CHAPTER NINE

THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!

This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.

https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611

**********

Gaya ng sabi ni Nikolai, dumating nga ang mga magulang niya, isang linggo pagkatapos maging opisyal ang relasyon namin. Siyempre, kagaya ng ibang girlfriends na makikiharap sa mga magulang ng boyfriend nila sa unang pagkakataon, grabe ang nerbiyos ko. Sa kotse palang pinanlalamigan na ako.

"Nervous? Don't worry. My parents are the kindest people in this universe," at tumawa pa nang bahagya si Nikolai habang pinipisil ang isang palad ko.

"Are you sure?" paniniguro ko sa kanya.

"Yup. They've always accepted all my girlfriends in the past no matter what. Didn't I tell you that I had a gf once who was a single mom? I didn't hear anything from my parents. They were still okay with it because I loved the girl."

Napasulyap ako sa kanya. Inaarok ang katotohanan sa mga sinabi. Mukha namang nagsasabi ng totoo. Ang sabi nila, kahit na importanteng magustuhan ng mga magulang ng lalaki ang isang babae ang pinaka-mportante pa rin naman ay ang damdamin no'ng guy sa girl. Sigurado naman ako sa kanya kaya dapat na hindi na ako kabahan.

Bumuntung-hininga ako nang ilang beses para huminahon nang kaunti ang aking puso. Saglit akong napapikit at nag-usal nang munting dasal. Narinig ko ang mahina at nakakakiliting tawa ni Nikolai. Naramdaman ko na lang ang masuyo niyang paghalik sa dulo ng mga labi ko.

"You'll be all right."

Nang dumilat ako at tumingin sa kanya, nakita ko ang nakangiti niyang mukha. Dinikit pa sa noo ko ang noo niya at kiniskis ang ilong sa ilong ko bago bumaba ng sasakyan. Nang tumingin ako sa labas ng bintana nakita ko agad ang pangalan ng isa sa mga five-star hotels ng Makati. Bago pa ako makahuma, binuksan na niya ang pintuan sa gilid ko. I reluctantly got off. Inalalayan niya ako sa pagbaba.

Halata siguro ang nerbiyos ko dahil hinapit niya ako sa kanyang katawan, inakbayan at hinawakan pa ang isang palad. Saka lang niya ako binitawan nang nasa harap na kami ng kanyang mga magulang. Pinakilala niya ako sa kanila sa Ingles. Sumagot ang kanyang ama sa Norwegian, parang may tinanong. Sinundan iyon ng kanyang ina. Hindi ko na alam kung ano ang mga sinabi niya sa mga magulang, pero pagkatapos ng parang paliwanag niya ay masuyo niya akong hinagkan sa noo at dinala pa ang isang palad ko sa kanyang mga labi..

Ngumiti sa akin at nakipagkamay ang mommy niya. Ginaya rin ito ng kanyang ama.

"Please have a seat," paanayaya pa ng huli at minuwestra ang upuan sa harap nilang mag-asawa. Inakbayan ako ni Nikolai at inalalayan sa pag-upo. Nang makaupo na kami may sinabi ang ama niya sa kanya at mukhang nag-diskusyon silang dalawa. Wala akong kaide-ideya kung ano'ng pinag-usapan nila, pero kung ano man iyon pakiramdam ko hindi maganda dahil nakita ko ang paggapang ng pula sa leeg niya hanggang sa kanyang pisngi. Gumalaw-galaw ang kanyang Adam's apple na parang nagpipigil ng damdamin. May sinabi sa kanilang mag-ama ang mom niya. Mukha yatang pinagalitan silang dalawa. Natahimik si Nikolai. Binalingan ako nito at sinalinan ng red wine ang kopita ko. Humingi rin ito ng dispensa sa pagsasalita sa lenggwahe nila.

"It's okay. I understand. It's your language," kimi kong sagot.

Nag-toast kaming apat at nagkuwentuhan na. Nagtanong-tanong ang mga magulang niya sa akin tungkol sa pamilya ko. Kahit papaano ay napalagay ang aking kalooban. Pero napansin ko na paminsan-minsan ay nagtitinginan ang mag-asawa at may sinasabi sa lenggwahe nila. Kahit na banayad ang mga boses at wala namang reaksiyon buhat kay Nikolai may pakiramdam ako na may sinabi sila tungkol sa akin na hindi maganda. Ewan ko ba. Gut-feeling ko lang iyon.

Nang matapos ang dinner naming apat, nakahinga ako nang maluwag. Parang gusto ko nang tumakbo palabas ng restaurant ng hotel. Nagpigil lang ako.

"You did very well," nakangiting sabi agad ni Nikolai sa akin nang naglalakad na kami papunta sa parking lot. "You see, my parents were friendly, right?"

Tango lang ang sagot ko. Hindi ko na lang sinabi ang mga naramdaman ko habang kumakain kami at nagkukuwentuhan. Ayaw kong magkaroon ng lamat ang relasyon namin dahil sa mga gut-feeling ko na hindi naman ako sigurado kung may basehan o wala.

Hindi gaya ng dati, hinatid na niya ako agad sa amin mula sa hotel. Babalikan pa raw kasi niya ang parents at susulitin ang bonding time nila dahil isang linggo lang ang mga ito sa Pilipinas.

Pagdating namin sa bahay, tuwang-tuwa ang nanay ko. Akala niya mananatili pa sa amin si Nikolai. Napsimangot ito nang biglang nagpaalam sa kanila ang boyfriend ko.

"Sorry Nanay. Next time na lang?" paglalambing niya kay Inay na ikinatuwa naman ng huli lalo pa't nag-try mag-Taglish sa kanya ang mokong. Hinampas-hampas pa niya ito sa balikat at kinurot sa pisngi.

"Nay huwag pong masyadong OA," paalala ko sa mahinang boses. Hindi ako pinansin. Siya pa ngayon ang nakaabrasiyete kay Nikolai habang hinahatid namin ito sa tarangkahan.

"Ang bait talaga ng boyfriend mo," komento pa niya nang pabalik na kami ng bahay. "Kapag niyaya kang pakasal, huwag ka nang tumanggi."

Napahinto ako sa paglalakad. Ewan ko ba, bigla na lang akong nakaramdam ng awa kay Nanay. I also felt guilty.

**********

Papasok na sana ako sa copy room nang makita ko sina Engineer Knudsen at Ysay. Parang may pinag-uusapang importante. Umiiyak ba ang kaibigan namin? Hindi na ako naniniwala na walang ugnayan ang dalawa. Kakaiba kung aluin siya ni Engineer Knudsen. Hindi lang iyon basta pang-aalo ng isang taong natuwa dahil marunong magsalita ng lenggwahe nila ang isang hindi kalahi. Parang mas higit pa roon ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Nang pumihit si Ysay para abutin ang isang dokumento na ipo-photocopy, maingat kong isinara ang pintuan. Saka ko na lang gagawin ang inuutos sa akin ni Engineer Sandoval.

Napa-double take ako nang madaanan sa table niyang sumisinghot si Zyra.

"Ano'ng nangyayari sa iyo?"

"Si Lukas kasi, e."

Hindi ako natuloy sa sarili kong desk. Umupo ako sa harapan ng mesa niya at pinagpaliwanag siya kung ano ang nangyari.

"May dumating na babaeng Norwegian. Nakita siya ni Meg na sinamahan pa ng buwisit na Lukas na iyon na i-tour sa construction site. Hindi man lang siya nagsabi sa akin tunkol do'n Nang sinita ko, saka lang niya sinabi na pinsan daw niya ang bruhang iyon."

Nakahinga ako nang malalim. Akala ko na kasi kung ano.

"O, ano'ng problema doon?" sabi ko pa.

"Hindi mo ba naiisip ang naiisip ko? Malay ko ba naman kung asawa niya iyon! Kung talagang pinsan niya lang iyong babae bakit hindi niya pinakilala sa akin? Iisa lang ang ibig sabihin no'n Leigh," at humagulgol na siya sa balikat ko. "Hindi seryoso sa akin si Lukas! O di kaya, may asawa siya o nobya sa kanila na hindi ko alam."

Iyon din ang naisip ko, pero ayaw ko lang siyang pakabahin.

"Ano ka ba? Napaka-advance mong mag-isip!" Kunwari'y pinagalitan ko pa siya.

Natigil lang kami sa pagdidiskusyon nang bumalik sa mesa niya si Ysay. Namumula rin ang mga mata nito. Kabuntot niya si Engineer Knudsen. Sumulyap pa muna ang huli sa kaibigan namin bago siya pumasok sa loob ng conference room.

Hay, ano ba naman itong nangyayari sa dalawa kong kaibigan?

"Leigh!"

Napapiksi ako nang marinig ang pangalan ko. Si Evil Twin.

"Nasa sa iyo raw ang memo na pinadala ng glass supplier natin? Nasa'n na?"

"Ay, sorry po, Architect Ramirez. Ipapa-photocopy ko pa lang po. Marami kasing gumamit ng copy machine kanina, e."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tumakbo na ako sa copy room. Patapos na ako nang sumilip si Meg.

"Ideretso mo na raw iyan sa conference room, Leigh, sabi ni Architect."

"Okay, Meg. Thanks."

Tumakbo uli ako. Muntik na kaming magkabanggaan ni Lukas. Napangiti siya sa akin. Kiming ngiti naman ang sagot ko.

Pagpasok ko sa loob, sinasabon na naman ni Evil Twin si Ysay. Ano na naman ba ang nangyari?

Inabot ko muna kay Meg ang memo at ang copies nito bago ko sinipat ang kabuuan ng silid. Nasaan kaya ang Nikolai na iyon? Ba't wala siya? Mukhang siya lang ang wala sa grupo ng mga Norwegian engineers.

Bago ako lumabas, dinaanan ko muna si Ysay na kasalukuyang nagbu-brew ng coffee para sa mga dumalo sa meeting.

"Mukhang mainit na naman ang ulo sa iyo ng babaeng iyon, a," at tinuro ko ng nguso ang kinaroroonan ng bruha.

"Natapunan ko ng kape."

"Na naman?" sagot ko, pigil ang pagtawa. Napangiti si Ysay.

"Hindi ko iyon sinadya, ha?" anas niya sa akin. "Ang arte-arte kasi, e. Bigla niyang inatras ang upuan nang dumaan ako para magbigay ng kape kay Engineer Sandoval. Hayun, tumapon sa dibdib niya ang mainit-init na kape."

"Sana binuhusan mo na sa ulo." Napahagikhik na ako.

Napangiti si Ysay.

"Pero feeling ko nagpasalamat din siya sa loob-loob niya," pabulong na sagot niya sa akin. Lumingon pa muna siya para siguraduhing kami lang ang nandoon sa likuran. "Kasi kaagad na tumayo si Engineer Sandoval at pinunasan ng panyo ang kapeng natapon sa bandang dibdib niya. Siyempre, may nasagi. Nagkahiyaan pa nga sila. Siguro nabigla lang din yong isa kaya nagawa iyon. But then I saw how her eyes sparkled."

"Haliparot."

"Sino Leigh?"

Nagulat kami ni Ysay. Nasa likuran na namin si Meg, dala-dala ang tray na puno ng used cups.

"Wala. Biruan lang naming dalawa. Call name namin," pagsisinungaling ko at nagpaalam na agad sa kanila.

Papalabas na ako nang dumating ang kanina ko pa hinahanap. Kapwa kami natigilan sa harap ng pintuan. Siya ang unang nakabawi. Ngumiti siya sa akin nang ubod tamis at masuyo niya akong hinalikan sa noo.

"I'll wait for you at the parking lot later, babe. Is 6 PM all right?"

Bahagyang nang-init ang mukha ko nang marinig ang pagtawag niya sa akin ng 'babe'. Gusto kong tumili sa kilig. Pero mamaya na. Tinaasan na ako ng kilay ng taga-HR na may crush sa kanya. Panira ng moment.

"Yeah," kaswal kong sagot.

Pinisil niya ang baba ko bago dumeretso sa loob.

**********

Parang may ball of chain sa mga paa ko nang malamang makakasama na naman namin sa dinner ang mga magulang niya. Mas okay pa nga sana na hindi muna kami magkita kung parati na lang ay makakasalamuha ko ang mga iyon. Hindi naman sa nagma-maldita ako. Hindi ko lang gusto iyong nagdidiskusyon sila sa kanilang lenggwahe habang nakatanga ako doon na parang engot. Kahit sabihin sa akin ni Nikolai na wala iyong kahulugan, na his parents were merely chitchatting their usual way, nakakaasiwa pa rin.

"Nikolai told us that your dad is sick. Did you have him checked by a specialist?" tanong kaagad sa akin ng lalaki nang makaupo na kami pareho ni Nikolai.

Napasulyap muna ako sa boyfriend ko bago sumagot ng, "Yes."

"My dad is a doctor so he is very particular about things like that," pagpapaliwanag lang ni Nikolai sa akin.

"He had a bypass surgery last year so he is just recovering. His doctor assured us that in due time, he will be a lot better. But for now, he needs his wheel chair."

Nagtanong ang babae kung mayroong national health insurance din sa Pilipinas na tulad ng sa Norway. Nang sinabi kong wala at sarili naming gastos lahat ng pagpapagamot kay Tatay, namangha siya. Parang nagtaka kung paano namin natustusan ang medical needs ng ama namin. Napilitan tuloy akong magpaliwanag na nagtatrabaho bilang nurse sa Canada ang ate ko. Napatangu-tango ito. At hindi na sila nagtanong pa.

Iniba agad ni Nikolai ang usapan. Nagkuwento ito ng nakakatawang pangyayari sa construction site nang araw na iyon. Tawa naman nang tawa ang mga magulang niya. Pangiti-ngiti lang ako. Pero habang busy ako sa pagnguya ng steak tenderloin, napansin kong wala ni isa sa kanila ang nagsalita ng kahit isang katagang Norwegian. Parang nahiya tuloy ako. Marahil napagsabihan sila ni Nikolai tungkol doon.

Pagkatapos naming mag-dinner, minungkahi ni Nikolai na mamasyal muna kami. Pumayag naman ako dahil wala pang alas dies. Nag-karaoke kaming dalawa.

"Boyfriend mo, Ma'am? Ang guwapo, a," komento ng isang waitress nang hinatid niya sa silid namin ang inorder naming drinks. "Hindi pa manginginom."

"Magda-drive pa kasi siya later."
Lalong na-impress ang waitress. Bihira lang daw kasi sa lalaking Pinoy ang ganyan ka responsable. Na kung magda-drive ay hindi talaga iinom.

"Nakapag-wine na kasi kami kanina," paliwanag ko naman.

"Ah. Kaya pala. Have fun, sir, ma'am."

Pinakanta ako ni Nikolai ng isang Filipino lovesong. Pumili naman ako ng mga lumang kanta ni Sharon Cuneta at bumanat na nga sa kabibirit. Ang lakas ng palakpak niya nang matapos ako. Humilig pa sa balikat ko at niyakap-yakap ako.

Binobola yata ako ng mokong na ito o gusto lang maka-tsansing?

Kumanta naman siya ng old English love song. Ang galing niya talaga. Taliwas sa impresyon ko sa mga puti. Nahiya tuloy ako sa boses ko. Nang matapos siya, pumalakpak din ako nang malakas.

Nag-inarte siya. Napagod daw. Sumubsob sa dibdib ko at yumakap. Hinagud-hagod ko naman ang kanyang likuran, pero nang maramdaman kong humahalik na siya sa bandang dibdib ko, tinulak ko na siya. Nakita ko siyang parang nasaktan.

"What's wrong? I'm your boyfriend."

Nabahala ako. Shit, baka nagtampo ang lolo.

Nang tahimik siyang nagpasok ng kanta sa karaoke machine, na-guilty naman ako. Nagpaliwanag ako kung bakit ko ginawa iyon. Tumangu-tango naman siya at bumanat na ng isang kanta.

Na-guilty ako na hindi maintindihan. Ayaw ko siyang magtampo sa akin. Umisod ako at humilig sa balikat niya.

"I was just not – I mean," simula ko, pero hindi ko rin mabuo ang paliwanag. Parang nahiya naman akong sabihin sa kanya na sa kultura ko, hindi maganda iyong pag-aanuhan na hindi pa kasal. Kasi naman hindi na iyon sinusunod ng karamihan. Isa na do'n si Zyra.

Binalingan niya ako at binigyan ng light kiss sa labi.

"Don't worry, I'm not mad."

Para patunayan sa akin, kumanta na siya ng isang Bon Jovi song at sumayaw-sayaw pa na parang timang sa harapan ko. Tawa ako nang tawa. Pagkatapos ng tatlong sunud-sunod na kanta, napayakap na naman siya sa akin na kunwari'y nanlalata. Yumakap naman ako sa kanya at hinalikan ko pa ang buhok niya. Naramdaman ko na lang ang mumunti niyang halik sa aking leeg. Nang dumating sa mga labi ko ang kanyang mga labi, kapwa na kami darang na darang. Napaka-passionate ng pinagsaluhan naming halik. Parang kulang na lang ay lunukin niya ang dila ko. May kasama na iyong paghipo sa dibdib. Sa una ko lang siya pinigilan. Sa bandang huli, nawalan na ako ng lakas para pigilan siya, kahit nang naramdaman ko ang pagbaba ng blusa ko't bra. Nang sumubsob siya sa dibdib ko na parang isang sanggol na sabik na sabik sa kalinga ng ina, napaungol pa ako. Pero nang hipuin na niya ang sugpungan ng mga hita ko, bigla akong pinanlamigan. No'n lang ako parang natauhan. Naitulak ko siya nang bahagya. Namumungay ang mga matang napatingin siya sa akin. He looked disappointed. Yumuko ako at inayos ang sarili. Lumayo naman siya nang tuluyan.

"Let's go?" yaya niya at tumayo na.

Nakita ko ang pamumukol ng kanyang pangharap. Nag-init agad ang mukha ko, pero sinundan ng mga mata ko ang bawat galaw niya. Dinampot niya ang mga ginamit naming mikropono, nilagay sa basket at nauna nang lumabas. Pagdating ko sa counter, tapos na siyang magbayad. Wala kaming kibuan hanggang sa maihatid niya ako sa amin.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top