Kabanata 38
Wala na akong balak na sabihin pa sa kanya ang naging pagiging malapit ni kuya sa kanya. I will leave all those closed. Pero nang marinig ko mismo sa graduation namin ang bulong-bulungang panghuhusga kay Pio ay namintig ang tainga ko.
"Wala na talagang hiya 'yang Pio na iyan. Sa mismong araw pa talaga na ito niya lalandiin si Gael." Nilingon ko iyong grupo ng mga babae na kakapasok lang sa gym.
"Niyaya nga si Gael eh! Gusto ata solohin!" They laughed. Kumunot ang noo ko at agad hinanap ng paningin si Gael.
He's not here. Tanging sina Gelo lang ang nakita ko sa table nila. Bumigat ang dibdib ko nang mapansing wala din si Pio. I clenched my teeth.
Agad akong lumabas ng gym. Halos takbohin ko lahat para hanapin siya.
I will tell her everything. Bago ako aalis papuntang States, gusto ko sabihin sa kanya ang katotohanan. I didn't interfere to what my brother is doing because I thought after that he would stay away from her.
Agad nagdilim ang paningin ko nang makita sila. Mabilis kong tinakbo iyon at nang mapansin ako ni Pio ay bahagya akong huminto. I tried catching my breath. Tinapunan ko siya ng matatalim na tingin. Napabaling ako kay Pio. Her eyes are full of confusion. Sinubukan kong umiwas dahil mas lalo lamang akong nanghihina.
"Enough kuya!" Sigaw ko. I couldn't control myself anymore. Kinakaain ako ng galit at tanging nasa isip ko ay ang kagustuhang itigil niya ang kung ano man ang binabalak niya. Dahil doon ay nahuhusgahan at tinatawag ng kung ano si Pio dahil sa nakikita nila kahit na siya iyong biktima.
My brother, somehow uses her but people couldn't see the truth behind it. Kaya nang marinig ko iyon ay halo-halong galit at inis ang bumalot sa aking katawan.
Nanlumo ako nang makita ang marahang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Alam ko na sa oras na sabihin ko ito, alam ko na sobra siyang maaapektuhan. Na sobra siyang masasaktan. I know it's all too late.
"Ginamit mo iyon para mas lalong mapalapit sa ate niya! Ginamit mo ang nararamdaman niya para lang makuha ang gusto mo! Now that you get what you want, what are you trying to do next?! Huh?! Tama na kuya! Sh*t!"
Anger crept on me. Sa bawat salitang itinapon ko ay kita ko kung paano unti-unti siyang nanghina at nadurog. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya pero buong lakas niya itong hinigit.
Gusto ko siyang yakapin. Bago ko pa iyon gawin ay agaran siyang naglakad paalis. I saw how she emotionally torn into pieces.
Galit na galit siya at naiintindihan ko. Kulang na lang ay murahin ako at pagtatadyakan. But she didn't. She was still kind after all. Sa ginawa kong paglilihim sa kanya ay alam kong hindi ko na maibabalik ang dating tiwala niya sa akin. Sinaktan ko siya. Kahit na sabihin kong itanago ko iyon dahil ayaw ko siyang masaktan, I still hurt her. Sa huli nasaktan ko parin siya.
Nagmaka-awa ako. Napasinghap ako nang pakinggan niya ako pero sa huli, tuluyan ng nawala ang tiwala niya sa akin. I love her so much to the point that I will let go everything. I will let go the great opportunities that is ahead of me. I will let go going to States for her. Kahit na sabihin niya na para iyon sa ikakabuti ng kinabukasan ko, kaya kong bitawan iyon, makasama lang siya.
Bumagsak ang magkabilang balikat ko at agad akong nanghina nang marinig iyon mismo sa kanya.
"H-hindi kita mahal."
"Ayaw na kitang makita."
Kasabay ng pag-alis niya ay ang pagbagsak ng buhos ng ulan. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw at sinusubukang intindihin iyong mga salitang nabitawan niya. I feel torn inside me. Ni hindi ko maramdaman ang malamig na tubig na dumadabo sa aking katawan. I heard her right. It was clear but there is something inside that doesn't want to accept it.
Suminghap ako at umiling. Galit siya. Kinakain siya ng emosyon niya nang sabihin iyon. I tried to convince myself that she just said it out of herself. Sobra siyang naapektuhan kaya sigurado akong hindi niya ginustong sabihin iyon.
Hindi ko na maramdaman ang sariling luha dahil sa tubig ng ulan na dumadaloy sa aking mukha.
"Seig!" Someone called.
Hindi ako gumalaw at nanatili parin doon. Nakayuko ako, tanging nasa isip ko ngayon ay kung papaano ko maibabalik ang tiwala niya. She was broken.
Naramdaman ko ang biglaang paglapit niya sa akin. Tumigil ang pagtagaktak ng ulan sa kinatatayuan ko. My eyes widened when I saw who it was. Nakakunot noo niya akong tinignan habang ang isang kamay ay hawak-hawak ang isang payong.
Kita ko si Pio sa kanyang mukha. Hinawakan niya ang braso ko. Muli akong yumuko.
"I'm sorry..." my voice cracked.
Naglakad kami palayo doon. We didn't went back to the gym. Dumiretsyo kami sa waiting shed.
Ate Kris looked at me seriously. Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang mga nangyari. I am certain that after I tell her everything, she will get mad too. Ayaw ko ng palakihin pa ito at baka dahil doon ay masira pa ang relasyon nilang magkapatid.
"I'm sorry. Nasaktan ko ulit si Pio..." nanghihina kong sabi, hindi alam kung saan magsisimula.
She just watched me. Tumikhim ako. Ngayon ko lang naramdaman ang lamig sa aking katawan.
"I love her." Pag-amin ko. "I love your sister but I broke her hurt again. Everytime I'm trying to protect her, I end up hurting her." Nanginig ako.
Tinanggap ko na na dahil sa panloloko at pananakit ko sa kanya, hindi na ako kailanman mapapatawad ng magula o ang ate niya. Sa oras na iyon ay tanging pagmamaka-awa at humingi ako ng tawad sa ate niya. Tatanggapin ko kung mamagalit siya sa akin o kahit kamuhian niya ako dahil ang ginawa ko kay Pio ay higit pa sa kapatawaran.
I texted her. I called her but she didn't answer or even reply. Hindi ko maisip kung anong ginagawa niya ngayon. Is she still crying? Halos saktan ko ang sarili dahil sa katarandahun ko.
I tried to reach out for her. Nabalitaan ko na lang na wala na umalis siya. Lagi akong pumupunta kina Blair para tanungin kung saan siya nagpunta pero kahit ilang ulit kong tanong at ilang ulit kong pagpunta sa kanila, she doesn't know too.
"Hindi ko nga alam!" Inis niyang tugon.
Kahit na ganoon ay patuloy parin ako sa pagpunta sa kanila. Hindi ako tumigil sa pagtatanong. Nagpupunta din ako sa bahay nina Shee pero kahit siya hindi din niya alam.
Sinubukan kong tawagan siya kahit na hindi niya ito sinasagot. I still leave a message for her even though she doesn't respond. Hindi ako nawalan ng pag-asa.
I didn't go to States. Umalis si kuya nang hindi kami nagkaka-ayos. I heard him knock the door before he left.
Finally, bago magsimula ang klase ay nilakasan ko ang loob na kausapin si ate Kris. I texted her. I thought she's going to leave it without replying back. Kaya naman halos mapabalikwas ako sa kinauupuan ko nang makita ang naging tugon niya.
"I'm sorry, Seig. Pio has been in Manila for a long time."
My lips curled. Hindi ko maiwasan gapangan ng saya. Para akong nabuhayan nang malaman iyon.
She told me that she will be staying there until she graduates from college. I asked her which school she goes.
Mabilis kong inilagay ang mga damit at gamit sa aking luggage. Pupuntahan ko siya. I called the school immediately. Mabuti na lang at abot pa ako sa enrollment. Agad akong nag-enrol doon.
Mabuti na lang at may condong nabili ang mga magulang ko sa Maynila para kapag nagbabakasyon kami doon o hindi kaya out of town ay may natutuluyan kami. Hotels there are so expensive ganoon din kapag nag-rent ka kaya better to buy your own property.
Dahil sa nasa legal age naman na ako ay hinayaan ako ng mga magulang kong mag-aral sa Maynila ng mag-isa. My other relatives live in the province, some are in States.
I still have few days left before the school starts. Nang makarating ako doon ay agad kong nilibot ang lugar. Kailangan kong mag taxi araw-araw para makapunta sa mga lugar.
Sinubukan kong bisitahin ang magiging paaralan ko. Alam ng ate niya ang pagpunta ko dito. She knows that I will be studying here too. Akala ko nga galit siya sa akin kaya hindi ko siya magawang tanungin dati pa. Months had passed but I know the wounds are still there.
As I was expected, it was big and extravagant. I went to the cafeteria to buy drinks. Naupo ako sa gilid at ilang sandali nanatili doon.
"Masarap ang milk tea nila dito. Siguradong magugustuhan mo." Dinig kong masiglang sabi ng isang bata mapalit sa pamilihan ng milktea.
Humugot ako ng malalim ng paghinga bago napagpasyahang umalis doon. Napalingon ako sa hawak kong milktea ngayon. Naalala ko siya bigla.
Nagsimula na ang klase pero hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nakikita. Malaki at malawak ito kaya kahit saan ako tumingin, I see students everywhere.
Malaki din ang college building. I know that she's doing business. Bumagsak ang magkabilang balikat ko nang maisip na mahihirapan ako nito. Kahit na nasa iisang lokasyon lang kami ay wala paring kasiguraduhan.
Halos mapamura ako nang hindi ako tantanan ng mga kaibigan sa pangungulit. Sinabi ko sa kanila na mananatili ako dito. Hindi ko sinabi na kaya ako nandito para hanapin si Pio.
Si Ruben:
Marami bang mga chikababes diyan?!
Halos mapamura ako. I gritted my teeth.
Si Vince:
Mag-uwi ka kahit isa lang pagbalik mo!
I snorted. Umilibg-iling ako at agad inilagay ang iyon sa aking bulsa. Maaga akong pumasok sa unang klase ko.
Maraming lumalapit sa akin pero wala akong panahon sa pag-eentertain sa kanila. Madalas nagyaya sila kumain o lumabas pagkatapos ng klase pero wala akong panahon sa ganoon.
Kita ko ang pagbusangot at pagkadismaya nong katabi kong babae nang yayain ako.
Madalas ganoon ang mga nangyayari. Pagkatapos non ay hindi na uli nila ako papansinin. Ako pa itong nagmukhang snobber! Kala mo naman may pake ako!
Naupo ako sa isa sa mga bench malapit sa cafeteria. Nagbabakasakaling makita ko siya doon. Kasalukuyang lunch break ng lahat. Madaming tao sa loob kaya nagbabakasakali ako na makita ko siya ngayon dito.
Hindi nga ako nagkamali. Nanliit ang mga mata ko. Nanatili ang paningin ko doon baka kasi namamalikmata lang ako pero siya nga iyon. She was walking towards the cafeteria. Nakangiti siya habang ang mga mata ay tutok na tutok sa kasama.
I clenched my teeth. Napabaling ako doon sa kasama niyang lalaki. They are both laughing. Nag-init ang katawan ko. I took a deep breath.
Hindi man lang ito tumingin sa paligid. Ang buong atensyon niya ay nandoon sa kasamang lalaki kahit na nang pumasok sila sa loob ng cafeteria.
Am I too late? Bumagsak ang aking paningin pero agad din namang ako bumalik sa sariling pag-iisip. Kinuha ko ang dalang bag at agarang dumiretsyo doon.
Ngayong nahanap ko na siya, hindi ko hahayaang mawala ulit siya sa paningin ko.
Inilibot ko ang aking mga mata. Agad ko din siya nakita sa isa sa mga lamesa sa gilid.
Umupo ako sa hindi kalayuan doon, sakto lang para makita siya. Nagdilim ang paninhin ko nang makita iyong lalaking kasama niya kanina na may bitbit-bitbit ng tray ng pagkain. My forehead creased. Are they dating? Is he courting her? Napasinghap ako.
I waited there for a while. Hindi ko na inisip ang susunod kong klase.
I followed them. I keep my distance away from them. Napahinto ako nang makita ko silang tumigil sa harap ng college building.
Nakangiting nagpaalam si Pio sa kanya bago siya dumiretsyo sa loob. Nagkuyom ang kamay ko lalo na nang makasalubong ko ito. Nakangiti iyong lalaki nang magkasalubong kami.
Agad akong pumasok sa loob para sundan si Pio. Napasinghap ako nang makita itong pumasok sa isang classroom.
Isinulat ko ang araw at oras ng kanyang mga klase. Hindi na ako nahirapan sa paghanap sa kanya dahil alam ko na iyong schedule niya.
Magkaklase pala sila nong lalaking iyon sa isang subject. I was a bit relieved that they only have one class the same.
Lagi akong nagpupunta ng cafeteria kapag lunch break. Minsan nakikita kong mag-isa lang siya pero kadalasan ay kasama niya iyong lalaki.
Sinubukan kong hintayin siya kahit sa pag-uwi.
"Ate, mabuti maaga kayo ngayon!" Sambit nong batang babae. Sinalubong niya ito sa mismong bukanan ng building namin.
Pio chuckled. I missed her see smile and laugh because of me. Gusto ko ulit makita siyang ngumiti at tumawa na malaman na ako ang dahilan ng pagngiti at pagtawa niya.
Napapanatag ako kapag nakikita siyang sumasabay doon. I don't like to see her taking a taxi. It's too dangerous for her lalo nat naaabutan siya ng dilim.
Mul ko ulit silang nakitang naglalakad papuntang cafeteria. May namamagitan ba sa kanilang dalawa? Why would he always eat lunch with her? I saw a group of guys went to their table.
My forehead wrinkled as I watched them. I clenches my hand. Doon ko nalaman na Kaspian pala iyong pangalan nong lalaking madalas niyang kasama.
Maaga natapos ang klase ko ngayon kaya naman agad akong dumiretsyo sa kung nasaan si Pio. Nagdilim ang paningin ko nang makita iyong lalaki na nakatayo na para bang naghihintay. Hindi nga ako nagkamali nang saktong matapos ang klase nila ay agad niya itong sinalubong.
It breaks my heart to see her so close to him like that. Agad akong ginapangan ng takot. Mabibigat ang bawat paghinga ko kahit na nang sinundan ko sila papunta sa gym. What are they doing here? Hindi bat tapos na ang klase niya? By this time, she should be going home. Nanikip ang dibdib ko habang nagtatago sa medyo itaas, sapat lamang para hindi ako makita.
Napalunok ako nang kahit natapos na ay sabay silang naglakad papunta sa parking lot. Huwag mong sabihin, ihahatid ka pa niyan?! I'm so out of myself right now. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita. She seems okay. She seems happy everytime she's with him. Humugot ako ng malalim na paghinga.
"Pio..."
Bago pa ako makapagsalita ulit ay biglang sumulpot iyong lalaki na kasakasama. I gritted my teeth.
Hindi siya nakapagsalita nang tanongin siya ng kasama niya. She didn't looked at me again before she turned sh back to me. Mabibilis ang bawat hakbang niya papalayo sa amin.
Sinubukan ko siyang habulin pero bago ko pa iyon magawa ay agad siyang sinundan nong kasama niyang lalaki. Nanlumo ako habang pinapanood siyang papalayo sa akin. Galit siya at nakita ko sa mga mata niya ang sakit na pinaramdam ko sa kanya dati.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top