Kabanata 23


Ilang linggo na lang bago ang finals namin. Mabilis ang araw na hindi ko na ito napapansin dahil mas lalo akong nagpursige sa pagkuha ng mga sertipiko.

"This certificate is awarded to Priostine Klein Collistino for completing all the business requirements." Uminit ang pisngi ko nang tawagin ako ni Miss Miranda.

Naghiyawan ang mga kaklase ko nang tumayo ako sa kinauupuan para kunin 'yon sa harap.

Blair also got one. Naramdaman ko ang mga mata ni Seig sa akin. Nacoconscious ako dahil pakiramdam ko, malalalim siyang nakatitig. Napalunok ako ng kunin iyon. I smiled as I turned back.

Bahagya akong napaatras nang saktong magtama ang mga mata namin. Humugot ako ng malalim na paghinga bago nag-iwas. He was smiling when our eyes met.

Siniko ako ni Blair sa tabi nang makaupo ako. Nitong mga nakaraang araw, napapansin ko ang pagbabago na nararamdaman ko sa tuwing nahuhuli ko ang mga mata niyang malalalim na nakatitig sa akin. There's something inside that I always feel weird.

"Gragraduate na tayo next year pero hanggang ngayon single parin." Busangot ni Blair na marahan namang tinapik  ni Shee.

"Hintay ka lang! Baka hindi pa napapanganak para sayo." Hagikhik niyang tugon.

Blair rolled her eyes. "By the way, saan kayo magkokolehiyo?" Nguso niya.

"Dito ako magcocollege." Walang pagaalinlangan kong sagot. Kumunot ang noo ko.

"Bakit? Are you going to Manila?" I raised my brow.

She sighed. "My parents want me to study there because it's much more better." Tipid siyang ngumiti.

Bigla akong nalungkot. She's right. Alam kong gusto din ng magulang kong pag-aralin ako ng kolehiyo sa Manila pero ayaw kong mapalayo sa kanila at ganoon narin sa mga kaibigan. Dito na ako nag-aral mula elementary hanggang high school kaya kung maaari sana gusto ko dito din makapagtapos.

This is meant to be happen. We can't be always together. Dadating at dadating ang araw na kailangan na namin lumihis dahil may kanya-kanya kaming tinatahak. I can see in my sister how difficult it is to become an adult and the importance of making a decision for her own good.

Nagpasya akong bisitahin si Zell sa building nila. Nagpunta muna ako sa canteen para bilhan siya ng paborito niyang chocolate milk tea.

Tahimik kong tinahak ang daan papunta doon. Lia stopped from doing physical bullying after the day when she was completely out of herself. But I can still hear gossip from higher grades.

The door of their classroom was opened. Pumasok ako doon at ilang sandali bago namataan ang kapatid.

"Kuya, Seig. I miss you!" Napatingin ako sa likod ng lalaki na kaharap niya. Napasinghap ako nang makitang si Seig iyon.

My brother hugged him. My body stiffened when he saw me standing near at the door. I bit my lip.

"Ate!" He called. Kumalog ang puso ko nang biglang bumaling si Seig. Namungay ang mga mata niya nang magtama ang mga mata namin.

His lips raised. My brother joyfully ran to meet me. His eyes landed on  my hands.

"Is that for Kuya Seig, ate?" Kumurap-kurap siya. Nanginig ang binti ko. "He gave me one." Sabay turo niya sa milk tea na nakalapag sa maliit na lamesa.

I swallowed. "I bought this for you." Lumuhod ako at nilahad iyon.

"You can give it to kuya Seig, ate." He winked. Laglag ang panga ko nang talikuran niya ako. Masaya siyang naglakad pabalik. Seig is standing now while his eyes are on my brother then it went to me.

Wala ako sa sariling tumayo. Kahit na ramdam ko ang panginginig ng paa ay marahan akong lumapit sa kanila. Napabaling ako sa chocolate milk tea na binili ni Seig para kay Zell. I started to feel something weird in my stomach.

"Kuya, I'm glad that you're here today. I miss you so much." Paglalambing ng kapatid sabay yakap nito. Napakagat ako sa labi habang pinagmamasdan siya.

"Ofcourse, Zell. The finals are coming and kuya won't be able to visit you often. I miss you too." Si Seig sabay pisil niya sa kanyang pisngi. Bumusangot ang kapatid ko dahil sa ginawa. Seig chuckled.

Tumakbo si Zell papunta sa kanyang mga kaklase na abalang naglalaro ng puzzle. Naiwan kami ni Seig doon. I licked my lip.

"You can have this." Sabay bigay ko sa hawak kong milk tea. He smiled.

"If you insist." Sabay kuha niya. Uminit ang pisngi ko.

"Kanina ka pa dito?" Tanong ko winawala ang tensyong nararamdaman.

"Hindi naman. Medyo kararating lang din." His lips curled.

"Hindi ka nagpuntang library?" Tumaas ang kanyang kilay tsaka ito humalukipkip. Marahan akong umiling.

"Naisipan kong bisitahin si Zell..." sabay iwas ko ng tingin. Ngumisi siya.

"Ate! You look good together!" My eyes widened. It was almost a shout when he said that.

Malawak ang ngisi ng kapatid ko habang makahulugan kaming tinititigan. Napangiwi ako kahit na halos manginig ang buong sistema ko. Naramdaman ko ang pagbilis ng pintig ng puso ko.

Napabaling ako kay Seig nang bahagya itong natawa. Napakamot siya sa batok bago ako tignan.

"Pasensya na..." he uttered. I shook my head.

"Okay lang. Bata siya kaya hindi niya alam kung anong sinasabi niya." I tried to laugh. I secretly took a deep breath.

Sabay kami ni Seig pumasok. Napapansin ko ang ibang napapabaling sa amin. Ang iba ay hindi parin maganda ang tingin sa amin kapag nakikitang magkasama. Tanggap ko na iyon na hindi nila ako gusto. Na may inis o galit parin sila sa akin.

"Saan ka mag-aaral pagkatapos natin mag-graduate?" He suddenly asked,  breaking the silence. I looked up. Tahimik kami habang naglalakad papunta sa high school building.

I cleared my throat. "Dito, ikaw?" He nodded without looking at me.

"Gusto ng magulang kong sumama ako kay kuya sa States at doon ipagpatuloy ang pag-aaral." His voice was soft. Diretsyo parin ang mga tingin niya. Bumigat ang dibdib ko habang pinagmamasdan siya.

He's going to States after we graduate? Nanikip ang dibdib ko sa iniisip. Ibig sabihin din nun, pupunta si Gael sa States pagkatapos niya mag-graduate. Hindi ko maiwasang malungkot nang malaman iyon.

"Pero gusto kong dito rin tapusin ang pag-aaral. I want to see us both graduate. Isa iyon sa mga pangarap ko, na makasama ka sa pag-graduate." Ngumisi siya. Kumalabog ang puso ko at hindi na kinayanang titigan siya.

Bahagya siyang natawa. I greeted my teeth. Dumaloy ang init sa aking batok papunta sa aking pisngi. Sinabit ko sa tainga ang buhok na lumipad sa aking mukha.

"Kung mas ikakabuti mo ang pagpunta sa States, why not study... there?" nagaalinlangan kong utas. Hindi ko alam pero may pait akong naramdaman. Kinagat ko ang labi nang bigla itong nanginig.

"I can't do that. Marami namang magandang opportunidad dito. Ang iwasan ka nga lang ay mahirap na, ang lumayo pa kaya?" Natawa siya sa kanyang sinabi. Mas lalong nag-init ang pisngi ko. Sh*t! Hindi ko na maramdaman ang sariling katawan dahil binabalot ito ng malakas at mabilis na pagpintig ng aking puso.

Yumuko ako. "Meron namang cellphone, pwede naman tayo magcall or text..." I paused. I just realized what I said to him. Hindi ko alam kung bakit bigla ko 'yon nasabi. Nawala ako sa sarili ng sandali nang marinig lahat ng iyon sa kanya.

Ngayong iniisip ko na magkakalayo kami, mahirap nga iyon para sa akin. Nasanay akong lagi siyang kasama. Pero meron ding pagkakataon na kailangang tanggapin ang mga bagay kahit masakit kasi iyon ang mas nakakabuti para sa kanila. Staying here is not the best choice. He needs to leave for his own good. Kahit masakit, kailangan kong tanggapin.

Mas lalong lumakaw ang ngisi niya. He raised his one brow. Ang buong atensyon niya ay nasa akin. I swallowed.

"Talaga? Edi mas lalong mahihirapan ako niyan dahil nakikita o nakakausap lang kita sa text, mas lalo kitang mamimimiss. Uuwi ako agad niyan." I saw his ears slowly turned into red. I bit my lower lip.

"Kailangan mong pumunta Seig. Mas importante ang future mo kaysa sa akin. Don't waste the opportunity that has given to you. Para lang sa sarili mong kagustuhan, itatapon mo ang magandang kinabukasan mo..." nanginig ako. Nanuyo ang lalamunan ko at naramdaman ang kirot sa aking dibdib. Nilaro niya ang sariling labi gamit ang labi niya habang mataman akong pinapanood.

"Sorry..." mahina niyang tugon. Agaran akong umiling. Kahit masakit, kung iyon ang tamang gawin, I will push him to go rather than see him lose his future.

Habang tumatagal, mas lalo kong inenjoy ang bawat araw na kasama ko sila. Napansin ko ang pagbabago ng sarili kapag nakakasama ko siya. I feel happy whenever I see him around. 'Yong parang gusto ko siya makita araw-araw. Lagi siyang hinahanap ng aking mga mata na para bang hindi ito mapakali kapag hindi siya nakita.

"Hindi niyo kasama si Seig?" Nagtataka kong tanong nang makitang si Vince at Ruben lang.

"Inutusan siya ni Miss Miranda. Ewan ko kung ano." Kibit balikat na tugon ni Vince.

"Tsk! Kanina ko pa napapansin ang pagiging hindi mo mapakali. Halos mabali leeg mo kaka silip doon!" Nguso ni Blair sabay irap. Tumikhim ako. I glared at her.

"Baka si Seig." nahimigan ko ang pang-aasar sa boses ni Shee.

Humagalpak si Ruben. "Kaya pala hinahanap ah!" Aniya na natatawa. Bumagsak ang magkabilang balikat ko at bumusangot.

"Nakakapagtaka lang dahil hindi niyo siya kasama ngayon..." pagpapaliwanag ko kahit na hindi nila iyon pinakinggan. They all laughed.

"Sus! Kunwari ka pa!" Si Blair sabay sundot sa tagiliran ko. Umiling ako at sinibukang hindi matawa.

"Bakit naman kasi kayo lang nandito. Hindi niyo kasama amo niyo!" Hagalpak ni Blair.

"Gwapo ng amo namin gaya namin." Si Ruben sabay upo sa harap. Kahit tirik ang araw, naproprotektahan kami ng dayaming pinagsisilungan namin.

My friends coughed. I shook my head. My heart raced when I saw him coming. Napaupo ako ng matuwid nang makalapit siya.

Hingal na hingal siya nang makalapit sa amin. I saw a sweat drop on his forehead. Mapupula ang labi niya at hinahabol ang paghinga.

Muli akong inasar ng mga kaibigan. Kunot noo kaming binalingan ni Seig.

"Seig kanina kapa hinahanap ni Pio..." sabay siko sa akin ni Blair. I bit my lip.

"Halos mabali leeg niya kakasilip sayo!" si Shee.

"Ano ba kasi sinabi ni Miss Miranda? Namiss ka kaagad ni Pio!" They all laughed. Hindi ko magawang sumingit. Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili dahil wala akong mahanap na salita dahil mismong sarili ko sumasang-ayon sa mga sinasabi nila. I can't deny that it was all true.

"Wala naman. She just asked me to give her the attendance." hingal niyang paliwanag sabay baling sa akin. Mapupungay ang mga mata niya. His eyes twinkled. Tumaas ang kilay niya.

"Hinahanap mo daw ako? Bakit?" Aniya nang umupo sa tabi ko. Halos masugat ang labi ko sa diin ng pagkakagat ko. I swallowed.

"Hindi... natanong ko lang kina Ruben ka-kasi... madalas kayong magkasama. I was just wondering." Ngumisi siya. Mas lalong namungay ang mga mata niya.

"I know that it might be weird for you but I'm happy to hear that." Mas lalong lumawak ang ngiti niya.

I'm not sure when this all started. Basta ang sigurado ako, masaya ako kapag nakakasama siya. Humugot ako ng malalim na paghinga. Maybe everything has changed. There will be a time when you think that some things are impossible, but you never know before it happens. Now that it's happening to me, I reckon that what I thought before might change one day.

"Gelo." Tawag ko nang makita siyang abalang nagtitingin ng libro sa aisle.

Nakangiti siya nang balingan ako. His brows raised.

"You looking for me?" Matamis niyang utas. I rolled my eyes. He laughed.

"Uhm... alam mo ba kung nasaan si Gael?" He smirked. His eyes landed on my hand.

"Ibibigay ko lang ito." Sabay pakita ko sa t-shirt. Bahagya siyang natawa.

"To the rescue talaga si Gael. Ayaw niyang nakikitang nasasaktan ang magiging sister-in-law niya..." his voice seemed teasing. Nag-init ang pisngi ko.

"Nasa gym siya ngayon." Natatawa parin niyang sabi. Yumuko ako at marahan siyang tinalikuran.

I completely don't know what to response. Ni hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.

Hawak-hawak ang t-shirt niya, dumiretsyo ako sa gym. Rinig ko na sa labas ang agarang pagbagsak ng mga bola. I heard some voices too.

Kumaway ako nang makita siya. He's wearing a basketball attire. Ngumiti siya at tumakbo papalapit sa akin. Malalalim ang paghinga niya nang nasa harap ko na.

"Pio, napapunta ka?" Bumagsak ang mga mata niya sa dala ko.

"Sasaoli ko lang sana. Thank you." I gave him a smile. His eyes twinkled. Kinuha niya ito at itinuro ang sports bag sa malapit na bench.

Sinabayan ko siya sa paglalakad. Bumati ang iilang kaklase niya sa akin.

"Hindi mo naman na kailangan isaoli pa." He chuckled. Umiling ako bilang tugon.

Dumiretsyo siya sa kanyang bag at binuksan ito. I watched him doing that. Nahagip ng mga mata ko ang munting nakasabit sa kanyang bag.

I stopped for a second. Tinitigan ko lang ito ng sandali. Nang bumalik sa sariling isipan, I tilted my head. Lumapit ako doon at marahang hinawakan.

Bahagyang natawa si Gael. His forehead wrinkled.

"Sayo 'to?" Wala sa sarili kong tanong. Nakatitig ako sa isang pamilyar na keychain. Katulad din ito ng mga binigay kong keychain dati sa mga kaibigan. But this one is kinda different.

Tumikhim siya. He nodded. "Oo. Bakit?" Nagtataka niyang tanong. Agaran akong umiling.

"Pamilyar lang sa akin." I tried to laugh. Ngumuso siya.

"Nakapunta na pala kayo sa Norte?!" Maligaya kong tanong. His eyes widened a bit. Nakita ko ito sa Norte. Isa ito sa mga nakita ko doon. I remember ate Kris buying one. It looks the same as his.

Nagdadalawang isip siyang umiling. Kumunot ang noo ko. I tried to smile but I can't stop thinking something. He sighed.

"Bigay lang sa akin..." sabay kamot niya sa batok. Nakita ko ang pagpilit niyang ngumiti.

I slowly nodded. Akala ko nakapunta na silang Norte pero akala ko lang pala iyon. He said to me before that he wants to go there someday, that's why I'm sure that he has not been there before.

May kung anong bigat akong nararamdaman nang magpaalam sa kanya. Ginapangan ako ng kaba sa hindi mawaring kadahilanan. May isang bagay na kusang pumapasok sa isipan ko. Kahit anong gawin kong alis ay pilit itong naglalaro sa aking isipan.

Ayaw kong isipin na si ate Kris ang nagbigay nun. Pero hindi rin impossible hindi ba? May kirot akong naramdaman sa dibdib. Pero kung siya nga iyon, bakit niya 'yon binigay kay Gael. Are they friends? But I haven't seen them together.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top