already has a girlfriend."

"Ano?" I couldn't control myself because of his instant statement. Hindi lang ako makapaniwala sa narinig. Hindi naman impossible iyon dahil noon pa man, madami ng umaaligid sa kanya at nagpapakita ng mga motibo pero I haven't saw him with a girl. Wala pa akong nakitang babaeng nakakasama niya bukod sa grupo o narinig tungkol dito.

"Seryoso kaba?" Nagdadalawang isip kong tanong nang makitang sumama na ito sa mga kaibigan paalis.

Buong araw hindi naalis sa isipan ko iyong sinabi niya. Bago ko pa siya matanong ng tapatan, tumakbo na ito paalis kaya naiwan ako doon sa kinauupuan kanina tulala habang iniisa isang iniisip iyong mga babaeng madalas niyang nakakasama sa grupo.

Nang makahanap ng tsyempo matapos ang isang klase namin, agad kong tinabihan si Seig na abalang nakikipagbatuhan ng papel.

"Aray!" reklamo nung babaeng nasa harapan nang matamaan ito. Napailing ako sa nakita. Kahit kailan, wala paring pinagbago!

"Seig." sabay kalabit ko nang makaupo sa tabi niya. He was about to throw again the crumpled paper but got distracted when I called him. He looked at me with his questioning eyes.

"Sino?" I asked but still he didn't get what I am asking. Umiling ako tsaka siya inirapan.

"Ang slow mo naman." inis ko.

"Bigla bigla kang sumulpot tas tatanongin mo ako kung sino? Who would know?" Aniya sabay balik uli sa pakikipagbatuhan.

"I want to know kung sino iyong girlfriend niya, sino? At kung nangtritrip ka lang kasi alam ng buong campus na si Maui iyong huli niyang naging girlfriend and that was 2 years ago!" I tried to deliver it in a calm way but still, dirediretsyo kong sabi. Bago niya ako lingunin, ibinato niya iyong papel na iniipon niya sa upuan.

He frowned while the side of his lips slowly rose up. It was as if he was processing what I said. Matalim ko siyang tinitigan pero agad din naman niya itong pinutol. Siguro napagtanto na iyong sinabi ko.

"Tsk. Ano naman kung meron o wala siyang girlfriend. Tsaka, I'm his brother. Nasa iyo na iyan kung ayaw mo akong paniwalaan." Kumpyansa niya sabay taas ng dalawang kilay.

"Give up already. His way too old for you. Bat hindi ka maghanap ng iba diyan, 'yong mas bata... o... iyong kasing edad mo din..." I waited to hear more pero tumayo na ito at iniwan ako doon. Imbes na pigilan siya, sinundan ko lamang ito ng tingin habang palabas. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya kasi I didn't get the answer that I want to know.

Kung may girlfriend nga siya, this won't stop me from liking him. Hindi naman illegal iyon hindi ba? I laughed a bit nang maisip na I'm like his concubine then I shivered with the thought that just crossed in my mind. Ni wala ngang namamagitan sa amin paano ako magiging concubine. Umiling ako sa naiisip. Tsaka it's not like its a crime to still love him kahit na may girlfriend na siya as long as I don't do petty things. Mananatili parin akong admirer niya.

"Malapit na semstral break natin at nagplaplano iyong homeroom teacher natin ng resort outing." I heard Shee while we are walking in the shed in front of the primary school. Dito na din namin hinihintay ang mga sundo namin. I sat down on the long bench habang sinisikap na makisali sa usapan nila.

Si Shee at Blair ang madalas kong kasama. Marami kaming magkakaibigan pero silang dalawa lang 'yong madalas kong sabihan ng mga secrets ko except that everyone in our section know that I've been longing for Gael kahit na natural lang iyon kasi hindi lang naman ako nagiisa sa pagkakaroon ng feelings sa kanya. Kaya hindi nila iyon inaantala dahil its just a poppy love, nothing serious but they won't understand it because they are not the one who feels it. Kaya patuloy sila sa pang-aasar sa amin ni Seig na kalaunan nakasanayan ko din.

"Sasama ka diba? Pio?" I got cut off on my thoughts and immediately looked at them. Nanliit ang mga mata nila nang mapansing hindi ako nakikinig sa kanila.

"Sa...sasama saan?" They rolled their eyes after hearing my question.

"Kanina pa ako daldal ng daldal dito pero hindi ka pala nakikinig. Saan ba naglalakbay ang isipan mo?" Blair's eyebrows raised and stopped to wait my answer.

"Tsk. Sa outing. Sasama ka diba?" She gave up. Humugot ito ng malalim na paghinga nang napansing I won't answer her question. Akala ko tapos na sila sa paguusap tungkol sa outing pero 'yon parin pala ang pinaguusapan nila.

I paused a bit. Ewan ko kung makakasama ako dahil kailangan ko pang bantayin si Zell kahit na naghire naman si Mom at Dad ng magbabantay sa kanya. Tsaka strikto si Mom and I doubt kung papayagan niya ako!

"I'm not sure." kibit-balikat ko. Blair rolled her eyes. It's not that I don't want to go and it's not that I want to go either. Hindi ko rin naman kasi maeenjoy kasi hindi din naman ako marunong lumangoy.

"Tsaka... kailangan kong bantayan si Zell." Dugtong ko kahit na they won't accept my reason.

"Meron naman si Aling Linda ah? It's her job to look after your cute brother." Si Shee.

"We won't see each other after the outing. At least before we go on vacation, we have time to enjoy together." pagpupumilit ni Blair. Niyugyog nila ang braso ko. Napalundag ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ang malisyosong sundot ni Shee sa tagiliran ko. Matalim ko siyang nilingon.

"Tsaka panigurado akong sasama din si Seig!" They laughed together after the tease. I glared at them but they didn't stop.

"Ano naman kung nandoon siya." inis ko. "Sa likot niya..." I stopped. Naalala na kukulitin ko na lang siya hanggang sa sabihin niya kung sino ba 'yong special girl. I couldn't hide the pain, dismayed and sadness after thinking that he has someone already.

Swerte nong babae kung sino man iyon. He's almost perfect but not quite. He's handsome, given na iyon, he's smart, skilled, friendly and not a playboy. I know he's not a playboy. He still has a respect towards his admirers at isa iyon sa mga nahangaan ko. Paano ako nakakasigurado na hindi siya playboy? I've been on the side watching him and I witnessed how he cared and sweet he was in his past relationships and the unsure reason why they broke up, no one really knows. Hindi siya 'yong tipong hahanap ng panibago at mabilis magpalit kapag naghihiwalay. He's loyal and that's what makes me realize na hindi lahat ng mga gwapo ay playboy!

"Baka mahulog ka?" Tuloy ni Shee sa sasabihin ko. They smile maliciously. Umiling ako.

"Baka mamatay ako!" Diin ko. "Hindi ako marunong lumangoy." paliwanag ko. Huminga ako ng malalim as I admitted it.

"Sus! You won't die, Pio" paninigurado niya. "Kaya nga siya nandoon para saluhin ka!" I almost choke with my own breath.

Nagawa pa niya iyon isingit? Ibang-iba talaga sila mag-isip pagdating sa gantong bagay. They laugh again.

Nagpaiwan ako doon as I waved and say goodbye. Sunod-sunod na dumating ang sundo nila kaya nagpaalam na ang mga ito. I looked their car while it was slowly leaving. Nasa harap parin ako ng primary school. Kahit na pwede ko namang tawagan si Mang Romeo para sunduin ako pero hindi ko ginawa. Maagang umuuwi si Zell kaya hindi ko na sila naaabutan at hindi din nakakasabay pag-umuuwi. He's in his kindergarten.

I have an older sister. I smiled a bit as I remember something. Magkaklase sila ni Gael pero hindi ko naman masabi kay ate iyon dahil paniguradong pagagalitan ako dahil iyon na ang inaatupag ko. My mom and my sister are both strict at hindi na ako magtataka kung bakit ang talino ng kapatid ko at walang inaatupag kundi ang pagaaral like the attitude of my mom.

Naisipan kong hintayin siya sa mismong tapat ng klase nila. Gusto ko pa sanang maglakad-lakad habang hinihintay siya pero mas pinili ko na lang na maghintay sa tapat ng klase nila para kahit sandali magkaroon ako ng oras na masilayan si Gael. I know I'm so addicted to the point that I want to see him always. It's so unhealthy of mine but I still know my limit.

Naupo ako sa mga upuang may lamesa na tapat ng mismong silid nila. As I looked inside, my heart skipped a beat and I almost fell on the chair. Bago ako nag-iwas, gusto kong masiguro kung sa akin ba talaga nakatingin si Gael o baka guni-guni ko lang. Napakurap-kurap ako, sinisigurado kung sa direksyon ko ba talaga siya nakatingin.

I suddenly feel hot, agad akong nag-iwas ng tingin at sinikap na kumilos ng normal. Medyo malayo siya sa akin kaya impossibleng mapansin niyang kinabahan ako.

I tried to look again kahit na halos hindi ako makahinga sa nararamdamang paghuhuramentado ng puso. I slowly glance to his direction but I couldn't see him because a girl was on my sight. Napabuntong hininga ako at napansing si ate Kris pala iyon. Medyo malayo siya sa kung saan nakaupo si Gael pero dahil medyo nasa parehas sila ng direksyon ko, he was covered by my sister's body.

Hindi ako napansin ni ate kasi abala itong nakikinig sa lecturer habang sinusulat iyong nasa blackboard. I sighed thinking how serious she was. She really took that solemnity and decisiveness from our mother. Napangiwi ako nang maalala kung paano paulit-ulit ako itulak ni mom na gumaya sa ate. I really don't mind whenever she always segue the good leadership of my sister. I just choose to be silent whenever she does that.

Mabuti na lang meron si Zell. Kahit papaano, nababaling ang atensyon nila kay Zell at hindi puro sa akin. At dahil nagiisang lalaking anak si Zell, they spoiled him. Ngayong bata pa, lahat ng gusto niya binibigay sa kanya and I am also like that. I give what he wants and I'm happy that his happy.

Napalundag ako sa kinauupuan nang biglang tumonog iyong bell hudyat na tapos na sila. Agad akong tumayo sa kinauupuan at binalingan ang mga freshman na nagsisilabasan.

"Hi, Pio!" bati ng iilang nakakakilala sa akin. I smiled.

Right after I saw my sister coming out from the room. I saw Gael busy talking and laughing with his friends. My heart raced as if I ran more than one lap. Palabas na din ang mga ito pero agad din naman akong nalungkot nang dumiretsyo siya pababa ng hagdan nang hindi man lang napatingin sa deriksyon ko o kahit saglit lang na pagbaling. Ngumoso ako na para bang someone grabbed my toy away from me.

"Pio!" I heard my sister's voice. Nakakunot ang noo nito nang balingin ko. Nasa gilid na siya ng hagdan habang yakap-yakap ang iilang libro.

Hindi na ako nagsalita pa at sinundan na lang ito. Napasilip pa ako sa baba pero tuluyan na silang naglaho sa college building. Bumuga ako ng malalim na paghinga nang matantong malayong-malayo nga siya sa mundo ko.

"Sino ba 'yong sinisilip mo doon?" I looked at her as I walked under the shed and went straight to our car. Naningkit ang kanyang mga mata but it didn't affect me because I'm still busy restoring my feelings.

"Ikaw, ate. Ikaw ang sinisilip ko." I muttered as I went straight in the car. Hindi ko na napansin pa ang sumunod niyang salita.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top