Kabanata 22


"Business ka rin ba, Pio?" Inilapit niya ang mukha sa akin. Blair titled her head.

Ngumuso ako at ilang sandali bago siya na sagot. Ngayong junior high na kami, hindi parin ako sigurado sa kukunin. Naiisip ko kasing may sariling business ang magulang ko. Si mom ay may sariling florist shop habang si dad ay abala sa pagmamanage ng aming lupain kung saan doon nakatanim ang mga bulaklak na binebenta sa florist shop namin.

Dad became the supplier while mom was the vendor. It all worked out because until now, they don't have a problem when it comes to finance. Kaya ngayon, sumasagi sa isipan ko na pwede akong tumulong sa pagaasikaso ng sariling business at para narin kung sakaling hindi na kaya ng mga magulang ang pag-hahandle, I can take it over. Magiging mas lalong madali para sa akin kapag business ang kinuha ko.

Pareho kami ni Blair na kinuha habang si Shee ay pinili ang accountancy. Naging abala kami dahil ibang-iba na ito sa dating nakasanayan.

Kasalukuyang free period namin. Inilabas ko ang isang libro at nagbadyang tumayo. Napabalikwas ako nang biglang umupo si Seig sa tabi. May dala din itong libro.

"Pupunta kang library?" Aniya sabay tipid na ngumiti. Kumalabog ang puso ko nang maglapit ang aming mukha. Agad siyang bumaling sa harap.

"Dito ka na lang..." sabay kamot niya sa batok. He smiled. "You can study here. I can help you."

Huminto ako at marahang nag-isip. Hindi na alis sa labi niya yong ngiti habang nakatitig sa akin. I bit my lip as I slowly nodded. Mas lalong lumawak ang kanyang ngisi.

Napabaling siya sa paperwork na hawak ko. Ang pagkaka alam ko, engineering ang kinuha niya. I know that he can do any courses. Kahit anong piliin niya alam kong kaya niya. He was always good in every class.

"May kailangan lang basahin kung ano ang tamang paraan sa pag-eengage ng ibat-ibang clients." I explained sabay pakita sa kanya. His lips curled.

"Kung ganoon, ano nga ba ang tamang pag-eengage ng mga customers?" His brows raised. He smirked. Malalim ang pagkakatitig ko sa kanya. The side of his lips raised.

Ngumuso ako. Nag-isip bago siya sagutin. Mapupungay ang mga mata niya habang tahimik akong pinagmamasda. I swallowed.

"Uhm... first... it's important to be aware about the different kind of person or let's say clients you are dealing with." Humugot ako ng malalim na paghinga. His lips moved. Para bang pinaglalaruan niya ito gamit lang din ng kanyang labi.

Nag-iwas ako ng tingin bago nagpatuloy ulit. Because of the way he stare at me, it makes me difficult to find a word or even to speak without stuttering.

"And as a seller, I should have a long patience in order to avoid conflicts. Kung mainit ulo nila, we must not be the same too, kailangan dapat laging kalmado and avoid using negative language." Ngumuso ako. He nodded. Tumikhin siya at muling umangat ang kanyang labi.

Bigla akong naconscious nang basain niya ang labi habang tahimik akong pinapanood.

"Customers must be the first priority at any kind of scenarios." I mumbled. Napa-angat ang tingin ko nang bigla siyang matawa.

"So..." he raised his one brow. He paused for a moment before continuing. "If I'll be the customer, then I will be your first priority?" Mas lalong lumawak ang ngisi niya.

May kung anong electricity akong naramdaman. Nag-init ang buong sistema ko at bumigat ang dibdib ko. Mabilis ang bawat pintig ng puso ko. Umiling ako at hindi na ulit ibinalik ang paningin sa kanya.

Gusto kong mawala 'yong tensyon na nararamdaman ko. Ayos lang sa akin ang ganitong salitang binibitawan niya noon pero ngayon, hindi na ako komportable kapag nakakarinig ng mga ganito sa kanya. Suminghap ako.

"Syempre... baka maghanap ka ng ibang seller niyan. It's one of the rules not to lose any customers." Deklara ko.

He chuckled. "Bakit naman ako maghahanap ng iba. Mahaba ang pasensya ko, Pio. Kaya ko maghintay ng kahit ilang taon." Kumunot ang noo ko sa naging sagot niya. His eyes are full of sincerity.

Bigla akong ginapangan ng kaba nang biglang pumasok sa isipan ko 'yong nangyaring pag-uusap nila ni Lia. I could barely breathe right now.

"Bakit? Nagkabalikan ba kayo ni Lia?" I was out of myself when I said that. Nahirapan akong huminga nang mapagtanto ang nabitawang salita.

His forehead wrinkled. Nagkasalubong ang dalawang kilay niya. Naging mas seryoso ang mga mata niya habang ang buong atensyo ay nasa akin. Napalunok ako at agad umiling.

Gusto kong masapo ang noo ko dahil sa hiya. Tanging pagyuko lang ang naging tugon ko.

Narinig ko ang mabigat niyang pagbuga ng hangin.

"Why would you ask that, Pio?" Seryoso niyang tanong. Hindi ko parin siya magawang tignan. Napakagat ako sa labi nang maramdaman ang biglang pagnginig nito.

"Narinig ko lang na nagusap kayo kahapon..." naghanap ako ng idudugtong pero wala akong mahagilap na tamang salita.

"Kaya ba inisip mong nagkabalikan kami?" Nararamdaman ko ang pagkakatitig niya sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang baba ko. Iniangat niya ang ulo ko para magkatinginan kami.

Kinabahan ako at naramdaman ang agarang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napalingon ako sa paligid at marahang inalis ang kamay niyang nakahawak sa baba ko.

May iilang nakakita doon pero agad ding nag-iwas ng tingin nang makita ko silang nakatingin sa amin. May naglalarong ngisi sa kanilang mga labi. Mabuti na lang at hindi na naman kami inasar nang makita iyon.

"I'm sorry." Mahinang utas niya.

"H-hindi. Hindi naman sa ganoon. Naisip lang namin. Hindi lang ako, pati sina Blair at Shee. Hindi naman impossible 'yon." Sinubukan kong pakalmahin ang sarili.

Agaran siyang umiling. "Isa lang ang gusto ko, Pio. Nagkamali na ako dati at ayaw ko ng maulit 'yon. Hindi ako makikipagbalikan dahil hindi naman siya ang gusto ko. Ikaw ang hinihintay ko." His voice was soft. Sakto lang para marinig ko.

Nanginig ang kamay ko. Hindi ko na alam kung anong isasagot ko. He looked at me as if he was telling me that he was true to his words. That he will wait for me.

"Pero hindi ko rin naman sinasabi na gustohin mo ako, Pio. Nandito parin ako kapag nagbago na ang nararamdaman mo." He gave me a forceful smile. Nagningning ang mga mata niya.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Kahit anong gawin kong pagpumilit sa kanya na itigil na lang ito dahil alam kong masasaktan ko lang siya pero pinipili parin niyang maghintay. He was sure of himself.

Kahit na ilang beses ko na siya nasaktan kapag nakikitang magkasama kami ni Gael, hindi parin siya nawawalan ng pag-asa. Imbes na layuan ako, patuloy parin siya sa pagpaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga sa kanya.

I licked my lip as I walked towards the waiting shed. Kasama ko ang mga kaibigan nang matapos ang klase namin.

My body stiffened when I saw Lia sitting on the long chair. Mas lalo akong nagulat nang makita ang mapupula nitong mga mata. Agad siyang tumayo nang makita kaming papalapit doon. Bago ko pa napansin ang luha sa kanyang pisngi ay agad na siyang naglakad papalapit sa amin. Mabibilis ang bawat hakbang niya at ang mga mata ay matalim na nakatingin sa akin. Bahagya akong napaatras.

Agad na humarang si Shee at Blair bago pa man tuloyang makalapit sa akin.

"Bitch! Anong sinabi mo kay Seig ha?! You slut, stop acting so nice, I won't fall for it. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo kay Seig! Because of you, he hated me so much!" Dirediretsyo niyang sabi. Humagolhol siya nang hindi parin naaalis ang tingin sa akin.

Mahigpit ang hawak ko sa bag at mabilis ang paghinga. Gulat parin ako sa nangyari. Kitang kita ko sa mga mata niya ang sobrang galit. She's on fire. Umiling ako.

Inaawat siya ng mga kaibigan. Siguro kung wala sila ngayon, kanina pa ako kinalbo nito. I can sense her anger. She can hit me anytime, lalo nat sa kalagayan niya ngayon. Wala na siya sa kanyang sarili.

"You crazy bitch, accept the fact that Seig doesn't love you, or even the fact that he didn't like you." Sabay tulak ni Blair sa kanya. Nangatog ang binti ko.

She then looked at Blair. Mas lalo siyang nag-init. Matalim parin ang mga mata niya habang ang dalawang kilay ay nagkasalubong.

She laughed. Napalunok ako habang pinapanood siyang wala sa sarili.

"Paano mo naman 'yan na sabi ha?! Kung hindi lang diyan sa mang-aagaw niyong kaibigan, hindi dapat ako hiniwalayan ni Seig!" Matalim siyang bumaling sa akin.

Nanghina ako. Ibinuhos niya lahat ng hinanakit niya sa akin. She blames me for everything. Hindi ko alam ang mga salitang tinatapon niya sa akin. She was blind emotionally. Seryoso siya sa lahat ng mga sinasabi niya na kahit sino ay wala nang magpapabago sa paniniwala niya.

Humugot ako ng malalim na paghinga. Patuloy parin siya sa pag-iyak.

"Kasalanan mo 'to, Pio. We were happy back then. This is all your fault." Nanghihina niyang sabi. She kept on saying that while her tears kept on falling.

"Walang kasalanan si Pio, Lia. She doesn't even know that Seig likes her. Tsaka hindi niya inagaw si Seig sayo, si Seig ang kusang lumayo sayo." Mapapait na tugon ng kaibigan.

"Hindi siya lalayo kung hindi diyan sa kaibigan niyo!" She glared at me. Nanginig ang labi niya. Nagkalat ang luha niya sa kanyang mukha.

"Tsaka..." napahinto siya sabay bahagyang natawa. "Anong karisma ang meron ka at nagagawa mong pagsabayin ang magkapatid!" Her voice raised. My eyes widened.

Napakunot ang noo ko, ganoon din si Shee at Blair. She continued laughing. Pumalakpak pa ito na parang manghang-mangha.

"Bakit ka gulat diyan? Dapat nga ako ang magulat. The Pio who is nice on people's eyes is hiding something bitchy inside." Humagalpak ito ng tawa.

Hindi ko na napigilan ang sarili at humugot ng malalim na paghinga. This is too much. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya o kung anong kagagahan ang iniisip niya.

"Walang namamagitan sa amin ni Seig. Hindi ko alam kung saan mo nakukuha 'yang mga iniisip mo ngayon. You were different from what I thought. Gustong-gusto nga kita para kay Seig dati. You both are a perfect match. Pero hindi ko alam na ganito ka pala kahibang." I shook my head. Nanginig ang boses ko. I bit my lip.

Gusto ko siya para kay Seig. Dahil akala ko mabait siya. I didn't know she can do all these just to get back to him. Alam kong nasaktan siya pero hindi iyon dahilan para gumawa siya ng bagay na makakapanakit ng iba. I admire her for being sweet and loving person but now that I saw this side of her, she looks like she's gone crazy.

Napabalikwas ako nang biglang mag-ring ang bell. Ilang sandali ang nakalipas nang marinig ko si ate sa likod.

"Bakit hindi kapa umuuwi?..." she trailed off. Napabaling siya sa harap. Kahit na humupa na ang luha sa kanyang mga mata ay kitang-kita parin ang pagpula nito.

"Ate..." tawag ko. Nakakunot na ang noo niya nang balingan ako. Si Shee at Blair ay nandoon parin, pinipigilan si Lia na makalapit sa akin.

"Ano na namang nangyari, Pio?" I could hear the care in her voice even though she was serious.

Natawa si Lia. I looked at her. Her eyes landed on me. She smirked. Napakunot ako sa noo.

"Ayan na pala ate mo. Why don't you ask your sister, Pio?" Ngumisi siya. Mas lalong kumunot ang noo ko. Tumaas ang isa niyang kilay habang mataman akong tinitigan.

"If I were you, hindi na ako papasok sa kahihiyan. You should be ashamed lalo na sa ate mo." sarkastiko nitong sabi. Pabaling-baling ang tingin ko sa kanya at sa kapatid. Seryoso ang mukha ni ate na wala akong makitang kahit ano.

"Huwag na huwag mo ng lalapitan ang kapatid ko. And you should be the one to be ashamed. Look at yourself, Lia. You're a mess!" My jaw dropped. Nagulat ako sa sinabi  ni ate. She was straight forward. Hindi ko din inakala na kilala niya siya.

Agad akong kinabahan nang maisip na baka alam niya ang pambubully'ng nangyayari sa akin. Maybe she knows everything that happens to me. Hindi impossibleng malaman niya iyon dahil nasa iisang paaralan lang naman kami. Hindi ko nasasabi o nakwekwento sa kanya ang mga naririnig na mga masasakit na salitang tinatapon sa akin.

Naramdaman ko ang kamay niya sa aking palapulsunan. I was still in shock. Wala na ako sa sarili nang bigla niya ako hatakin paalis doon. Bago pa tuluyang makalayo ay narinig ko ang halakhakan ng mga kaibigan.

Our car was parked outside. Si ate na ang nagbukas sa pinto at unang pinapasok ako. I heard her deep breath. Marahan siyang umupo sa tabi ko.

Nagsimula ng umandar ang sasakyan. Ilang sandali bago ako nakabalik sa sarili.

My ate didn't speak after that. She was on her own thoughts too. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon pero hindi ko maiwasan ang sayang nararamdaman. Mas lalo kong naramdaman ang prisensya ni ate nang ipagtanggol niya ako. Mas lalo ko siyang naramdaman bilang ate ko.

Nangilid ang luha ko. I tried to calm down but myself is so persistent.

Nanginig ang katawan ko at agaran kong niyakap si ate. Umiyak ako habang yakap-yakap siya. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking balikat. Marahan niya itong hinaplos.

"Pio... you should have told me about this. Hindi ko hahayaang inaapi-api ka. We may not be the perfect sister relationship, I am still here as your ate." Aniya habang hinihigod ang aking likod.

Mas lalong bumuhos ang aking mga luha. Bumilis ang bawat paghinga ko. Mahigpit ko siyang niyakap.

"I'm sorry, Pio." I heard her voice trembled. Niyakap niya ako pabalik.

"I'm sorry if I wasn't there to protect you..." pagpapatuloy niya. "Hindi ako naging pabor sa nangyaring manipulayson sayo at hindi ko hahayaan ulit na mangyari 'yon, Pio."

Pinunasan ko ang luhang muling nagbadya. I shook my head.

"Irereport ko ito sa school head. Hindi na dapat pa ito maulit. That bitch has no way to go." Walang pag-aalinlangan niyang dugtong. Umiling ako.

"W-wag na ate... mas l-lalala lang kapag s-sinabi natin to..." I stuttered. Kinalma ko ulit ang sarili bago siya lingonin. Namilog ang mata ko nang makita ang kaonting basa sa gilid ng mga mata niya.

I bit my lip. "Ayaw kong malaman pa ito ni mom at dad..." my voice cracked. Napailing ako. "Ayaw kong pumunta sa maynila, ate." I declared. Nakita ko ang pag-alala sa kanyang mukha.

She shook her head. "Kapag inulit pa ito ng bruhang 'yon, make sure to tell me, okay?" Taas kilay niyang tanong. I slowly nodded.

I felt helpless then but now that I have my ate with me, I feel more secure. Ipinagpatuloy ko ang pagiging abala sa mga gawain sa eskwela. Kahit na may iilan parin akong naririnig sa ibang grades tungkol sa akin, hindi ko na lang iyon inaantala.

Simula nang araw na iyon, naging mas malapit ako kay ate. Nasasabi ko sa kanya 'yong tungkol kay Seig.

"Alam kong bata kapa para sa ganyan at natatakot akong mawalan ka ng focus sa pag-aaral mo pero nakikita kong iba naman si Seig. Bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon?" Aniya. We are in the living room. Nagpapaturo ako sa kanya sa ibang mga paperworks.

I raised my brow. Ngumuso ako. Hindi ko pa nasabi kay ate ang tungkol sa nararamdaman ko para kay Gael. I don't have the courage to tell that to her. Natatakot din ako at ginagapangan ng hiya.

"Ate, abala ako sa madaming bagay. Hindi ko na iyon mapagtutuonan ng pansin." I lied. Naningkit ang mga mata niya.

"At saang bagay ka naman nagpapakaabala?" Her brows raised. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.

She chuckled. "Sige ka, baka maghanap 'yon ng iba. Kahit na sinabi niyang maghihintay siya, we never know. In a split second, everything can change." Agaran akong napabaling sa kanya. She smiled. Kumunot ang noo ko.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot. Bumusangot ako at umiling na. Hindi ko na iyon pinansin pa at nagpatuloy sa pagsagot sa mga papel sa harap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top