CHAPTER THREE

THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!

https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611

Available for purchase on all National Book Stores nationwide. You may contact Gret San Diego on FB for more details.

**********

Grabeng pagpipigil ang ginawa ko para hindi ako matuksong pumayag sa kagustuhan niyang mag-dinner kami nang gabing iyon. Naisip ko kasi na kapag sumama ako sa kanya parang nag-inarte lang ako no'ng tinanggihan ko ang paanyaya niya. Mabuti na iyong malaman niya na hindi ako basta-basta nagbabago ng isip.

Ang sabi ng mga kapitbahay namin, OA na raw masyado ang pagiging pakipot ko. Nagbabala pa sila sa akin na baka pagsisihan ko raw kung mabingwit pa siya ng iba. Napatitig tuloy ako sa papalayong si Nikolai. Nakaramdam din ako ng takot na baka magsawa nga at manligaw na lang ng iba.

"Tigilan n'yo ngang anak ko. Huwag n'yo siyang itulad sa mga anak n'yo na makakita lang ng foreigner, kakapit agad," pagtataray naman ng ina ko kina Aling Lucy at Aling Edna. Pabiro nilang inirapan si Nanay bago nagsibalik sa kani-kanilang bahay.

Nang kami na lang dalawa, napangiti siya sa akin. Tama raw ang ginawa ko. Hindi dapat sumasama kahit kaninong lalaki, ma-foreigner man o Pinoy kung hindi pa lubusang kilala.

"I'm so proud of you, anak. Tandaan mo ang nangyari sa ate mo. Huwag mo na sana siyang tularan. Sapat na ang isa sa inyong mabiktima ng isang banyaga."

"Umalis na ba siya?" tanong naman ni Tatay nang bumalik na kami sa sala. Hindi na ito sumama kasi sa tarangkahan kanina nang hinatid namin si Nikolai. Mahina na kasi ang tuhod niya kung kaya nakapermi na lang sa wheel chair.

"Opo," sagot ko naman at naupo na sa harap ng telebisyon.

"Ba't hindi mo siya pinagbigyan? Mukhang mabait naman. Iba naman siya doon sa napangasawang Canadian ng ate mo. Nararamdaman kong mabuting tao iyong batang iyon," patuloy pa ni Itay. Napasulyap tuloy ako sa kanya. Minsan lang kasi ito nagbibigay ng opinyon sa mga manliligaw namin ni Ate. Kadalasan, tahimik lang siya.

"Tama naman ang ginawa ng anak mo. Baka isipin ng Nikolai na iyon na porke ang guwapo niya ay magkukumahog na itong dalaga natin sa kanya," sabat naman ni Inay.

Hindi na ako nakasagot sa kanila dahil nag-ring ang cell phone ko. Nang makita ko kung sino ang caller, kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko. Si Nikolai! Dali-dali akong pumasok sa kuwarto at pinindot ang answer button.

"Hello," bati niya sa mahinang tinig.

"Hello," sagot ko naman. Pilit kinokontrol ang sariling huwag makilig.

"Uhm, t-this is quite embarrassing," sabi niya uli. Parang nahihirapang magsalita. Nangunot ang noo ko. Ano naman iyong embarrassing na iyon? Pina-explain ko sa kanya agad. "The taxi driver kinda tricked me. He drove around and around so I got off. I actually don't know where I am right now. Could you come and get me?"

Natakot ako bigla. Nakupo! Baka masisi ako ni Boss kung may mangyaring masama sa kanya. Nawala bigla ang kilig factor. Napalitan iyon ng labis na pag-aalala.

"Do you know what street you are in right now? Look around you. Tell me what you see," sagot ko agad. Naisip kong hindi pa naman siguro siya nakakalayo dahil wala pang sampung minuto siyang nakaalis ng bahay. I made a mental note to call the taxi's company.

"Wait. I'll just ask some bystander."

"No! Don't do that," pigil ko sa kanya. Diyos ko! Huwag sana siyang makursunadahan ng mga sira ulong tambay sa kanto. Mukha pa naman siyang inosenteng college boy lang kahit na bente otso na ang edad.

"Huh? Why?" tanong naman niyang parang nagtataka.

"Just don't ask. I'll go there. Just tell me any landmark."

Sinabi naman niya kung ano ang nakikita niyang establismento sa paligid. Pamilyar lahat sila sa akin kaya alam kong hindi pa siya nakakalayo sa amin. Dali-dali akong nagbihis. Nag-skinny jeans lang ako na yari sa maong at nagsuot ng puting polo. Pagkalagay ng kaunting pulbo at lipstick, lumabas na ako sa kuwarto. Namangha ang mga magulang ko nang makita nilang nakabihis ako.

"Pupuntahan ko lang po si Nikolai," sagot ko agad habang nagsusuot ng sandals.

"Akala ko ba gusto mong ipakita doon na isa kang dalagang Pilipina?" nakataas ang kilay na tanong ni Inay habang minamasahe niya ang kamay ng tatay ko.

"Niloko po ng taxi driver. Inikot-ikot kaya bumaba siya do'n sa kanto, malapit kina Mang Damian. Pupuntahan ko lang po at hahanapan ng mapagkakatiwalaang taxi."

Nagbago kaagad ang ekspresyon sa mukha ng mga magulang ko. Bigla silang nag-alala.

"Sabihin mong huwag makipag-usap kamo kahit kanino," sabi ng Itay ko.

"Sa lahat ng bababaan, bakit doon pa? Aba'y dalian mo diyan! Baka makursunadahan iyon ng mga lasenggerong nag-k-KTV kina Mang Damian," pag-aapura naman ng nanay ko.

Pagkasuot ng sandals, tumakbo na ako palabas ng bahay. Hindi na ako nakapagpaalam nang maayos sa kanila. Nakasalubong ko ang bunso kong kapatid na si Boyet na mukhang takang-taka sa pagmamadali ko.

"Saan ka pupunta, Ate?" tanong nito. Hindi ko na iyon nasagot. Pumara ako agad ng traysikel at sumakay. Inulan ko ng text si Nikolai. Pinag-ingat.

"Don't worry. People here are kind. They invited me to this bar and I'm actually trying my best here to belt a tune," at nilagyan pa ng loko ng tumatawang emoticon ang dulo ng text. Bigla akong pinanlamigan. Panay nga ang sabi ko sa driver ng traysikel na bilisan niya ang pagtakbo.

"Traysikel po ito, ineng. Hindi eroplano," pilosopong sagot ng matanda. Tinapunan ko siya nang masamang tingin. Nang marating namin ang sinasabing kinaroroonan ni Nikolai, binigyan ko ng singkuwenta pesos ang mama at tumakbo na papasok sa loob ng KTV. Hindi ko na kinuha ang trenta pesos kong sukli.

Marami-rami na ang nag-iinuman sa loob, pero wala pa namang lasing sa kanila. Binati ako ng mga kakilala namin at niyaya pang uminom. Ang iba sa kanila ay kabarkada ng nakababata kong kapatid na si Boyet at ng Kuya Arman namin. Magalang ko silang tinanggihan habang umiikot ang mga mata ko sa loob sa paghahanap kay Nikolai. Hindi naman ako nahirapan sa paghanap sa kanya. Nakita ko siya sa mesa ng anak ni Mang Damian. Kumakanta ng I Stil Haven't Found What I'm Looking For na pinasikat ng Irish band na U2. Hindi agad ako nakalapit dahil parang namalikmata ako sa kanya. Hindi ko sukat akalaing may tinatago ding galing sa pagkanta ang mokong. Ang akala ko kasi'y mga sintunado ang mga puti, puwera na lang sa mga singers nila. Grabe ang hiyawan ng mga tao sa loob ng matapos siyang kumanta. Kilig na kilig ang mga GRO na ka-table ng mga umiinom, pero mas malakas ang hiyawan ng mga bading. Mukhang enjoy na enjoy naman ang loko. Nakipag-apiran pa sa mga kasamahan niya sa mesa. No'n lang ako lumapit.

"Hey! You came," nakangiti niyang salubong sa akin.

"Ay! May dyowa na pala," narinig kong sabi ng isang bading sa kasamang GRO. Hindi ko sila pinansin. Kinumusta ko si Nikolai kung wala ba siyang naging problema.

"No. Everybody's very kind to me. They treated me like a rock star," at tumawa pa siya sabay pabirong nag-hand salute sa mga kasamahan sa mesa.

"Ang bait nitong boyfriend mo, Leigh, ha? Jackpot ka dito," sabi ng kabarkada ni Kuya Arman.

"Hindi ko alam na may boyfriend kang foreigner, Leigh. Ikaw, ha? Masekreto ka," nakabungisngis na sabi naman ni Karla, ang isa sa mga GRO. Kapitbahay namin siya.

"Tange! Hindi ko boyfriend iyan. Isa siya sa mga foreign engineers ng company namin. Kaya ko lang siya sinusundo dahil inihabilin siya sa akin ng Boss namin. May trabaho na kasi iyan bukas," paliwanag ko.

"Ay, mga girls, he's free as a bird!" sigaw agad ni Karla. Napuno ng hiyawan ang KTV ni Mang Damian. Pinagsisihan ko tuloy kung bakit nagsabi ako ng totoo. Pinagkaguluhan tuloy ng mga bading at mga GRO si Nikolai. Hinihingi ang number niya. Tatawa-tawa lang siya habang nagkukukot ang kalooban ko sa isang tabi. No'n na nakialam si Mang Damian. Itinaboy niya ang mga bakla pati mga GROs niya.

"Nakakita lang kayo ng guwapo, nagwala na kayo. Magsitigil nga kayo diyan. Huwag nang mangarap!" bulyaw niya sa mga alaga, kunwari'y galit.

"Salamat, Mang Damian," nakangiti kong sabi at humawak na ako sa braso ni Nikolai at lumabas na kami ng KTV.

Nang malayu-layo na kami nang kaunti sa nasabing lugar, pinaliwanag ko sa kanya kung bakit hindi siya puwedeng pumunta doong mag-isa.

"But they're kind," pangangatwiran niya sa akin.

"Yeah, because they're still sober. But who knows what will happen when they become drunk," sagot ko naman at kinuwentuhan na siya ng isang pangyayari doon noon kung saan nasaksak at napatay ang isang umiinom at dahil lang iyon nagkainitan ng ulo sa kinakanta ng lalaki.

"Really?" Akala niya niloloko ko lang siya, pero nang makita niyang hindi ako nagbibiro parang napaisip din. Hindi agad nakasagot.

No'n naman may sumulpot na taksi.

"Ser, sakay na!" sabi ng isang pamilyar na mama. Nangunot ang noo ko, lalo na nang inakay ako agad ni Nikolai papasok sa backseat.

Nang mamukhaan ko ang driver, sinita ko ito.

"Hindi ba ikaw kanina ang taksi na sinakyan nitong kasama ko?"

Napalingon sa akin ang mama at napangisi.

"Opo, Ma'am. Ang ganda n'yo pala talaga," sagot nito na ikinainit ng ulo ko. Bobolahin pa ako ng loko-lokong ito! Pinagalitan ko na.

Hinawakan ako sa braso ni Nikolai at inawat. Nahagip ng mga mata ko ang tinginan nila ng mamang driver. Nang magtama ang paningin namin ng mama, napakamot-kamot lang ito sa ulo. Lalong nangunot ang noo ko. Binalingan ko si Nikolai. May kutob na ako kung ano'ng nangyari, pero gusto ko munang masiguro.

"Did he really trick you?" tanong ko sa kanya. Naniningkit na ang mga mata. Nakita kong mamumutawi sana ang ngiti sa maamo niyang mukha, pero pinigilan niya. Humawak siya sa bibig at tumingin sa labas ng bintana. Hindi ako sinagot. Nainis ako. Pinahinto ko ang taksi. Napatingin sa akin ang mama mula sa salamin sa harapan. Parang nalilito dahil minanduan naman siya ni Nikolai na steady lang sa pag-drive.

"Don't be mad," alo sa akin ng damuho. "I just want to have dinner with you tonight that's why I did it. I'm sorry. Please don't get angry at me." Nagsusumamo ang asul niyang mga mata. He looked so worried now. May kung ano namang humaplos sa puso ko. Dahan-dahang natunaw ang galit ko, pero ayaw kong gawing madali sa kanya ang lahat. Nagkunwari pa rin akong galit. Pati ang driver ay sinabon ko.

"Sinunod ko lang po si Pogi, Ma'am, pasensya na. Binayaran naman kasi niya ang paghihintay ko sa inyo, e. Kailangan ko lang talagang kumita dahil mayroon akong anak na pinapaaral sa kolehiyo," paliwanag naman ng mama. Hindi matapos-tapos sa paghingi ng 'sorry.'

"It's my fault," agaw ni Nikolai sa sasabihin pa ng mama. "Don't worry."

Tinapunan ko siya nang masamang tingin.

"I really am sorry. It was so immature of me," paghingi niya uli ng paumanhin sa akin. "But please, please don't be mad," at pinagtapat niya ang dalawang palad na animo'y nananalangin habang nagsusumamo sa akin. Gusto ko pa sana siyang pahirapan, pero hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi. Nakita ko siyang napabuntong-hininga at tumawa na nang mahina. Napahinga rin nang malalim ang taxi driver. Hindi na nga ako nakatanggi nang dinala niya ako sa isang kainan sa Makati.

Dahil medyo dim ang paligid, hindi ko agad napansin si Architect Ramirez. Nandoon din pala siya at may ka-dinner date. Hindi pamilyar ang mukha ng lalaki kaya alam kong hindi siya taga-upisina. Tumaas agad ang kilay niya nang makita kong sino ang kasama ko sa mesa. Lumapit pa sa amin ni Nikolai.

"Hi, there," nakangiti niyang bati sa kasama ko. "It seemed like you have already adjusted to Philippine life," sabi pa niya at tiningnan niya ako nang makahulugan.

Tumayo naman si Nikolai at bumati rin kay Evil Twin. Eksaheradang tumawa ang demonyita. Parang nagpapa-cute. Ang sarap mantsahan ng red wine ang puti niyang flare dress. Bumalik lang siya sa table nila nang puntahan ng ka-date at sabihang dumating na raw ang order nilang main course. Kay Nikolai niya lang pinakilala ang kasama at tumalikod na.

"Sorry for the interruption," nakangiting paghingi ng dispensa ni Nikolai. Tumango-tango lang ako. "Where were we ---?"

Malay ko. Tanungin mo iyong malanding Evil Twin.

"Ah, yeah. As I was saying, my parents actually didn't want me to come here because I'm their only child and they were kinda scared that I might be smitten with a Philippine girl and never go back to Norway," at tumawa ito nang mahina. Mas kinilig ako sa tawa niya kaysa sa kanyang sinabi. Kahit ano ang gawin ng lalaking ito napaka-seksi. Nakakainis! Hindi ko tuloy magawang magalit nang tuluyan.

"But I promised them that I will go home. They should not worry about me. And if ever that time comes, when I fall in love with a local girl here, I'll convince her to live with me in Norway," dugtong pa niya sa mahinang tinig. Hinuli niya ang mga mata ko at nakipagtitigan siya sa akin ng mga five seconds, bago umiwas ng tingin. Ay, ako pala ang unang bumaba ng tingin. Nag-init kasi ang mukha ko.

Naasiwa ako sa takbo ng usapan namin kung kaya nagtanong ako tungkol sa bansa nila ayon sa nalalaman ko. Maiba lang ang topic.

"Yeah. During summer the sun is up till the wee hours, so you can see a lot of people outside their houses having barbeque party till dawn."

Wow! Ganda siguro no'n. Ang haba ng umaga.

"Do you have a boyfriend?" tanong niya sa akin. Nang parang nagulat ako sa tanong niya, napakamot-kamot siya ng ulo. Parang nahiya bigla. "Oh yeah. You already told me when you came to pick me up. You had no boyfriend," at napangiti-ngiti siya.

Naalala ko tuloy si Miguel at ang mga text messages nito kanina sa akin. Nainis ako. A few months ago kung tinext niya ako ng mga gano'n grabe siguro ang saya ko. Matagal ko na siyang pinagpantasyahan tapos nito lang gumawa ng paraan na magparamdam sa akin kung kailan may iba nang nagpapakilig sa puso ko. Nakakainis! Sayang kasi. Kung may nobyo sana ako ngayon, baka hindi ako kinikilig-kilig nang ganito sa lalaking ito na hindi ko naman sigurado kung hanggang saan ang pagkagusto sa akin.

"Yeah, but there's this guy ---," natigilan ako. Okay lang kaya ikuwento sa kanya? Baka kasi iniisip niya na masyado akong atat sa kanya kung kaya sinabi ko agad na wala akong boyfriend. At baka isipin din niya na walang nagkakagusto sa akin dito sa Pilipinas.

"Yeah?" Nakita ko ang interes sa kanyang mga mata. Hindi ko na painakinggan ang mga devil's advocate sa isipan ko. Nagkuwento na ako tungkol kay Miguel. Nakita ko siyang nanlumo.

"I'm not sure yet, though. I liked him for a long time that it feels kind of surreal to find out that he was actually in love with me, too, during those months when I was ---."

"Yeah, I got it," putol niya sa akin at tumungga ng wine. Bumilis na ang pagsubo niya ng karne at panay na rin ang inom ng vino. Tumawag pa sa waiter at nagpa-refill ng wine glass.

Halos hindi na kami masyadong nag-usap pagkatapos no'n. Nang makita niyang naubos ko na ang kinain, nagyaya na siyang umuwi. Sumakay din siya sa taksi na siyang maghahatid sa akin sa bahay kahit na ilang beses kong sinabihan na kaya ko na ang sarili.

"No. I want to make sure that you arrive home safely," nakangiti niyang sabi, pero hindi na iyon umabot sa mga mata. Wala na rin ang mga pilyo niyang sulyap. Biglang nag-iba ang mood niya. Mabait pa rin naman, pero parang naging aloof na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top