Kabanata 8
Naging malamig si Seig sa akin. Madalas kapag nagsasama-sama kami nagpapaalam siya para umalis. Alam kong umiiwas siya dahil madalas nagdadahilan siya para lang maka-iwas sa akin. It breaks my heart but I understand why he's being like that. Siguro huhupa din ang kaonting tampo o away namin kanina.
Hindi iyon napapansin ng mga kaibigan. Hindi nila alam ang nangyaring bangayan sa amin.
"Seig, laro tayo." Narinig kong pag-aaya ni Vince.
"Kayo na lang. May gagawin pa ako." Aniya sabay lihis ng direksyon.
Nakaupo ako kasama si Shee at Blair sa kubo, harap ng building namin. Nakita ko silang papalapit galing sa canteen pero agad ding umiba ng direksyon si Seig nang mapansin kung saan sila patungo. I gritted my teeth.
Ako nga dapat ang mainis o magtampo sa kanya dahil hindi ko nagustuhan ang mga sinabi niya pero parang ako pa 'yong may maling ginawa. He insisted to stop me from my own sensation and that would not be acceptable anymore.
I get his point but I am still the one who will decide whether to stop or keep on going. Madali lang para sa kanya sabihin iyon dahil hindi naman niya hawak ang nararamdaman ko. I know that I'm still young but still, no age limit of loving someone and it ain't easy to escape from all kind of love. Kahit anong klaseng pagmamahal pa 'yan, hindi madaling talikuran ang nararamdamang pagmamahal para sa isang tao ng ganoon kadali. Having love for someone is not easy to fade.
Now that he's telling me to stop, I don't know if I can do that. I don't want to ruin our friendship because of this. Ayaw ko siyang mawala sa akin bilang kaibigan ko pero hindi ko din naman kayang sundin ang ano mang gusto niya dahil hindi ganoon kadali.
But everything changed. Akala ko it will just take an hour or a day but starting from that day, he barely join us. Lagi siyang may dahilan na may gagawin o hindi kaya may pupuntahan kaya madalas si Ruben at Vince na lang ang nakakasama namin.
Hindi kalaunan, napansin din ng mga kaibigan ko ang biglaang pagiging cold ni Seig sa amin. Ipinagkikibit balikat na lang ni Vince at Ruben iyon.
"Minsan na lang sumama si Seig sa atin." Bulalas ng kaibigan. Lumipas ang ilang linggo na parang sobrang daming nangyari. I didn't get a chance to get closer to him kasi mismong siya 'yong lumalayo.
"Ewan ko. Laging busy." Si Shee
"Hindi naman ganoon kadami ang pinapagawa sa atin. What else he can busy for?" Tanong niya sa sarili.
Hindi ako umimik. Nakikinig lang sakanila dahil pati ako hindi ko alam kung ano ng balita sa kanya. He's still the same when it comes to acads. Siya parin ang nangunguna sa klase. Hindi na 'yon nakakapagtaka pa pero kung ang dahilan ng tuluyan niyang paglayo sa amin ay dahil sa akin, it's so unreasonable, napalunok ako.
Isang araw papunta kami ng mga kaibigan sa canteen para bumili ng pananghalian. Naabutan namin sila doon kasama si Seig na kasamang kumakain. They were laughing but when our eyes met, the smile on his face slowly fading. He raised his brow at nag-iwas ng tingin.
Gusto ko magpura dahil sa nakitang naging reaksyon niya. Kung hindi lang kami in good terms ngayon, kanina pa ako mabilis na pumunta doon at sinapak siya.
Napansin sila ng mga kaibigan ko kaya agad silang naglakad papunta doon. Yumuko ako at mabagal silang sinundan. Nag-iinit ang buong katawan ko at naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso.
"Hoy, Seig. Mabuti naman at hindi ka busy ngayon!" Nahimigan ko ang sarcastic sa boses ng kaibigan.
Natawa ito ng bahagya.
"Sino nagsabi? Sige, mauna na ako, may gagawin lang." Laglag ang panga ko sa naging sagot niya. Even my friends couldn't believe what they heard. Nagkamot ito sa batok at iniwan kami doon.
My friends nodded while the two boys laughed.
"Busy nga kasi." Natatawang sabi ni Ruben sabay kibit-balikat.
"Busy saan?" Kunot noong tanong ni Shee.
"Pakiramdam ko nagpapalusot lang 'yon."
"Puwede ba 'yong laging busy na lang? Sa tuwing nagpupunta kami sa inyo, laging nasasaktuhang may gagawin siya." I didn't know that my friends also noticed it. I nodded.
Hindi ako naniniwala na kaya siya umaalis dahil may gagawin siya. Hindi ba puwedeng ipagpaliban niya iyon ng kahit saglit. Ganoon na 'yon ka-importante na lagi na lang kapag nagkakasama-sama kaming lahat, umaalis siya.
Tapos hindi din maalis sa isipan ko ang iginawad niyang reaksyon kanina na halos kamuhian ako. I bit my lip, how long he will act like this?
Halos isang buwan na din noong nangyari 'yon sa amin. Papalapit na din ang christmas party namin pero hanggang ngayon, iniiwasan parin ako. I'm afraid that my friends will notice that I am the reason why he sudden became cold to us.
Kapag hindi ako kasama, nakikita kong nananatili siya kasama ang mga kaibigan ko. Natatakot ako na mapansin ni Blair at Shee na tuwing nandoon lang ako, saka siya umaalis.
"What foods would you like to have on the party?" Abala ang buong klase sa pagpaparticipate sa puwedeng dalhin. Isinusulat ni Miss Miranda sa white board ang mga ibat-ibang suggestion ng mga kaklase.
Maingay sila kaya hindi ako makasabay. Tinignan ko ang mga pagkaing nakalista, hindi naman ako mapili kaya kung anong gusto nila, doon na din ako.
Napabaling ako sa bandang gilid nang marinig ang malakas na hagalpak. It was Seig and his friends. Nagtaas ng kamay si Ruben. Tinawag ito ni Miss Miranda nang makita.
"Miss, ayos sana kung may hotdog na kasama." Pahabol nito nang ideklara niyang decided na lahat ng kakainin. Nagtawanan ang mga kaklase. Umiling na lang si Miss Miranda at isinulat sa listahan ang hotdog.
"What about drinks?"
Muling nagsiunahan ang lahat sa pagbigay ng kanikanilang ideya. Sa huli, nagka-isa ang lahat na sagot gulaman at bubble tea.
"Gusto ko 'yan." Blair whispered.
"Mas okay sana kung may stick-o na kasama." Pahabol uli ni Ruben. Nagtawanan uli sila. Napapailing na lang si Miss Miranda at napilitang idagdag iyon.
"All settled then?" She asked after the long discussion.
Wala ng nagsalita kaya naman pumunta na ito sa susunod na gagawin. Inutusan niya kaming isulat ang mga pangalan sa maliit na papel at ilagay ito sa maliit na box sa harap.
"Don't give lousy gifts." Pagpapaalala niya sa amin kahit na ang mga mata ay nakatutok sa banda nina Ruben. Nakakumpol-kumpol sila sa isang puwesto kasama ang iba pang kaklase. Sina Bert, Owen, Leo, Toper at iba pa na madalas din masangkot sa kalokohan.
Nagsimula ng isa-isang tumayo ang kaklase para bumunot sa harap. Ang iba, napapakunot at napapabagsak ang magkabilang balikat pagkatapos malaman kung sino ang nabunot. I also heard them complaining.
"Sayang, si Seig sana." Napalunok ako nang marinig ang bulong nang kaklaseng babae nang bumalik sa kinauupuan.
"Ang swerte naman ng mabubunot ko." Ani Vince na naka ngising aso.
"Sinong nabunot mo?!" Ruben asked loudly kaya naman agad ding pinagalitan ni Miss Miranda dahil bawal sabihin kung sino-sino ang kanilang mga nabunot. As if they will obey the rule. Umiling ako.
Unti-unti nang natapos ang lahat. Tumayo ako at naglakad palapit doon nang turn ko na. Hindi ako masyadong excited kaya kahit kanina nang pag-usapan ang Christmas party, hindi ako makapagparticipate. My thoughts are swallowing me so I can't properly think of anything that I can contribute.
Kumuha ako ng isang papel at marahan ko itong sinilip. At first, I couldn't read the name because it's upside down. Kailanganin ko pang baliktarin para mabasa iyon. Napakurap-kurap ako sa nabasa, hindi inaasahan na sa dami namin, bakit ang pangalang Seig pa ang nakuha ko.
My eyes widened but then I tried to act normal as I went back to my seat. Ngayong ganito pa ang sitwasyon namin ngayon, hindi ako pinapansin at nagkataon pang siya ang nabunot. Halos masugat ang labi ko sa madiin kong pagkagat.
Iniisip ko tuloy, bukod sa christmas gift para sa kanya, dadagdagan ko na lang ng isa bilang peace offering ko sa kanya. I nodded and just think the benefits of being in this situation. Pagkakataon ko na rin siguro ito para makausap siya.
It's hard for me to talk to him and if I get a chance, he is the one who tries to get away from me. Kaya naman hindi ako nabibigyan ng pagkakataon na lapitan siya kahit na gustong-gusto ko siyang makausap.
"Sino sayo?" Usisa ng mga kaibigan sa tabi. I glared at them. Umiling ako.
"Tsk. Secret lang naman natin. Sino sayo Shee?"
"Si Ruben." Shee whispered.
"Talaga?"
"Oo. Kakainis nga eh. Ikaw, sino?"
"Si Leo." Irap niya.
"Gusto mo, swap na lang tayo?" My brow raised. Bahala nga sila. Nagdalawang isip si Blair pero tumango din naman.
"Basta secret lang." They both cheered.
Nang matapos ang lahat, muling nag-ingay nang nagpaalam na ang homeroom bago umalis. As soon as she gets out, rinig ko na ang mga kaklaseng nagsisi-usisa sa mga nabunot. Kanya-kanyang reveal at ang iba nakikipagpalitan din.
Nagpaiwan ako nang alukin akong pumunta sa canteen. Hindi na naman nila ako pinilit at iniwan ako doon. Naglakad ako papunta sa isa sa mga lamesa na harap lang ng classroom namin at na upo.
Pumangalumbaba ako habang ang paningin ay nasa baba ng oval. Break time namin ngayon. Nauunang pinapalabas ang mga high school students at hinuhuli ang mga nasa college na. Kung sinuswerte, may pagkakataong, naaabutan ko parin ang paglabas nila pero minsan, saktuhan. Kadalasan, pagkatapos ng break time namin ay doon pa sila mismo pinapalabas.
Nakatingin ako sa mga higher at lower grades na nasa oval naglalaro ng kung ano-ano o hindi kaya nakatambay lang.
Ilang sandali ako doon nakatunga-nga at malayo ang mga iniisip. Kanina noong pinaguusapan ang tungkol sa christmas party, nakita ko kung gaano kasaya ang grupo nila, lalo na si Seig. He was laughing but how could he laugh like that, knowing that I was there and we have a misunderstanding.
Masaya siya kahit na may galit o inis siya sa akin. I'm not sure if he's mad at me but whenever he part his way just to avoid me, I reckon that he's probably mad at me. Sa ipinapakita niya at kung paano siya makitungo sa akin, pakiramdam ko galit nga siya o baka naiinis.
It's just unfair for me because I'm doing all the work just to fix this, kung ano man ito. But he didn't even care and that's what breaks my heart. He's happy even though we are in this kind of situation where he's avoiding me with a vague reason.
Nawawalan ako ng gana makihalubilo sa mga kaibigan kaya imbes na sundan sila sa canteen, naisipan kong puntahan na lang si Zell sa building nila. I'm pretty sure at this hour, it's also their break time.
Mabagal ang bawat mga hakbang ko at hindi makatingin ng direstyo sa dinadaan. Kamuntik ko pang mabunggo ang mga nakakasalubong dahil dinadala ako ng sariling isipan sa kung saan.
Napabuntong hininga ako. Yumuyuko na lang para humingi ng tawad sa mga nabangga ko.
I went straight to their room but they were not there. I furrowed to think where he can be right now. Agad ko din namang naisip na baka nasa playground sila ngayon.
Kakailanganin ko pang pumunta sa gilid para makapunta sa mismong likod ng building. I was right. I saw my brother playing with his friends. I smiled but then when I was about to call him and waved, I stopped for a second to study the person in front of him. He was sitting on the edge, made up of concrete while his body facing the slides. I can only see his back but I am sure that it was Seig.
Hindi din naman ako nagkamali dahil tinawag ito ng aking kapatid. Hindi lang sila ang mga nandoon, may isang teacher din na nagbabantay sa kanila. I tried to hide before my brother can see me.
Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Tsaka hindi ba busy siya? Hindi nga niya maiwan-iwan ang mga ginagawa niya tapos makikita ko siyang nandito lang? Hindi din niya kami mapagbigyan dahil sa kadahilanang may importante siyang ginagawa.
I snorted. Hindi ko na inisip iyon at naglakad papunta doon. Kahit na ramdam ang kaba, nilakasan ko ang loob na pumunta doon. I'm afraid that he would excuse himself again after he sees me.
"Ate!" Si Zell na nasa itaas ng slides nang makita ako. I waved and smiled at him.
Kumalabog ang puso ko nang biglang makitang tumayo si Seig sa kinauupuan. Don't tell me he will run away again!
"Nandito ka pala." Nang makalapit sa kanya. He didn't look at me. His gaze was still on the slide. I nodded. Mas lalong napagtantong umiiwas nga siya.
"Oo." His voice was cold.
"Hindi ka busy?" May halong sarcastic kong tanong. I couldn't hide it anymore.
My heart skipped a beat when his eyes went on me. It was dark and deep which is I'm not used to. He just looked at me seriously for a second.
Napalunok ako ng bahagya. The heat in my body starts to flow down my spine.
"Hindi." Then he looked away.
Tumikhim ako sa bitin niyang sabi. Humalukipkip ako at hindi na siya tinignan pa.
"Talaga?" Kahit hindi niya naman kita, I still raised my brow. I delivered it in a way that I'm not actually asking him but just saying it to myself.
"Tsk." I heard him hissed. I was being nice to him but he ruined it.
Bago ko pa siya lingonin, nagpaalam na ito kay Zell bago umalis. I was left there, seems clueless.
Sinubukan ko siyang habulin pero malalaki ang mga hakbang niya. Kailanganin ko pang tumakbo para mahabol siya ng tuluyan.
Kahit na mas malakas siya kumpara sa akin. I grabbed his arm with my full force.
Napahinto ito dahil sa ginawa ko.
Hindi ko na maramdaman ang kaba dahil nangingibabaw ang inis na nararamdaman. Nakakunot ang noo niya nang balingin ako.
I gritted my teeth. Ang isa kong kamay ay mahigpit na nakahawak sa palda ko. Mas lalong kumunot ang noo niya habang seryosong nakatingin sa akin. I took a deep breath, trying to compose myself.
"Iniiwasan mo ba ako?" Halos matawa ako sa gitna nang sabihin iyon. I still asked the obvious. Hindi siya umimik pero ang mga mata niya ay nasa sa akin parin.
Mabuti na lang medyo closed area dito kaya walang tao maliban na lang kung may mga magulang o student na bibisita. Nasa hallway kami.
"Gusto kong pag-usapan kung ano bang dahilan ng bigla mong pag-iiwas." I started. Kahit na hirap siyang tignan pabalik, I still want him to see that I'm serious too.
Ngayon, humalukipkip siya habang pinapanood ako. I bit my lower lip. He titled his head.
"Wala namang pag-uusapan, Pio." It was not loud and it was not too quite either when he said that. It was enough for me to hear it clearly.
I frowned. Hindi sang-ayon sa kanya.
"Kung ganoon... why are you ignoring me then?" I trailed off. Hindi siya maintindihan. His eyes was a bit light now. It helps me breathe normally.
Ngumoso ito. Sinusubukan kong basahin ang mga iniisip niya pero wala akong mahanap na kahit ano.
"Because even we talk, you'll still not listen to me, Pio." Seryoso iyon pero nahimigan ko ang pag-aalala niya.
I paused. Iniisip kung anong gusto niyang sabihin.
"Is this about my feelings... for Gael?" Mahina kong sabi dahil sa takot na nararamdaman na halos hindi niya na iyon marinig.
Humugot ito ng malalim na paghinga.
"Hindi mo kasi naiintindihan." My voice cracked. Tahimik niya akong pinapanood na para bang sinusuri. I shook my head.
"Tell me then, why do you want me to stop? Alam kong ayaw mo ako para sa kanya. Naiintindihan ko din na ayaw mo akong masaktan." I need to calm down. Medyo tumataas na ang boses ko nang ilabas lahat 'yon.
"That's the reason, Pio. You already know. I don't want you to get hurt that's why I'm telling you to stop." In his deep and serious voice.
"But that's not a valid reason, Sieg. You want me to stop just not to get hurt? Being hurt is part of loving." Naiinis na ako. Naiinis ako sa kanya at sa sarili. I shook my head in disappointment.
Hindi ba kapag nagmamahal, kasali na doon ang sakit na mararamdaman. Kung ang ipinupunto niya ay dahil masasaktan ako dahil lang ipinagpapatuloy ko itong nararamdaman ko sa kuya niya, I don't think I would accept that. May mga bagay na hindi lahat ng pain na matatanggap ay rason para umalis o umiwas na dahil may mga pain na acceptable, kabilang iyon sa buhay, sa pagmamahal dahil hindi bat ang pain ang dahilan kung bakit matatag parin kahit anong pagsubok ang dumating.
Umiling siya. I can see the distress in his eyes.
"It's a valid reason for me, Pio."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top