Kabanata 28
Hindi ako mapakali. Panay ang baling ko kay Seig. He's talking with other client.
"Excuse me?" Halos mapatalon ako sa kinatatayuan nang makabalik sa sarili. Nataranta ako nang makita ang pagkunot noo ng ale.
"S-sorry po. Ano pu ulit iyon?" I trembled. Mukhang may tinatanong siya pero hindi ko nakuha. Tumikhim siya.
"Pwede bang gawing half half itong red roses at pink? Paki-arrange at paki balot na rin." Aniya. Ngumiti ako at agad na tumango.
"No problem, ma'am. Ipapa-arrange ko na po agad." I asked someone to take the flowers. Tumulong narin ako sa pag-aareglo.
We do customized flower arrangements too. Pwede silang pumili ng ibat-ibang bulaklak na gusto nilang pagsamahin. We don't ask them to pay extra. They only pay it depends on what kind of flower it was.
Abala ang lahat. May kanya-kanyang ginagawa. Tumulong ako sa likod sa pagbabalot. May iilang order din na kailangang i-deliver ngayon.
"Salamat po." Utas ko nang makaalis ang isang customer.
The phone ringed. Agad ko itong sinagot.
"Bukas po?... ano pong oras?..."
I got a call from pick-up tomorrow. Isinulat ko iyon sa log-book. Abala kong isinusulat ang mga detalyeng kakailanganin ko.
Napasinghap ako nang ibaba iyon. Lumandas ang paningin ko kay Seig na tinutulungan ang isang trabahente namin. I saw the girl's cheek turned into red. My brows furrowed.
I heard them talking. Nag-init ako nang biglang lumapit si Seig sa kanya. He even held her hand. I bit my lip.
"D-daplis lang po. O-okay naman na po." I heard her stuttered. Titig na titig si Seig sa kamay nong babae habang abalang sinusuri ito. I tilted my head.
"Ako na tatapos dito." Aniya sa mababang boses. I licked my lip. Nakita ko ang pagkataranta nong babae. Umiling siya pero nagpumilit si Seig.
Umiwas ako ng tingin nang marahang umalis yong babae doon. Nagtama ang paningin namin pero agad din siyang yumuko.
Nagpatuloy si Seig sa paggugupit ng mga tangkay. I saw how determine he is. Kahit na kanina pa siya doon at minsan ay tumutulong pa siya sa pagbubuhat ay hindi siya kailanman huminto ng kahit ilang sandali lang. Kapag may lumalapit sa kanya para magtanong, nasasagot niya ito ng hindi humihingi ng tulong sa ibang trabahente.
Napapakagat ako sa labi pagnasasaktuhan niyang nakatingin ako sa kanya. Kahit na nakikita niya iyon ay umiiwas parin ako ng tingin.
Kumuha ako ng bote ng tubig na nakalapag lang sa gilid para sa lahat ng mga staff doon. Tumikhim ako at naglakad papunta sa kanya.
He was now putting all the finished flowers on their own places. I cleared my throat. Napabaling siya sa akin dahil sa ginawa ko.
Ngumuso ako at ibinigay sa kanya ang water bottled. Lumawak ang ngisi niya. Ngayong nakita ko siya ng malapitan, I saw a drop of sweat on his forehead. I licked my lip.
Nataranta ako at naisip ang panyo sa aking bag. Mabilis ang mga hakbang ko nang magpunta sa counter. Kunot noo niya akong pinanood hanggang sa makabalik ako sa harap niya. He bit his lip. Humalukipkip siya at hindi maitago ang ngisi sa kanyang labi. I felt my body heating up.
"I brought you water..." nanginig ako. "Tsaka... pinagpapawisan ka." Sabay bigay ko sa panyo. Ilang sandali niya akong tinitigan. Then he chuckled.
Napansin ko ang kaonting pagflex ng kanyang muscle nang buksan iyong tubig. Gosh, Pio! Kung ano ano na lang napapansin ko. Humugot ako ng malalim na paghinga pagkatapos niya punasan ang pawis na namuo sa kanya noo.
"Gusto ko yang tinititigan mo ako. Na para bang hinuhubaran mo ako sa titig mo." I almost choked on my own breath. Sinubukan kong umalis doon pero agad niyang hinawakan ang palapulsunan ko. He cleared his throat before he looked at me with his serious eyes.
"Gusto kong ako lang dapat ang tinititigan mo ng ganyan. Might seems selfish but I want you, Pio." Napasinghap ako at hindi siya matignan ng diretsyo. Bumigat ang dibdib ko at naramdaman ang paghuhuramentado ng puso ko. Kinabahan ako na baka mahalata niya iyon.
Kahit na nanginginig ang kamay ko ay sinubukan kong alisin ang malambot niyang kamay na nakahawak sa palapulsunan ko. His face didn't changed. He still looked at me as if we were the only person here.
"You need to take a break. Wala pa namang masyadong clients." Matapang kong tugon. I tried not to look distracted or affected. Ngumuso siya bago ko talikuran.
Alam kong hindi na tama ang nararamdaman kong ganito sa kanya. If he keep on being like that, I don't think I can still hide this weird feelings inside me anymore. Mas lalo ko siyang hinahanap. Hindi mapakali ang mga mata ko sa pagsilip sa kanya.
Mabibigat ang bawat paghinga ko lalo nat nanatili siya sa aking tabi. Kahit na may kausap akong kliyente ay hindi ako mapakali. I keep on looking at him through my peripheral vision. Kahit na may kausap ako ay siya ang laman ng isip ko kaya minsan hindi ko nasasagot kung ano mang tanong ng mga nakakausap ko.
May isang lalaking kakarating lang. He raised his hand. Nataranta ako at agad siyang nilapitan.
Malawak ang kanyang ngisi nang makalapit ako sa kanya. Pumawewang siya at itinura ang bouquet of pink carnations.
"Magkano 'yan, Miss?" Sabay lapit niya sa akin. Bahagya akong napaatras dahil sa biglaang hakbang niya.
"That would cost 700, sir." Sabay kagat ko sa labi. Kumunot ang noo niya. He then smirked. Bigla akong kinabahan.
"Sige, kukunin ko." Utas niya. Kinuha ko iyon at inilahad sa kanya. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa kamay ko. Mas lalo akong kinabahan nang maramdman ang paghigpit ng hawak niya doon. I furrowed my brow.
Bago ko pa iyon alisan ay biglang dumating si Seig sa tabi ko. His eyes were on fire. Matalim ang pagkakatitig niya sa lalaking kaharap ko. Hindi ito na sindak, bagkos ay kumunot lang ang kanyang noo.
"Excuse me? May problema ba bro?" Malalim niyang tanong. I swallowed. Mas lalong naglisik ang mga mata ni Seig.
"Sapak gusto mo? How dare you touch my girl's hands? Baka gusto mong sa sementeryo ka pulutin." I bit my lip. The tension between them starts to rise. Seryoso si Seig at parang walang pakealam. Nangatog ang binti ko. Napansin ko ang paglingon ng mga ibang trabahente sa amin.
Natawa 'yong lalaki. Ewan ko kung nang-aasar siya pero dahil doon mas lalong nag-init ulo ni Seig. Hinawakan ko ang braso niya para pakalmahin.
"Relax, bro. Hindi ko naman inaagaw. Masyado kang praning---" bago pa siya matapos ay isang malutong na suntok ang dumapo sa kanyang mukha. My jaw dropped.
Bahagya siyang napaupo sa sahig. Namilog ang mga mata niya habang ang isang kamay ay nakahawak sa kanyang mukha. Mas lalo akong ginapangan ng kaba nang makita ang pagdilim ng kanyang mga mata. He glared at Seig.
Pumagitna ako. Mabuti na lang at may iilan kaming mga lalaking trabahador. Lumapit sila at inawat ang lalaki na ngayon ay nakatayo na at iniinda ang natamong kamao. He cursed.
"You crazy son of a b*tch!" His voice raised. I panicked as I saw some of our clients watching us.
Humingi ako ng sorry at nakiusap na paalisin siya sa loob. Hindi parin siya nagpaawat kaya marahan siyang kinaladkad paalis. I greeted my teeth.
"Don't you dare step in here again! You f*cking asshole!" Nagdilim ang paningin ko sa nangyari. Nag-init ang ulo ko. This is so childish. I know that what that guy did to me is inappropriate but what Seig did is not acceptable too!
Aamba pa sana siya sa pagsunod sa kanya pero agad kong hinawakan ang braso niya. His eyes was dark and serious when he looked at me. Matalim ko siyang tinitigan. Wala na rin ako sa sarili. Kinakain ako ng inis dahil sa nangyari.
Unti-unting humupa ang galit sa kanyang mga mata. His eyes were now gentle and calm. Ngumuso siya at namungay ang mga mata.
"I'm sorry..." humugot siya ng malalim na paghinga. He looked away.
Unti-unti din akong kumalma. Marahan akong umiling.
"Dapat hindi mo na 'yon pinatulan." Mahina kong sabi. His forehead wrinkled.
"Binastos ka niya, Pio. I can't stand seeing you being insulted." I bit my lip. Nahimigan ko ang pagdiin nang sabihin niya iyon.
"Nakita ko kung paano niya hinawakan ang mga kamay mo... doon pa lang nagdilim na ang paningin ko..." he trailed off. Umiwas siya ng tingin.
I can hear his deep breath. Dahil sa mga sinabi niya, hindi ko magawang magalit sa kanya. Nanghina ako habang mataman siyang tinitigan.
"Maybe he didn't intentionally touched my hands..." nagdadalwang isip kong tugon. Kinabahan ako nang tumaas ang magkabilang kilay niya.
"I know that style, Pio. The way he looked at you?" He chuckled. Nanikip ang dibdib ko at nahirapang makalanghap ng hangin.
"Hindi iyon uubra sa akin." Madiin niyang sabi sabay iling.
"Pero dapat hindi mo na iyon pa pinatulan. Pwede mo namang idaan sa usapan." I couldn't hide the bitterness inside. Mas lalong lumalim ang pagkakunot ng noo niya.
"Pinagtatanggol mo ba siya, Pio?" His voice cracked. Napabaling ako sa paligid. Napasinghap ako nang makitang naging abala ulit sila sa mga ginagawa.
"Hindi ko siya pinagtatanggol. Sinasabi ko lang na sa ginawa mong 'yon, mas lalo mo lang pinalala ang sitwayon." Nag-init ang buong sistema ko. Naramdaman ko ang pagdaloy ng init pataas.
"Edi pinagtatanggol mo nga..." bahagya siyang natawa. Napakagat ako sa labi. "Kung hindi ko iyon ginawa, mas lalo kang pagsasamantalahan non. He will think that it's just okay to you so he will do it over and over again." His voice raised a little bit. Namintig ang tainga ko sa huling sinabi niya.
My lips parted. Anong akala niya sa akin? Na hahayaan kong bastosin ako? That I'm stupid to the point that I will let them insult me? Iyon ba ang gusto niyang ipahiwatig? I clenched my teeth.
"Kaya ko ang sarili ko, Seig." I said enough for him to hear it clearly. "Kung iyon ang iniisip mo na mahina ako, na hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili. I can stand up for myself." Diretsyo kong sabi. I almost shivered as I kept my eyes on him.
Tumikhim siya. He licked his lip. "Hindi iyan ang gusto kong sabihin. Alam kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo. I like you for that. Hindi ko lang talaga na kayang panoorin kang binabastos. I could kill him, Pio." Napalunok ako sa naging tugon niya. He was so serious. He slowly shook his head then he reached my hand.
"I'm sorry if I scared you. I was just jealous that I couldn't control myself anymore..." Pagod siyang ngumiti. Hindi ako makagalaw.
I don't know what to respond. Tanging pag-tango lang ang nabigay kong sagot. Nanginig ang labi ko. I'm afraid that once I said something, my voice might tremble.
Bumalik ang saya sa kanyang mga mata. Ngumisi siya. May isang kliyente ang lumapit sa amin kaya nalipat ang atensyon niya doon. Ngumiti ako nang magpaalam ito para samahan iyong kliyenteng kararating lang.
Napasinghap ako at bumalik sa counter. Ngayon ko lang napagtanto na wala palang bodyguard dito. Kahit na may iilang lalaking trabahente dito ay hindi parin iyon ligtas para sa aming lahat kung sakaling mangyari ulit ang nangyari kanina.
Paano kung nasaktuhan na puro babae kami dito. Tsaka delikado rin at baka pasukan kami ng mga masasamang tao.
Agad kong sinabi kay mom ang planong pag-hire ng bodyguard. Two bodyguard is enough.
Dumiretsyo agad ako sa opisina niya nang makauwi. She was busy with some paperwork. I asked her so sudden about this so she looked a bit astonished.
Nanginig ang binti ko nang bigla niyang sabihin ang mga nangyari kanina. I didn't tell her about the conflict. Kaya medyo nagulat ako nang malaman niya iyon.
"Ngayon lang po may nangyaring ganoon sa shop." Paliwanag ko.
"Kailan pa pumupunta si Seig doon?" She asked in a serious tone. Nataranta ako at hindi alam kung anong sasabihin.
"Ngayon lang po. H-he just visited me." Agad kong pinagsisihan ang naging tugon nang makitang nanliit ang mga mata niya.
"Is he courting you?" Nangatog ang binti ko. My lips parted. I feel the heat flowing through my veins. Nag-init ang pisngi ko. Mas lalong nagtaas ang dalawang kilay niya nang hindi ako agad nakasagot. Tumikhim siya.
"Hindi kita pinagbabawalan kung may manliligaw sayo. I just want you to focus and finish your study first before you entertain someone." I swallowed.
"Kung nanliligaw si Seig sayo, hindi ako tututol. You can tell him to wait. Kung makakapaghintay siyang makapag-graduate muna kayo." Nakaramdam ako ng saya nang marinig iyon.
I couldn't hide the happiness I am feeling right now. Akala ko hanggang ngayon, she still mad at him. Masaya ako hindi lang dahil sa pinapayagan niya ako kundi dahil sa pabor siya kay Seig. Dahil sa nangyari noon, naging mainit ang mga mata ni mom sa kanya kahit na wala naman itong kasalanan. Akala ko dahil doon, pagbabawalan niya akong mapalapit o makasama siya. Now that she said that she was okay with him, I feel like a big thorn was removed inside me. I feel relieved.
Hindi na alis ang sayang nararamdaman kahit na nang makaalis doon. Hindi ko alam pero si Seig ang una kong naisip nang makalabas.
Agad kong kinuha ang cellphone sa bag para makapagtipa ng mensahe para sa kanya.
To Seig:
Seig. Are you home?
Ilang sandali bago siya nakapagreply.
From Seig:
Yes. I'm sorry for what happened a while ago.
Ngumuso ako nang mabasa iyon. I smiled as I started typing for a reply.
To Seig:
My mom knew what happened.
From Seig:
I screwed up. Did she ask you to avoid me?
Nakaramdam ako ng kaonting kirot sa dibdib. I bit my lip.
Ilang sandali ko iyon tinitigan. Kumirot ang dibdib ko nang maisip na baka iyan ang iniisip niya ngayon. Sinisisi niya ang sarili dati at ngayon, he might think that my parents really hate him now. Kung ako ang nasa posisyon niya, iyon din ang maiisip ko. It probably crossed his mind that my parents still mad at him and he did another trouble today that will make them pissed off.
Napalundag ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Nataranta ako. He's calling me. Malakas ang pintig ng puso ko nang sagutin iyon.
Bumungad ang malalalim niyang paghinga. I swallowed.
"Pio?..." Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi nang marinig ang malalim niyang boses. I moaned.
I heard him chuckled. Napakagat ako sa labi.
"What did your parents said?" He trailed off. Humugot ako ng malalim na paghinga bago siya sinagot.
"I thought she will get mad but she didn't say much about it." Nakangiti kong sabi.
"Really? Sinabi ba niyang huwag na akong pumunta ulit sa shop niyo?" his voice was soft.
"No, Seig. He didn't say anything that will hinder you from coming to the shop or even getting close to me."
Hindi siya umimik. I took that opportunity to speak.
"P-pabor nga siya sayo..." nahiya ako sa sinabi ko. Isinobsob ko ang mukha sa unan ko.
"Pabor? You mean, she's okay... if I court you?" Nahimigan ko ang galak sa boses niya. I smiled. Tumango ako kahit hindi naman niya iyon kita.
"Pio? Are you still there?" Ang boses niya kaninang malumanay ay biglang nabuhayan.
"Edi payag siya kung liligawan kita." It was not a question when he said that. Bahagya siyang natawa.
"Ikaw na lang pala ang hihintayin ko niyan. Your parents approved. Sagot mo na lang ang hihintayin ko." He laughed. I could feel my cheeks heat up.
Hindi ako umimik. Kahit na alam ko sa sarili ko na sang-ayon ako pero hindi ko iyon magawang sabihin. Ayaw kong magpadala sa nararamdaman ko ngayon. Gusto ko muna makasigurado. I don't want to hurt him again. Nasasaktan din ako kapag nasasaktan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top