Kabanata 7

It was in the middle of our sem break when my mom decided to go on quick vacation. She wants us to have a long drive just to relax because these past few days, it was so dry for us.

Si mang Romeo ang naging driver namin patungo sa Norte, mahigit dalawang oras din kami bago makarating sa distinasyon. Isinama din si manang para mas lalong matutukan si Zell.

I can smell the fresh air and I can feel the cold wind touches on my skin. It's really a perfect place to unwind.

Pumasok kami sa lumang bahay na palagay ko sikat dito sa lugar na ito. Bukod sa dikit-dikit ang mga lumang bahay, nakakamangha ang mga estilo nito. Para kang ibinabalik sa unang panahon dahil pati ang daan ay gawa sa lumang bricks. At ang kadalasang sinasakyan ng mga taong naglilibot ay mga kalase.

Ang mga bahay at ang iilang malalaking establisyemento ay mapapansin ang mga pangalan na nakapaskil ay parang sa sinaunang panahon pa, noong sinakop ng kastila ang bansa. Ang mga simbahan ay luma na din pero masisiguradong naaalagaan kasi malinis at matatag parin ang pundasyon.

Bago namasyal uli, kumain muna kami sa isang restaurant. We tasted their special dish. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit ang mga turista kadalasan dumadayo dito dahil bukod sa mura, masarap talaga.

"Horse..." Turo ng kapatid nang may makita itong dumaang kabayo.

"Mom, can I ride there?" Maligaya niyang pagpupumilit.

Kaya naman nang matapos, dumiretsyo kami sa kung saan makakapag-arkila ng kalesa. I took some pictures. Napaatras ako ng bahagya nang bigla itong sumipa. Ang kapatid kong kanina pa gustong-gusto sumampa, hindi maitago sa mukha ang pagkakamangha.

Kinailangan naming umarkila ng dalawang kalesa dahil hindi kami kasya sa isa lang. My brother was with my parents. Sa huling kalesa kami kasama si ate, manang at mang Romeo.

Kumuha ako ng mga litrato habang nililibot ang lugar. I took some pictures of manang and mang Romeo too. Mabuti na lang at dinala ko itong polaroid. Mas mabilis at hindi na kailangang ipadevelop iyong mga litrato. I showed to manang and manong their pictures, they laughed.

May nakita akong mga bahay na nagtitinda ng mga pasalubong.

"Ate, bili tayong pasalubong mamaya." I uttered. She just nodded malayo ang mga iniisip. Umirap ako at hindi na siya pinansin.

Naisipan kong bilhan ng pasalubong ang mga kaibigan tutal nandito na naman na kami. I'm sure they will like this place too. Kadalasan kasi silang out of town kasama ang mga magulang, minsan naman nagpupuntang ibang bansa para mamasyal.

Nahagip ng camera ko si ate na seryosong nakatingin sa kanyang cellphone. Habang si manang Linda sa tabi ay abalang isinusuyod ang paningin sa kabuuan ng mga nadadaanan. Kumunot ang noo ko.

There was a time when I heard her talking someone through her phone. She was so serious. Nakabukas ng kaonti ang pinto ng kwarto niya kaya napahinto ako nang marinig ang seryoso niyang boses.

"Hindi pa pwede!" She demanded. I was so curious so I listened more. It looks like the person on the other line is so persistent but my sister seems so sure in everything she's saying.

"Alam mo naman ang priority ko sa ngayon..." she trailed off. Nanginig ako ng kaonti sa narinig. Ngumuso at iniisip ang mga nabitawang salita.

"Hope you understand..." hindi ko na masyadong naintindihan ang sinabi. Unti-unting nawawala ang boses kaya agad akong naglakad paalis doon.

She always look serious like mom but in that circumstance, she looks different. Kahit kapag nagsasalo-salo kami sa hapag, napapansin ko ang madalas niyang pagkakatula at parang malayo ang mga iniisip. Iniisip ko na lang na baka siguro unang karanasan niya ito bilang college student at mas nagiging seryoso at pahirap ng pahirap. Maybe she's still adjusting to the new system.

Nakiusap si ate sa manong padyero na huminto muna sa tabi malapit sa isang alley. Bumaba kami para bumili ng pasalubong. Kita ko na doon ang mga maraming keychain at ibat-ibang souvenir na gawa sa kahoy. May mga t-shirt din na nakahanger sa tabi.

I went to the keychain part. Bumili ako ng tig-iisang kabayo na gawa sa kahoy. Lumapit si ate sa akin at kumuha din ng isang keychain na iba naman ang disenyo pero gawa parin sa kahoy.

"Thanks, ate." Nang iabot sa akin ang supot pagkatapos niya bayaran.

"Kani-kanino mo ba 'yan ibibigay?" May kaonting pagtataka sa boses niya. Ngumuso ito at masinsinan akong tinitigan. Umirap ako sa nakitang reaksyon niya.

"Sa mga kaibigan malamang!" Inis ko at dumiretsyo na sa kalesa.

Dumayo kami sa isang zoo dito nang matapos libutin ang Norte. Punuan nang makadating kami, pahirapan pa sa paghahanap ng parking. Ngayong napagtanto ko, sem break ngayon kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming dumadayo ngayon dito.

Umupo ako sa isang bench habang pinapanood ang kapatid na kinukuhanan ng picture sa tabi ng malaking statue ng dinosaur. Natawa ako dahil sobrang bibo.

Hindi na ako sumama nang puntahan nina ate ang lugar kung saan nakapwesto ang mga reptiles. Sumama ako kina dad para puntahan ang giraffe.

Tirik ang araw at ramdam sa balat ang init na sinag nito. Tumakbo kami ng kapatid nang makita ang kulungan ng mga giraffe. May mga iilang dayuhan din ang nandoon habang pinapakain nila ito.

"Do you want to feed them?" I asked my brother who is smiling now. Agad itong tumango. Kumuha ako ng sanga ng kahoy na may mga dahon dahon at ibinigay ito sa kanya. I carried him. My parents are taking us photos.

My brother chuckled. Excited siya nang lumapit ang isang giraffe sa amin. My heart raced when I get to see it in person. Nginatngat nito ang dahon at kamuntik pang hilain ito.

"Take your hands off." Utos ko sa kapatid nang makitang hilain at maubos na ng tuluyan.

"For sure ate, kuya Seig will like this too." Laglag ang panga ko sa narinig. Napakurapkurap ako habang pinapanood ang masayang kapatid. I licked my lip.

"Do... you like your kuya Seig that much?" I almost sound like it's not a question. He nodded, still busy watching the giraffe.

"I like him. He visits and always plays with me." Napabuga ako ng kaonti. He kept talking about his kuya Seig. Hindi ko naman iyon mahinto dahil kita ko ang saya sa mga mata niya pagbinabangkit ang kuya Seig niya. And... I also want to hear more.

"He bought you ice cream?" Paguulit ko sa sinabi niya.

"Yes ate. And toys." He said in unison. Ngumuso ako at hindi na naalis sa isipan ang mga sinabi ng kapatid.

Hindi ko alam na mahilig pala siya sa mga bata. Now that my brother spilled it out, parang may kaonting kirot akong nararamdaman sa tuwing naaalala 'yong mga panahon na ipinagtutulakan ko siya kapag nag-aaya sa amin.

He often go to my brother's building. Mas madami pa ngang nakwekwento si Zell sa akin tungkol kay Seig parang ang dami na nilang alala na magkasama kumpara sa akin. I feel a bit guilty.

The whole week is worth chillin for me. I spend most of the time with my siblings except that I still keep talking with my friends.

Mabilis natapos ang isang linggo. Pero gayun pa man, hindi nawawala ang siglang nararamdaman ko sa tuwing pumapasok.

Naglalakad na ako patungo sa klase namin at imbes na sa mismong hagdan ng building namin ako dumiretsyo, mas pinili kong sa hagdan ng college building pumunta kahit mas mapapalayo pa ako. I swallowed as I stopped in front of the classroom.

Sinilip ko ang mga nandoon at napansing iilan pa lang ang mga nandoon. Abala sa kanilang mga kanya-kanyang grupo. Nakita ko din ang grupo ng kaibigan ni Gael pero napahugot ako ng malalim na paghinga ng mapansing wala pa siya.

Maglalakad na sana ako paalis doon nang marinig ang pangalan ko. I stiffened when I saw Seig came up from the stairs with Gael on his side. Bumigat ang bawat paghugot ko ng hininga dahil sa bilis ng pagtibok ng puso.

"Good morning, Pio." Ani Gael sa medyo napapaos niyang boses. I wonder if his voice is like that in the morning. I smiled.

"Good morning." I sweetly said sabay iwas sa mga mata niyang tahimik na nakatitig sa akin.

Naunang naglakad si Seig, nilagpasan ako. I smiled again before leaving him. Sinundan ko si Seig na ngayon ay naglalakad na sa mini bridge papunta sa high school building.

"Hoy." Kalabit ko sa kanya hindi parin ako nilingon.

"Long time no see." I said then I chuckled. Hindi naman buong linggo ko siyang hindi nakita dahil nagkita naman kami nong sa outing. Diretsyo parin siya sa paglalakad kaya huminto ako at hinayaan siyang maglakad mag-isa. Ang aga-aga mukhang bad trip siya.

Ngumoso ako habang tinititigan ang likod niyang papalayo sa akin. Yumuko ako at nagsimulang maglakad.

May iilang bumati sa akin sa kabilang section na nakakakilala sa akin bago tuluyang makarating sa klase.

Naabutan ko ang mga kaibigang nagkwekwetuhan at nag-aasaran. Nang makita ako, dali-dali silang lumapit.

"Alam mo ba itong si Vince, kamuntik ng maiwan sa palawan. Ang tanga kasi." Bungad ng kaibigan sa akin.

"Isang malaking fake news 'yan." Si Vince na pinagtatanggol ang sarili. Mas lalo siyang inasar ng mga kaibigan. I saw Ruben laughing so hard. Napapapalakpak pa, natutuwa dahil si Vince ang bangka ngayon.

Inilabas ko ang mga binili kong keychain nang maalala ito. Isa-isa ko si lang binigyan.

"Maganda ba doon, Pio?" Shee asked. I nodded.

"Oo. Madaming pwedeng pasyalan doon."

"Siguro nandoon din mga kamag-anak mo, Ruben." Masigasig na sambit ni Blair sabay taas ng isang kamay at nilaro ang sariling labi.

Ruben frowned. Looks confused but then his eyes darkened at some point.

"Ang slow mo naman. Mga kamag-anak mong unggoy baka nandoon!" Marahang tinapik ni Blair si Ruben sa batok na agad naman niyang inilagan.

We all laughed. Pati si Vince nakisali sa pang-aasar.

"Ako ang bangka kanina. Ikaw naman ngayon." He said sarcastically.

"Tsk. Gwapo at magaganda mga ninuno ko. Kaya tignan mo naman, sa kanila nagmana." Pagmamayabang ni Ruben na inirapan lang ni Blair.

They didn't stop teasing each other. Kung saan saan napapadpad ang asaran at kwentuhan. My eyes divert to Seig whose attention is somewhere else.

Kagat-kagat ang labi habang abalang nagsusulat ng kung ano. I went to him and sit on the chair in front of him. His eyes widened at agad siyang nag-iwas. I furrowed my brow.

"Ano 'yan?" Masigla kong tanong.

"Wala." Bitin niyang sabi.

I tilted my head.

"Ang sungit mo naman! Tsk. 'Yan, binili ko para sayo." May halong diin kong sabi sabay lapag sa harap niya yong keychain. Kumunot ang noo niya nang balingin ito.

Nagkibit balikat ako at tumikhim. "Nagpunta kaming Norte kaya naisip kong bumili ng pasalubong."

He slowly nodded his head.

"Sorry, lutang lang." As soon as I heard him saying that. I couldn't stop myself laughing.

"Ano bang nagpapagabag sayo. Maybe I can help." Alok ko sabay siya tinapunan ng matamis na ngiti.

"Wala." Iling niya. Pinaglalaruan ngayon ang bigay kong keychain.

I shook my head at tumayo para umupo sa katabing upuan.

"You can tell to me, Seig. Maybe I can help you." I shrugged, seryoso na ngayon.

"It's nothing, Pio." He's a bit annoyed now. Hindi na ako nagsalita baka ito pa maging dahilan ng pagkasira ng buong araw niya. I took a deep breath.

"K-kanina..." nilingon ko siya. His eyes were serious.

I raised my brow still waiting for what he would say.

"Anong ginagawa mo sa harap ng first year class?" He looked away. Nahimigan ko ang kaonting pagdadalawang isip nang tanungin iyon.

Ngumuso ako. Hindi alam kung anong isasagot. Well, isang dahilan lang naman kung bakit ako nandoon at iyon ay silipin kong nandoon na ba si Gael. But I won't gonna say that to him, feeling ko, it will just make us more awkward if I say the true reason.

Nagkibit ako ng balikat.

"Sabay kami ni ate kaya doon ko naisipang dumaan." I gave him a forceful smile.

Nanliit ang mga mata niya habang sinusuri ako. Siniko ko siya nang makaramdam ng kaonting pangingilabot. Then his lips curled.

"Tsk." Umiling ito. "You can't lie to me, Pio." Uminit ang pisngi ko at muling naramdaman ang kuryenteng dumaloy papuntang batok.

"Kahit na hindi mo sabihin, your eyes already telling it. Your eyes goes bright whenever you see my brother." Unti-unting humihina ang boses niya nang sabihin ang lahat ng mga 'yon. His jaw clenched.

Natawa ako ng bahagya. Napatalon ng kaonti sa kinauupuan nang ilipit niya ang paningin sa akin. His gaze looks serious as if he was weighing every sentiment that shows on my face.

I gulped.

"Well..." I tried to speak while my eyes are darting on him but I failed. Umiwas ako bago tinuloy.

"You're right." Bumagsak ang magkabilang balikat ko. Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin.

"Pio." In a deep serious tone.

Napalunok muli ako at nakaramdam ng kaonting kaba. Mas gugustuhin ko pa atang tuksuhin at asarin kami ni Seig ng mga kaklase kaysa sa kaming dalawa lang ni Seig at seryosong pinaguusapan ang tungkol sa nararamdaman ko para kay Gael.

Kinakabahan ako sa kung ano mang sasabihin niya dahil kahit pagbaliktarin man ang mundo, magkapatid at kapatid parin sila. It is also appropriate to get along with all Gael's friends, relatives, most specially with his brother. Una pa lang, ayaw na ako ni Seig para sa kuya niya at nararamdaman ko 'yon kahit na sabihin nating gumagawa siya ng paraan para mas lalong mapalapit sa kanya. I know that his just doing that because we're friends. He's helping me as his friend.

"Tigilan mo na si kuya, Pio. Hindi siya karapat-dapat para sayo." Nanginig ako at nakaramdam ng lamig. Hindi ako makahinga ng maayos dahil para akong nabuhusan ng isang malaking katotohanan na kailangan kong tanggapin.

"Masasaktan ka lang. And I don't want you to get hurt, Pio."

I slowly shook my head as soon as it gets into my senses.

"Oo. Alam kong masasaktan ako. But I'll still choose to continue with my feelings. Alam kong ayaw mo ako para sa kuya mo pero wala ka ring karapatan na pigilan ang nararamdaman ko." I clearly said. Kumunot ang noo niya sa huling sinabi ko.

"You don't understand, Pio. It's not that I don't like you for my brother..." natawa ito ng bahagya.

"Ayaw ko lang na masaktan ka. I already told you, he has someone he likes..." marahan itong umiling "or would I say, he loves." His voice cracked at the last words.

"Sige bahala ka." He then left me there. He didn't say after that and walked out.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top