Kabanata 24


Malalakas ang buhos ng ulan. Ang animoy masikat na araw kanina ay hindi mo mapagkakamalan na uulan. Napasinghap ako habang dinadama ang hangin na tumatama sa aking mukha.

Bukas ang mga bintana kaya ramdam ang hangin na papasok sa loob. Maiingay ang mga kaklase ko dahil wala pa ang sunod naming lecturer.

"My gosh, Pio." Bulong ng kaibigan.

I looked at her. She's looking something on her phone. Kunot ang noo niya habang gulat na gulat sa kung ano mang tinitignan niya.

"Ano ba 'yan?" Pagtataka kong tanong bago sinubukang silipin iyon.

Agaran niya itong pinakita sa akin. Napakurap-kurap ako at sinubukang intindihin iyon.

"Diba si ate Kris 'yan?" kuryosidad niyang tanong.

It was the rumored picture back then when the match practice happened. Bigla akong kinabahan nang maalala ito.

"Hindi bat si Gael 'yan?" Sabay turo ni Blair sa lalaking nakatayo na nakatalikod.

"That's your sister, Pio. Siya 'yong hinihintay ni Gael." walang pagaalinlangan pagkokompirma ni Shee.

Ilang sandali ko iyon tinitigan. Napalunok ako nang unti-unting promoproseso sa aking isipan ang mga nalaman ko lang din ngayon.

I was right. It was from ate Kris. The keychain that was given to Gael was from my ate. It was all clear to me. Nanginig ang buong sistema ko.

Everything Seig had told me before, it flashed back to me. Madaming katanungan ang nagsimulang pumasok sa aking isipan.

Ito ba 'yong sinasabi ni Seig sa akin noon na may girlfriend na siya? Ito ba 'yong dahilan kung bakit hindi niya magawang sabihin sa akin? Kumirot ang dibdib ko at nahirapan akong huminga.

"Pio, your ate was the girl she was waiting. They are in a secret relationship." Naramdam ko ang siko ng kaibigan pero masyadong marami na ang iniisip ko at hindi ko na magawang sumagot.

Nahirapan akong makalanghap ng hangin. Napalingon ako sa banda kung nasaan si Seig. Nangilid ang luha ko.

I bit my lower lip. Abala siya sa kinakausap pero nang biglang nagtama ang mga mata namin, nanginig ang buong katawan ko. A tear dropped in my eye. Agaran ko itong pinunansan.

Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay. Pinigilan ko ang pagnginig ng labi ko at agarang niligpit ang mga gamit. Hindi ko na kayang hintayin pa hanggang sa matapos ang klase. Tumayo na ako at umalis doon. I heard my friends calling me but I can't turn back anymore. Nanghina ako habang mabilis na tinahak ang waiting shed.

Malakas ang pagbugso ng ulan. Kasabay nito ang paglandas ng aking luha. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero hindi ko maitago ang sakit sa aking dibdib. Alam kong wala akong karapatang masaktan pero siguro nabigla ako sa mga pangyayari. I never thought about this.

Okay lang sa akin na malaman iyon pero ang malaman na ate ko pala, I can't hide the pain inside. Pinunasan ko ang mga luha. Nanlalabo ang paningin ko habang agarang bumaba sa hagdan.

Pakiramdam ko all this time, I was betrayed. Walang kasalanan si Gael o si ate Kris. It was all my fault. Kasalanan ko na ginusto ko siya kahit na alam kong kahit kailan hindi niya ako magugustuhan gaya ng pagkagusto ko sa kanya. Alam kong kapatid lang ang tingin niya sa akin at alam ko na kung bakit. Pero mas pinili ko parin ituloy ang nararamdaman ko para sa kanya.

Mabilis ang bawat hakbang ko kaya naman halos masubsob ako nang madulas sa basang daanan. I almost curse in my mind. Napakagat ako sa labi at patuloy parin sa pag-iyak. Ang sakit. Hindi ko na maramdaman ang sariling mga paa.

Unti-unti akong tumayo. Napahawak ako sa aking baywang at marahan itong hinilot. I took a deep breath.

It was painful but I couldn't think of it right now because I'm still on the thought of what I just discovered. Tama si Lia, I should be ashamed to my sister. Ganoon din kay Gael. I felt betrayed with my own feelings. I shook my head while walking towards the waiting shed.

Namataan ko ang sasakyan naming nakaparada sa harap ng paaralan. Napasinghap ako at bago pa dumiretsyo doon, naramdaman ko ang marahang haplos sa aking palapulsunan.

Mas lalong bumuhos ang mga luha ko nang makitang si Seig iyon. Kahit na malabo ay kitang-kita ko parin sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

"Seig..." nanghihina kong tugon. Humikbi ako at hindi na makontrol ang sarili. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking likod.

He hugged me. Nanginig ako hindi lang dahil sa lamig na nararamdaman kundi sa init ng kanyang mga bisig. Patuloy siya sa paghagod sa aking likod.

"I'm sorry, Pio..." i heard. I shook my head.

"B-bakit... h-hindi mo s-sinabi?" I tried to push him but I don't have energy left to do that. Naramdaman ko ang mas lalong paghigpit ng yakap niya.

"I'm sorry, Pio..." paguulit niya. "Gusto ko mang sabihin pero ayaw kitang masaktan." Ginapangan ako ng inis at galit.

Sinubukan kong makawala sa bisig niya pero wala na akong lakas para gawin iyon. Umiling ako patuloy parin sa pag-iyak.

"Y-yan ba ang d-dahilan kung b-bakit mo itinago sa akin ito?!" Nanghina siya. Agad akong nakawala at mataman siyang tinitigan. His eyes were in pain too.

"Sa tingin mo dahil sa ginawa mo hindi ako masasaktan?! Kaibigan kita, Seig! Sana man lang sinabi mo sa akin para hindi ako magmukhang tanga!" Wala sa sarili akong natawa. Lia knows this. Alam kong alam niya ito. Nagmukha akong tanga sa harap niya, sa harap nila.

Marahan niyang hinawakan ang braso ko pero agaran ko iyon tinanggal. I greeted my teeth.

"Ang sakit, Seig... alam mo kung nalaman ko ito ng mas maaga, edi sana hindi na ako napalapit pa kay Gael... it was my ate we are talking about... hindi lang kung sino sinong babae..." my voice cracked. I shook my head as my tears started to fall again. Napasinghap ako.

"I'm sorry, Pio... Akala ko sa gagawin kong pag-iiwas sayo, marerealize mo kung anong gusto kong gawin mo." Kumunot ang noo ko. He trailed off.

Malakas parin ang bugso ng ulan pero kahit na ganoon, klaro parin sa akin ang mga sinasabi niya.

Bahagya akong natawa. "Yan ba ang dahilan kaya pinagpipilitan mo sa aking layuan siya?" Nanginig ang labi ko. He nodded.

"Sa tingin mo, lalayuan ko siya dahil lang sa iniiwasan mo ako? Palagay mo gagawin ko iyon? Alam mo namang hindi ganoon kadali para sa akin pero bakit hindi mo parin sinabi sa akin?!" I couldn't control my emotions. My voice raised a bit. His eyes widened a bit. Marahan siyang umiling.

"Hindi sa ganoon, Pio." Sinusubukan niyang patahanin ako. "Ayaw kong masaktan ka kaya hindi ko iyon sinabi. Gaya ng sabi mo, nagbabago lahat, ganoon din ang nararamdaman. Akala ko kapag sa araw na nalaman mo ang totoo, by that time wala ka ng nararamdaman para sa kanya. But I guess I was wrong..." umiling siya. Dumapo ang mga kamay niya sa mukha.

He licked his lips. "All I want is for you not to get hurt. Sorry, nasaktan uli kita..."

Yumuko ako. Wala na akong lakas para titigan siya.

"Hindi ako sigurado dati kung sila nga kaya hindi ko rin masabi sayo iyon. Oo, sinabi kong may girlfriend na si kuya dahil alam ko din kalaunan, kung hindi pa nga sila, alam kong dadating ang araw na magiging sila. But your sister's priorities are to get graduate and to achieve what she desires. Kahit na alam kong gusto din niya si kuya. Kaya niyang unahin muna ang sariling pangarap bago ang nararamdaman niya. Your sister doesn't want to disappoint you and your family." Paliwanag niya.

Nanginig ang labi ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa magkabilang balikat.

"I'm sorry, Pio. I like you so much to the point that I'm afraid to hurt you." He stuttered. Napalunok ako at hindi na siya muling tinignan.

Hindi ko na kinayang manatili doon. Marahan kong tinanggal ang kamay niya at tinalikuran siya. Naglakad ako papunta sa labas. Kahit na malakas ang bugso ng ulan, tumakbo parin ako papunta sa sasakyan.

Nakita ako ni mang Romeo kaya agad itong bumaba.

"Pio..." nag-aalala niyang tawag. May dala siyang payong at agad akong sinalubong. Huli na dahil basang-basa na akong ng ulan.

Alam kong mapupula ang aking mga mata at kahit na napansin iyon ni manong, hindi siya umimik at pinapasok ako sa loob.

"Mang Romeo, hatid niyo na po ako. Hindi po maganda pakiramdam ko." I lied. Tumango siya at pinaandar ang sasakyan.

Kinalma ko ang sarili. Masakit parin kahit na narinig ko ang mga paliwanag niya.

I know that he's just trying his best for me to not get hurt. I get his point. Wala ding kasalanan si Seig sa mga nangyari. Mahirap din ito para sa kanya. Mahirap para sa kanya na sabihin lahat ng 'yon. He was also trapped in that situation.

Sunod-sunod ang message na natatanggap ko galing sa mga kaibigan. Ganoon din kay Seig.

"Naku, sandali lang, Pio. Kukunin ko lang 'yong payong." Si mang Romeo nang makapark ito sa garahe. Humupa na ang mga luha ko pero nararamdaman ko ang bigat sa mga mata.

He gave me the umbrella. "Salamat mo..." napapaos kong utas.

Naglakad na ako papasok sa bahay. Naabutan ko ang ilang kasambahay. Napasinghap ako at naglakad paakyat.

Wala na akong lakas nang mapasalpak ako sa kama. My tears started to fall again. Mas lalong lumandas ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.

Mabilis akong nakatulog dahil sa pagod, sakit at sa madaming sumasagi sa aking isipan. Nagising na lang ako nang makaramdam ng haplos sa aking mukha.

My eyes widened when I saw mom. She was sitting on the edge of my bed.

Ngumiti siya. Sinubukan kong ngitian siya pabalik.

"Hindi na kita ginising dahil alam kong pagod ka. Kung nagugutom ka, bumaba ka na lang." She smiled. Madilim sa kwarto ko kaya nasisiguro kong hindi niya napansin ang namumugot kong mga mata.

Marahan akong tumango. Naririnig ko parin sa labas ang patuloy na pagbugso ng ulan.

She smiled before leaving me. Napasinghap ako nang tuluyan siyang makaalis. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit sa bandang likuran. I remember that I was in a hurry so I slipped.

Dahil sa pagod kanina, hindi ko na naabalang magpalit. I went to the bathroom to take a bath. Nanghihina parin ako. Nakaramdam ako ng gutom nang matapos.

I combed my hair. Ngumuso ako nang makita ang mga mata kong mapupula. Sa tuwing naaalala ang mga nangyari kanina, nangingilid ang aking mga luha. Umiling ako at kinalma ang sarili.

My phone vibrates. Namilog ang mga mata ko nang makitang madaming missed call galing kay Seig.

Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang mga messages niya. I bit my lip.

Seig:

"Pio... Are you at home?"

"I'm sorry, Pio."

"Please reply back, I'm worried."

"Have you eaten dinner yet?"

"Don't skip dinner, please."

"Are sleeping now?"

"Good night, Pio. I'm sorry."

Napakagat ako sa labi nang mabasa lahat ng mga 'yon. Nakaramdam muli ako ng kirot. Sinubukan kong magtipa ng irereply.

To Seig:

"Oo. Sorry, hindi na kita nareplyan. Kakagising ko lang. Kakain pa lang. Okay lang, Seig. Good night!"

I smiled. After what happened, he still cared about me.

Bago ko pa iyon pinatay ay muli akong nakatanggap ng mensahe galing sa kanya. Namilog ang mga mata ko.

Seig:

"I'm glad to hear that. Yes please, kain ka na. Patulog pa lang ako. See you tomorrow."

Nakangiti akong bumaba. Wala ng tao sa salas. Tahimik ang buong bahay.

Dumiretsyo ako sa kusina. I took a slice of bread. Kumuha ako ng gatas at iyon ang ininom. Nang matapos ay inilapag ko na iyon sa lababo at marahang umakyat.

I heard some voices. Ngumuso ako at huminto para marinig iyo ng mas klaro. It's coming from my sister's room. Napalunok ako at ginapangan ng kaba. Marahan akong lumapit doon.

"Sakana pag-naka-pag-graduate na." her voice was serious.

"Oo. You know that my parents look up to me..."

"Hindi ko din pwedeng pabayaan ang mga kapatid ko." I swallowed.

Hindi na ako nagtagal pa at dumiretsyo sa aking kwarto. May malakas na pakiramdam ako kung sino iyon. The call was serious. They were talking about me and my parents. I know that it was Gael. Napasinghap ako.

Hindi ko na muling inisip iyon at sinubukang matulog. Now that I knew everything, I became more conscious. Kahit na hindi iyon sinasabi ni ate, hindi nagbago ang pakikitungo ko sa kanya.

Alam kong nagiingat siya para na lang din sa mga magulang. Kahit na nasa tamang edad na naman na siya, iniisip parin niya ang magiging reaksyon nina mom at dad. It was neither okay nor not okay for them. Kung pagpipiliin si mom para kay ate, she will choose not to get in a relationship. It will distract her from achieving her goals but I know Ate. Hinding hindi siya gagawa ng bagay na ikakalugmok niya.

"Hindi ka nakasabay ng hapunan kahapon, are you okay?" Nag-aalala niyang tanong. I tried to smile. I nodded.

"Pagod lang, ate." I said.

Ganoon din ang mga kaibigan ko. Patuloy sila sa pagtanong sa akin nang makapasok ako. They were worried too.

"Okay lang ako." Madiin kong sabi. Nanliit ang mga mata nila.

"Bakit ka nga umuwi agad? May isa pa tayong klase ah? Cutting classes, ganoon?" Kunot noong tanong ni Blair.

"Hindi maganda pakiramdam ko kaya hindi na ako nakapagpaalam. Maybe because of the rain." Sabay nguso ko. Tumikhim sila, hindi parin naaalis ang pagtataka.

I gave them a smile. Nagtama ang mga mata namin ni Seig nang saktong lumipat ang aking paningin sa pintuan.

Tipid siyang tinapunan ako ng ngiti. I tried to smile too.

"Seig! Anong nagyari kahapon?" Usisa ni Shee nang makita ang pagdating niya.

"Oo nga. Ikaw 'yong sumunod sa kanya." Tinapik ko si Blair. Umirap lang ito.

"Hinatid ko lang sa sasakyan." Aniya sabay lapag sa bag sa upuan.

Ngumuso ako nang asarin ulit kami ng mga kaibigan. Ganoon din ang mga kaklase.

Simula non ay hindi na muli ako nagpuntang library. Sinusubukan ko parin magreply kapag nakakatanggap ng mensahe galing kay Gael. Naging maingat na ako at ayaw kong maging dahilan ng pag-away ng kapatid ko at si Gael. Tsaka parang ang weird para sa akin na kinakausap ko pa siya. My sister likes him and I like him too. This is not right anymore. I should be the one to stop. They both like each other. Napakagat ako sa labi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top