CHAPTER TWENTY-TWO
THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!
This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.
https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611
The picture here is courtesy of one of this book's avid readers.
**********
Hindi nagparamdam ng mga dalawang lingo si Nikolai. Nanlumo ako. Totoong sinabihan ko siyang huwag munang magpakita sa amin at mainit ang dugo ni Itay sa kanya pero umasa rin ako na hindi siya susuko agad. Natakot tuloy ako. Paano kung bumalik na siyang Norway at tuluyan na kaming kalimutan ni Niko?
"Mama, kelan ang balik ni Papa rito? Miss na miss ko na siya."
Napatitig ako sa anak ko habang sinasabon ko ang katawan niya. Nakita ko sa kanyang mga mata ang pananabik sa ama. Naawa tuloy ako. Hinagkan ko siya sa ulo.
"B-Busy lang ang Papa, anak. Hayaan mo't dadalaw din uli iyon," ang sabi ko. Kumislap ang mga mata ng bata. Nakonsensya ako sa pagsisinungaling.
"Talaga, Mama? Yay!"
Pero lumipas ang halos isang linggo uli, walang Nikolai na nagpakita. Napansin kong nainis sa akin si Niko. Ba't daw hindi pa rin nadalaw ang papa niya?
"Sana hindi na lang siya nagpakita. Mas okay dati na hindi ko siya kilala, Mama. Sana hindi ko nasabi sa mga classmates ko na meron akong papa. Sana hindi nila ako nasabihan na sinungaling." At tumulo ang luha ni Niko. Awtomatiko ring pumatak ang mga luha ko. Napaluhod ako sa harap niya at niyakap ko siya.
"I'm sorry, anak. I'm sorry."
Ang hindi ko alam, pinaliwanag pala ng ungas kong kapatid na si Boyet sa anak ko ang totoong dahilan kung bakit hindi na nadalaw ang kanyang ama. Kaya nang gabing iyon sa hapag-kainan ay kinompronta ni Niko si Itay.
"Ba't galit kayo kay Papa, Lolo? Ang bait-bait ni Papa, e!"
Nabigla kaming lahat. Natigil sa pagsubo si Itay. Si Inay nama'y muntik nang mabilaukan. Paano ba naman, iyon kaagad ang sinabi ni Niko nang makaupo na kami lahat sa hapag-kainan. Ginulu-gulo ko ang buhok ni Niko at hiangkan sa pisngi. Binulungan ko na rin na unahin muna niya ang pagkain. Hindi niya ako pinansin.
"May program kami sa susunod na Linggo sabi ni Titser. Dadalhin daw namin ang Mama't Papa namin. Paano na lang ako kung hindi darating si Papa dahil takot kay Lolo? Ako na naman ang walang papa do'n," patuloy pa ng bata.
"Anak, kumain ka na lang muna," sabi ko, pilit na iniiba ang usapan. Hindi na kasi nagsasalita si Itay at mabagal na rin ang pagsubo niya.
"E di ako ang pupunta do'n at magpapakilalang papa mo," nakangising biro sa kanya ni Boyet.
"Ngek! Alam kaya nila na Tito lang kita. Tsaka hindi tayo magkamukha." At lumabi pa ito.
"Oy, anong hindi magkamukha? Sa akin ka kaya nagmana kaya ang pogi mo," at ngumisi lalo si Boyet, pero ikinainis lang iyon ni Niko.
"Pinagalitan pa kasi ni Lolo si Papa, e! Kainis!" Bubulung-bulong nito na narinig din namin lahat. Umentra na si Inay.
"Pogi, ano ang sabi ng Lola? Hindi dapat maging bastos sa nakatatanda."
Hindi na sumagot si Niko. Tinulak nito ang plato at hiniga ang ulo sa mesa. Mayamaya pa'y nakita kong tumutulo na ang luha nito. Tumigil na ako sa pagsubo at hinagud-hagod ko ang kanyang likuran.
"Anak, hindi ba sabi ni Mama na bawal sa iyo ang nagdadamdam nang ganyan? Tama na ang pag-iyak? Hayaan mo, sa susunod na Linggo hindi lang si Mama ang pupunta sa program mo kundi kaming lahat dito sa bahay – si Lola, Lolo, at Tito Boyet."
Hindi siya sumagot. Suminghot-singhot lang. Niyakap ko siya habang inaalo. Napaupo lang ako nang matuwid nang marinig kong may basta na lang tumayo. Napatingin ako kay Itay na tahimik na lumayo sa hapag kainan. No'n hinarap ni Inay si Boyet. Bago pa makapagtanong ang nanay, napakamot-kamot na sa ulo ang bunso namin kaya nabatid kong siya ang may kagagawan ng lahat. Nagpaliwanag nga ito na siya ang nagsabi kay Niko nang totoong dahilan kung bakit hindi na nadalaw ang ama. Paano raw kasi, kinulit siya nang kinulit. Nakonsensya naman daw siyang magsinungaling.
Hindi pa siya tapos sa pagpapaliwanag, binatukan na siya ni Inay. Natigil lang silang dalawa nang may nag-door bell. Napakislot naman si Niko sabay tingin sa direksiyon ng living room. Si Boyet na ang tumayo para pagbuksan ang bisita. Mayamaya pa, nagsisisigaw na ito sa pagtawag kay Niko. Dumagundong naman ang puso ko. Minadali ko ang pag-ubos ng pagkain sa plato ko at nagpunta ako sa lababo para mag-tootbrush.
"Dalian mo diyan at labasin mo na ang bisita mo," sabi sa akin ni Inay sabay hugas ng kamay.
"Paano po si Itay?" nag-aalala kong tanong.
Nagkibit-balikat siya. Hindi na sumagot pa.
Paglabas ko sa sala namin, nadatnan ko doon si Nikolai. Nakakandong sa kanya si Niko. May kung anong humaplos sa puso ko nang makita ko silang mag-ama. Para talaga silang pinagbiyak na bunga. Magkaiba lang ang kulay ng kanilang mga mata, pero ang kutis at hugis ng mukha ay parehong-pareho. Tumigil lang si Nikolai sa kahahalik sa ulo ng bata nang makita ako. Kaagad itong tumayo habang karga pa rin si Niko at bumati sa akin. Parang may pag-aalinlangan.
"I know you've told me that I shouldn't be here but ----"
Sinundan ko ang tingin niya nang tumigil siya sa pagsasalita. At kaagad akong ninerbiyos nang makita ko ang galit na galit na mukha ng aking ama. Mahigpit ang kapit nito sa kanyang baston. Magalang na bumati rito si Nikolai. Hindi siya sinagot ni Itay. Bagkus tinitigan lang nang matalim.
"I – I have something to tell you about," pabulong na sabi ni Nikolai habang pasulyap-sulyap kay Itay. "I asked around in Manila and I found a very good cardiologist who can check our baby's condition, not that I have some doubts with his current doctor. I just want him checked by the best doctors here in the Philippines."
"You shouldn't have come here," pabulong ko ring sabi. Napalingon din ako saglit kay Itay na ngayo'y palapit na sa amin. "You know that ---" Bago ko pa matapos ang sasabihin, dumagundong na ang boses ng ama ko.
"Ang lakas ng apog mong magpakita uli rito!"
Napalingon sa kanya si Niko, mukhang nagulat. Nakita kong lumukot ang mukha nito at parang maiiyak na naman.
"Lolo! Ba't n'yo inaaway ang papa ko? Hindi ba kayo natutuwa at bumalik uli siya?"
"Boyet, kunin mo sa kanya ang bata!" ang sabi ni Itay. Ni hindi pinansin ang pag-iyak ni Niko. Nag-atubili sana si Boyet, pero nang tumaas ang baston ng ama namin at mukhang ihahampas na ito sa kanya kaagad itong lumapit sa anak ko.
"Pogi halika muna."
Imbes na sumama sa kanya ang bata, lalo itong nagkapit-tuko sa ama.
"Huwag mo akong bitawan, Papa," narinig ko pang sabi niya kay Nikolai.
"The old people will just have to talk, baby. Go to your uncle first," paglalambing sa kanya ni Nikolai. "C'mon," at dahan-dahan siyang pinasa kay Boyet. Nakita kong umirap ang bata sa ama niya. Parang nagmaktol.
"Papa will talk with Lolo first so you need to go to your room," paliwanag sa kanya ni Nikolai.
"Basta hindi ka aalis nang hindi nagpapaalam, ha? Tsaka babalik ka uli, ha?" sabi ni Niko bago ito nagpaakay kay Boyet. Binalingan nito si Itay at sinabihan ng, "Lolo huwag mong awayin si Papa, ha? Love na love ko si Papa!"
Napakagat-labi ang ama ko. No'n naman dumating si Inay. Pinaalalahan nito ang aming ama na huwag magpadala sa damdamin.
"Hindi ka na dapat nagpaparito pa! Wala kang karapatan sa bata! Ngayon ka pa nagpakita pagkatapos ng ginawa mo! Iniisip mo bang ganoon mo lang makukuha ang anak ko't apo?"
Hindi nakasagot si Nikolai.
"Kung sa inyo normal ang ginawa mo, sa aming mga Pilipino walang kapatawaran ang ginawa mo sa anak ko! Katakot-takot na sama ng loob at paghihirap ang dinanas niya dahil sa kawalanghiyaan mo! Ni hindi mo siya naipagtanggol nang nasa bayan n'yo siya!"
"I'm sorry," mahinang sagot ni Nikolai.
"Sorry? Iyan lang?!" si Itay uli.
"Marciano," awat ni Inay. Lumapit pa ito at hinagud-hagod ang likuran ni Itay. "Tama na. Hayaaan na muna nating makapag-usap ang mga bata."
"Hindi maaari! Alam kong bobolahin na naman ng lalaking ito ang anak natin! Leigh, pumasok ka na sa kuwarto!"
Napatingin ako kay Nikolai. Ayaw ko pa siyang iwan, pero nag-aalala rin ako kay Itay na baka atakehin na naman sa puso.
"We have to talk. We really need to talk about Niko," mahinang sabi sa akin ni Nikolai.
"O-Oo. P-Pero h-hindi rito sa bahay. Tiyak na magagalit ang ama ko," ang sabi ko sa lenggwahe nila. Tumango-tango naman siya. Nagsabi siya sa aking tatawag na lang daw mamaya.
Pagpasok ko sa kuwarto namin, sinalubong agad ako ni Niko. Pwede na raw ba siyang lumabas para puntahan ang papa niya? Hindi pa ako nakasagot, tumakbo na ito palabas. Hinabol ko ito. Kaya nasaksihan ko rin ang paghampas ni Itay ng baston kay Nikolai. Hindi ko napigil ang anak kong tumakbo sa ama niya para ipagtanggol ito. Nahagip siya ng baston ni Itay at napahandusay sa sahig.
"Itay!" sigaw ko habang tinatakbo para daluhan si Niko. Nagulat si Itay. Maging si Inay at Nikolai ay saglit na hindi nakakilos. Nakatingin lang sa nakadapang bata. Nang babangunin ko sana si Niko, nakita kong nakapikit ito at nangingitim ang labi. Nag-hysterical ako. Lumabas na rin ng kuwarto si Boyet at nataranta kaming lahat.
Naging blurry na sa akin ang mga pangyayari. Parang nakita kong may bumuhat kay Niko at nilabas ito. Akay-akay naman ako ni Boyet at sumakay kami sa taksi. Pagdating namin sa hospital sa bayan, nandoon na ang cardiologist ni Niko. Kaagad na sinugod sa emergency room ang bata.
"Ssshh. He'll be all right," bulong sa akin ni Nikolai habang hinahagud-hagod niya ang likuran ko. "Don't worry, okay."
Umiyak lang ako nang umiyak.
"I'm sorry for everything," ang sabi niya sa akin. "I'm the one to be blamed for everything. Your father is right."
Hindi pa rin ako sumagot.
"I know that what I did is unforgiveable. I don't expect you to welcome me back in your life but please, please let me help my son. I want to give him all the best that money can buy. If things don't go well – will you come with me to Norway to have him checked by our doctors there?"
Do'n ako napamulagat. Pupunta na naman akong Norway?
"Of course, that's the last option. We'll have him checked by the best doctors here in your country. That's why we need to take him to the Heart Center ASAP."
Kahit alam kong ikagagalit iyon ni Itay, tumango ako. Para sa anak ko gagawin ko ang lahat.
**********
Walang masyadong natandaan si Niko sa mga nangyari. Ang alam lang niya inaway ng Lolo niya ang kanyang papa at tumakbo siya para saklolohan ito. No'n daw siya nawalan ng malay. Ang hindi niya alam, nahagip siya ng baston ng kanyang lolo.
Nakonsensya naman sa nangyari si Itay. Nakahinga lang ito nang maluwag nang makitang hindi naman naano ang apo. Alam kong galit pa rin siya kay Nikolai, pero nakita kong nagpigil na ito at nagkunwari na lang na walang nakita. Nauna na silang umuwi sa amin ni Inay.
Nakauwi rin kami agad nang bumuti-buti ang pakiramdam ni Niko. Pinaalalahan lang kami ng doktor niya na huwag itong masyadong pagurin.
Dahil sa pangyayari, nag-mellow si Itay. Hindi pa rin nito kinikibo si Nikolai, pero pumayag itong manatili muna siya sa amin nang gabing iyon.
"Mama, gusto kong katabi sa pagtulog si Papa!" excited na sabi ni Niko habang yumayakap-yakap kay Nikolai. "Tabi tayong talo, please?"
Napatingin sa akin si Nikolai. May kislap ng kapilyuhan ang mga mata. Inirapan ko siay agad bago hinarap si Niko.
"Hindi puwede, anak. Kung gusto mo kayo na lang dito ni Papa, okay?"
"Ay, bakit? Ayaw mo bang tumabi sa amin ni Papa?"
"Yeah. Don't you want to be with us, M-Mama?" may himig-pagbibirong tanong sa akin ni Nikolai. "The bed is huge. It can accomodate the three of us."
Napatingin ako sa kama at biglang nag-init ang mukha ko.
"Gusto mong bastunin ka na naman ni Itay?" sabi ko sa kanya sa lenggwahe nila.
Napangiti siya.
"It's okay. You're all worth it," nakangiti niyang sabi sa akin sabay kindat.
Hinalikan ko si Niko sa pisngi at inirapan ko siya bago lumabas ng kuwarto.
,R!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top