Be With You

ILANG segundo pa akong pumikit at ninamnam ang dampi ng malamig na hangin sa balat ko. While doing that, I took my time listening to the fascinating sounds around me. Kabilaang busina ng sasakyang dumaraan, kwentuhan mula sa mga tao sa premises ng hotel, at K-pop songs mula sa kalapit na establishments na buhay na buhay pa rin kahit gabing-gabi na.

Daebak!

Pagdilat malawak akong ngumiti. Again, tumambad sa paningin ko ang maningning, makulay, at abot-tanaw na front view ng KBS Hall. I smiled dreamily at nangalumbaba sa metal railing ng kinaroroonan kong veranda.

Finally! Natupad na rin ang ultimate dream ko. Bigla, parang gusto kong mag-egg roll sa mala-yelo sa lamig na sahig para sabihin kay self na totoong nasa Korea ako. At hindi lang ako basta narito para i-enjoy ang simula ng winter season. I was here to attend ASTRO's concert. Tomorrow, masisilayan ko na rin ang makalaglag panty na smile ng ultimate oppa kong si Cha Eunwoo!

Kanina pa nanginginig ang mga kalamnan ko dahil sa magkakahalong kilig at excitement. Ramdam ko rin ang pamamawis ng magkabilang kili-kili kahit pa nasa nine degrees Celsius ang temperature ngayon sa Seoul at tatlong patong ang suot kong jacket.

"Hoy, bes, 'ayos ka lang ba? Kanina ka pa parang bulateng binubudburan ng asin d'yan. Niddy, kalma! Wala pa tayo sa mismong concert!" napapalatak na saway ng katabi kong si Yenny. Bahagya ring nanlaki ang singkit niyang mga mata. Mayamaya naiiling na ibinaba niya ang hawak na camera sa katabing mesa.

Muntik nang magpantig ang mga tainga ko sa pang-aasar niya pero dahil masiyado akong masaya, kinurot ko na lang siya ng very light sa tagiliran. Tapos, tumitig ulit ako sa magandang view sa harap ko. Hindi pa ako nakuntento, kinuhanan ko pa 'yon ng pictures at ipinost agad sa social media.

"Gaga, umayos ka nga! Para kang shunga kakangiti d'yan. Mamaya hanggang sa concert hall umasta kang parang sinasapian. Dapat mag-ala dalagang Pilipina ka sa harap ni Eunwoo bukas!"

Matalim kong inirapan si Yenny. "Tse! Happy nga ako. Support mo na lang kaya ako?"

"Bahala ka nga. Ang mabuti pa lumabas na tayo't humanap ng makakainan. Gutom na siguro ang mga alaga mo kaya ka gan'yan."

Parang nabuhay lahat ng dugo sa katawan ko nang banggitin ni Yenny ang salitang "pagkain". Mabilis pa sa alas-kwatrong umayos ako ng tayo.

"Yay! Let's eat samgyeop, beshy! Tamang-tama lunch pa ang huling kain ko."

Malawak akong ngumisi saka excited na hinila siya palabas ng hotel room. Might as well enjoy my stay here. Dapat marami akong kainin para full blast ang energy ko bukas. Sa isiping 'yon kinilig nang bongga ang katawang-lupa ko.

PERO imbes na masiglang fan chants at iba't ibang concert lights ang makita ko, siksikang shoppers sa Myeongdong at hindi ko maintindihang usapan ang pumuno sa pandinig at paningin ko.

For the nth time nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Gusto kong ngumawa nang pagkalakas-lakas dahil sa sobrang lungkot at kabiguan. It has been two days since I got discharged from the hospital. Yes, sa ER ang destination ko sa mismong concert ng ASTRO instead na sa KBS Arena.

Kung hindi lang sana ako nag-feeling Koreana sa paglamon ng samgyeopsal at pagpapak ng isang garapong kimchi, nakita at nayakap ko sana ang babies ko. Sumpain ang lintik na katakawan ko pati na rin ang pesteng sikmura ko! Bakit kasi nawala pa sa isip kong prone ako sa LBM kapag naparami ng lamon?

Shit na malagkit!

Lulugo-lugo at naluluhang naupo ako sa namataan kong bench. Ayaw na yata akong tantanan ng kamalasan. First, I wasn't able to attend ASTRO's concert—now, I'm lost. Kanina pa pa ako nagpapalakad-lakad dito pero hindi ko na makita ang anino ni Yenny! Dapat hindi na talaga ako nagpapilit sumama since sira na rin ang bakasyon ko. Hindi ko rin siya matawagan dahil naiwang naka-charge sa hotel ang cellphone ko.

Peste! Wala naman akong balat sa puwet pero bakit nangyayari sa 'kin 'to?

I really wanted to scream my frustration pero natakot akong baka sa police station o sa mental facility na ako pulutin. Pinilit kong kumalma. Tumayo ako para hanapin ulit si Yenny.

"Niddy, mag-isip ka..." mahina kong sabi sa sarili. "You have to go back, girl. Tandaan mo'ng landmark na nadaanan mo kanina."

I was about to walk my way to the entrance when someone forcefully grabbed my bag. I instantly panicked at huli na para mahila ko pa 'yon mula sa talipandas.

"Magnanakaw!"

Ilang sandali pa magkakasunod na hiyaw ko na ang maririnig sa paligid habang pilit na hinahabol ang anak ni Satanas na humablot sa bag ko. Nabaling na rin sa 'kin ang atensiyon ng mga tao.

"Hoy! Bumalik ka dito!"

Letseng snatcher! Oras na maabutan kita patay ka sa 'kin!

Lawit na ang dila ko kakatakbo pero hindi ko maabutan ang hinayupak. And that was when a miracle happened...

Isang lalaki ilang metro sa unahan ko ang mabilis na humabol sa snatcher. Bigla para akong napunta sa isang K-Drama action scene. When the guy was only a meter away from the bag thief, he jumped midair and gave the asshole a roundhouse kick.

Ko Dongman ikaw ba 'yan?

Malakas akong napasinghap saka napamulagat. Sigawan na rin sa paligid. Seconds later, bagsak na sa daan ang magnanakaw habang nakadagan sa likod nito ang lalaki. Ilang sandali pa dumating na rin ang mga pulis.

"Are you alright?"

Sandaling nakalimutan kong huminga nang pagtingala'y salubungin ng pamilyar na itim na itim na mga matang 'yon. Hindi ko namalayang lumapit ang savior ko. Matangkad at ubod nang puti ang lalaki na nakasuot ng all black outfit—from his hoddie jacket, snapback, T-shirt, pants, and face mask.

"Here," muling sabi niya in a typical Korean accent. Napakunot-noo ako.

Teka, bakit parang narinig ko na yata 'yong boses niya? Pero agad kong ipinilig ang ulo sa naisip. Imposible!

"T-Thank you so much..." I managed to answer.

Nanginginig ang kamay na inabot ko ang bag. Tiningala ko ulit siya at saka tipid na nginitian. For seconds, nagtama ang paningin namin. Agad na naglaho ang ngiti ko nang ma-realize ko kung sino ang kaharap ko.

Those familiar almond shape ink black eyes...

Kahit may suot siyang mask, alam ko right at that moment na hindi ako puwedeng dayain ng paningin ko.

"E-Eunwoo!" gulat pero mahinang bulalas ko. Para akong nabatubalani habang nakatitig sa kaniya. At dahil hindi ko magawang bawiin ang tingin, kitang-kitang ko ang panlalaki ng perfect niyang mga mata.

"Sesang-e! Cha Eunwoo in geos gat-ayo!"

"Omo! Jeongmal?"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang magsimulang lumakas ang bulungan sa paligid. Just like me they just recognized him. Lilingon sana ako pero bigla na lang hinawakan ni Eunwoo ang isang kamay ko. Mayamaya hatak-hatak na niya ako habang mabilis na tumatakbo. Instantly, nawalang parang bula ang dilemma ko kanina. Gosh! Dapat hinahanap ko na si Yenny!

Sorry, beshy, pero mas mahal ko si Eunwoo. At handa akong sumama sa kaniya kahit saan man niya ako dalhin!

●∘◦❀◦∘●

MINUTES passed, unti-unting bumagal si Eunwoo sa pagtakbo. Habol ko ang hininga nang sa wakas tumigil kami. Natanto kong isang makipot na alley ang pinasukan namin. Mangilan-ngilan na lang din ang napansin kong dumaraan.

Humarap ako kay Eunwoo nang tumikhim siya. Napalunok ako nang tumambad ang nagniningning niyang kaguwapuhan—now with his mask off. Naumid ang dila ko. For a moment hindi magawang mag-function ng utak ko.

Niddy, talk! 'Di ba dream mong makita si Eunwoo? This is it, girl!

"I'm sorry for taking you here... I didn't mean to scare you—"

"I-It's okay," mahinang putol ko sa ibang sasabihin niya.

Come on, Niddy! Mag-confess ka na. Gora, girl!

I was hesitant for seconds. Pero na-realize kong kung hindi ko gagawin 'to I might lost the chance. Minsan lang 'to mangyayari!

"Saranghae, Eunwoo-ya!" Nakagat ko ang labi nang masabi 'yon sa wakas. Malakas ang kabog ng puso ko pero it was really now or never. "Jinjia nomo nomo saranghae!"

Para akong nanalo sa lotto dahil sa sobrang saya nang sumilay ang magandang ngiti ni Eunwoo. Gosh! Ano'ng ibig sabihin nito?

"Nado, Niddyaaa. Saranghae..."

Kilala niya ako!

And that was when my most awaited moment happened. Tinawid niya ang nalalabing distansiya sa pagitan namin. Napapikit ako at hinintay ang—

"What are you doing, Miss Hernandez?"

Gulat akong nag-angat ng mukha dahil sa dumadagundong na boses na 'yon. Natatarantang luminga-linga ako sa paligid. Napamulagat ako nang tumutok sa 'kin ang tingin ng lalaking nasa mid-fifties sa harap ko. I blinked for a couple of times. Wala na ako sa makipot na alley kung saan kasama ko si Eunwoo. Para akong binuhusan ng tubig mula sa ice bucket challenge nang ma-realize na nasa loob ako ng lecture hall at nakatingin lahat sa 'kin!

"Go to the guidance office! Get a letter of admission or else, I won't allow you to enter my class tomorrow. How dare you to sleep in my class, Niddy Marione?"

Shit! Nasa klase ako ni Papa at hindi sa Korea!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top