Kabanata 6
I thought at first, he was just joking but he was not. Every step he takes towards me are only indicating that I wasn't mistaken and that I wasn't dreaming. Because of the loud beat of my heart, I am not sure anymore if I heard him right but now that he is getting closer to me, I reckon that my hearing is still functioning.
"Sorry, nabigla ata kita..." He chuckled. Napalunok ako at hindi maiwasang mapakurap. Umiling ako agad para putulin man kung ano pa ang idudugtong niya.
"H-hindi naman." I paused, trying to think what to add. Umiwas ako ng tingin nang medyo makalapit sa akin.
"Uhm..." I stumbled. Pinapangunahan ako ng mabilis na pagtibok ng aking puso. I sighed when I finally have the courage to speak up.
"I'm shy..." I said then I looked away. Before I avert my eyes, I saw his lips rise. He chuckled again so I glanced at him.
"Huwag kang mag-alala, Pio." He comfortably said na natatawa parin. My heart dropped after hearing him saying my name. He knows me! He said my name for the first time! I bit my lip, trying to hide my smile but I failed. Ngumisi ako sa narinig. Pero ang sayang naramdaman ay agad ding napukaw nang magsalita siya ulit.
"You can call me kuya. Huwag kang mahiya." Bumagsak ang magkabilang balikat ko at hindi maiwasang bumusangot. Tanging pagtango lang ang naibigay ko sa kanya.
Na-kuyazone ka, Pio. Dapat kasi huwag masyadong pabigla-bigla sa nararamdaman. Hindi porket nag presinta siyang turuan ka maglangoy, hahayaan mo na ang puso mong mabaliw. Hindi porket nakilala ka niya, espesyal kana. These are just normal to him. Pero as one of his admirers, hindi ko maipagkakaila na sobrang laking bagay na ito para sa akin. Ang banggitin lang ang pangalan ko ay halos mayanig ang mundo ko. Ito ay aking simpleng pangarap lang na hindi ko lubos inisip na balang araw mangyayari din.
Kaonting distansya na lang magkakadikit na ang balat namin. Sa tangkad niya kahit na nakapatong ako sa hagdanan ng swimming pool, kakailanganin ko parin tumingala para makita siya. Kahit na seryoso itong nakatingin sa akin, may kaonting ngiti parin sa kanyang labi. His hair is not fully wet yet. Nabasa lang ito ng kaonti na wari ko ay galing lamang sa talsik ng tubig.
Naputol lamang ako sa pagsusuyod sa mukha niya nang may malakas na tawanan ang bumalot doon. I looked where it came from. Ang mga kaklase ko ngayon ay nagkakatuwaan at nagkikipag-asaran kasama ang mga freshman.
Nakita ko pang sinita ito ni Miss Miranda dahil agaw pansin sila ng lahat.
"Baka soon to be brother-in-law 'yan?" One of his friends shouted. Nagtawanan pa sila lalo dahil sa sinabi. Uminit ang pisngi ko. Nakita kong umiling si Gael habang nanatili parin ang ngiti sa labi.
"Baka ang ibig mong sabihin soon to be sister-in-law!" Someone shouted again. Laglag ang panga ko pero hindi nakuha ang sinabi. I gritted my teeth.
Nakita kong nag-iba ang kanyang mukha. The smile on his face faded. His eyes were serious now without any trace of enthusiasm. Napalunok ako.
Nahagip ng mga mata ko si Seig sa tabi na seryosong nakatingin sa amin. Kumalabog ang puso ko. Mas lalong bumilis. I feel like I am trapped in this circumstance.
Mabuti na lang at lumapit uli si Miss Miranda sa mismong cottage ng freshman at pinagalitan ang mga ito.
"Be a good role model to the youth. Hindi iyong kayo pa nagiging masamang ehemplo sa kanila!" Bumalot ng katahimikan. Napayuko ang mga nandoon pero pansin parin sa kanila ang pagpipigil ng tawa.
Mabuti na lang nandito si Miss Miranda dahil kung hindi, hindi na naman matatapos ang pang-aasar nila. Bakit ba kasi napunta kay Seig at sa akin ang panunukso, tuloy mas lalo akong nahihirapan sa nararamdaman para kay Gael!
"Pasensya ulit." His usual solemn voice.
"Hindi, okay lang..." Hindi ko masabi pero nang magtama ang mga mata namin
"Kuya" I softly added.
Napangiti ito. May kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko.
Muling humupa ang katahimikan at unti-unting nag-ingay. Bukod sa amin, may mga ibang dumayo din sa resort. Taga ibang bayan din siguro.
Naglahad ng kamay si Gael sa akin para gabayan papunta sa medyo ilalim na banda. Syempre natatakot ako pero dahil nakikita ko namang hindi niya ako iiwan na lang kapag nandoon na kami, marahan kong tinanggap ito. Again, I felt something in my stomach and the electric from the back of my neck went to my cheek. I can almost feel the heat.
"Sigurado kaba dito?" I asked.
He nodded with a smile. "Oo. Hindi kita bibitawan."
Sa sinabi niyang iyon, medyo napanatag ako. Tumango ako bilang pagsasang-ayon. Mabagal siyang naglakad habang hawak ako sa kamay, then his hands went on my waist to guide me. Halos hindi ako makahinga ng maayos dahil pakiramdam ko maririnig niya ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Pio!" Sigaw ni Blair. Nilingon ko siya pero kinindatan lang ako sabay nguso sa tabi ko. Uminit ang pisngi ko.
Nakangiting aso din si Shee sa gilid habang pinapanood kami. Nahagip ng paningin ko si Seig na tulalang nakikinig sa kung anumang pinaguusapan ni Ruben at Vince.
Kanina ko pa napapansin na ang lalim ng mga iniisip niya. Alam kong ang awkward nito para sa kanya lalo nat alam niyang may gusto ako sa kuya niya. Inaasar at tinutukso kaming dalawa kahit na alam naman ng mga kaklase na si Gael talaga ang gusto ko pero hindi nila iyon sineseryoso. Parahil ay alam nilang crush crush lang iyon pero si Seig, alam niya mismo na hindi iyon simpleng paghanga lang. He knows that I am deeply attracted to him. At palagay ko, iyon ang mas lalong nagbibigay awkward sa aming dalawa at nagpapahirap sa kanya kasi magkaibigan kami. Alam kong ayaw niya ako para sa kuya niya pero ramdam ko din na ayaw din niya akong masaktan bilang kaibigan niya.
Humugot ako ng malalim na paghinga at hindi napansing nasa gitna na pala kami. Bigla akong dinalaw ng kaba.
"You need to relax when you are swimming. Hindi nakakatulong kapag masyado kang maraming iniisip pag naglalangoy. You need to breathe in and breathe out. Huwag na huwag kang magpapanick kasi lulubog at lulubog ka talaga. Alam kong nakakakaba at talagang pangungunahan ka ng kaba lalo nat alam mong hindi ka marunong." Para akong inaagos ng alon habang pinapakinggan siya. He explains very well and even his eyes seems expressing something.
"Try to loosen up. Isipin mong marunong kang lumangoy." His voice is full of conviction. Tumango ako na parang namamagnet.
Kinakabahan parin pero sinubukan kong sundin lahat ng mga sinabi niya. Nakangiti siya habang pinapanood ako. My heart wants to scream.
I inhaled and I exhaled. He slowly let me go but he didn't move away from me. Nandoon parin siya sa pwesto niya pagkatapos akong bitawan.
I tried to paddle my feet and use my hands to keep my head up. I'm still nervous but because of his presence, it comforts me.
"That's great, Pio." Nang makitang unti-unti ko ng nakakaya.
"You're doing great." He added. Natawa siya at mabilis akong inalalayan nang medyo na out of balance.
"You're a fast learner." Ang lapit ulit namin sa isat-isa. Uminit ang pisngi ko.
"Kung siguro ikaw ang teacher namin, mas maiintindihan namin. Siguro hindi ako puro pasang awa lang." Sinubukan kong magbiro kasi gusto kong mas maging komportable kapag kaharap siya.
He chuckled. "Mahirap ba?"
We are now walking towards the edge. Tumango ako.
"Oo, lalo na pag bad trip ang teacher pagnagtuturo." Pagrereklamo ko.
He laughed before speaking. "Maybe Seig can help you?" Sabay taas niya ng kilay. Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib.
"Uhm... minsan. Sakanya kami nagpapatulong." I giggled.
"Talaga?"
"Oo." Bitin kong sabi.
"How about your sister? I'm sure she can help you." Walang pag-aalinlangan niyang sabi. I raised my brow. Hindi alam kung paano sasagutin.
Umiling na lang ako. "Busy din si ate kaya hindi ako madalas humihingi ng tulong sa kanya." Umirap ako. Natawa siya ng bahagya.
"Oo nga." He agreed. Kumunot ang noo ko pero ipinagkibit-balikat niya na lang iyon.
Nagtawag ang mga kaklase ko para kumain na ng pananghalian. Nahihiya akong nagpaalam sa kanya mabuti na lang din at pati sila, kakain na ng pananghalian.
"Dadalhin ko lang ito kay Romeo, Pio." Manang said before leaving me. I nodded.
"Pio, talo mo pa mga karibal mong nasa higher grades. May paghawak pa sa kamay ah." Siniko ako ni Blair sa tabi.
"Anong pakiramdam na si Gael Nuevas, na crush ng bayan, akay-akay ka?" Shee blushed.
"Ano? Sino? Sinong crush ng bayan?" Si Vince na may hawak-hawak na stick ng hotdog.
Shee rolled her eyes.
"Napaka tsismoso mo, tsk!" Umalis ito at nagpunta sa kabilang lamesa. Napakamot siya sa batok sa sinabi ni Shee.
"Sungit! Tsk."
"Pero, he asked me to call him kuya." I shrugged. Humagalpak sa tawa si Blair kaya naman may iilang classmates kaming napalingon sa amin. I glared at her.
Huminto ito sa pagnguya bago ako hinarap. We are sitting on the long hardwood chair, just beside the cottage. Tumikhim ito at may ipinakitang picture.
"Hindi ba si Gael 'yan?" Turo niya sa litrato sa cellphone. Napakunot ako at tinitigan iyon ng mabuti. Nakatalikod kasi ito pero dahil sa suot-suot niyang jersey na may number 01 doon, everyone will surely say that it's Gael.
"Kasi may kumuha ng litrato at agad din namang kumalat. Alam mo na, masyadong malakas ang bluetooth at signal ko kaya madaling nakakasagap." Kibit balikat niya.
"Ano naman kung siya nga 'yan?" Clearly stating the picture of a man standing facing backward. She furrowed her brow, giving me an indefinite look.
"Just think about it Pio. Nasa classroom siya mag-isa..." seryoso ko siyang pinapakinggan, gustong-gustong malaman kung ano man ang gusto niyang ipahiwatig.
"Edi malamang, may hinihintay!" she rolled her eyes. Sabay subo sa fried chicken sa kanyang plato.
Sinubukan kong isipin iyon. So everyone thinks that he's there alone to meet someone? Yes, that could be also the case. Kilala siya sa amin lalong-lalo na sa building nila. Talagang maiisip ng mga tao iyon dahil na rin sa madaming nagkakagusto sa kanya. That wouldn't be possible. Baka meron nga siyang kinita doon.
Hindi naman siguro porket may kinita, ibig sabihin nun may something na agad. Baka isang fan lang din na gustong magpakilala o may importanteng binigay. Pero ngayong naiisip ko iyon, hindi naman pupunta si Gael doon at makikipagkita ng sila-sila lang kung hindi importante 'yong kikitain niya. I know that he has respect not only towards his admirers but also for everyone. But if seeing someone secretly, then it might have something between them that he wants to be cautious.
"Basta. Malakas ang kutob ko na may kinikita nga siyang babae." Kumpyansa niya sabay kagat uli sa manok.
Naalala ko bigla 'yong girlfriend na sinasabi ni Seig. Hindi kaya 'yong girlfriend niya ang kinita niya? I swallowed hard. So he may be saying the truth huh?
Kaya siguro hindi niya masabi-sabi sa akin kung sino dahil hindi niya pa alam kung sino. Basta ang alam niya lang ay may girlfriend na ang kuya niya.
Kinuha ko uli ang cellphone niya at muling tinitigan iyon. Bawat sulok ng litrato, tinitigan ko. Muling napalunok nang makitang parang may hinihintay nga talaga ito. I reckon that this was happened after the match. Hindi ko nga lang alam kung aling basketball match iyon.
Hindi ko na inabala pa si Blair sa pagkain at palihim na sinend 'yong picture sa akin. Gusto ko itong tignan uli kasi parang may kung ano sa isipan ko na naguudyok sa akin.
"Ruben, paabot nga nong coke." Si Blair sabay bigay sa akin ng isa.
Naramdaman ko sa gilid ang marahang pagkakaupo. It was Seig while holding a bottled of water.
Nagtama ang mga mata namin bago siya nagsalita.
"Did my brother do a great job?" One of his brow raised. May kaonting ngiti ang naglalaro sa kanyang labi.
Ngumuso ako at agarang tumango.
Binalot kami ng katahimikan. Sumimsim ako sa hawak-hawak na coke at ibinaling ang atensyon sa kaklaseng naglalaro ng tubig.
"D-do I make you uncomfortable?" Napaangat ako ng dalawang beses sa kanya. Hindi inaasahan ang biglaang tanong niya. Agad din akong umiling nang maibalik ang pagiisip sa tamang lugar.
"Hindi. Baka nga ako dapat 'yong magtanong niyan sayo." I clearly said.
Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay at unti-unting umangat ang gilid ng labi.
"Don't ever think that, Pio. Hinding-hindi ako magiging uncomfortable sayo." He said while his eyes are seriously staring at me.
Nagkatitigan kami. There is something in his eyes that I couldn't tell. I licked my lower lip and looked away.
I nodded. Napanatag sa sinabi niya. Pakiramdam ko kasi hindi siya kumportable sa akin lalo na kapag nandiyan si Gael.
"'Yong..." bumalik ang mga mata ko sa kanya. But now, he's facing directly. Hinintay ko kung ano 'yong sasabihin niya.
"Kanina, sorry kung tinutukso tayo ng mga kaibigan ni kuya." I saw his adam's apple moved. His gaze dropped.
"Hindi. Ayos lang. Sanay na naman ako sa panunukso nila." I shrugged. Napalingon ito na nakakunot parin ang noo.
"Talaga? It didn't affect you somehow?" He curiously asked.
I shook my head to show him that I know for sure, it's just nothing to me. He bit his lip.
"Hindi naman. Alam kong biro biro lang naman iyon. Tsaka normal lang naman 'yon diba? Sa mga magkakaibigan?" Kahit na hindi na kailangan itanong, I still asked to make the conversation lighter. Alam niya na din naman ang ibig kong sabihin.
He nodded but it took him some time before doing that.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top