Kabanata 1


Dahil malapit na ang sem break, lahat ay naghahanda para sa basketball tournament. Naghalo-halo ang mga senior at junior high na kasali ng basketball team at ganoon din ang freshman at sophomore.

May kanya-kanya din silang mga jersey para hindi mahirapan ang mga manlalaro sa mga miyembro. It's almost sem break at wala ng masyadong ginagawa sa klase. Everyone is busy practicing, ang iba naman nag-aayos ng props na dadalhin. They even prepared a cheer for their team.

I stared at my A2 size of light green paper on the table. I don't have a gut to write his name. Umiling ako nang hindi pa ito nasusulatan.

"Ano 'yan?" Kunot-noong tanong ni Shee habang tinititigan iyong papel sa lamesa namin.

"Duh! What do you think, Shee?" Sabay irap ni Blair. I could feel the sarcasm in her voice.

"Para kay Gael 'yan." Dugtong niya with confidence. She said it in a lowkey voice as if she already knows and just said the obvious.

"Stop it, Pio." Saway ni Shee. I can see a bit of dismayed in her eyes. Bago pa niya kunin iyong pentel pen agad ko na itong kinuha.

"There's nothing wrong." Kibit-balikat ko at kabadong sinulat iyong pangalan niya. I don't want to ruin it so I write his name with care. I hardly breathe before I finished the last letter. Napalunok ako habang pinagmamasdan iyon. Kumuha ako ng ibat-ibang kulay na highlighter para bigyan ito ng kaonting disenyo.

Nag-angat ako ng tingin ng biglang humagalpak ng tawa si Blair sa harap. Ngumuso siya na para bang may tinuturo. I turned around to see it. Napakunot-noo ako at napalunok nang makita ang mas malaking banner with his complete name. Mahaba iyon at magkabilaang hawak-hawak ng dalawang babae. Tinulungan pa ito ng isa pang babae nang makitang sumasayad ang gitna ng banner sa sahig.

I started to feel small. Pakiramdam ko I'm nothing compared them. They put so much effort that makes me feel worthless. Sila nga na sobrang laki ng effort pero hindi napapansin ni Gael, ako pa kaya na sobrang tagal ng humahanga sa kanya even though with a little efforts, but still in the very corner not even noticeable.

In the end, sinuportahan parin ako ni Shee at Blair sa gusto ko. Next week is our last week before the sem break. Hindi ko na sinayang ang pagkakataon na ito kaya kahit na sobrang daming rival, hindi parin ako pinanghinaan ng loob.

Gaganapin ang tournamento sa loob ng gymnasium kasi masyadong mainit sa labas kung doon sila maglalaro. Bukod sa baskteball, may mga laban din ang mga kasali sa ibat-ibang sports gaya ng volleyball at badminton. Pero mas pinagtutuonan ng pansin ang laban ng basketball.

Sa araw na ito, unang maglalaro ang mga nasa junior at senior high kaya halos lahat ng mga nasa high school building nasa loob na ng gymnasium. Hindi ako masyadong excited humalubilo doon. I would rather preserve my energy later than join them and support.

Mamayang hapon kasi, ang mga freshman at sophomore ang magpapaliksahan kung saan doon nabibilang si Gael. Ang mga mananalo ang ipaglalaban ng paaralan namin sa ibang paaralan sa susunod na mga araw.

Nasa kubo ako sa baba mismo ng building namin habang pinapanood ang mga masikap na naglalaro ng volleyball kahit na tirik na tirik ang araw.

Blair and Shee went to watch the basketball match. Pinilit nila ako pero mas kinapitan ko lalo ang desisyon kong ipagpaliban na muna para sa laro mamayang hapon. Mag-isa ako doon habang nakapangalumbaba.

"Bahala ka! Tara na Shee, walang gwapong makikita dito." Marahang tayo ni Blair at agaran naman itong sinundan ni Shee. I tilted my head.

I don't excel on any sports but if I am questioned which sports I will join in, I'll choose badminton. Sa nakikita ko kasi, parang iyon ang pinaka safe. I'm afraid of any kind of ball. Masakit kasi kapag natamaan ka. Napangiwi ako nang maisip iyon.

"Out!" Sigaw ng referee. Agad na nagkatuwaan ang kabilang team ng nakakuha ito ng isang puntos.

Hindi ko na nasubaybayan ang laban nila pero I can feel the intense of each teams. Nang sinipol ang pito ay ilang segundo bago hinampas ng server iyong bola sa kanyang palapulsunan. The other team immediately went to the side where the ball went. The ball went to the other side again and quickly spike the ball. They all look serious and passionate.

"Hoy!" I almost scream because of the shock. Bago ko pa ito lingunin, umupo na ito sa tabi ko sabay akbay.

I see Seig's smile and it even show in his eyes. I lazily looked at him. I feel a bit bad if I'm hoping that he's his brother but then, I really hope he was. I gave him a lifeless smile.

Ngumuso ito tsaka nagtaas ng kilay.

"What are you doing here? Having a peaceful moment?" It sounds a little playful. He suddenly winked that I almost shiver.

Bahagya ko siyang tinulak dahil sa kakaibang naramdaman. Bahagyang natanggal din iyong kamay niya na nakasampa sa aking balikat. Tumawa ito kahit na wala namang katawa-tawa.

I rolled my eyes. "Kadiri ka!" I said out loud kahit na hindi naman na kailangan kasi sobrang lapit niya sa akin. "Wag mo nga akong kindatan." Inis na dugtong at hindi na ito pinansin.

"Bakit? May epekto ba?" Kahit na hindi ko siya nilingon, I can sense the tease in his voice. Umirap ako nang hindi parin siya nilingon.

"Wala! Nakakasuka nga eh!"

"Ouch." He softly said as if I won't hear it.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakaharap siya sa akin. Hindi nga lang ako sigurado kung anong expression ang nilalahad niya.

Halos mapamura ako sa biglang pagsundot niya sa tagiliran ko. He laughed so hard. Matalim ko siyang tinapunan ng tingin.

"Sama mo, may nabalitaan pa naman ako tungkol kay kuya..." Humalukipkip siya na natatawa parin niyang sabi. My heart started to race so fast as soon as I heard him saying that.

Umupo ako ng maayos at hinarap siya with a sweet smile on my face. I'm ready to hear anything that he will say. I gave him a questioning eyes pero tinitigan niya lang ako. Hinihintay ko siyang magsalita pero tinaasan lang ako ng kilay. Pumangalumbaba pa ito at mataman akong tinitigan.

Umirap ako at humugot ng malalim na paghinga. Humalukipkip din ako at agaran siyang hinarap.

"Tsk, pabitin ka naman! Ano 'yon? Anong nabalitaan mo? Baka fake news 'yan gaya ng sinabi mong may girlfriend siya?!" I couldn't stop myself from saying all of that consecutively. His lips parted.

Hindi ko masabing seryoso siya habang nakatingin sa akin. There is something lingering in his eyes. Ilang segundo pa kaming nagkatitigan bago siya nagsalita.

"Wag na! Wala ka rin namang tiwala!" Irap niya. I couldn't take him seriously. Sanay akong lagi siyang nagbibiro o hindi kaya, nasanay akong kapag nagtatanong sa kanya, sasagot siya ng hindi nagseseryoso.

Hindi ko tuloy alam kung anong ibibigay kong reaksyon sa kanya o kung anong itutugon ko. Now that he's giving me a firm look, napalunok ako.

He can only be serious when it comes to acads. Many girls in our class and even in other grade who flatters him.

"Ano 'yan?" I got distracted with my thoughts. Tinuro niya ang nakarolyong papel sa gilid ko. Bago ko pa siya sagutin, he took it to see.

"Tsk, sino nga kasi 'yong girlfriend niya? Bakit hindi ko naman nakikitang magkasama sila?" Taas kilay kong tanong. He didn't even glance at me. Patuloy siya sa pagbukas doon sa papel na nakarolyo.

Napakunot ito nang mabasa ang nakasulat doon.

"Gael?" Tanong niya sa sarili at ilang sandali bago ito tumango-tango. "Gael." Pag-uulit niya na para bang hindi ito kilala. I rolled my eyes tsaka ito binawi sa kanya. Kunot-noo niya akong nilingon.

He shook his head. He seems disappointed. I raised my brows.

"Do you really like him that much?" He asked the obvious. I smirked.

"Masasaktan ka lang. May girlfriend na siya." sabay tayo niya. He didn't looked at me after that. Sinundan ko siya ng tingin at nabitin sa era sa mga narinig sa kanya kaya sinundan ko ito.

Bumungad ang liwanag at matirik na araw sa aking mukha. Ginawa kong sanggalan ang kaninang nakarolyong papel.

"As if naman aagawin ko siya." Ani ko nang mahabol ito. "Tsaka... no one knows na may girlfriend nga siya kaya... hindi ako naniniwala sayo." I said clearly trying to make him understand my point. Nilingon lang ako nito pero hindi siya huminto sa paglalakad. He's taller than me kaya napapaangat ako ng ulo.

"Tsaka kung meron man, bat hindi mo masabi-sabi kung sino?"

"Sino ba kasi? Hindi ko ipagkakalat kung sino promise. Sino?" Pag-uulit ko. I can feel that his a little bit annoyed now. Ngumoso ako nang hindi parin ako sinasagot.

Malapit na kami sa canteen. Agad din naman akong napaatras nang makita kung sino-sino 'yong mga nandun.

Grupo nang mga lalaki ang nakapalibot sa lamesang pahaba, harap ng mga nagbebenta ng lunch. Lunch break na pala, at ilang oras na lang magsisimula na ang laban ng Blue Jaguar kung saan doon nakabilang si Gael at ang Black Panther.

They are eating their lunch. Paatras na sana ako para umalis doon ng biglang asarin si Seig ng mga kaibigan ng kuya niya nang makita na kaming dalawa lang. Uminit ang pisngi ko sa hiyang nararamdaman. Hindi ko matignan ng maayos ang banda nila kasi pakiramdam ko manlalambot mga tuhod ko kapag nakitang nakatingin si Gael sa amin.

"Seig, mana ka talaga sa kuya mo!" Dinig kong sabi nung isa sabay halakhak.

"Girlfriend mo ba, Seig?" Nagtawanan sila at mas lalong nag-init ang pisngi ko. I want to run away and never turn my back but that would just make me seem that I am affected to what they say and conclude.

Naramdaman ko ang kamay ni Seig sa palapulsunan ko kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. I raised my brows but he just look at me with assurance. I'm not sure of this but I feel a bit secured.

"Hindi, kuya Gelo. Kaibigan ko." Giit ni Seig at naglakad kami palapit sa kanila. Kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Aaminin kong ito na ata ang pinakamalapit na distansya ng kuya niya at sa akin.

"Weh?" One of the freshman. Agad uli silang humagalpak ng tawa.

"Seig." I stiffened. Kahit na hindi naman ako 'yong tinawag pero parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ang boses niya. I tried to glance on his side at agad ko ding pinagsisihan.

Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa amin. I swallowed hard. My heart beats so fast that I couldn't even breathe properly. Kumunot ang noo nito nang bumaba ang tingin. Sinundan ko ng tingin iyong tinitignan niya ngayon. Mas lalo akong kinabahan nang mapagtantong nakahawak si Seig sa palapulsunan ko. Agad ko iyon binawi.

Lumingon si Seig sa akin dahil sa ginawa ko pero hindi na naman ito nagsalita.

"Ah...uhm... m-magkaibigan lang po kami ni Seig." Humugot ako ng malalim na paghinga dahil sa hiyang nararamdaman. Kahit hindi naman kailangan malaman ang opinyon ko, I want to make it clear, lalong lalo na nandoon ang kuya niya. Kahit na alam kong wala itong pakealam but ofcourse, he has care with his brother.

Nakataas na ngayon ang isang kilay ni Gael habang nakatingin sa akin. I want to scream. He's not that close to me and he's not that too far either. Sakto lang iyong distansya namin. Kung hindi lang sa hiyang nararamdaman, kanina pa ako napaupo sa sahig buti na lang medyo mahaba ang palda ko at hindi mapapansin ang pagkakangatog ng binti ko.

Doon lang ako medyo nakahinga ng maluwag nang biglang nagtawanan ang mga kaibigan niya. Pati si Gael lumingon sa kanila.

"Ganoon naman pala eh." One of his friends.

"Tsaka paniguradong approve din naman si Gael. Diba Gael?" Baling ng kaibigan kay Gael. Kumunot ang noo ko.

Gael just smirked. Mas lalo akong naging kuryoso sa sinabi. Humagalpak uli sila at hindi ko na masabayan kung ano man 'yong tinatawanan.

I got distracted with my feelings. Kaya nawala din sa isipan iyon.

"Kuya." Sa mababang boses. Umangat ang tingin ko kay Seig. "Si Pio nga pala." Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Uminit ang buong katawan ko at ramdam ko ang pagkabilis ng tibok ng puso ko.

Gael smiled. He glance at me with just his usual look but it gave me so much power that it blown me away. I secretly took a long breath.

Lumapit ito sa amin. Para akong basang sisiw na hindi makagalaw sa kinatatayuan. He's tall that its even harder to look at him. Ang lapit niya sa akin. Siguro kong may speaker lang malapit sa puso ko, dinig na dinig na 'yon ng lahat sa canteen.

"Nice to meet you, Pio. You're... the younger sister of Kris, right?" Naglahad siya ng kamay. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko siya at ngayon naglalahad siya ng kamay. Napalunok ako at pinapanalangin na hindi mapansin 'yong pagkakahyperventilate ko. Bago pa niya yon bawiin, unti-unti ko yun tinanggap.

I smiled back. He shaked our hands. Agad ding nalungkot ng bawiin niya na ito. Ang lambot ng kamay niya, paano na lang kaya kung niyakap ka niya. Sure it is, you'll feel 100 percent safe and secured. Sa paghawak palang nga sa kamay niya, napakakumportable na, how much more kung niyakap ka!

I stopped as I remembered something. Paano niya alam na kapatid ako ni ate Kris? Nasabi ba ni ate Kris iyon? Agad din namang nasagot ang mga katanungan ko nang magsalita siya.

"Lagi kasi kitang napapansin sa labas ng klase kapag uwian na ng high school." His voice is thunder. A positive thunder, magigising ka talaga kapag siya 'yong magsasalita. Kahit na buong araw mong marinig ang boses niya, hindi ka magsasawa.

I nodded. Nahihiya parin. "Ah... uhm... oo, sabay kasi kami umuuwi." I chukled. Napansin ko ang unting pagsiko ni Seig sa tabi pero hindi ko na 'yon ininda pa.

Gael nodded while a smile plastered on his face.

I heard one of his friend's curses.

"Malapit na tayong sumalang. Tara!" Sabay tayo. Bago pa umalis si Gael doon. He gave me a smile at tinapik ng bahagya ang balikat ng kapatid bago ito umalis.

"Nood kayo ah." Aniya at umalis na. Halos mapaupo ako sa sahig sa nangyari. Never have I imagine to be this close to him or even talk to him.

He's the man of my dream. He will always be. Kahit na nagmumukhang tanga, hindi ko matago ang saya na nararamdaman.

"May girlfriend na 'yon." Matigas niyang tugon. I almost forgot that he is still beside me. Sinimangutan ko siya dahil sa sinabi. But still, I'm overload with joy. Inirapan ko siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top