CHAPTER SEVENTEEN

THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!

This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.

https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611

The pic that appears here is the portrayer of Nikolai Bjornsen.

**********

Mabilis na nagpahid ng luha si Nikolai at pinaandar na ang sasakyan. Pagkatapos niyang hingin sa akin ang address ng tinutuluyan ko'y hindi na siya nagsalita. Pagkahatid niya sa akin, mabilis din siyang umalis. Ni hindi na nga bumaba para pagbuksan ako ng pintuan. Nag-alala tuloy ako. Baka kung ano'ng mangyari sa kanya. Pero inisip ko na lang, kung nakayanan niya noong iwan ako kahit may posibilidad na nabuntis niya ako, makakaya rin niyang harapin itong isinawalat ko sa kanya. Mabuti nga siya. Ni hindi niya dinanas ang hirap ng pinagdaanan ko maisilang lamang ang anak namin. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at umakyat na sa kuwarto.

Kinabukasan, medyo na-disappoint ako nang hindi siya dumating para dumalaw sa lola niya. Na-sense ko ngang nadismaya rin ang matanda. Nasanay na kasi na binibisita ng apo sa loob ng dalawang linggo. Akala ko lilipas ulit ang isang araw nang hindi kami nagkikibuan ni Mrs. Nielsen, kaya nabigla ako nang magsalita ito nang walang kaugnayan sa gamot niya o sa mga ginagawa ko para sa kanya.

"When he came back three years ago after his work in the Philippines, he was no longer the happy-go-lucky boy that he used to be. I knew that something had happened there."

Natigil ako bigla sa pag-aayos ng higaan niya at napasulyap sa kanya. Hindi naman siya nakatingin sa akin. Parang sa sarili lang nakikipag-usap.

"I now understand what bothered him all these years," at bigla na lang tumulo ang mga luha ng matanda. "It all make sense now," sabi pa nito at yumugyog na ang kanyang balikat sa pag-iyak.

Nataranta ako. Hinahagud-hagod ko ang kanyang likuran. Naku, paano na lang kung atakehin ito ng sakit niya sa puso?

"I want to breathe some fresh air."

Dali-dali ko namang tinulak ang wheelchair niya papunta sa hardin ng nursing home. Nang makarating kami ro'n, hiningi niya sa aking iwan ko muna siya. Tumalima naman ako agad Pabalik na sana ako sa loob nang mamataan ko sa hindi kalayuan ang pamilyar na sasakyan na pumasok sa parking lot. Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko. Pero kung gaano iyon kabilis na-excite siya rin kabilis nanlumo. Hindi si Nikolai ang umibis sa sasakyan kundi ang maganda nitong misis.

Binalikan ko si Mrs. Nielsen para sabihang may bisita siya. Nang malaman nitong kabiyak lang ng apo ang pumunta, nagsabi agad itong ayaw niyang magambala hangga't maaari.

Nang pinatawag ako ni Dana sa lobby para harapin ang babae, nag-atubili pa sana ako. Noong una kasi'y akala ko hindi ko siya kayang harapin. Pero nang ngumiti siya sa akin habang naglalakad ako papunta sa kinaroronan niya naging kampante na ang pakiramdam ko. Tumayo pa siya at nakipagkamay sa akin.

"I'm Anika Bjornsen," pagpapakilala niya agad. Pagkadinig sa apelyido ni Nikolai parang may tumusok sa puso ko. It could have been my last name. Leigh Bjornsen. Pinilig-pilig ko ang ulo at pilit na iwinawaksi iyon sa isipan. Pinilit ko ang sariling ngumiti sa kanya habang nakikipagkamay. "Leigh Arguelles," pagpapakilala ko naman.

"I heard a lot about you from Nikolai," kaswal niyang kuwento na ikinagulat ko. Mukha kasing wala lang iyon sa kanya. Ni walang bitterness sa boses niya. Kung ako iyon, nanggalaiti na ako sa selos. "You seemed like a great person," ang sabi pa nito. Naasiwa tuloy ako kaya iniba ko ang tema ng usapan.

"Nasa hardin pala si Mrs. Nielsen. Nagpapahangin," sabi ko sa kanya sa lenggwahe nila. Nagulat siya at marunong akong mag-Norwegian. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Actually, I didn't come to visit her," medyo nahihiya nitong sabi. "I came here to see you."

Ako naman ang nagulat. At nakaramdam ako ng takot. Kahit maganda ang pakikitungo niya sa akin, hindi pa rin nababago no'n ang katotohanang magkaribal kami sa puso ni Nikolai. Tsaka hindi ko siya lubusang kilala. Baka ang kabutihang-asal na pinakikita niya sa akin ngayon ay dahil lang gusto niyang makilatis ang babaeng kaagaw sa puso ng asawa. 'Ika nga know thy enemy. Baka iyon ang ginagawa niya.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa," ang sabi niya sa lenggwahe nila. "Alam kong magkasama kayo ni Nikolai kagabi."

Nang umalma ako, tinaas niya ang dalawang kamay na parang nagsasabi na patapusin ko muna siya. Tumahimik ako.

"Umalis siya pagkatapos naming mag-dinner. Ang sabi may pupuntahan lang daw. But I knew he had been wanting to see you since we chanced upon you at the station. Kaya alam kong bumalik siya rito kagabi para makipagkita sa iyo."

Dahil mahinahon ang boses niya at hindi naman nang-aakusa, napaamin niya ako. Kinuwento ko tuloy sa kanya na sinundo nga ako ng asawa niya, pero nag-usap lang kami sa kotse.

"Pagkatapos niya akong ihatid sa amin, umalis din naman agad," kuwento ko pa.

Tumangu-tango naman ito, pero hindi na nagkomento. Nagkaroon ng patlang sa pagitan naming dalawa. Nakita ko siyang napatingin sa malayo bago yumuko. Naramdaman ko agad na may nangyari kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Bago pa ako makapagtanong kung okay lang si Nikolai, bigla itong nagsalita.

"He didn't come home last night. The first time he ever did since we got married almost four years ago."

Lalo akong kinabahan. Baka napaano siya sa daan? Paano na kung na-stranded somewhere o di kaya may humarang na mamasamang-loob at binugbog siya ng mga ito? Or worse, baka pinatay siya't tinapon na lang kung saan. Nakupo! Na-sense siguro niya ang samo't saring alalahanin sa isipan ko dahil bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko't pinisil.

"He's safe. His friend called me up last night. Do'n siya nagpalipas ng gabi."

Nakahinga ako nang maluwag.

"I know you're a good person, Leigh. I don't think you came all the way to Norway just to break us apart – right?" at ngumiti na naman siya sa akin. Pinanlamigan ako. Ngayon ko lang naitinndihan kung para sa ano ang pag-uusap naming ito.

Sasagot pa sana ako, pero lumapit si Stella at bumulong sa akin na gusto na raw bumalik sa room niya ni Mrs. Nielsen.

Tumayo na rin si Anika at sumabay sa akin sa pagpunta sa matanda. Tinanguan lang ito ng huli at nagsabi na sa akin na ihatid na siya sa kuwarto niya.

**********

Tumitingin-tingin ako sa naka-display na damit pambata nang bigla na lang may lumapit. Muntik na akong mapatalon sa kabiglaanan.

"I'm sorry, Leigh." Si Nikolai. Ngumiti ito, pero hindi naman umabot sa kanyang mga mata. Kaagad na tumingin ito sa hawak-hawak kong t-shirt ng batang lalaki. Naibalik ko tuloy iyon sa kung saan ko kinuha. Nang maalala ko ang sinabi ni Anika, kaagad akong nagpaalam sa kanya.

"Aren't you going to buy it?"

"No. I was just looking. Okay, see you."

Mabilis akong lumayo, pero sinundan niya ako.

"I've thought about what you've told me the other night. And I decided --- I want to be a part of our son's life. I want to bring him to Norway."

Bigla akong tumigil sa paglalakad. Sinipat ko ang mukha niya. Seryoso siya.

"Do you know what you're talking about? How can you say that when you already have your own family?" naiinis kong sagot. "And besides, is that even possible?"

"There's a way. I can find a way. I just want to be a father to him."

Pinigilan ko ang emosyon. Tinatagan ko ang damdamin bago siya hinarap at sinabihan ng, "It's too late for that, Nikolai. Why don't you just concentrate on your family? Rest assured I can take care of my son."

"I'm his father! I have the same right as you have with him."

"Naririnig mo ba ang pinagsasabi mo? Pagkatapos mo akong paasahin, pagkatapos ng pananakit ng damdamin na ginawa mo sa akin, you still have the nerve to demand about your rights? Napaka-imposible mo!" bulyaw ko sa kanya sa magkahalong Norwegian at Tagalog. Tuluyan nang tumulo ang luha ko sa sobrang galit at frustration.

Hindi siya agad nakasagot. Tinitigan niya lang muna ako. Nang muli siyang magsalita'y napansin kong kontrolado ang kanyang boses. Gumagalaw-galaw pa ang kanyang Adam's apple na parang nilalabanan ang damdamin.

"If you only told me ----If I knew you were pregnant --- things would have been different."

Tinapunan ko siya nang masamang tingin.

"Gano'n? Kung buntis ako---pero dahil akala mo hindi, gano'ng-gano'n mo lang ako iniwan?!"

Bago pa siya makasagot, dali-dali na akong bumaba sa ground floor. Nanginginig ang kalamnan ko sa galit. Napukaw ang matagal ko nang kinimkim na hinanakit sa kanya.

Hindi na niya ako sinundan pa. I was relieved, but at the same time, I was also disappointed. Nawalan tuloy ako ng ganang mag-shopping. Balak ko pa naman sanang mamili ng ipandagdag ko sa balikbayan box na ipapadala ko sa amin.

Kinabukasan, dumating siya sa nursing home kasama ang kanyang pamilya. Unlike before, ni hindi na siya tumingin sa akin. Dati-rati kahit kasama niya si Anika ay pilit akong hinahabol para kausapin. Nagtanda siguro sa mga pinagsasabi ko sa kanya sa shopping mall. Mabuti naman. Wala nang abala.

Pagkaalis nila, saka lang ako lumapit kay Mrs. Nielsen.Imbes na magpahatid sa kuwarto, nagsabi ito sa akin na samahan ko siya sa hardin. Tumalima naman ako agad.

Inikot-ikot ko siya sa paligid. Gaya ng dati, wala kaming kibuan. Akala ko it will be like any other day for us, pero nabigla na lang ako nang hawakan niya ang isang kamay kong tumutulak sa wheel chair niya. Pinisil-pisil niya ito, pero hindi naman nagsalita. Nagkuwari naman akong walang napansin. Pero nangilid ang mga luha ko. Mukhang ang dami niyang alam tungkol sa amin ni Nikolai.

Lumipas pa ang mga araw. Dumalang nang dumalang ang pagdalaw ni Nikolai sa nursing home, hanggang tuluyan na itong naputol. Napag-alaman ko na lang sa mga tsismosa kong kasamahan na lumipat daw ang mag-anak sa Undheim. Kaya gano'n na lamang ang kabiglaanan ko isang gabi nang madatnan ko sa bahay ang kotse niya. Magkahalong emosyon ang naramdaman ko. Natuwa ako sa muli naming pagkikita but at the same time, na-guilty din ako nang maalala ang huli naming pag-uusap ng kanyang asawa.

"Hindi ka dapat nagpupunta rito," naiinis kong sabi sabay pasok sa loob ng bahay. Nilampasan ko siya, pero hinablot niya ang braso ko.

"I want us to talk," pagsusumamo niya. At napansin ko agad ang kapal ng facial hair niya. Medyo mahaba-haba na rin ang kanyang buhok. Tumanda tukoy ang mukha niya.

Nang hindi ako agad sumagot, halos magmakaawa na siya sa akin. Naantig din ang damdamin ko kaya niluwagan ko ang pagbukas ng pintuan at pinatuloy siya sa sala namin. Kaagad namang nagsialisan ang dalawa kong kasamahan sa bahay para bigyan kami ng privacy.

"I couldn't sleep knowing that I have a little boy on the other side of the ocean. It pained me to think that he's all alone there because we're both here."

"He's not alone. My parents, my brothers – they're all taking care of him."

"It's different from our care – his parents," at napabuntong-hininga siya. Napasabunot pa sa buhok na tila nahihirapan. "When I came back – when I decided to marry Anika because of our child, I thought I could forget you. I thought being miles apart would make it easier. But I was wrong. I was already making plans to go back to the Philippines to see you when I saw you at the station."

Nangunot ang noo ko. Binobola ba ako nito?

"Anika decided to move to Byrne – I don't know if my grandmother had mentioned that to you. I guess she knew that if we stay in this city, I would always come and seek you out."
Sa kabila ng ginawa niya, may kakayahan pa rin siyang pakiligin ako. Ganunpaman, sinikap kong huwag magpaapekto. Nag-ipon ako ng lakas bago ko siya sinagot.

"If that's the case, shouldn't you be cooperative with her? She's doing everything to save your marriage. I think she's a good woman. You're lucky to have her. What happened between us is all in the past. I didn't come to Norway to get even with you or break you guys apart. I just want to earn and save money for my baby's future." Habang sinasabi ko iyon, iniwasan kong mapatingin sa mga mata niya.

Hindi siya nakasagot. From the corner of my eye, nakita ko siyang yumuko lang at mayamaya'y napabuntong-hininga.

"I – I also came here to tell you that – I will be giving you some money per month for child support. And please – please accept it."

Dumukot siya agad sa bulsa at naglabas ng pera. Para raw sa kontribusyon niya sa buwang ito. Five thousand Norwegian Krone? Nagulat ako. Ang laki naman yata! Hindi ko iyon tinanggap, pero pinagpilitan niya. Hindi naman daw iyon para sa akin kundi para sa bata. Ouch! Nasapol ang puso ko, pero nagkunwari akong hindi naapektuhan.

"This is too much," sabi ko.

"You raised him for more than three years without my help. That's the least I can do," at tumayo na siya. Bago siya umalis hiningi niya sa akin ang bank account ko para do'n na lang daw siya maghuhulog kada buwan. Nang tumanggi ako, sinabi niyang ang ibig sabihin daw no'n mas gusto kong personal niyang inaabot ang pera. Saglit lang akong nag-isip at dinukot ang bank book sa bag. Mas mainam nang hindi kami nagkikita.

Nang nagpaalam na siya sa akin, tumango lang ako. Isinara ko agad ang pinto, pero dali-dali kong binuksan ang bintana at pinanood ang paglayo niya. Parang ilang ulit na tinusok ang puso ko nang makita siyang lulugu-lugong bumalik sa kotse. Nang tuluyan nang naglaho ang sasakyan niya sa paningin ko, tumulo ang aking luha. May pakiramdam akong hindi na siya magpapakita pang muli.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top