Kabanata 34
Tahimik kami nang umalis sa airport. Nakasandal ang ulo ko sa balikat ni mom habang hawak-hawak ang isa niyang kamay. Hinaplos-haplos ko it. Since before, she was there for me. She was so protective. Ngayong mapapalayo ako sa kanya, alam kong hindi ito madali para sa kanya.
Bigla siyang may kinuha sa kanyang bag. Kumunot ang noo ko habang pinapanood siyang may kinukuha.
She gave me my phone. Tumikhim siya.
"Your friends tried to contact you. Hindi ko na na-ibigay sayo kahapon dahil ayaw din kitang gisingin. Magdamag tumutunog cellphone mo, Seig is calling you. Madami din siyang messages." Habang sinasabi niya iyon ay kumikirot ang puso ko. Napasinghap ako at marahang kinuha iyon.
"Ano bang nangyari? Is there something happened between you and him?..." nagdadalawang isip niyang sabi. Nag-aalala niya akong tinitigan. Nag-iwas ako ng tingin.
"No, mom. Everything is fine." Paniniguro ko. Mabuti na lang at hindi na ulit siya nagtanong. She knows that I'm lying. Kahit na ganoon ay hindi na ulit siya nagsalita.
I licked my lip. I turned off my phone. Hindi ko kayang buksan iyon. Mas mabuting itago ko na lang at bumili ng bago. Ngumuso ako at sinusubukang magpakatatag.
Humugot ako ng malalim na paghinga nang makarating kami. Pumasok ang aming sasakyan sa mismong loob ng gate at doon nag-parada.
Nakita ko ang mag-asawa na nakangiting nakatingin sa amin. They walked towards us. Sinalubong niya kami ng yakap.
"Pio!!" Isang batang babae ang masiglang tumakbo para salubungin ako.
Malawak ang ngisi niya nang yakapin ako. She giggled.
"Ate, it's been a long time. You look beautiful!" Namula ang pisngi niya nang sabihin iyon. Her parents laughed.
"You too, Eunice." Ngisi kong sambit. She giggled again. Excited at masaya siya nang malaman na dito muna ako titira. She's so jolly and cheerful.
Bata pa siya nong huli ko siyang nakita. Hindi naman ganoon kalayo ang agwat namin pero mas matanda ako sakanya. Itong susunod na pasukan ay nabanggit ni tita na mag-gra-grade 8 na siya. Sabay kami mag-eenrol sa susunod na pasukan.
I hugged my parents. Hinalikan ako ni dad sa noo.
"Ikaw na bahala sa anak ko, Estella." Mangiyak-ngiyak na sabi ni mom sa kanyang kapatid.
"Wag kang mag-alala Valentine. Aalagaan namin ng mabuti si Pio dito." She smiled. Tipid akong ngumiti.
Kumirot ang dibdib ko nang makitang paalis na ang sasakyan namin. Nangilid ang luha ko pero pinigilan ko ito sa pagbagsak. Naramdaman ko ang kamay ni Eunice sa aking kamay. She smiled as I looked at her.
Mainit ang pagtanggap nila sa akin. They always made me feel that I belonged.
"Eunice will show you the school tomorrow, Pio. Siya na ang magiging tour guide mo para hindi karin mahirapan pagnagpasukan na." Tita chuckled. Namungay ang mga mata niya.
"No problem, mom. Ako na bahala kay ate Pio!" Masiglang tugon niya. Nasa hapag kami ngayon kasalukuyang kumakain ng hapunan.
Mababait din ang mga kasambahay nila. Nakakausap ko sila kaya agad ko din naman silang napalagay.
Sobrang saya niya na kahit sa pagtulog ay tinatabihan ako. Maybe because she's the only child. Dahil sa kulit ni Eunice, nalilibang ang sarili ko.
Inihatid kami ng driver nila kinabukasan. Malaki nga ang paaralan. Bubungad sayo ang malawak na field sa gitna. May sarili din silang parking lot. I took a deep breath.
Hinigit ako ni Eunice. May nakita akong grupo ng babae na kumakaway sa direksyon namin.
"Sila 'yong mga kaibigan ko ate." Aniya nang huminto kami sa harap nila. Malawak ang ngisi ko nang harapin sila.
They really look young. They greeted me.
"This is Olive, Hazel and Callie." Sabay turo niya isa-sa. "At 'yan naman si Osep, ang boyfriend ni Olive." She rolled her eyes. Bahagyang natawa ang mga kaibigan niya.
"Hi, I'm Pio." Bati ko. They gave me a warm smile.
Lumihis si Eunice sa kanila. Napakagat ako sa labi nang magpaalam siya para ilibot ako. Pinilit kong ako na lang mag-isa pero makulit siya. She wants to go with me. Ayaw niya akong iwan.
"You know what, I'm so happy that you're here." Pumula ang pisngi niya. I chuckled. Lagi niyang sinasabi sa akin iyan.
"Mag-isa lang kasi ako sa bahay. Tanging laruan ko lang ang nakukulit ko!" Aniya sabay busangot. Humalukipkip siya.
Nang ilipat sa akin ang paningin ay agad din siyang ngumiti.
"Gusto mo bang bumisita sa amin kapag nagbakasyon ako?" I asked her. Agad siyang tumango.
"Sure, ate! Ilang taon na din nong huling punta ko doon. I missed going to Norte." Her lips curled.
"Tsaka si Zell at ate Kris. Gusto ko silang makita!" She said cheerfully.
I bit my lip. Naalala ko si ate Kris. Ilang linggo na ang nakalipas nang makaalis siya. Hindi ko alam kung kamusta na siya. Kaya naisipan ko mamaya na sumaglit sa mall malapit dito para bumili ng cellphone.
"Yan!" Napatingin ako sa room na tinuro niya. "Diyan ang classroom ng crush ko..." She trailed off. Nahimigan ko ang kilig sa kanyang boses.
I remember someone. Umiling-iling ako at nagpatuloy sa paglalakad. Itinuro niya kung saan ang main office ng mga teacher dito. May iilan akong nakita sa loob. Bumati si Eunice nang makita kami ng mga iilang guro doon.
Gaya ng paaralan ko dati, mag kahiwalay ang building ng mga high school at college.
Dahil sa hindi naman siya lagi nagpupunta sa college building ay hindi din niya alam ang mga pasikot-sikot doon. Ako na ang bahala sa paghanap ng mga klase ko kapag nakuha ko na ang schedule ko.
Nanatili kami doon ng ilang sandali. Pagkatapos namin libutin iyon ay dumiretsyo kami sa cafeteria dito.
"Masarap ang milk tea nila dito. Siguradong magugustuhan mo." Aniya sabay takbo doon sa stall ng milk tea. I swallowed. Nanginig ang buong katawan ko. Kumirot ang dibdib ko nang bigla siyang sumagi sa isip ko.
Bumalik ako sa sarili nang makitang kumaway si Eunice sa akin. Marahan akong umiling at sinubukang ngumiti.
"What do you like? Ito ang recommend ko sayo." Sabay turo niya sa strawberry milk tea.
"Sige ako na ang bibili. You can look for a table." Ngumuso siya bago umalis.
"Ano pong pangalan?" Tanong nong babaeng tindera nang matapos kunin ang order ko.
Nag-init ang sistema ko. Nanikip ang dibdib ko. Ilang sandali akong nawala sa sarili nang maalala ko ulit siya.
"Ma'am?" Tawag nito sa akin. Medyo nataranta ako nang makita ang pagtaas ng magkabilang kilay niya.
"P-pio." Nag-aalinlangan kong sambit. Tumikhim siya bago tumango.
Ang pagpunta ko dito ay makakatulong talaga para mapabilis ang paghilum ko. Hindi madaling kalimutan siya pero mas lalong hindi madali kung mananatili ako doon. I always remember him. Walang araw na hindi siya sumasagi sa isipan ko. Whenever I think of him, I always feel pain inside.
Nang matapos ay pinilit ko si Eunice na mauna na. Sasaglit lang ako sa mall. Mas mabuting ako na lang mag-isang pumunta para na rin maging pamilyar ako sa lugar.
Hinanap ko ang pamilihan ng mga gadgets. Dumiretsyo ako sa isa sa mga store nang makita ang mga nakahelera doon. I still have my old phone. Simula nong umalis ako ay wala na akong balita sa mga kaibigan ko. But I heard from my parents that they went to our house. Hinahanap nila ako kaya palagay ko, alam na nilang nandito ako sa maynila.
Pagkatapos ko bumili ay naghanap agad ako ng taxi. Makulimlim ngayong araw pero ramdam parin ang init na haplos ng hangin sa balat.
Kabado ako nang kunin ang cellphone sa drawer. Napakagat ako sa labi nang buksan iyon. Bumungad agad ang sandamakmak na notifications galing sa mga kaibigan. Kumirot ang dibdib ko ng makita ang tawag at messages galing kay Seig. Humugot ako ng malalim na paghinga. Pinunasan ko ang takas na luha sa aking pisngi.
Agad kong nilagay ang phone number ni Blair at Shee. Ganoon din kay ate Kris.
I texted my friends. Sunod sunod ang mga messages nila.
From Blair:
Pio!!! Where are you? Saan ka banda?
From Shee:
What happened, Pio? Bigla ka na lang nawala sa graduation natin.
Unti-unting lumandas ang luha sa aking mga mata. I swallowed.
Sinabi ko sa kanila na dito ako magkokolehiyo. I didn't tell them what happened on that day. Kahit na paulit-ulit sila sa pagtatanong. Gaya ng hinala ko, nandito nga si Blair sa maynila. Sinabi niya sa akin na bibisitahin niya ako bago magsimula ang klase.
From Blair:
Seig is looking for you. Lagi niya akong tinatanong kung nasaan ka pero mismong ako hindi ko din naman alam. Ano bang nangyari? Did you fight?
I gritted my teeth. I've no idea where he is right now. Basta ang alam ko pupunta siya sa States. That would be great for him. Aalis siya at makakalimutan niya lahat ng mga nangyari. Bumigat ang dibdib ko.
Pinakiusapan ko silang hayaan na lang si Seig. Kung nasaan man siya ngayon, wag na nilang sabihin kung nasaan ako.
Mabilis lumipas ang mga araw habang kasama ko sila. Sinasama ako ni Eunice kapag lumalabas ito. Hindi naman ganoon ka-istrikto sina tita hindi tulad kay mom.
"Sandali lang, Eunice." Ani ko habang excited na hinihintay ang tawag ni ate.
Bibili kasi kami ngayon ng school supplies kaya hindi mawala ang sigla sa kanya. Nakangiti ako nang bumungad ang mukha ni ate sa screen.
"Ate!" I almost shout. Tumabi si Eunice sa akin at sinilip ang cellphone ko. Kumaway din ito nang makita si ate Kris.
"Ate Kris!" Sigaw niya. Natawa si ate dahil sa biglang sigaw niya.
"Kamusta kayo diyan?" Medyo namamaos niyang tanong. My forehead creased.
"Mabuti naman ate. Malapit na pasukan namin." Nakangiti kong sabi.
Tumango-tango siya, hindi parin naaalis ang ngiti sa kanyang labi.
"Don't worry ate! I will be her bodyguard. Panigurado ako na sa pasukan madaming aaligid sa kanyang mga lalaki!" My jaw dropped. Tumawa si Eunice nang matapos sabihin iyon. Ate Kris chuckled.
Marahan ko siyang tinapik. Matalim ko siyang tinignan pero sinuklian niya lamang iyon ng halakhak.
I heard a voice from the background. Someone is calling her.
"Sandali lang!" Aniya sa taong palagay ko tumawag sa kanya.
"Oh siya sige, bumili na kayo. Tatawag ulit ako." Pamamaalam niya. Malawak ang ngisi niya nang patayin iyon.
Eunice giggled. Hindi maalis ang saya sa akin pagkatapos ko makausap si ate. It's been a while. Masaya ako na makita siyang masaya doon. She always looks blooming. Palagay ko hindi niya naman napapabayaan ang sarili niya. Nakahanap din naman ata siya ng mga kaibigan doon. Tumikhim ako nang hilain ako ni Eunice.
"Tara na ate. Can't wait to buy my favorite powerpuff girls!" She joyfully said. Bahagya akong natawa.
Kaya naman nang makarating doon ay agad siyang tumakbo papasok. Hinila niya ang kamay ko at dumiretsyo sa isang shop na punong-puno ng mga stuff toys. I watched her looking for her fave. I chuckled when she finally saw it. Agad siyang pumunta doon at walang pag-aalinlangang binili ang tatlong character.
"I thought we're going to buy school supplies?" Pambibiro ko sa kanya. She rolled her eyes.
"After this." Aniya sabay kumurap-kurap. I couldn't stop laughing. Mas lalo siyang sumigla nang sabihin kong ako na ang magbabayad non.
"Thank you ate!" She cheered then hugged me.
Pagkatapps non ay nagpunta kami sa isang book store. Kanya-kanya kaming kuha ng gagamitin sa pasukan. I bought a lot of pens. Hindi na ako nagtaka kung bakit puro powerpuff girls lahat ng binili niyang gamit.
Kinuha ko ang cart na dala niya at ako na ang pumunta sa counter. She waited me there while reading some books.
Malaki ang mall dito kumpara sa amin. Mas kompleto dito at marami ka talaga malilibutan. Sa sobrang laki, may mga makikita ka sa gitna na palaruan ng mga bata.
Hawak-hawak ko sa kamay si Eunice habang yakap naman ng isang kamay niya iyong stuff toy na binili niya. Dumiretsyo kami sa isa sa mga restaurant.
"Thanks a lot ate! It's fun to be with you. Ang old fashion kasi kapag sina mom ang kasama ko sa pagshoshopping!" Sabay busangot niya. Ngumisi ako.
I ordered two burgers and two sodas. Maingay sa loob dahil saktong lunch na nang pumunta kami. My phone vibrates.
From Blair:
Pupunta ako sa inyo bukas ah! Meet me there.
Ngumuso ako habang nagtipa ng mensahe para sa kanya.
Sa susunod na linggo na ang simula ng klase. Sobrang bilis ng panahon pero pakiramdam ko parang kailan lang nong graduation namin. I can't believe that I'm in college now.
Madalas tumatawag ang magulang ko kina tita. Madalas nila akong kamustahin. Nakikita ko din si Zell. Nadudurog ang puso ko kapag nakakausap siya sa video call. Sa ilang buwan nang mapalayo ako sa kanila, kapansin-pansin ang kaonting pagbabago sa mukha ng kapatid ko. Some features of his face changed. Mabilis din siyang tumangkad.
Panay ang tawag ni Blair sa akin kinabukasan. Hindi siya sigurado kung tama ba iyong napupuntahan nila. I told her the address. May navigator naman kaya mas mapapadali sa kanilang mahanap ang lugar.
Siguro mahigit isang oras ang byahe papunta sa amin. Nandito din siya sa Manila pero mahirap parin na magkita kami ng ganoon kadalas.
Nahihiya din ako kina tita na pakiusapan ang driver nilang ihatid ako sa bahay nina Blair kaya mas mabuting siya na lang ang bumisita sa akin.
Kasama ko si Eunice sa labas habang hinihintay siya. Abala si Eunice sa paglalaro sa cellphone niya. Napatayo ako ng matuwid nang masilayan ang puting sasakyan na unti-unting tumitigil sa harap ng bahay. Bumungad ang kaibigan ko na agad ko din sinalubong. I miss her so much!
Malawak ang ngisi niya nang yakapin ako.
"My gosh, Pio. Namiss kita sobra!" Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Ganoon din ako.
Unti-unti akong kumalas. Naramdaman ko ang kamay ni Eunice sa palapusunan ko. I smiled as I saw her forehead wrinkled.
"Blair, pinsan ko nga pala. Si Eunice." Nakangiti kong sabi.
"Hi, ate Blair." Bati niya. Nakita ko ang pagpula ng kanyang pisngi.
"Ang cute mo naman." She patted her head. Mas lalong pumula ang pisngi niya.
"You look pretty!" Nakangiti niyang tugon. Napairap ako nang ipinitik niya ang kanyang buhok.
"Kids never lie." Aniya sabay tawa. Ngumuso si Eunice.
Agad din silang nagkasundo. They are both jolly and cheerful. Eunice likes her. Tuwang-tuwa siya nang bumisita si Blair.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top