Kabanta 40


Ginawa ko lahat ng makakaya ko. Kaspian also helped me. Sinet up niya kami sa isang restaurant. Alam kong hindi papayag si Pio kapag ako ang magyaya sa kanya. I asked Kaspian to ask her out. As I expected, pumayag naman ito.

It was a lunch date. Nasa loob na ako ng restaurant na i-sinet-up ni Kaspian. Hindi ako mapakali habang hinihintay siya. Napainom ako ng tubig nang makita itong papasok.

Malawak ang ngisi ko nang kawayan siya. When she saw me, her eyes widened. Her lips parted.

Napalunok ako nang makita kong bahagya siyang napa-atras. She bit her lip as she started walking. Nakangiti ako nang harapin siya.

"W-what are you doing here?" Nagtataka niyang tanong. Tumikhim ako.

"I will be your date today." Ani ko sabay muwestra sa u-upuan niya. Kumunot ang noo niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"I ask Kaspian to ask you out. Alam ko kasing hindi ka papayag pag ako ang nag-alok sayo." Kibit balikat ko.

Marahan siyang umiling. Tatalikod na sana siya nang higitin ko ang braso niya.

"Please, Pio..." she was a bit annoyed. "Kahit ito lang. Alam kong galit ka pa sa akin pero hayaan mong bumawi ako." Nanginig ako.

I got relieved when she sat down. Agad akong bumalik sa upuan ko. We ordered food straight away.

Tahimik siya habang ang mga mata ay nasa baso ng tubig. Marahan kong hinawakan ang kamay niya. Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko. Nilihis niya iyon.

"Hinanap kita at nang malaman kong nandito ka. I followed you here." Diretsyo kong sabi. Namilong ang mga mata niya.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" Her lips trembled.

"Sa ate mo." Bitin kong sabi sabay kamot sa ulo.

Naguguluhan niya akong tinitigan. Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay.

"Alam ng ate mo ang nangyari sa araw ng graduation natin. 2 weeks ago, I texted her. Sinubukan ko siyang kontakin para tanongin kung nasan ka. Akala ko hindi niya iyon papansin pero sinabi niya sa akin na nandito ka. Hope you don't get mad." Laglag ang panga niya.

"Alam niya lahat?" Nanginig ang boses niya. Suminghap ako.

"Not everything. Except for what my brother did to you." Nag-iwas ako ng tingin.

She nodded.

"It's better if you go back, Seig. Mag-isa ka lang dito. Paano kung may mangyari sayo?" Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Ngumiti ako.

"Nothing will happen to me. Tsaka payag naman ang magulang kong dito ako mag-aral." Paninigurado ko. Hindi parin siya nakumbinsi.

"Paano kung bigla kang magkasakit? You're living alone. No one will take care of you."

Napakagat ako sa labi. Ilang sandali ko siyang tinitigan. Nanlalambot ako. Kahit na ganoon ay natutuwa ako na nag-aalala siya.

"Don't worry, Pio. I can take care of myself." I smiled.

Dumating na iyong order namin. I gave her the spoon and fork.

"Thanks." She uttered.

Nagsimula na kami sa pagkain. Tahimik siya sa pagnguya. I couldnt stop looking at her. Napapansin niya ata iyon kaya nacoconscious siya. Ngumiti ako at marahang umiling.

Nang matapos kami ay niyaya ko muna siyang maglibot sa loob ng mall. Ngayon ko lang napagtanto na ito ang kauna-unahang labas namin na kaming dalawa lang. I want to hold her hand. Gusto ko din siyang akbayan habang sabay kaming naglalakad.

I gulped.

"Kailan ka babalik sa atin?" I randomly asked. Ngumuso siya.

"Kapag bakasyon na natin siguro." Kibit-balikat niya.

"With your cousin?" Taas kilay kong tanong.

"Yes. If her parents want to come too. Matagal na nong huli ni lang bisita." Inilibot niya ang paningin.

Pumasok siya sa isang shop. Sumunod ako habang mayumi siyang pinapanood.

"Alam ni Ruben at Vince na nandito ka?" Tanong niya nang makalapit ako. Nanliit ang mga mata niya.

Tumango ako. "I will go back with you. Sasabay ako." Natatawa kong sabi. Napakagat siya sa labi niya. Bahagya siyang napangiwi.

"Pwede ka namang umuwi ng hindi ako kasama..." she trailed off. Humalukipkip ako.

"Can't do that, Pio. Paano kung iwan mo ulit ako?" Sarkastiko kong sabi. Her lips parted.

"Ngayong nahanap na kita, I won't let you off my eyes." Ilang sandali ko siyang tinitigan. She diverted her gaze. Inilibot niya ang paningin sa loob ng shop.

Sumunod ako sa paglalakad niya. Nasa loob kami ngayon ng antique shop. Abala siya sa pagtitingin. Lumihis ako nang makakit ng isang silver ring na may maliit na kulay mint green na bato sa gitna.

I went there. I took that opportunity to buy. Habang abala siya ay agad ko iyon binili.

"Salamat, sir." Ani nong matandang lalaki. Ngumiti ako at agad iyon binulsa.

Agaran akong lumapit kay Pio na abala parin sa pagtitingin.

"Did you see something?" Tanong ko. Ngumuso siya habang ang mga mata ay nasa mga ibat-ibang antique na nakahelera.

"Just browsing." She mumbled.

Nakangisi ako habang pinapanood siya. Mapupungay ang mga mata niya habang seryoso sa pagtitingin.

Blair texted me the details. Kahit na alam ko na naman kung saan. Halos mapamura ako nang makita kong late na ako.

Blair:

Nasan kana? Nandito na ako sa bahay nila!

To Blair:

On the way.

Masyadong traffic dito. Maaga na nang umalis ako pero dahil sa siksikan ng mga sasakyan, natagalan kami.

Humugot ako ng malalim na paghinga nang makarating. I pressed the doorbell on the side.

Si Blair ang una kong nakita. Tumakbo ito palapit sa gate. Nang makita ako ni Pio ay hindi ma-i-pinta iyong gulat sa kanyang mukha.

"Seig!" Blair shouted.

Pinanliitan ko siya ng mata. Hindi ba niya nasabi na kasama ako? Agad din namang nasagot iyon nang inirapan niya ako.

"Thank me later." Mapait niyang sabi. I gritted my teeth.

"Ate!" Tawag nong batang babae. Napahinto siya nang makita ako. Nanliit ang singkit niyang mga mata. Ngumuso siya.

"I think I saw you before?" Kunot noo nitong tanong. Tumingala siya na para bang nag-iisip. I chuckled.

"Right! Ikaw iyong kasama ni ate Pio." Napabaling siya kay Pio. Wala sa sarili niyang tinignan ang pinsan.

Papilit itong ngumiti. "Let's go inside, Eunice." Singit ni Blair. Masigla siyang tumango-tango. They went inside.

"H-hindi pala nasabi ni Blair sayo." Sabay kamot ko sa batok.

Hindi siya umimik. Nanatili ang paningin niya sa akin. Tumikhim siya.

"Bakit mo ba ito ginagawa? We're done, Seig." Malamig niya utas. I clenched my teeth.

"You're just wasting your time." Madiin niyang dugtong.

"I want to win you back. Mahal kita, Pio. Hindi ako mag-sasawang ipaulit sayo iyon." Namungay ang kanyang mga mata. My body shaken when I saw tears in the side of her eyes. Agad kong hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Why are you doing this, Seig..." she broke down. Agad kong pinunasan iyong luhang lumandas sa kanyang pisngi.

"Y-you m-making it hard for me to f-forget you. B-bakit kapa nagp-punta dito..." hinahabol niya ang kanyang paghinga sa bawat bigkas niya ng salita. Humikbi siya. Umiling-iling ako.

"Mahal kita, Pio. Nasaktan kita at iyon ang pinaka-gago at pinaka-pinagsisihan ko."

"I'm trying to forget you. Akala ko okay na. I thought if I saw you one day, wala na akong mararamdaman sayo... pero nong nakita kita, bumalik lahat... pati iyong nararamdaman ko sayo..." hindi siya makatingin sa akin. My forehead wrinkled. Hindi ako nagsalita, pinanood ko lang siya. Hinayaan ko siyang ilabas lahat ng nasa puso niya.

"Bumalik iyong sakit. Mas tatanggapin ko oa kung si Gael iyong naglihim sa akin pero ikaw!" Sabay turo niya sa akin. Her voice is soft. May halong pagkadiin niyang sabi sa pinakadulo.

"Masakit dahil mismong mahal mo iyong nanloko sayo! I was about to tell you my feelings. Pero nang malaman ko iyon, gusto ko na lang kalimutan iyong nararamdaman ko sayo. Gusto ko na lang ibaon iyon sa limot!" Nanginig ang magkabilang balikat niya. My jaw dropped. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano ako tutugon pero bigla akong nakaramdam ng saya.

Now that I heard it coming from her the truth, I will take this as a signal. Hindi ko na aaksayahin ang oras na ito na matapon sa wala.

"I acknowledge it, Pio. Nagkamali ako at alam ko iyon. Ngayon nandito ako para bumawi, gusto kong i-tama lahat. I want you back, Pio." I hugged her tightly. Nanghina siya.

"You don't have to forget me, Pio. Ikaw at ikaw parin. Hindi ako nagmamadali pero sisimulan ko ng ligawan ka ulit. If you let me."

Marahan akong pumikit. I miss her so much. Ilang sandali kaming ganoon hanggang sa unti-unti siyang tumahan.

Hindi naman niya ako tuluyang pinagsarahan ng pinto. She still let me in her heart. Ilang buwan kaming magkasama. Sabay kami kumain, sabay namin ina-abot ang aming pangarap. Hinahatid ko soya sa klase niya pagkatapos at hinihintay ko siya hanggang sa matapos siya sa klase. Kung nagagabihan naman ay hinahatid ko siya para narin mapanatag ako na walang mangyaring masama sa kanya.

Years have passed. Magkasama nga kaming umu-uwi kapag bakasyon.

Nitong huling bakasyon naman ay kasama ang kanyang pinsan. I smiled everytime I looked at her.

"Ang ganda dito ate!" She exclaimed.

Kahit na puro bukid lang naman ang tanawin pero tuwang-tuwa na siya. I looked at Pio. Malawak ang ngisi niya habang tahimik niya itong iginigiya.

"Kuya, don't break my ate's heart again." Laglag ang panga ko nang tiningala ako ni Zell. Hawak ko ang kamay niya habang busangot akong tinapunan ng tingin. Napangiwi ito.

Tumangkad siya ng kaonti. Huli kami sa paglalakad habang ang si Pio at Eunice ay nangunguna.

"Tsk." Aniya sabay nguso.

"I will. I love your sister and I will take care her." Paninigurado ko.

"Promise?" Taas kilay niya. Huminto siya at humalukipkip.

"Promise." Bahagya akong natawa. He's like a young man who cares and protects her sisters.

Tahimik naming tinatahak ang isang malawak na patag.

Naiwan kami ni Pio habang ang dalawa ay masayang naglalaro. Suminghap ako at muling nilingon si Pio.

Bago pa ako magsalita ay inunahan niya na ako. Tumikhim siya bago niya ako nilingon. Seryoso ang mga mata niya habang mataman akong tinitigan.

"I want to be with you too..." she trailed off. One of my brows raised when she suddenly looked away.

Umangat ang gilid ng labi ko habang pinapanood siyang hindi mapakali.

"G-gusto din kita, Seig. I'm willing to put all my cards. Yes, Seig. Lets make it official..." nanginig ang labi niya at agad siyang yumuko. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman.

She finally said yes. Tulala ako sa kawalan. Hindi ako agat nakabawi kaya nang i-angat niya ang paningin sa akin, doon lang ako nagising. I bit my lip. Malawak ang ngisi ko at agad siyang niyakap.

"You don't know how happy I am now to hear that, Pio." Iyon lang ang na-itogon ko. Mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.

I waited for this day. I waited for her to accept me into her life. Noon ko pa isinugal lahat kahit walang kasiguraduhan. Kahit na tinanggap ko na noon pa na hindi ko kailan man mapapantayan ang pagtingin niya kay Gael. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa aking pisngi. I hugged her tightly.

"Hindi na ako makahinga, Seig!" Pagrereklamo niya. She laughed. I smirked. Unti-unti kong kinalas ang pagkakayakap at hinarap siya. She was a bit shocked when she saw me. Napakagat siya sa labi.

"How about your parents?" Nag-aalala kong tanong. Ngumisi siya.

"I want to tell them first, Seig." Masaya niyang sabi.

"Paano kung hindi sila payag? Paano kung tutol sila?" Hindi ko maiwasang mapraning. Natawa siya. Kumunot ang noo ko at seryoso siyang tinitigan.

"I don't think so. Noon pa man ay hindi sila tutol sayo." Malawak niyang ngisi. Bahagya akong napangiti.

"Ate!" Tawag nila. Napalingon kami sa dalawang bata na malawak ang mga ngisi.

They laughed.

"May paru-paru." Masiglang turo ni Eunice. I chuckled.

Bago pa siya maglakad papunta doon ay marahan kong hinawakan iyong palapulsunan niya. Her forehead wrinkled. Mas lalong kumunot ang noo niya nang may kuhanin ako sa bulsa ko.

She bit her lip.

I gave her the ring that I bought a long time ago. Her eyes widened. Kagat-kagat parin iyong labi niya habang pinapanood niyang nilalagay ko ito sa palasingsingan niya.

"Para wala ng kahit sinong magtangkang manligaw sayo." I chuckled. Nakita ko ang unti-unting pagpula ng kanyang labi. Bahagya siyang yumuko.

Hindi parin maalis iyon sa isipan ko. Nawawala ako sa sarili. Kahit na nang maihatid ko sila ay umaapaw parin ang saya sa akin.

"Bukas..." aniya sabay iwas ng tingan.

Kabado ako at hindi mapakali. Pagka-uwi ko ay hindi parin matanggal ang ngiti sa aking labi. Bukas ako bibisita ulit sa kanila at doon namin sasabihin sa parents niya.

Buong gabi ako hindi mapakali. Maraming nangyari dati na akala ko ay tuluyan ng ilalayo ng magulang niya si Pio sa akin. I was afraid when the day of cheerleading issue happened. Hindi naging maganda ang tingin ng magulang niya sa akin.

They were disappointed to Pio because of me. Hindi ko alam dati ang gagawin. Kahit na hindi sabihin ni Pio sa akin na dismiyado ang magulang niya sa kanya dahil sa akin ay nakikita ko iyon. Kaya siya nagpupursigi lalo para makumbense ang mga magulang. Iyon din ang naging isa sa mga dahilan ko kung bakit hinayaan ko sila ni Gael. She improved a lot. Masaya ako kahit na hindi ako ang dahilan ng improvements at achievements niya.

"Ang aga mo naman." My mom said. Nasa hapag kami ngayon at kumakain ng breakfast. Hapon iyong pagpunta ko kina Pio at dahil hindi ako makatulog ay maaga ako nagising.

"Kailan mo ulit ipapakilala si Pio sa amin?" A sweet smile lingered on my mom's face. I licked my lip.

My parents know about my feelings for Pio. Nalaman nila iyon nong nagpunta sila dito nong birthday ko. She was the only girl I introduced to my parents. Hindi ko naman iyon dineny nong tanungin niya ako.

"Maganda ang loob ko sa kanya. I can't wait to see you together. I like her for you."

I smiled.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top