Kabanata 18
Tulala ako buong gabi. Bumalik kami ni Seig sa likod na parang walang nangyari. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Parang gumuho ang mundo ko nang marinig iyon.
It's a big slap to me. Alam niya kung sino ang gusto ko. Ngayon, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayaw kong kwestyunin 'yong nararamdaman niya para sa akin. I really hope that he was just confused.
Mas lalo akong hindi komportable kapag nandiyan siya. Natataranta ako pag bigla siyang sumusulpot. Kapag nagtatama mga mata namin, halo-halong takot at kaba ang nararamdaman ko. Alam kong hindi tama kung iiwasan ko siya. Iniisip ko na lang na baka naguguluhan lang siya. I convinced myself na maglalaho din iyon.
Sinusubukan kong maging komportable kapag nakakasama siya. Kahit na kapag naiiwan kaming dalawa lang, I act as if nothing happened. Ganoon din naman siya. Hindi niya na muli ibinalik ang usapang iyon. Hindi na namin iyon pinagusapan pa.
It was this week when a rumour spread in our class. Hindi ko inaasahan ang mga narinig sa mga kaklase. Nangatog ang binti ko.
Kasama ko ang mga kaibigan nang pumasok sa loob ng klase. Laglag ang panga ko nang makitang pinapalibutan nila si Seig. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila pero agad ko ding nalaman nang lapitan ako ng mga kaklase. They were like a paparazzi.
"Si Pio!" one of our classmates shouted kaya naman nagsilapit sila sa amin.
Halos maitulak si Blair at Shee sa tabi. Napalunok ako at biglang kinabahan.
"Pio, totoo bang may gusto si Seig sayo?" Laglag ang panga ko. My eyes widened at mas lalong kinabahan. Hindi ako mapakali at hindi alam ang gagawin. I swallowed.
"Teka nga!" Sigaw ni Blair nang halos masubsub na ito dahil sa pagkakatulak ng mga kaklase. She went in the middle to stop my classmates.
Tumahimik ang lahat at ang buong atensyon ay nasa kaibigan. I saw Seig stand up. Nasa gilid niya sina Vince.
"Ano bang mga pinagsasabi niyo?" She chuckled.
Paano nila nalaman ang tungkol dito? Kaming dalawa lang ni Seig ang nandoon nang sabihin niya iyon. Napakagat ako sa labi at nag-isip ng paraan para makalabas doon.
"Totoo ba 'yon, Pio?" I heard Shee whispered. Nanginig ang kamay ko at hindi siya agad nasagot. Kahit na hindi ko siya nasagot, alam kong alam niya na ang totoo.
My eyes widened when Seig went to us. He stood next to Blair. Lahat ng atensyon ay nabaling kay Seig. Kunot noo siyang tinignan ni Blair.
Everyone looks curious. Ang iba nakahalukipkip at naghihintay sa totoong sagot.
"Oo... Gusto ko si Pio." His voice thundered. Bumigat ang dibdib ko at nahirapan akong makalanghap ng hangin.
Napansin ko ang paglipat ng paningin ng iilang kaklase sa akin. They are watching me. Nag-init ang pisngi ko. Ilang sandali bago sila nag-ingay.
They all teased us. Mas lalo tuloy nila kami aasarin ngayong alam nila na totoo iyon. Hindi humupa ang pang-aasar nila sa amin. Even my friends are happy.
From the start, they all pushing us together. Kahit na ang totoo, si Gael ang gusto ko. They all think that I like Seig but it is the other way. Kahit na alam nilang gusto ko ang kapatid niya, hindi nila iyon sineseryos. Kaya patuloy sila sa pang-aasar sa amin.
Pero iba na ngayon. Noon, it was normal to me because I'm not affected. Pero ngayon, iba na, it's not the same as before, everyone knew and heard the truth coming from him.
I was just hoping that this won't spread to the college building. Ayaw kong malaman ito ni ate kahit na alam kong hindi niya ito sasabihin kay mom at dad.
Naging sweet si Seig sa akin. Hindi ako sanay kapag masyado niya akong pinaglilingkuran. Kahit na kaya ko naman pero pinipilit niyang siya na. Kung ipagpipilitan ko naman ang sarili ko ay mas lalo lang kami nagtatagal sa pagtatalo. Mas lalo lang din kami aasarin ng mga kaklaseng nakakakita doon.
Lagi-lagi siyang sumasama sa amin. Kaya halos buong araw kasama ko siya. Minsan iniiwan ako ni Blair at Shee pagnakikitang palapit si Seig sa amin.
Akmang aalis na naman sana sila nang bigla kong higitin ang mga braso nila. They laughed.
"Ayan na sundo mo oh..." they teased. Matalim ko silang tinapunan ng tingin. Mas lalo nila akong inasar. Uminit ang pisngi ko nang tabihan ako ni Seig.
"Hoy, Seig! Patay na patay?" Pangaasar ni Shee. Humagalpak ng tawa si Blair.
I felt a sudden electric flow to my back. Kinagat ko ang labi at yumuko.
I heard Seig laughed. Yon ang naging madalas na mangyari sa amin. Kahit kapag nag-iinsayo kami, laging nahahagip ng mga mata ko ang pagkatitig ni Seig sa akin. Hindi tuloy ako nakaka-focus sa pagsasayaw. Kaya naman pag sa outdoor court sila nagprapractice, mas nagiginhawaan ako.
"Keep practicing. Kahit na memoryado niyo na, patuloy parin kayo sa pagiinsayo." Our instructor reminds us.
Naging maganda ang result ng pagsasayaw namin. Kulang na lang ang aming susuotin at ready na kami. He was happy that everyone was on the right track.
I heard Blair coughed. Naramdaman ko ang biglang pagsundot ni Shee sa aking tagiliran. They made a weird sounds.
Napalingon ako sa nginunguso nila. Bumagsak ang magkabilang balikat ko nang makita si Seig na palapit sa amin. We are packing our stuff. At dahil nandito si Seig, nagmadali sila sa pagaayos ng gamit.
"Sige, mauna na kami, Pio." Nakangiting asong paalam nila. Sinundot ni Blair ang tagiliran ko bago umalis. I almost cursed in my mind.
Napalunok ako nang maamoy ang pabango niya nang makalapit sa akin. He's in his basketball attire. May dala siyang bola ngayon at marahan itong nilalaro sa kamay.
There are still few of us in the gym. Kinakabahan ako kapag nakikitang napapatingin ang iba sa amin.
He lend me a water bottled. Hindi ko iyon tinanggap. I cleared my throat.
"Salamat pero meron akong dala." Sabay pakita ko sa dala-dala kong tubig. He nodded.
"Sabay na tayo." He said as he tilted his head. Napasinghap ako at unti-unting tumango.
Sabay kaming naglakad papunta sa college building. Ginagapangan uli ako ng kaba nang balutan kami ng katahimikan.
Mabuti na lang nang makarating kami sa mismong klase, saktong nag-ring 'yong bell. Nagsilabasan sila. Lumabas si ate at agad din akong namataan. Seig is still standing beside me. Lumandas ang paningin ni ate sa kanya.
Napatayo ako ng matuwid nang masilayan si Gael palabas. Bumati ang iilang kaibigan niya sa amin. Makahulugan kaming nginitian ni Gelo nang makitang magkasama kami.
Lumapit si Gael sa amin. My heart starts to pound. He smiled at me. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng pisngi ko.
"Pio, it's been a while. Kamusta ka?" He asked, still smiling at me.
I smiled back. "Okay lang naman." I said trying not to stumble. Nakahinga ako ng maluwag nang masabi iyon ng walang halong panginginig. He nodded nakangiti parin. He then chuckled.
Marahan akong siniko ni Seig sa tabi. Napaangat ang tingin ko sa kanya. His brow furrowed and his forehead wrinkled. Nangatog ang binti ko. Napakagat ako sa labi at nag-iwas ng tingin.
"Kamusta, ate?" Si Seig naman ngayon. Napakunot noo ako. Hindi parin maalis ang ngiti sa labi ni Gael pero kita sa mga mata niya ang kaonting pagtataka.
Napapabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Seig is smiling now too. I licked my lip.
"I'm good." Nanliit ang mga mata niya nang malipat ang tingin kay Seig at sa akin.
Kumalabog ang puso ko. Pinilit ko na mauna na kahit na gusto ko pang manatili doon. I don't feel good in that set up. It's not very comfortable to be in that kind of arrangement.
"Nililigawan kaba niya?" halos mapabalikwas ako sa kinauupuan. Nasa sasakyan na kami nang bigla siyang magtanong.
Agad akong umiling. I gritted my teeth.
"Hindi ate." Maikli kong tugon. Nanliit ang mga mata niya bago tumango. Napasinghap ako.
I wonder if she knows the rumour.
Dumiretsyo ako sa kwarto nang makauwi kami. Agad kong tinahak ang banyo para makaligo. Lagi akong basa sa pawis kapag umuuwi. Dahilan ng pagprapractice namin araw-araw bago matapos ang klase.
It was during our dinner when I almost choke on the food I chew. My parents were shocked too. I didn't expect Zell to say that. It was when my parents asked me if I have someone I like. It was sudden when they asked that. I was even more surprised when Zell declared something.
"I heard kuya Seig saying that he likes you." Laglag ang panga ko. Namilog ang mga mata ko at agad ginapangan ng kaba. Nakita ko agad ang pagtalim ng tingin ni mom sa akin. She stopped eating. Her eyes darted on me. My dad looks serious too but not that dead serious like mom.
"Who's Seig?" Kunot noong tanong ni mom. Napalunok ako.
Bumaling ako kay ate pero umiling lang ito.
"Seig is a good man, mommy. He's my kuya." Maligayang tugon ng kapatid. Napakurap-kurap ako.
She frowned. Pinatapos na muna namin ang dinner bago ako kinausap ni mom. Inakyat na ni manang si Zell sa kwarto.
I swallowed hard. Nanginig ang labi ko. I bit my lip, trying to stop the trembling.
"Sino 'yon? Kaklase mo ba 'yon?" Kalmado niyang tanong. I nodded.
"Opo. Kaibigan lang." Napatikhim siya. Napahawak ako sa kinauupuan ko nang i-angat ang paningin.
"Kaibigan lang naman pala. There's nothing to worry, Valentine." My dad cheered. He chuckled. Kahit papaano, nawala ng kaonti ang takot at kabang nararamdaman.
Tinitigan ako ni mom. Ate Kris is listening. She didn't say anything.
Humugot ako ng malalim na paghinga nang makaalis doon. Sabay kami ni ate naglakad papuntang taas.
"Do you like him?" Tanong niya bago pa makapunta sa aming mga kwarto. I sighed.
"Wala akong gusto sa kanya ate." I declared. Walang pagaalinlangang sabi ko sakanya. She just nodded.
Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat. I want to tell her the person who I really like but I can't. Hindi sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan, hindi lang din ako kumportabke na sabihin sa kanya lalo nat magkaklase sila. I know she won't gonna tell to our parents or even to him but I still don't have the courage to tell her that.
Napaupo ako sa pagkakahiga nang may natanggap na message galing sa unknown number. Pero kahit na hindi nakaregistered ang number sa akin, alam kong si Seig iyon.
Seig:
Good Morning, Pio! It took me a while to have your number.
Umiling ako. Hindi ko na inabalang replyan siya. Nag-ayos na ako bago bumaba. I bit my lip when my eyes landed on my phone. I heard it vibrates.
Seig:
Don't skip breakfast. See you later.
Nanginig ang katawan ko. Napasinghap ako bago nagtipa.
To Seig:
Yes, you too!
Hindi ko na muling sinilip pa ang cellphone at nilagay na sa aking bag. Gusto kong itigil niya na ang pagiging maalalahanin at pangangalaga niya sa akin.
Mas lalala lang ang sitwayon kung magpapatuloy siya. Buo parin ang nararamdaman ko para kay Gael. Sigurado parin ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Ayaw kong sa huli masaktan ko ulit siya. Though he knows who I like, but he still doesn't bother.
Kahit na kapag nagpupunta ako sa library, he sometimes join me. Kahit sa totoo lang, wala akong ginagawa kapag nagpupunta doon, he still keeps accompanying me.
"Gelo!" Tawag ni Seig nang makita namin siya nakaupo sa first row. Agad kong nilibot ang paningin, nagbabakasakaling nandoon si Gael pero mag-isa lang ulit siya.
Makahulugan siyang ngumisi sa amin. Umirap ako. Lagi siya mag-isa dito, I guess he likes books that much. Nakakapagtaka din na ang dami niyang hinihiram tapos wala pang isang linggo, makikita ko uli siya na madaming librong bitbit sa counter. I wonder if he's reading all of that. In just a week.
"Seig..." tawag ko nang makaupo kami. Nagtaas ang dalawang kilay niya nang balingin ako.
"You know, my brother knew that you like me." I muttered. Nag-iwas siya ng tingin. Ilang sandali bago siya sumagot.
"Hindi ko alam na tatatak iyon sa kanya. I wasn't in myself when I said that to him." Kumunot ang noo ko. He smirked.
"He's really smart." Nakangisi niyang sabi sabay iling.
Hindi ko parin makuha 'yong sinabi niya. Nagpupunta parin pala siya kahit na lumipat na ng building ang kapatid ko. Zell is now belong to primary building. I thought he's no longer seeing my brother.
Napakamot siya sa batok. Ang mga mata ngayon ay abalang nakatingin sa dala niyang libro.
"I hope he's not telling something to you. Ang dami ko pa naman nakwekwento kay Zell, puro tungkol sayo." He laughed a bit. My lips parted.
Ano naman ang mga kinukwento niya tungkol sa akin? Hindi ako makapaniwala, gusto ko malaman kung kailan pa. Kailan nag-umpisa lahat.
"Kailan nag-umpisa ang nararamdaman mo para sa akin?" I trailed off. Napakagat ako sa labi. Alam kong masyadong pribado iyon sa kanya pero gusto kong malaman kung saan nag umpisa ang lahat.
He chuckled before speaking. Nag-init ang pisngi ko. Naramdaman ko ang kaonting electric na dumaloy sa dugo ko. I felt something weird in my stomach.
"Uhm..." he stopped. It took him a while before he continued. "Dati pa, may kung anong nararamdaman na ako para sayo. Hindi ko iyon pinansin. Pero habang tumatagal, everytime we were together, it becomes too hard to bear."
Napalunok ako habang tahimik siyang pinapanood. Bumigat ang dibdib ko. Seryoso siya habang sinasabi ang bawat salita. I can see a smile in his eyes even though his lips is not smiling.
Tumango ako at hinayaan siyang magpatuloy. He is now facing me directly.
"Tapos noong tinanong ko sayo kung anong nagustuhan mo kay kuya, not only physically but also you told me what you felt for him and everything you said were exactly what I felt for you too..." nagiwas siya ng tingin nang sabihin ang huling mga salita. Kumalabog ang puso ko.
My lips slightly stretched for a smile. I secretly took a deep breath. Although I still want to hear a lot from him, there is something inside me telling me to stop.
"At noong iniwasan kita, doon ko lang mas lalong napatuyan na ibang-iba na nararamdaman ko sayo. Dahil sobrang sakit palang mapalayo sayo. Sinubukan ko ring magkaroon ng girlfriend sa higher grades para hamunin ang mismong sarili ko kung mawawala din ba iyon pero nagkamali ako. Iyon ang pagkakamali ko, dahil nakasakit ako, nasaktan kita pati na rin si Lia." Aniya. Hindi naputol ang pagkatitig niya sa akin nang sabihin lahat ng 'yon. He was sincere. I can see it in his eyes.
Tumango ako nang mas lalong maliwanagan. Humugot ako ng malalim na paghinga.
"Ganoon pa man, alam kong si Gael parin ang gusto mo." He trailed off. Nahimigan ko ang lungkot doon. Muli niyang inilipat ang mga mata sa librong binabasa niya.
Napakagat ako sa labi habang pinagmamasdan siya. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top