Kabanata 31
"Sa susunod na linggo, be here at the same time. Does everyone understand?" Ani ng adviser namin bago kami palabasin.
"Yes, Miss Miranda!" Sigaw ng mga kaklase. She laughed then she let us go.
Maingay sila habang masiglang tinatahak ang bukanan ng gym.
"Huwag na! Aalis ka rin naman." I heard one of my classmates.
"Sus, pakipot ka pa. Sige ka, pagsisisihan mo din Leo." Sabay siko nang isang babae.
Nakita ko ang pagpula ng tainga niya. I bit my lip.
"Bakit hindi mo samahan? Para parehas kayo. Sabay kayo magkolehiyo. Mahirap kayang malayo sa isat-isa!" Pagtutulak ng isa pang kaklase. Napakamot sa batok si Leo.
Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero palagay ko, may gusto si Leo sa kaklase din namin. Ngumuso ako nang maisip na mapapalayo ang babaeng gusto niya at mahirap nga iyon para sa kanila. Yumuko ako ng mapagtanto iyon.
Naramdaman ko na may biglang tumabi sa gilid ko. I smell his perfume. Kahit na nang i-angat ko ang paningin, alam ko ng si Seig iyon. Bumungad ang matatamis niyang ngiti nang mag-tama ang aming mga mata.
"Is something wrong?" Malumanay niyang tanong, hindi parin naaalis ang ngiti sa kanyang labi.
Nalipat ang atensyon ko sa mga kaklaseng nangunguna sa paglalakad nang bigla silang maghiyawan.
"Oo na! Susunod ako sa kanya." Nangibabaw ang sigaw na iyon ni Leo. Namula ang pisngi nong babae sa narinig.
Namungay ang mga mata niya na para bang hindi makapaniwala sa gagawin ni Leo.
"Hindi ako tutuloy, Pio." Aniya sa mababang boses. I stared at him. I raised my brows.
Ngumuso siya. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.
"I won't leave you. Hindi ako sasama kay kuya." My lips parted.
Kumunot ang noo ko at napahinto sa narinig. Napasinghap ako. Seryoso ang mga mata niya habang tutok na tutok sa akin.
Pinagtalunan na namin ito dati. Hindi ako papayag na balewalain niya ang oportunidad na ibinigay sa kanya. Going there will make his future better. At wag niyang idadahilan na gaganda din naman ang kinabukasan niya kung dito siya magpapatuloy. Oo, maraminv magandang oportunidad dito pero kung magiging practical tayo, mas maganda ang magiging kinabikasan niya kapag pupunta siyang States.
Umiling ako. His forehead wrinkled. Ayaw kong magtalo ulit kami dito pero hindi ko hahayaan na sayangin niya iyon dahil lang sa rason na ayaw niya akong iwan.
I don't want him to leave. Iyan ang totoo pero ayaw kong ipairal ang kagustuhan kong huwag na siya umalis. I don't want to be selfish. I don't own him. All I want for him is to see him successful. Kahit na masakit sa akin na mapalayo sa kanya, titiisin ko makita lang na mapabuti siya.
"No, Seig. You need to go. Sabi ko naman sayo, may mahalaga ang kinabukasan mo. Pwede naman tayong mag-usap through calls or texts..." nanginig ako. I bit my lip.
Masakit para sa akin. Ramdam ko ang kirot sa dibdib. I took a deep breath. I can see sadness in his eyes too. He licked his lip.
Unti-unti din siyang tumango. I gritted my teeth. Marahan din akong tumango para mas lalong ipamita sa kanya na tama ang desisyon niyang sumama kay Gael.
"Don't worry. We'll be okay here. Mag-ingat ka lang din doon. You better not do stupid things." Pinanliitan ko siya ng mata. He chuckled.
"Promise me na ako lang." Seryoso niyang sabi. Nanginig ang buong sistema ko. Oo, Seig, hihintayin kita. Huwag kang mag-alala, I will make sure to be with you. Pero hindi ko iyan sinabi. I keep it to myself. Marahan akong tumango.
Bahagya siyang natawa. "Hindi na ako makapaghintay, Pio. I want to marry you as soon as I come back." My body stiffened. Para akong matutunaw sa lalim ng pagkakatitig niya!
Uminit ang psingi ko. I didn't sya anything. Hindi ko rin naman alam kung anong itutugon.
Kahit na hindi niya iyon sabihin sa akin, siya at siya lang ang magmamay-ari sa puso ko. Maghihitay ako. Kahit na ilang taon pa, hihitayin ko ang pagbabalik niya.
Nagdaan ang ilang araw. Narinig ko si mom na may kausap sa telepono. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang seryosong nakikipag-usap. She took a deep breath after the call ended.
"Bakit po? May nangyari po ba?" I asked with concern.
"Kulang ang tao sa shop ngayon. Matatagalan bago matapos ang pagkakargo dahil may mga customers din na kailangan asikasuhin." She explained. Napakagat ako sa labi.
Dahil sa wala naman akong gagawin ngayong araw ay napagpasyahan kong bumisita sa shop. Ilang linggo na din nong huli kong bisita. Naging abala kasi ako sa mga paperwork na ibinigay sa amin. Kahit papaano ay natatapos ko iyon ng mas maaga.
Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Seig bago ako naka-alis ng bahay.
To Seig:
I'm going to the shop today.
Kita ko na ang truck na nakaparada sa harap. Bilang lang ang trabahente naming tumutulong sa pagbubuhat.
Agad akong bumaba nang makapag-park si manong. Binati ako ng iilang nakapansin sa akin. I smiled at them. Habang palapit ay may namataan akong isang lalaking pamilyar sa akin. He was also there helping the other workers.
Hindi nga ako nagkamali nang kawayan niya ako. Malawak ang kanyang ngisi habang pinapanood akong palapit sa kinaroroonan nila.
"Ma'am Pio!" He uttered. Ibinaba pa niya iyong hawak-hawak niyang cartoon na puno ng carnation.
"Javier. Nandito ka?" I asked the obvious. Ngumisi siya sabay kamot sa batok.
"Opo. Sumama ako sa pagdeliver ng mga kapipitas na bulaklak." Aniya sabay tawa. Tumango ako.
Dahil sa kaonti ang taohan dito ngayon ay tumulong na sila sa pagkakargo. Naabala pa tuloy namin sila dahil imbes na bumalik sila sa farm ay nanatili muna sila dito ng ilang sandali. Binigyan ko siya ng bote ng tubig nang makitang pagod na ito.
"Salamat." Sambit ko. Napabaling siya sa akin. Kumunot ang noo ko nang makita ang pagpula ng kanyang mukha. Bahagya siyang tumawa sabay iwan ng tingin.
"Okay lang 'yon ma'am Pio. Nasabi ko na rin kay sir na matatagalan kami ng balik." My lips parted. I raised my brows.
"Naabala ko pa kayo. Alam kong busy din sa farm." I tried to give him a smile. Namungay ang mga mata niya.
"Kaonti po ang trabahador niyo ngayon kaya ayos lang ma'am. Tsaka naintindihan naman po ni sir." Suminghap ako tsaka unti-unting tumango.
Natapos din kami sa paglilipat. Kahit na natanghali kami ay nagpapasalamat ako dahil kahit papaano na-manage naming matapos ng mas mabilis.
Kadalasan kasi mas marami ang bumibili kapag tanghali na. Kaya mabuti na lang at saktong natapos din kami nang magtanghali na.
Natataranta si Yna nang lumapit sa amin. My forehead wrinkled.
"Ma'am, may problema po tayo." Hindi siya mapakali. Mas lalong kumunot ang noo ko. Tumikhim siya. I raised one of my brows.
"Matatagalan po bago makabalik 'yong deliveryman, ma'am. May sunod pa pong kailangang i-delivery kaso wala pong may alam kung paano iyon i-dedeliver. Hindi naman po marunong magdrive ang mga nandito." Dirediretsyo niyang sabi. Napahugot ako ng malalim na paghinga. Problema nga ito. Inilibot ko ang paningin.
"Malayo ba? Saan ba i-dedeliver?" Kunot noo kong tanong. She nodded.
"Sa kabilang bayan po." Nagaalinlangan niyang tugon. Nahimigan ko ang takot sa kanyang boses. I smiled.
Dumiretsyo ako sa counter. Naramdaman ko ang pagsunod ni Javier sa akin.
"Kung gusto mo, ako na lang ang magdedeliver." Napahinto ako. Pumikit ako ng ilang sandali bago siya lingonin. Inilapag ko ang bag sa gilid.
I bit my lip. Hindi ako makatanggi dahil kailangan nga naming i-deliver iyon agad. Ngumiti ako at agarang tumango.
"Salamat Javier. Kulamg talaga kami ngayon. Mabuti na lang at nandito ka." Nakangiti kong utas. The side of his lips raised.
"Naku, sakto nga ang dating niyo!" Nakita ko din ang saya ni Yna. Tinapik niya si Javier sa kanyang braso.
"Nasaan po ba 'yong kailangang i-deliver?" Nahihiya niyang tanong. Agad din naman iyon tinuro ni Yna.
May ilang trabahente ang kumuha non para ilagay sa sasakyan. Kahit papaano ay may naiwang sasakyan para sa pag-dedeliver.
Nagpumilit akong sumama. Nakakahiya naman kung si Javier lang ang pupunta. Kahit na nagpumilit siyang maiwan na ako ay wala rin siyang nagawa nang sumakay na ako sa tabi niya.
"It's okay, Javier. Delikado din kung ikaw lang mag-isa." Madiin kong sabi. Hindi na siya umimik at sinimulang paandarin ang makina.
Ako ang naging navigator. Sinasabi ko sa kanya kung saan siya liliko o kung didiretsyo lang. Natatawa siya kapag nagkakamali, ako din nahahawa sa tawa niya.
"Pasensya na po ma'am. Hindi lang po pamilyar ang daan sa akin." Agad akong umiling. We laughed.
Nang sa wakas ay nakarating kami sa destinayon, agad siyang huminto sa harap ng modernong bahay.
Ngumuso ako. "Ito na po ba 'yon?" Tanong niya sabay turo sa labas. Marahan akong tumango.
"Palagay ko tama naman tong napuntahan natin." Ani ko sabay baba sa sasakyan.
Agad din siyang bumaba at dumiretsyo sa likod ng sasakyan. Naglakad ako palapit sa gate. I saw a woman. Medyo matanda na ito. Nang mapansin ako ay agad siyang lumapit sa gate at binuksan ito.
"Good Afternoon po. I-dedeliver lang po sana namin iyong bulaklak na inorder niyo." I smiled.
Namilog ang mga mata niya. "Pasok kayo." Pag-aanyaya niya.
Tahimik si Javier sa tabi ko habang buhat buhat ang isang malaking bouquet.
"Sandali lang. Kukuha ako ng maiinom. Alam kong malayo pa ang pinanggalingan niyo." Ani nong matanda. Bago ko pa siya pigilan ay mabilis itong naglakad paalis.
I looked around. Napansin kong maraming bakanteng lupain dito. Hindi pa napapatayuan ng bahay. Malalawak ang mga ito. Mukhang safe din kung dito magpapatayo ng bahay. Napasinghap ako habang dinadama ang simoy ng hangin.
Napabaling ako sa matanda nang makalapit sa amin. Binigyan niya kami ng malamig na tubig.
"Pasensya na po kung medyo late ang pagkadeliver." Nahihiya kong sabi. Marahan siya umiling.
"Okay lang hija. Mag-ingat kayo pabalik." She smiled. The side of his eyes wrinkled. Kapansin-pansin na may edad na talaga ito.
Ilang sandali kami nanatili doon. Pinagmasdan ko ang kabuoan ng lugar. Nagpaalam kami ni Javier nang makapagpahinga ng saglit.
"Sige po. Alis na kami." Javier waved before starting to turn on the engine.
Tahimik kami pabalik. Napakagat ako sa labi nang mapagtantong masyadong hapon na pagnakabalik kami.
Nakaramdam ako ng gutom. Naisip ko na simula pa nong umaga ay wala siyang tigil sa pagtulong. Hindi din siya nakapaglunch dahil dumiretsyo kami agad nang matapos sa pagkakargo.
Niyaya ko siyang kumain sa bayan. Hindi ko alam kung anong oras sila natatapos sa farm pero palagay ko ay kung babalik pa siya doon, siguro saktong paalis na din ang mga iilang trabahente.
"Sigurado po kayo ma'am?" Paninigurado niya nang pilitin ko siyang huminto sa bayan.
I nodded. Hindi ko maiwasang pansinin ang pagiging masunurin niya bilang trabahador. No wonder why his the right hand of my dad. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan niya.
"Dito na tayo magmeryenda. Masyadong malayo din ang byahe at alam kong hindi ka pa nakapagtanghalian." Ngumuso ako nang makita ang pagpula ng mukha niya. Napabuga ako ng hangin. Siguro ay nahihiya siya. Bahagya akong natawa.
"Libre ko na. Wag ka ng tumanggi." Pagpigil ko nang makitang bunuka ang kanyang bunganga.
He sighed. Natawa siya at marahang tumango. Naglakad kami papasok mismo sa palengke.
"May alam ka bang masarap na kainan dito?" Tanong ko. Inilibot ko ang paningin.
"Sa taas ma'am. Nandoon po lahat nakahelera ang mga meryenda." Masigla niyang tugon.
Sa taas? I've never been there. Ngayon ko lang napansin na may ikalawang palapag pala ito. He leads the way. Alam niya kung saan pupunta, alam niya ang pasikot sikot. I smiled when I saw the food court.
"Ma'am, try niyo po palamig dito. Sobrang sarap ma'am." He joyfully said.
Itinuro niya ang isang food stall. Nauna ako sa paglalakad. Sa paningin ko ay simpleng juice lang iyon pero nang matikman ko ay tama nga siya, talaga ngang ma-i-rerecommend mo sa iba.
Sa gantong kasimple ay kitang kita ko kay Javier ang labis na saya. Kahit na wala ito kumpara sa mga tinitinda mismo sa mall ay tuwang-tuwa na siya. I can't stop smiling.
Bumili kami ng tag-isang siopao. Masasarap nga ang mga tinda dito. Nong punta ko dito kasama ang mga kaibigan ko ay sa labas lang kami ng palengke kumain. Hindi namin nalibot ang kabuoan dito.
Dahil sa alam na alam ni Javier ang pasikot-sikot dito ay napagpasyahan naming maglibot muna. May mga ipinakita siya shop na punong puno ng mga laruan. May mga nagbebenta din ng damit.
"Dito po kami madalas bumili ng regalo." Aniya sabay tawa. Napakamot siya sa batok. I nodded. Hindi naman masamang bumili ng regalo dito dahil may mga kakaiba din akong nakita na pwedeng-pwedeng i-regalo.
Hindi din ganoon kamahal ang mga binebenta kaya hindi ka talaga makakapag-gastos ng sobra.
Hawak-hawak parin ang supot ng palamig, i-pinasyal niya ako sa mga ibat-ibang stall doon.
"Mainit po sa loob at siksikan din. Pasensya na po ma'am kung hindi ka sanay." He chuckled. Kumunit ang noo ko.
Naglakad na kami pabalik sa sasakyan.
"I enjoyed. Thanks for that." Sabay ngiti ko. Nagningning ang kanyang mga mata. Lumawak ang ngiti sa kanyang labi.
"Masaya ako na nag-enjoy ka ma'am." I heard him took a deep breath. Pinaandar na niya iyong sasakyan pabalik.
"Next time. Pagmakakapunta ulit ako doon, hindi na ako maliligaw. Alam ko na ang pasikot-sikot doon dahil 'yon sayo." I laughed.
He cleared his throat. Bahagya din siyang natawa. Ang buong atensyon niya ay nasa harap kaya hindi siya makatingin sa akin ng diretsyo.
Tama nga ako. Sobrang hapon na nang makabalik kami. Ilang oras na lang at magsasara na kami. Ipinarada niya iyong sasakyan sa gilid. Nagpasalamt ulit ako bago bumaba.
"Javier!" Tawag nong isang lalaki. Palagay ko ay isa sa mga kasama niya kanina.
Tumakbo si Javier doon. Nasa harap parin iyong truck. Kumaway si Javier nang umupo sa loob ng truck. Malawak ang ngiti ko nang kawayan din siya pabalik.
Pinanood kong umalis iyon. Napasinghap ako at naglakad papasok ng shop.
Nanigas ako sa kinatatayuan. My jaw dropped and my eyes widened. Agad akong ginapangan ng kaba nang makita ang kilay niyang nagkasalobong.
Nakahalukipkip siya at matikas na nakatayo malapit sa entrance. Seig's eyes were darted on me. Seryoso at malalalim ang titig niya.
Nanginig ang binti ko. Bahagya akong naglakad palapit sa kanya.
W-what are you doing here?" I asked. His brows raised. He smirked.
"Binibisita ka." Sarkastiko noyang tugon. Tumikhim siya.
"Bakit ngayon ka lang?" Seryoso niyang tanong. I swallowed.
"Kakatapos lang namin mag-deliver. Medyo malayo kaya natagalan." Kibit-balikat ko. Nanliit ang mga mata niya. Bumigat ang dibdib ko. Nahirapan akong makalanghap ng hangin.
"I called you many times. Bakit hindi ka sumasagot?" This time, I saw his jaw clenched. Nataranta ako. Hinanap ko ang cellphone pero agad ding naalala na naiwan ko pala ang bag ko sa counter.
Bumagsak ang magkabilang balikat ko. He bit his lips. Hindi ako makatingin ng diretsyo sa kanya.
"I left my phone. I'm sorry." Mahina kong sambit.
Narinig ko ang marahan niyang pagsinghap. I glaced at him. Tumango-tango siya.
"So that's Javier." It seems a question but it is not. Nanigas ako sa kinatatayuan. Kanina paba siya dito? He saw him leaving. Kahit na wala namang masama kahit na makita niya kaming magkasama, ayaw ko lang na kung ano-ano ang maisip niya.
He didn't move. Hindi naalis ang paningin niya sa akin. I don't know what's in his mind right now. Kung ano ang mga tumatakbo sa kanyang isipan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top