Kabanata 25
Sumama ako kay mom sa pagpunta sa flower shop. Gusto ko tignan ang buong kabuuan at kung paano ang gawain doon. I didn't know that it was harder than I thought.
This is not my first time to visit the shop but a lot had changed. Mas lumaki at gumanda ang instraktura kumpara dati. Ilang taon na ang nakalipas nang huli kong bisita dito.
Nakapwesto ito sa mismong daan papunta sa bayan. Napagpasyahan ng mga magulang kong magtayo ng flower shop malapit sa bayan dahil dito nila nakikitang maraming tao ang bibila sa ibat ibang karatig ng syudad at dahil hindi rin ganoon kadami ang mga nagbebenta ng bulaklak. They were right, until now, the shop was still thriving.
Maraming mga tao na nanggaling pa sa ibang parte ng lalawigan ang dumadayo para lang bumili ng aming mga bulaklak. Hindi naman popular ito pero dahil sa kami lang ang nagbebenta ng mga maraming ibat-ibang uri ng mga bulaklak dito sa bayan namin, mas lalo itong nakilala. Hindi nagsisi ang mga magulang ko sa pagpasyang gawin itong business ganoon na din sa pagpasyang gawing flower farm ang lupaing namana ng aking ama.
"Dito ka lang, Zell." Si mom nang makarating kami.
Kasama mo si manang Linda habang ang kapatid ay abalang sumusunod kay mom. Bago kami umalis ng bahay ay nauna nang umalis si ate. Sabi ni manang, maaga itong nagpahatid kay mang Romeo at may pupuntahan daw. Kaya naman nang mag umagahan kami, hindi ko na siya naabutan.
Bumungad sa labas ang mga ibat-ibang bulaklak. Nakita ko ang mga zinnia at daylilies na nakahelera sa harap.
Naunang naglakad sina mom papunta sa opisina niya. May iilang trabahenteng bumati sa amin. Malalawak ang mga ngiti nila na sinuklian ko din ng pagngiti. I bit my lip as I saw them cut the flower and put it in a water with crushed aspirin.
Hindi na ako nakapagpaalam pa at nilibot ang buong kabuuan ng shop.
May isang babaeng medyo nasa early 30s ang lumapit sa akin.
"Pio, dito po tayo." Iginiya niya ang isang daan papunta sa likod. Tumango ako at sinundan siya.
Abala ang lahat sa pag-aasikaso sa mga customers at pagprepera ng mga inorder. Sa likod ay abala din sila sa pagtutusok at pag-aarrange ng mga bulaklak sa floral foam.
"Ganitong season po iilan lang po ang nagpapa-arrange at nag-papadeliver ng bulaklak. Kadalasan po ngayon ay sila na mismo bumibili." Ngisi nong babae. I nodded. Nakita ko sa kaliwa sa bandang dibdib niya ang nakasabit na name badge.
"Yna?" Tanong ko. Agaran siyang tumango.
"Opo" she chuckled.
"Ano po kadalasang mabenta?" I asked.
"Maliban po sa roses ay madalas pong bilhin ang mga lilies." Nakangiti niyang sabi sabay kamot sa batok. Ngumuso ako.
Napasin ko sa gilid ang isang malaking batya na puno ng roses.
"Mabilis po ang supply dahil mabilis din naman pong nabibili lahat." Paliwanag niya nang mapansin siguro ang pagbaling ko sa gilid.
Napagpasyahan kong tumulong sa paglagay ng mga bulaklak sa tubig.
May proper cut kaya hindi ko na sinubukang gawin iyon. I watched them cut the stem. Binuhat ko ang mga bulaklak at iniligay sa kani-kanilang section.
May kanya-kanyang parang maliit na stairs kung saan doon nakalapag ang ibat-ibang uri ng mga bulaklak.
"Naku, mabigat po 'yan." Sabay bawi ni Yna sa akin. Umiling ako at kinuha ulit iyon.
"Hindi po, ayos lang. I want to know the work here. Gusto ko pong kahit papaano, malaman ko kung anong gawain dito." I gave her a full smile. Bahagya siyang natawa at tumango.
Itinuro niya sa akin kung saan iyon ilalapag.
Tahimik akong pumunta doon at pinagmasdan bawat istraktura.
"Can I get that red roses, please..." said the man beside. Nataranta ako at tinuro ang isang bouquet ng red roses.
"I-ito po ba?" I asked. Inangat ko ang ulo para lingonin siya. My body stiffened and I almost stopped breathing. Namilog ang mga mata niya nang makita ko pero sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
"Pio!" Bati niya. "Sorry, I didn't know that it was you." His brows raised.
"Gael..." pilit akong ngumiti. He's wearing a black v-neck shirt paired with cargo shorts.
"You're here." Inilibot niya ang paningin bago ako ulit balingin. "Mag-isa ka lang?"
I shook my head. "Hindi. Kasama ko si mom at Zell." Kinuha ko ang bouquet of red roses.
"Hindi ko alam na makikita kita dito ngayon..." nag-iwas siya ng tingin. I licked my lip.
"Ikaw? Mag-isa ka lang?" Wala sa sarili kong tanong. Lumingo ako sa likod pero agad ding nasagot nang tumango siya.
His eyes landed on my hands. Nataranta ako nang ilahad iyon sa kanya. Natawa siya sabay kuha nito. Napakagat ako sa labi. Para kanino kaya 'yong bulaklak at parang importante itong araw na ito sa kanya dahil na din sa pananamit niya.
Nanginig ang binti ko nang magsimulang maglakad. Sinamahan ko siya papunta sa counter.
Napalunok ako habang pinagmamasdan siya. Mas lalo akong kinabahan nang makita si mom na palapit sa amin.
"Ate!" Si Zell na hawak-hawak ni manang.
"Pio, kanina pa kita tinatawagan." She uttered. Kinabahan ako nang lumandas ang mga mata niya kay Gael. Her eyes were serious when it went to me.
"Si Gael, mom..." I tried not to tremble. Tumango siya.
"Hello po, ma'am." Malawak siyang ngumisi pero ramdam ko ang tensyon na nararamdaman niya. Tumikhim ako.
"Kuya po ni Seig, mom." I introduced. Naningkit ang mga mata niya.
"So you're the brother of Seig?" Kinabahan ako sa tono ng boses niya. I know that her voice is usually like this but it feels different.
"Opo, ma'am..." he chuckled. "Pasensya na po sa nangyari. Nadamay si Pio dahil sa kapatid ko." Laglag ang panga ko sa sinabi niya.
I looked at him. Seryoso ang mga mata niya habang matamis na nakangiti. My mom titled her head.
"Tell your brother to stay away from my daughter--"
"Mom" hindi ko na siya pinatapos. Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay. I greeted my teeth. Yumuko ako dahil sa hiya.
"Pasensya na po. Hindi rin po ginusto ng kapatid ko ang nangyari. He blamed himself for everything that happened" Narinig kong tumikhim si mom. Nangatog ang binti ko.
Walang kasalanan si Seig. Kumirot ang puso ko nang marinig iyon. Ayaw kong sinisisi niya ang sarili dahil unang-una, hindi iyon mangyayari kung hindi ako nagtiwala. Kung alam ko lang sana na may ganoon palang plano si Lia, hindi ko na sana hinayaan ang sariling mapalapit pa sa kanya.
Ipinilit ko pang magkabalikan sila. I was the one who hurt Seig. Maiintindihan ko kung magagalit siya sa akin pero hindi siya nagtanim ng sama ng loob. He was still there for me. Still, he comforted me after what I did to him. Marahan akong umiling.
Buong byahe, tahimik lamang si mom. Akala ko pagsasabihan niya ako pero hindi siya umimik pagkatapos non.
"Ate, that guy kanina..." he paused. Tumingala siya na para bang nag-iisip.
"He looked like kuya Seig." Kunot noo niya sabay nguso.
Kumalabog ang puso ko at unti-unting bumaling kay mom. Abala siya sa pagbabasa ng mga paperwork. Humugot ako ng malalim na paghinga at muling nilingon ang kapatid.
"That guy is Gael. He is the older brother of Seig." I smiled. Nagning-ning ang mga mata niya.
"Wow ate! He has a brother! Then I can call him kuya too." My jaw dropped. Nag-init ang sistema ko at hindi alam kung anong itutugon. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglinong ni mom sa amin.
I bit my lip. Tinitigan ko ang kapatid na malawak ang ngisi.
"How did your brother know this guy, Pio? Madalas ba kayo mag-sama?" Nanginig ako.
"Isa siya sa mga kaibigan namin nina Blair at Shee, mom. Nakasama na din ni Zell si Seig dahil nasa iisang grupo lang din naman kami." I explained. Mas lalong naging seryoso ang mga mata niya habang malalalim akong pinapanood.
"And your brother likes him so much?" It seems not a question but I still shook my head. Tumaas ang dalawa niyang kilay.
"Maybe because he likes kids that much..." i trailed off. Nag-iwas ako ng tingin. Ibinaling ko ang buong atensyon sa kapatid.
Hindi na muli siya nagsalita. I was relieved when we finally got home.
Nanatili ako sa sala ng ilang sandali. Inayos ng kasambahay ang mga bulaklak na inuwi namin. Zell went to his room with manang.
"Dad..." ani ko nang makita siya papasok. Agaran akong naglakad at nagmano.
"Where's your mom?" Malumanay niyang tanong.
"In her office, I guess." Kibit balikat ko. Tumango siya at dumiretsyo doon.
Napasinghap ako at pumuntang kusina. Kinuha ko ang isang cartoon ng fresh orange juice at nilagyan ang kinuha kong baso.
I took a slice of cinnamon at dinala iyon pabalik sa sala.
"Oo, nandito na ako..." I heard ate's voice.
"Salamat... ibabalik ko sayo... oo... maayos naman--" she stopped when she saw me. She's in her phone.
Nagulat din ako at halos matapon ang orange juice sa kinauupuan. Umiwas siya ng tingin bago nagpaalam. Her forehead wrinkled.
"Pio..." she was obviously shocked but tried not to. Bumaba ang paningin ko sa hawak-hawak niya.
"Si mom?" Tanong niya. Hindi ko agad siya nasagot. Tumayo siya ng matuwid at lumapit sa akin. Nawala ako sa sariling pag-iisip at agaran inilipat ang paningin.
"Nasa office ata, ate." Muli akong napabaling sa hawak niyang bulaklak.
"May lakad ka kanina?" I asked, trying not to stutter. Tumaas ng kaonti ang gilid ng kanyang labi.
"Oo. May kinita lang." Bitin niyang sabi. I knew already who it was. Kahit na hindi pa naman ako nakakasigurado pero malakas na pakiramdam ko na si Gael 'yong kinita niya. I was with him when he bought the red roses and it was exactly the same as the one she is holding now.
Tumango ako at dahan-dahang nilagok ang juice.
"Ate, I saw Gael in the shop." Her eyes widened a bit. Nakita ko ang kaonting pagnginig ng kamay niya. Tumikhim siya.
"I know that you are in a secret relationship..." i trailed off. Tahimik niya akong pinapanood. "It's okay ate, I won't tell to mom." Pinilit kong ngumiti. She took a deep breath. Marahan siyang umupo sa gilid ko. Hindi na alis ang pagkatitig ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko. Umiling siya. Kumunot ang noo ko. "We are not in a relationship, Pio. Alam mo naman kung ano ang unang prayoridad ko." Her voice was soft. Tipid akong ngumiti habang marahan siyang tinanguan.
Pero bakit may mga balitang nagkalat na nasa secret relationship sila? Hindi din iyon impossible dahil anong ibig sabihin ng mga nadiskobre ko. Ang pagbigay niya ng keychain sa kanya? Minsan na didinig ko silang nag-uusap sa call. Tapos, ito, ang pagkikita nila ngayon? No one would ever think that they are just friends.
"He's willing to wait, Pio." Nahimigan ko ang saya sa kanyang boses. I swallowed. I smiled. "He knows my situation and he respects it. Naiintindihan niya ang mga gusto kong gawin. Iba siya dahil may sarili din siyang prinsipyo na gustong tahakin."
Matatamis na ngiti ang namalagi sa kanyang labi. Tumango ako kahit na alam kong tingin niya sa akin ay hindi iyon naiintindihan. Tama siya, Gael has respect. Noon pa man ay isa na iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya. May respeto siya at kahit na hindi siya pabor ay susubukan niya iyon intindihin. Kung baga, he will not leave a problem until it was solved. Hindi rin siya madaling sumuko. Kaya niyang maghintay kahit na walang kasiguraduhan. Napalunok ako nang maalala si Seig. They are exactly the same.
May naglalarong ngiti sa aking labi. My sister told me about him. Kinwento ko sa kanya ang naging pag-uusap nila ni mom kanina. I also confirmed that she was the girl in the photo.
"Kalat 'yan sa building namin ate." I declared. I showed her the picture. Napangiwi siya nang makita ito.
"Who took this picture?" Natawa siya. "Ako nga ang nasa litratong 'yan." Sabay iling niya.
Simula pa lang ay alam na ng taong kumuha ng picture na iyon na nagkikita sila ni ate pero that day until the day when the rumour spread that the girl was my sister, the person behind it didn't said anything kahit na may alam siya.
Slowly, na-accept ko na lahat. Na may mga taong para sa isat-isa talaga. Si Gael at ate Kris ay masasabi kong sila ang para sa isat-isa. I'd rather choose my ate than other girls. Gael deserves a girl who has a same mindset as him. Tinanggap ko na na kapatid lang talaga turing ni Gael sa akin. Hindi ako umiwas sa kanya kahit na nalaman ko na ang lahat. Trinato ko siyang kuya gaya ng pagtrato niya sa akin bilang bunsong kapatid.
Pero hindi ko sinabi sa kanya na alam ko na may namamagitan sakanila ni ate Kris.
"Madalas kaba sa flower shop niyo?" Tanong niya nang magkasama kami ulit sa library. Kasabay ko siyang naglalakad sa book aisle. Ngumuso ako.
"Hindi. That was my first visit after some years." Ani ko sabay tingin ng librong kakailanganin ko. I need to study more about finance.
Huminto ako. "Have you been there several times?" Bahagya siyang natawa. Napakamot siya sa batok. Nanliit ang mga mata ko.
"Doon ako madalas bumili ng mga bulaklak." Tumango ako.
"I saw you helping with the set up. Magiging madalas kana doon?" He raised his brow.
"Siguro. Kapag walang gagawing paperwork sa weekends. Sasama ako kay mom. Gusto ko rin kasi matuto sa kung paano mag manage ng business." Sabay pakita ko sa kanya ng librong nakuha. He chuckled.
"So you want to be a businesswoman? That's good, Pio. May makakasama ang magulang mo sa paglago ng negosyo niyo." His lips curled. Uminit ang batok ko.
"Yes. Since ate Kris seems doesn't have interest in business, I can be the one who can run our business when my parents can't manage it anymore." He slowly nodded. Hindi parin napupukaw ang ngiti sa kanyang labi.
Sinusubukan kong tapusin lahat ng mga activities para lang makabisita ulit sa shop namin. Minsan ako na lang ang mag-isang pumupunta. Nagpapahatid na lang ako kay mang Romeo. Pinapayagan naman ako ni mom, mas natutuwa pa nga siya dahil ako mismo ang nagprepresenta na pumunta doon para tumulong. It became my weekend ritual.
Nagugulat na lang ako kapag nakikita ko si Gael. Nagtataka ako kung ganito ba siya dati pa. Kung madalas ba siyang bumili ng bulaklak every weekend. Hindi ko na naman na tinatanong. I'm glad to see him and also his a client. I should be happy to have more clients.
Napakagat ako sa labi nang makita muli ang pamilyar na sasakyan. Nataranta ako nang makita siyang papasok.
Laglag ang panga ko nang masilayan si Seig na papasok din. Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng aking sistema.
Napatayo ako ng matuwid nang makita silang palapit sa akin. They greeted me. Naiwan kami ni Seig doon. Umalis si Gael para magtingin ng flowers.
I swallowed. "W-why are you here?" Wala sa sarili kong bulalas. Naningkit ang mga mata niya.
"I think you must be mistaken. Pag tinanong mo ang ibang customer mo ng ganyan, paniguradong maghahanap sila ng ibang shop." He chuckled. Nag-init ang pisngi ko.
"Gusto kong bumili ng bulaklak. Ano bang magandang bulaklak?What flowers do you like?... or flowers you usually buy?" Nag-iwas ako ng tingin.
Tumikhim ako at dumiretsyo sa mga dried flowers na nakahelera.
"I recommend these." Sabay turo. "I can say that it's worth buying because besides from being less wasteful, it also lasts a long time." I smiled. The side of his lips raised.
Tumango siya. Kinuha niya ang bouquet of dried flowers.
"Gusto mo pala mga dried na bulaklak." Bahagya siyang tumawa. Inilahad niya sa akin iyon. Kinuha ko at dumiretsyo na sa counter.
"I want the best for all the clients. Kung pagpipiliin, tama ang naging choices mo dahil paniguradong magugustuhan 'yan ng taong pagbibigyan mo. Hindi agad iyan malalanta. Kanino mo ba ibibigay?" I greeted my teeth. Kinagat ko ang labi ko nang mapagtanto ang naging tanong ko. Tumikhim ako at inabala na lang ang sarili sa pag pindot sa computer.
"Sayo." It was short but clear. Nahinto ako sa pagpindot. I want to hear more but he didn't say anything. Kumalabog ang puso ko nang magtama ang mga mata namin. Malawak ang ngisi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top