Kabanata 15
Naging mas malapit kami sa isat-isa. Naging mas lalo siyang napalapit sa akin. Napansin ko ang pagiging mabait niya.
"Ito nga pala 'yong notes. You can read through." Aniya nang lapitan ako sa kinauupuan.
He sat beside me one time during our free period. Sinubukan kong pumunta sa gym para sana kausapin ang instructor namin pero wala pa siya.
Nasa kubo ako ngayon nang lapitan ako ni Seig. He lend me his notes.
"Thanks!" I replied casually.
"Hindi ka pumuntang library?..." may halong pagtataka niyang tanong.
This year I become more studious. Kung hindi lang sa pagsali ko sa cheerleading team, siguro lulong na ako sa pag-aaral.
Ate Kris is preparing her papers for residential. Even though she still has plenty of time, she now preparing her documents and herself to stay in San Fransisco with my grandparents. In two years time, she will be graduating and she wants to follow what her heart desires. Even though my parents don't agree to this, they both still respect my sister's decision.
"Pumunta akong gym para sana kausapin ang instructor namin pero wala pa siya. Siguro mamaya..." kibit balikat ko. Ngumuso siya.
Kaonti lang ang mga nasa oval ngayon. Sadyang free period namin, ang iba ay kasalukuyang nasa klase.
"Gusto mo samahan kita? I don't like everytime I see him yelled at you." His thick brows slightly moved.
Napakagat ako sa labi at sinubukang hindi ipahalata ang pag-lipat ng paningin. Umiling ako.
"Bakit? Gagamitin mo ba ang charm mo?" Sarkastiko ko. I smirked. I also saw his lips pointed up.
"Bakit? Wala ka bang tiwala?" Pagmamayabang niya sabay humalukipkip. My eyes landed on his lips. Napahugot ako ng malalim na hininga.
"You better get your ass out of trouble. Better not provoke your girlfriend..." I chuckled. Napahawak ako sa batok nang mahagip ang seryoso niyang mata.
I bit my lower lip. May nasabi ba akong mali? Agad akong nagsisi nang maramdaman ang biglang pagdilim ng mga mata niya.
"Wala na kami..." he then looked away. Napahawak siya sa labi niya. My jaw dropped and my lips parted. Bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko inaasahan iyon. Madaming katanungan ang sunod-sunod na tumakbo sa aking isipan.
Nanliit ang aking mga mata. Tinitigan ko siya pero wala akong mahanap na iba maliban sa mga seryoso niyang mga mata. Hindi parin ako nakakabalik sa pagkakagulat.
Kumalabog ang puso ko nang bigla niyang ilipat ang paningin sa akin.
"B-bakit?" Wala sa sarili kong tanong. Parang kailan lang nung nakikita ko silang sobrang sweet sa isat-isa na animoy pati mga langgam pagpyepyestahan sila.
He took a deep breath. Tumayo siya at hindi na ako nilingon.
"It's nothing important. Basta sasamahan kita mamaya. May practice din kami kaya sasabay na ako sa inyo." He said without looking at me. Hindi niya na ako hinintay na magsalita at nagsimulang maglakad papalayo sa akin.
I know that I don't have a right to ask him about it but it's just so sudden. Kagaya ko, paniguradong magugulat din lahat pagnalaman nila ang tungkol dito. Pero nasisigurado ko na hindi pa alam ng mga nasa higher grades. Even in our class, I'm sure they don't know about this yet.
Tahimik akong naglakad pabalik sa klase. Hindi parin maalis sa isipan iyon. Kailan pa? Noong bumisita sila sa bahay nitong sabado, nasisiguro kong sila pa. Naalala ko nung biruin siya ni Blair pero sinagot niya naman ito ng walang pag-aalinlangan.
Pagkapasok ko sa loob, agad nagtama ang mga mata namin. Kumalabog ang puso ko at agad nag-iwas ng tingin. I gritted my teeth.
"Anong sabi, Pio?" Si Shee nang makalapit ako sa upuan namin.
Nagnining-ning ang mga mata nila sa akin habang masuri akong tinititigan.
"Wala pa siya nang magpunta ako." Tugon ko sabay upo sa gitna nila.
Narinig ko ang pagkakabuntong hininga nila bago inilipat ang atensyon sa ginagawa.
Kahit na nang kumain kami ng pananghalian sa canteen, nagsimula ng magtaka ang mga kaibigan nang sumabay si Seig sa amin. I wonder if Ruben and Vince know it too. Mukhang wala namang pake ang mga ito.
"Bakit hindi ko nakikita si Lia?" Si Blair. Naningkit ang mga mata niya. I swallowed.
"Nasa college building, puntahan mo para makita mo." Sarkastikong singit ni Ruben sabay kagat sa hawak-hawak na hotdog. Siniko siya ni Vince sabay halakhak.
"Kung pag-untigin ko kaya kayong dalawa! Punyeta!" Inis na utas ni Blair. Humagalpak sa tawa ang dalawa at patuloy siyang inasar.
Napabaling muli ako kay Seig na tahimik na kumakain. Hindi ko maiwasang hindi mapasulyap sa kanya. Mabuti na lang at nalibang sila kaya hindi na muling nagtanong.
Nagpatuloy ako sa pagkain. Ramdam ko ang pagkakatitig ni Seig sa harapan. Kaya naman nang i-angat ko ang tingin, nagtama agad ang mga mata namin. I almost choked with my own food. Napaubo ako ng bahagya pero bago ko pa kunin 'yong tubig sa harapan ko, nauna niya ng kuhanin iyon at nilahad sa akin.
Nataranta ako pero agad ko rin naman iyon kinuha. Uminom ako. Nahirapan akong makalanghap ng hangin dahil sa biglang pagbigat ng puso ko.
Hindi iyon napansin ng mga kaibigan dahil abala sila sa kwentuhan at asaran. Nang muling umayos ang pakiramdam, unti-unti kong ibinalik ang paningin sa pagkaing parang hindi nababawasan.
Hindi ko na inantala ang nararamdamang pagkakatitig niya sa akin at sinubukang ubusin ang pagkain.
Medyo maingay ang loob ng canteen dahil halos lahat ay dito nanananghalian. Mixed of lower and higher grades kaya mas lalong maingay.
Ang boses ng kaibigang si Blair ang isa sa mga nangingibabaw sa canteen. Sa sobrang lakas din kasi, ang iba ay mapapalingon talaga sa amin.
Nahagip ng aking paningin ang isang grupo ng mga babaeng papasok sa loob. My lips parted when I saw Lia coming. Kinabahan ako at agad nilingon si Seig sa harapan.
Halos mapabalikwas ako sa kinauupuan nang maabutan itong nakatitig sa akin. I frowned. I gritted my teeth.
My friends stopped from their talks. Napansin din siguro nila ang pagdating nina Lia. Hindi maitago sa akin ang pagkakagulat pero kahit na napansin iyon ni Seig, hindi man lang siya lumingon sa likod para tignan. Seig didn't bother.
"Hoy... nandiyan na bebe mo." Blair whispered. Hindi siya pinansin ni Seig.
Nag-init ang katawan ko nang biglang magtama ang mga mata namin ni Lia. Napansin ko ang pamumugto ng mga mata niya. Lumabas din ang kaonting pag-itim ng eyebags niya. Napalunok ako at hindi alam kung paano siya tignan.
But her gaze was serious. Nakatingin ito sa akin habang ang isang kilay ay nakataas. Napansin ko din ang matatalim na tingin ng mga kaibigan niya sa amin. To be specific, sa akin.
Dumiretsyo sila sa isa sa mga round table, hindi kalayuan sa amin. Nanatili sa aking isipan ang ekspresyon na iginawad sa amin. May galit ba siya sa amin? May ginawa ba akong mali?
Dahil doon, pumasok sa isipan ko na mukhang hindi maganda ang pagtatapos nilang dalawa. She looks mad and her eyes are burning like a fire.
"We broke up." His voice woke me up. Nahinto ako sa mga iniisip.
Laglag ang panga ng mga kaibigan ko at kita sa mukha ang pagkabigla.
"S-seryoso... kaba?" nagdadalawang isip na tanong ni Shee.
Ngumuso si Seig at tumango.
"Baka pasukan ng langaw 'yan..." si Ruben sabay hawak sa baba ni Blair para itikom. Blair glared at him.
"Ano ba! Seryoso ako dito." Sabay irap niya. Humagalpak sila ng tawa.
"Kailan pa?" tanong niya. Tamango ako dahil pati ako nakukuryoso. He bit his lower lip before speaking.
"Saturday night..." he said. Hinintay ko kung may idudugtong pa siya pero hindi na ito muling nagsalita pa. My eyes widened.
I remember what happened that day. It was clear and fresh to me. That day was the official day where we got to reconcile and talked about our own thoughts and perspectives.
"Tsk, okay na din 'yon. Ang PDA niyo kasi masyado!" Imbes na sang-ayunan ko si Blair sa sinabi, hindi na lang din ako kumibo.
Tanging ang halakhak ni Vince at Ruben ang nagbibigay ingay sa amin. Kahit nang matapos na kami at paalis na sa canteen. Nakita ko ulit ang matatalim nilang tingin sa amin. Napalunok ako at agarang yumuko.
Ano ba kasing nangyari sa kanila? Alam kong may galit si Lia kaya alam kong hindi maganda ang paghihiwalayan nila. Tsaka biglaan din. Everyone always see them good together so no one would ever thought that one day, they will broke up.
Nabunutan ako ng tinik nang pagbigyan ako ng instructor namin ng pagkakataong tumuloy sa pagprapractice. Aniya magpaturo na lang daw ako sa mga kaibigan sa mga steps na nadagdag. A big smile crept across my face.
Gaya ng sinabi ni Seig sa akin kanina, nanatili siyang nakatayo sa gilid ko nang harapin namin ang baklang instructor. Napansin ko nga ang pagkakatitig niya sa katabi. Kaya hindi ko alam kung pumasok ba sa tainga niya ang mga paliwanag ko. He just nodded but I am not sure if he's listening.
Naglakad na kami pabalik sa bench kung nasaan nakalagay ang aming gamit.
Siniko ko si Seig nang dahilan ng pagbaling niya sa akin. His brow raised while his lips curled.
"Parang type ka nga!" I giggled. Napansin ko ngang nabitin pa siya sa kakatitig kay Seig nang sabihin kong aalis na kami.
He laughed. I saw his eyes twinkled.
"Asa siya!" Pagmamayabang niya. Napailing ako.
"Dito ba kayo magprapractice ngayon?" hindi parin maalis ang ngisi sa aking labi. Ngumuso siya.
"Sa labas daw kami..." he paused. Mukhang may idadagdag pa siya. Nanatili ang mga mata ko sa kanya.
"Pero pwede ko namang i-request kay couch na dito kung gusto mo." He smiled. Bigla kong naramdaman ang pagbigat ng aking katawan. Tumawa ako nang maisip na nagbibiro ito.
"Sige na, ma-late kapa dahil sa akin." Then I pushed him. Wala na ang mga ka-team niya sa gym. Tumawa ito tsaka nagpaalam.
Nagsimula na kami sa pagiinsayo. Pinaupo muna ako para panuorin sila. Nauna kaming tutukan bago ang mga nasa higher grades. Napakagat ako sa labi at napangiwi nang makita na ang dami ng nadagdag. Ang dami kong kailangang aralin, idagdag pa ang timing.
Someone sat beside me kaya napaangat ako ng tingin. Kinabahan ako at nataranta nang makitang si Lia iyon. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.
Sinubukan kong kumalma pero mas lalo lamang nanikip ang dibdib ko. Humugot ako ng malalim na paghinga.
Tumikhim siya bago nagsalita. Nararamdaman ko ang matinding lungkot sa kanya. Napansin ko ang biglang pangingilid ng mga luha niya sa mata. Napakagat ako sa labi at mahigpit na napahawak sa upuan.
"Please help me, Pio..." her voice cracked. Nagulat ako, hindi inaasahan iyon.
"Help me to get him back... I love him, Pio. I still love him..." she trailed off. Nag-iwas siya ng tingin at nagsimulang lumandas ang mga luhang namuo sa kanyang mga mata.
I panicked. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko siya i-comfort. I patted her back. Sinubukang patahanin siya. She then looked at me with her serious eyes.
"Matutulungan mo ba ako, Pio? Can you convince him?" Tanong niya nang matapos tumahan at humupa ang mga luha.
Ilang sandali bago ko siya masagot. I don't know how to respond. Kaya naman wala sa sarili akong tumango. Kahit na nagdadalawang isip, susubukan kong tulongan siya.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi at ang kaninang lungkot sa kanyang mga mata ay unti-unting sumaya. I smiled.
"Susubukan ko..." I said with full of courage.
She smiled and nodded. She hugged me. Hindi ako nakagalaw, hinayaan ko lang siyang yakapin ako. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko pero nasabi ko na sa kanya na tutulungan ko siya.
I can't back out now. Nasabi ko na kaya ayaw ko siyang paasahin.
Bago siya nagpaalam, nagpresinta siyang tulongan ako sa pagsasayaw. There's something inside me that's making me unconcious.
"Sige." Pagsasang-ayon ko.
"After class then?" her smile remained.
Napahinto ako. "Pero may practice na tayo after class..." pagdadalawang isip kong utas.
She nodded. "You're right..." she paused while thinking.
"How about your free period?" Sabay taas ng dalawa niyang kilay. Ngumiti ako.
"Sige. Kaso paano kung may class ka nun?" I said hesitantly. Tumikhim siya.
"Paano kung every lunch? If you don't mind?" She smirked. I almost give up but after hearing that, I immediately nodded.
Nagpaalam na ito bago pumunta sa mga kaibigan. The instructor also asked me to know the steps. As expected, nang sumali na ako sa pagsasayaw, napapakagat na lang ako nang lagi akong mali-mali at laging nahuhuli sa beat.
Nagugulat nga ako dahil kahit nakikita iyon ng instructor, hindi niya ako sinisigawan at sinisita. Hindi ako magaling sa memorisation, yong tipong isang tingin lang, memorise na agad. Siguro naiintindihan niya na hindi ako fast-learner. Gayon pa man, hindi ako napanghinaan ng loob.
Hindi ko sinabi sa kaibigan ang naging usapan namin ni Lia. Pero nabanggit ko sa kanila na hindi muna ako makakasabay sa lunch dahil may insayo kami. I don't want them to think something else. Ayaw kong magtaka sila kung hindi muna ako makakasabay sa kanila.
Sa araw din na iyon, sinubukan kong kausapin si Seig. I was nervous when I got a chance to talk to him about it. I dont know where to start. Ayaw ko namang sabihin sa kanya na nakiusap si Lia na tulungan ko siya.
Dala-dala ang tote bag ko, sabay kaming naglakad papuntang waiting shed. Naunang naglakad ang mga kaibigan ko. His friends also walking with them.
I cleared my throat. Inangat ko ang ulo ko bago magsalita. Napansin niya ata iyon kaya napabaling din siya.
Nagtaas ang dalawa niyang kilay habang ang mga mata ay nakatitig sa akin. Ngumuso ako.
"Tutulungan pala ako ni Lia sa pagiinsayo..." panimula ko. Mas lalong nagtaas ang dalawa niyang kilay. Napalunok ako nang hindi parin naalis ang tingin sa akin.
"Starting tomorrow... we will meet every lunchtime for the practice." Hindi ako makatingin sa kanya. Tumikhim siya.
Malalalim ang mga titig niya sa akin. Nanlambot ang mga binti ko. Napansin ko ang pagbagal ng lakad niya kaya binagalan ko din ang paglalakad para makasabay sa kanya. He then stopped. Ang buong katawan niya ay nakaharap na sa akin. I also faced him.
"Do you have to?" kunot noo niyang tanong. I frowned. Agad din siyang umiling.
"I mean... bakit siya pa?" Nanliit ang aking mga mata. Bakit hindi?
"She's great. She's a pro." Utas ko.
He slowly nodded. "Sige, magprapractice din ako doon tuwing lunchtime." Walang pagaatubili niyang sabi. My lips parted.
I bit my lower lip. Pero agad ding naisip na pagkakataon na din iyon para maayos man ang kung anong misunderstanding sa kanila at baka magkabalikan pa sila.
I smiled as I nodded.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top