Kabanata 4
It was almost 8 in the evening when I heard my mom's voice coming from downstairs.
Bumangon ako sa pagkakahiga para umupo at mahigpit na niyakap ang dalawang tuhod.
I heard ate Kris's serious voice. I think they are fighting about something. Napansin ko rin kasing wala pa si ate nang nagsalo-salo kami para sa hapunan.Maybe she just got home at this hour that's why she was being scolded by mom.
Hindi klaro ang mga salitang binabato nila sa isat-isa pero nadinig ko ang boses ni dad na sinusubukang pakalmahin si mom.
Pagsapit ng umaga, napagpasyahan kong huwag tumuloy ngayong araw dahil panigurado akong galit lang ang matatanggap ko kapag sinubukan kong magpaalam. Kaya minabuti kong bukas na lang manood tutal bukas na din gaganapin ang final sport competition kung saan ang mga kalaban ay mismong galing sa ibang paaralan.
Agad ko din naramdaman ang tensyon nang makasabay si ate Kris sa hapag. Kaming dalawa lang ang nandoon.
I know that she's protective to me just like mom but right now, she's the only one I can rely on when something happened to me. Mas natatakot kasi akong magsabi kay ma at alam kong ganoon din si ate. Kahit na magkasing parehas sila ng ugali ni mom, nakikita kong natatakot din si ate sa kanya lalo na my parents are expecting so much from her because she's the oldest.
Patuloy ako sa pagkain ng cereal. Hindi ko siya matanong kaya hinayaan ko na lang ito. Her phone suddenly rang. She panicked whether to answer it or not. Sa huli, pinatay niya ito.
"Balita ko may outing kayo next week?" Nakataas ang dalawa niyang kilay. Kumalabog ang puso ko sa malamig niyang boses.
I nodded. "Hindi ko alam kung makakasama ako." kibit-balikat ko at dinungaw ang pagkain sa harap.
Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na paghinga.
"The school councilor decided to have a little celebration after the match. Matalo o manalo, gaganapin parin nila iyon." I licked my lip. Iniisip ang mga sinabi niya.
"You can go without me. Baka magagabihan kami sa pag-uwi. Nag-aaya ang mga kaibigan na pumunta." she shrugged. A jealousy crept within me. I want to go too!
Mas lalo kong napapatunayan na mahirap talagang makipagsabayan sa kanila.
Kaya naman nang matapos ang araw. Excited parin ako lalo na nangunguna nanaman ang mga imahenasyon ko. I'm wearing a mint green skirt, not too short. And a white crop top shirt. I was contemplating what shoes to wear but then in the end I decided to wear my black sneakers.
I took my mini sling bag bago bumaba. Sabay kami ni ate na pupunta. Nakakapagtaka nga na manonood siya ngayon. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon.
My phone beeped. I looked at it and I saw Blair's message.
"Nandito kami sa waiting shed, nakatambay. Hintayin ka namin."
Hindi pa nakakapasok sa loob ng gate, kita ko na ang mga estyudanteng nagkalat sa oval. Ang iba may kanya-kanyang pakulo. I smiled when I saw my friends sitting on the long steel chair under the shed. Nasasakop ng malaking acacia ang kalahati ng waiting shed kaya kahit ang daanan ng sasakyan sa harap nito ay nabibigyan silong.
My sister reminded me again about the celebration this evening before she went to her friends. Tumango ako bilang pagsasang-ayon nang matapos siyang magpaalam.
My friends waved at me when they saw me walking towards them. They are both look pretty in their floral dress. Nakasikop ang buhok ni Blair at nakasantabi sa kaliwang balikat niya habang si Shee ay may dalawang barette na nakaipit sa magkabilang side ng buhok.
I smiled as I greet them.
"Punuan ang gym ngayon kaya tara na. Mahihirapan nanaman tayong makahanap ng pwesto niyan!" si Blair with her exciting tone.
Napansin ko nga iyon. Nakakapanibago lang dahil sa mga nakaraang araw, halos bilang lang ang mga pumapasok pero ngayon, doble pa sa dami dahil hindi lang ang mga students ng paaralan ang mga nandoon kundi ang ibang dumayo para suportahan ang sariling iskwelahan.
Dumiretsyo na kami sa gym at hindi nga nagkamali si Blair sa sinabi kanina. Kahit hindi pa nagsisimula, medyo puno na ang mga bleachers. Nagkalat ang mga higher at lower grades sa area.
I was busy locating the whole gym when my gaze lower and I saw the players doing some stretching in the court. My heart skipped that it made me hard to breathe properly. I gasped.
Nasa medyo itaas kami ng bleacher kaya kitang-kita ang mga nasa ibaba. Nakaramdam ako ng pag-init sa pisngi nang mahagip si Gael na abalang nagdridribble. Some familiar girls were near their bench. Napakurap ako nang makita sina ate Kris doon kasama ang mga kaibigan. They were actually sitting on the other side, facing to us.
I bit my lower lip when some of the girls shouted his name. Napalingon si Gael sa kanila at natawa sa ginawa noong babae. Naalala ko tuloy na may girlfriend siya. Hindi ko magawang paniwalaan si Seig dahil kung totoo ngang meron, dapat kalat na 'yon sa college at pati narin sa high school building.
If that was all true, then maybe it was a secret relationship. Or maybe, his girlfriend is from outside the school or from other school. Inisa-isa kong binalingan ng tingin ang grupo ng mga babaeng nandoon. Ang ilang nandoon ay sigurado akong kaklase lang din niya. I sighed while trying to figure it out.
"Manonood ba sina Vince ngayon?" Si Shee na ikinibit balikat lang ni Blair.
"Wala naman 'yong pake kaya hindi na siguro."
Napamura si Blair sabay turo sa mga nag-eensayo.
"Ang gwapo nun oh! Number 17!" She said trying not to scream. Napabaling kami doon sa naka 17 na jersey. Hindi siya kabilang sa Blue Jaguar kaya nasisigurong makakalaban nila ito.
"Mas type ko 'yong number 20. Ang tangkad!" Si Shee sabay hawak sa magkabilang pisngi.
"Tsk. Wala parin silang binatbat kay Gael. Look at him." I muttered, still watching him dribbling. They rolled their eyes.
"Yeah, right. Kaso hindi parin ata nakakamove one kay ate Maui." said Shee with a little dismayed in her voice. Laglag ang panga ko sa hindi inaasahang ulat niya.
Blair agreed.
"Kaya hanggang tulo laway na lang ang mga may gusto sa kanya." I heard Blair's deep breath.
"H-hindi ba may... girlfriend siya?" Singit ko kahit na hindi ko alam kung tama bang sabihin iyon. They looked at me with a frown. Hindi sang-ayon sa narinig.
I tilted my head. "Or maybe not." bawi ko.
"Sus! Kalat nga sa buong campus na hindi pa ito nakakamove on kay ate Maui eh." paninigurado ni Shee.
Iyon din ang sabi ng iba. Kasi simula noong kumalat sa buong campus na wala na sila, at ngayong wala pang nababalitaang nagkaroon siya ng relationship o kahit nililigawan man lang, everyone concluded that he was still in love with her.
Kasalukuyang nasa grade 7 ako noon nang malaman ko na nililigawan ni Gael si Maui. Gael was in grade 11 while Maui was in grade 10 that time. Nagkalat din ang balita noong dalawa na sila hindi kalaunan pero nang lumipat si Maui ng paaralan, ang pagkakaalam ko nagpunta ito ng States at doon lamang nahinto ang relasyon nila. 'Yon ang naririnig naming dahilan kung bakit sila nagbreak. Maybe long distance relationship is difficult to cope. Lalo na magkaiba ang oras. Oras din ang isang kalaban ng LDR kaya hindi nagwowork ang relationship.
"Sayang bagay pa naman sila." Blair sighed. I couldn't hide the bitterness inside me.
Napalunok ako. Naguguluhan sa sinabi ni Seig. Hindi ko tuloy alam kung totoo ba ang mga sinabi niya sa akin kasi sa nakikita ko, hindi alam ng mga kaibigan ko ang tungkol doon.
Ibinaling ko na lang ang buong atensyon sa harap. Habang abalang naghihitay sa hudyat na magsisimula na, may iilang paparating pa lang kaya mas lalong rumarami ang loob.
"Ruben just texted me. They were here." nang sabihin iyon ni Blair agad ko ding nasilayan sina Ruben na abalang inililibot ang paningin, hinahanap siguro kami.
Kumaway-kaway sila at nang makita kami ay agad silang tumungo sa kinaroroonan namin. Kasama niya si Vince. I looked behind them to see Seig but his not there.
"Labas tayo after?" Bungad ni Ruben nang umupo, tabi sa akin. A smile crept on my friend's face.
"Oo nga. Tutal last na naman ito kahit na magkikita naman sa outing." si Vince. I shook my head. Hindi ako pwede ngayon dahil ang pinaalam ko lang ay manood ng tournamento.
Agad din namang kumontra si Blair. Maybe she knows already.
"Sigurado akong hindi pwede si Pio." sabay bagsak ng balikat niya.
Nagkibit-balikat si Shee.
"Next time na lang."
I feel guilty. Pakiramdam ko dahil sa akin kaya hindi tumuloy si Blair at Shee. I want to go but I know I couldn't. My lips curled when an idea pop up in my mind.
"Sa bahay na lang kaya tayo? Kung gusto niyo." I said calmly. The side of their lips rose up, a bit shocked of my idea.
"Talaga? Pwede kami?" Si Ruben.
Ngumuso ako dahil kung sakaling makakapunta nga sila sa bahay, it will be their first time visiting our house. Uminit ang pisngi ko. Actually, I'm not sure if they are allowed but I will try.
"Not quite sure but... I'll try." I trailed off.
Naghiyawan ang mga kaibigan sa saya dahil sinabi ko. Ang lungkot naman kung makita silang masaya pero kalaunan hindi ako pinagbigyan ng magulang sa gusto. That will break their heart. Iniisip ko pa lang iyon, may kaonting kirot na sa puso ko.
Everyone stopped when a voice on the speaker announced the school competition. Nangibabawa ang boses na nanggagaling sa speaker ng gym kaya nang matapos ito inanunsyo, naghiyawan at nag-ingay uli ang mga nandoon.
Pati ako napasigaw sa excitement na nararamdaman. Alam kong magaling ang Blue Jaguar pero hindi parin ako kampante kasi hindi ko pa naman alam kung gaano kagaling ang kalaban nila ngayon. They look serious, though.
The game started and the atmosphere inside the gym suddenly changed. I can feel the tension in each team. I swallowed.
"Seig!" sigaw ni Ruben sabay kaway. Sinundan ko ang direksyon kung saan ito nakatingin.
Nakatayo si Seig sa hagdan medyo malayo sa amin nang makita kami. He smirked when he saw us. Naglakad ito papunta sa amin. Agad kong nilipat ang atensyon sa mga manlalaro. Sa unang quarter, dikit ang laban. Napapasinghap ako at buga ng malalim na hininga kapag nakakashoot ang kalaban.
"Naks, bagong gupit ah."
"Kaya pala late." I heard Shee.
He laughed.
Napaangat ako ng tingin. Umurong si Ruben para bigyan siya ng kaonting espasyo. Umupo ito sa tabi ko.
Ang dating medyo mahaba at magulong buhok niya ay nagkaruon ng guhit sa right side. Nagkaisa din ang buhok niya na ngayon ay nasa iisang side na hindi tulad ng dati na medyo magulo.
He looked a bit matured. Mas lalong naging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya kung saan hindi ako medyo komportable dahil nasanay ako sa dati niyang hairstyle.
"Pogi ba?" Napalundag ako sa kinauupuan nang mapagtantong nasa kanya parin pala ang tingin ko.
Uminit ang pisngi ko sa hiya na naramdaman. I secretly swallowed as I looked away.
Hindi ako umimik. Nagkibit-balikat lang.
"Wow, new hairstyle."
"Heartbroken siguro kaya nagpagupit." Humagalpak sila ng tawa.
"Diba kaya nagpapagupit 'yong iba kasi heartbroken?" Pagbibiro ni Blair. I want to laugh but there is something inside preventing me from doing it.
I bit my lower lip, trying not to smile.
"Pag ikaw nagpagupit, ibig sabihin nun heartbroken ka?" Ruben tried to say it loud enough just to hear from the other side.
Umiling si Seig habang may kaonting ngiti sa labi.
"Hindi. Siguro. Pwede rin." Gulo niyang sagot. Hindi mawari kung ano ang isasagot.
Hindi na ako makapag focus sa pinapanood. Napapabaling na lang ako sa gilid para makita 'yong puntos. Hindi ko na masabayan 'yong laro at kung sino-sino na ang nakapaglaan ng score para sa team.
Inipit ko ang mga labi nang makitang sobrang tagaktak sila ng pawis. Nakakaramdam ako ng kung ano sa puso habang pinapanood si Gael na tumatakbo habang ang basang buhok ay bahagyang napapatalon.
Some of the other student cheered to support their own school. Hindi din naman nagpatalo ang mga babaeng kanina pa abalang nagchecheer para sa Blue Jaguar.
I couldn't stop myself when they got a point. Napahampas ako sa tabi ko sa saya. Nangunguna na ang Blue Jaguar dahil sa nakuhang puntos. Napapalakpak ako, ganoon din sina Blair na abala din sa paghiyaw.
Lahat nagdiwang sa huli nang lamang ang paaralan namin ng tatlong puntos. Napatayo ang lahat sa tuwa, ganoon din ako. Napalundag ako sa sayang nararamdaman habang pinagmamasdan silang hingal na hingal.
Naghiyawan ang lahat pagkatapos ang anunsyo. Ganoon pa man, nakipagshake hands ang opponent bago tuloyang umalis. The Blue Jaguar stood there filing in and they all bowed. Muling nag-ingay ang lahat. They laughed as they bowed in front of each bleachers.
Gusto kong bumaba at pumunta doon lalo na nang nagsibabaan ang mga nasa bleacher para puntahan sila.
"How I wish I can join them?" Bugtong hinga ni Blair.
I sighed too.
Pagod kaming dumiretsyo sa canteen para bumili ng merienda.
Habang naghihintay doon, umalis ako para tawagan si mom. Some part of me was not convinced with my idea. Pero okay lang naman siguro kasi sa bahay naman kami.
"Mom." I softly said as she answered.
"Can I bring my friends there?"
She didn't answer right away. I swallowed.
Nang una parang nagaalinlangan ito pero kalaunan, napapayag ko din siya kasi wala na rin namang ginagawa. This is the last day before everyone go for vacation. Kaya naman, lahat nagkakatuwaan pagkatapos ang breathtaking match kanina.
Nang sabihin ko sa mga kaibigan ang pagpayag ni ma ay napalundag sila sa tuwa.
I invited Seig too. He said he's free so he can join us. A big smile plastered on my face after stating that his brother will fetch him. Ibig sabihin noon, pupunta siya sa bahay! My heart raced so fast as I started to imagine it.
"Movie marathon tayo." Maligayang sambit ni Shee.
"Sige, basta ba horror." si Vince
"Mas maganda pag comedy." si Shee
"Tsk, dapat romance." Na agad tinanggihan ni Ruben.
"Action na lang." Aniya
I smiled and shook my head. Mahaba ang pila dahil halos lahat pagkatapos natapos ang laro ay dumiretsyo sa canteen. Kaya medyo punuan dito ngayon.
Ang pagkakaalam ko, sa gymnasium mismo gaganapin ang pagdiriwang kaya panigurado akong siniset up na nila iyon. Ang mga nasa college building lang ang pwedeng pumunta doon dahil hanggang gabi pa iyon matatapos.
I wonder what happened after the argument. Ngayong magagabihan ulit si ate Kris, siguro naman alam ng magulang ang tungkol dito.
"Pio!" Napatuwid ako sa pagkakatayo nang tawagin ako ng tindera. Kinuha ko ang milktea na order.
Nagsimula na kaming dumiretsyo sa sasakyan. Nang makarating sa bahay, naabutan namin si dad sa sala kasama si Zell.
Zell's eyes twinkling when he saw us. He ran towards us.
"Kuya!" He shouted. He didn't even looked at me. Tumakbo ito papunta sa mga kaibigan.
"Dad." Bati ko tsaka siya nilapitan. I kissed him on the cheek.
Isa-isa din bumati ang mga kaibigan ko.
"Hello po tito." They greeted happily. Dad smiled as he greeted back.
"Umupo muna kayo. Pio, hindi mo man lang sinabi. Hindi tuloy nakapaghanda ng meryenda." Dad said shyly and he offered them to sit for a while.
Uminit ang pisngi ko.
"Okay lang tito." They respond.
"Kuya, look at this." Tumawa si Seig nang ipakita ni Zell ang train niyang laruan.
Nagkalat ang mga kaibigan ko sa sofa ng living room. May theater room naman kami kaya aanyayahin ko na lang sila mamaya pagkatapos mag meryenda.
We played video game. Natatawa ako kapag naiirita si Ruben kapag natatalo ito ni Blair sa racing.
"Bagal mo!" Reklamo ni Blair nang maunahan ito.
"Ruben, kaya mo 'yan." Pang-aasar ni Vince nang makitang masyadong malayo na ang distansya.
Napabaling ako sa banda nina Seig. He's busy entertaining my brother. Naglalaro sila ng train, tinutulungan i-assemble ang railings para ma paandar ang train.
I swallowed as I watched them.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top