BE MINE 8

[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...

Aliens pa support naman ng "Losing you because of them (spoken word poetry)" so dahil diko ma mention ang writer nyan, dinedicate ko nalang sa kanya hehehe, hindi kami magka sundo ulit ni wattpad, yun lang pa support rin po ah.

Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]

• Kristine on multimedia 👆









Aiden's POV:

"I can't take it anymore, kuya!"

Bulalas ko kay kuya mula sa kabilang linya, wala na ako pake kung magalit sya sa pag sigaw ko ngayon.

"Take it what?"

"To marry that gay! ang daming panget sa kanya!"

"Unang araw palang kayong magkasama aiden! at wag na wag kang mag salita na akala mo walang panget na makikita sayo!"

Wala naman talaga, ayos sana kung yung bakla nayun is katulad ni kuya richie!
Pinarurusahan nya ba ako dahil sa mga kasalanan ko sa kanya damn!

"Ang hirap kasi sayo puro panget ang tinitignan mo sa isang tao, bakit hindi mo tignan yung ibang katangian ng tao!"

Yeah may point sya, pero etong MM nato wala talaga akong makitang maganda sa kanya, mukha pa syang palaban yung hindi mo basta basta mapapaiyak.

"Take your time aiden, MM is so lovely at sa pag lipas ng araw makikita mo rin iyon"

"Kung makatagal pa ako!"

"Syempre makakatagal ka, dahil yun ang gusto ko! tumawag ka lang sakin kung about sa trabaho goodnight and goodbye!"

At ayun nga, hindi na nya ako hinayaang makapag salita pa.
Buset! buset! sumasakit ulo ko sa kuya ko tas dumagdag payung MM!

Nakakainit pa ng ulo yung gutom pisti!
Tanghalian pa ako walang kain, paano pag dating na pag dating ko dito diretsong tulog na ako.

Hindi kasi naawa ang kapatid ko, pagka tapos nya akong pag overnight-in sa trabaho ay pina diretso na nya ako dito sa hacienda.

Humiga ako sa kama habang hawak hawak ang nag wawala kong tiyan ngayon, gutom na talaga ako tsk!
Ayoko naman lumabas dahil nakakatiyak ako na naroon parin yung MM panget nayun.

Ipipikit ko nalang sana ulit ang gutom ko para maka tulog ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

Baka si manang trina, bumangon na ako at agad tumungo sa pintuan para pag buksan ang kumakatok.

"Ay panget!"

Medyo napalakas kong saad, nagulat naman kasi talaga ako na etong baklang MM na pala nato ang sasalubong sakin.

Nasa balikat nya si rei na prenteng nakatayo, bakit ganun kapag sakin hindi sya maka balanse ng ganun tas pag sa MM nato ang galing nya bumalanse.

"Ano bang kailangan mo... Halika nga rito rei"

Inagaw ko si rei yung dahan dahan para walang naaasabi tong gay nato, napa bugtong hininga lang si MM bago sumimangot.

"Dinalhan lang kita ng pagkain"

Walang gana nyang saad, napatingin ako sa dala nya.
Nag dadalawang isip ako kung kukunin ko ba dahil baka marumi yun o kaya may lason.

"Malinis to hindi ko rin nilagyan ng lason, hindi naman ako mamamatay tao, tabi nga pusakal!"

Inis naman nyang saad, hinawi nya ako at dumiretso syang papasok sa kwarto ko.
Nakakabasa ba ng isip yang si MM, paano nya nalaman nasa utak ko?

Hindi baka nagkataon lang, ipinatong nya sa maliit na lamesa yung dala nyang pagkain.

"Nagpapakita kabang may pake sakin? kung ginagawa mo yan para magpa lakas sakin wag muna it----"

"Tumahimik ka, wala na ako sa mood makipag bangayan sayo ngayon! kumain kana lang bago pa ako mainis sayo!"

Kanina lang trip ako nitong asarin bakit ngayon mukha sya pa yung bad trip na bad trip.

Hindi nalang ako sumagot at umupo para kumain, gutom narin naman kasi ako.

Inumpisahan ko ng kumain katabi si rei, ng mapansin kong hindi parin lumalabas ang MM nato sa kwarto ko.

"May kailangan kapa ba? lumabas kana nasisira view ng kwarto ko"

"As if namang may masisira sa pang patay mong kwarto, wala kana bang ibang kulay na gusto kundi ang kulay itim? isa pa nga pusak---- este mr villanueva kahit ngayon lang pakitunguhan mo ng maganda ang future husband mo"

"Wala akong balak bigyan ka ng atensyon na gusto mo, kaya kung ako sayo lumabas kana bago pa kita kaladkarin at saktan"

"Takot ko naman sayo, baka nga maunahan pa kitang masuntok sa mukha...
Wag ka nga pating mayabang, mayaman ka lang at gwapo pero lahat lahat na ng natitirang bagay sayo mas panget na tignan kaysa sakin"

"Anong sabi mo?"

"Goodnight, pusakal na baboy!"

Gaya ng ginawa ni kuya sakin ay hindi narin nya ako hinintay pang maka sagot, lakas ng loob nyang mag walk out.

At ang lakas ng loob nya para sabihing lahat na ng bagay na pwedeng makita sakin ay panget na tsk!

Baka pag tumagal tagal pa, makatikim na talaga sakin yang baklang MM nayan!
Future husband tsk! kakakilabot talaga pisti.

Itinuloy ko nalang ang pagkain kahit na badtrip ako, ewan pero parang ako yung parating talo kapag nang aasar yung MM nayun.

Kinausap ko si rei na wag na wag ng lalapitan yung MM, alam ko namang maiintindihan ako nito SANA.

Inuutusan ko rin syang mangalmot lalo na kapag si MM ang may hawak sa kanya, papakagat ko pa sana kaso beri bad nayun hahaha.

"Basta gawin mo nalang sinasabi ko para hindi kita kat----- uy san kana naman ba pu--- rei!..... Pasaway na pusa!"

Langya nag walk out na naman ang pusa ko! para bang hindi sya sang ayon sa mga pinag sasabi ko sa kanya.

Tumitigas na ata bungo ng pusa ko, madalas na nya akong suwayin tsk!

Matapos kong kumain ay inilabas ko nalang ang pinagkainan ko sa may labas ng pintuan ng kwarto ko, tinatamad na kasi akong pumunta pa sa kusina at baka makita ko na naman sila MM.

Ewan kung anong plano nila at isinama pa nila yung pinsan ni MM, tapos dagdag sakit sa ulo pa nga pala yung gwendell.

Ayaw na ayaw kong nasa paligid ko yan dahil, mata yun ni kuya.
Baka nga kapag gumawa ako ng kalokohan kay MM manubong agad yun.

Si manang trina naman, oo nga't kumakampi sakin kaso magaan din ang loov nya kay MM.
Wala naba akong pwedeng kakampi dito? mga nakapaligid sakin panakit lang sa ulo!

Asar bigla ko tuloy namiss si kristine, namiss ko lahat lahat sa kanya lalo na yung nag re-wrestling kami sa kama.

Sa lahat sya lang naman nakakaintindi talaga sakin, sya lang din yung kaugali ko pero mas lamang nga lang sya hehe.

Bukod kasi sa may pagka maarte yung girlfriend kong yun ay may pagka maldita rin, kaya nga pag magkasama kami tas may titingin lang saking babae ay pinuputakan nya agad.

Itutulog ko nalang to kaysa mag isip ng mag isip ng kung ano, sana naman bukas mabawas bawasan ang kabwisitan dito.








----------

"Mr villanueva!"

Napabalikwas ako ng bangon dahilan para mahulog ako sa lapag.
Nagulat kasi ako sa katakot at sa sigaw ng taong nasa labas ng kwarto ko.

Sumakit yung kamay ko dahil napadiin ang pag tuon nito, sinabi ko na kagabi lang mabawas bawasan lang kabwisitan kaso umagang umaga may bwiset agad!

Tumayo ako at hawak hawak ang wrist ko, tumungo ako sa may pintuan para pag buksan ang MM nayun!

Pag bukas ko ay agad ko syang binigyan ng pagkasama samang tingin!

"Ano bayan!"

Sigaw nya bago nag takip ng mata na akala mo may nakitang kung ano.

Napatingin ako sa sarile ko bagobko na realize na wala pala akong damit pang itaas, shet nakalimutan ko sanay nga pala akong natutulog ng topless.

Tumakbo ako pabalik sa loob para kunin yung damit ko at isuot, after nun ay bumalik muli ako sa tapat nitong MM.

"Okay na! kung makaarte ka akala mo ayaw mong makakita ng ganitong katawan, alam ko naman mga baklang katulad mo gustong gu---"

"Shut up pusakal! wag na wag mo akong gagaya sa ibang bakla! isa pa hindi ka sexy at wala kang abs para pag nasaan yang katawan mong maraming fats ulol!
Pinatatawag ka ni gwendell at may trabaho pa raw kayo!"

Hindi na ako naka react nung pinitik nya yung noo ko, bago pa man ako makaganti ay nabungangaan nya muna ako at nilayasan na naman ng basta.

Isinara ko ng pagka lakas yung pinto bago nag susumigaw sa loob ng kwarto, tangna talaga! makakabawi rin ako sa MM nayan!


Matapos ko mag bihis ay agad rin akong lumabas, baka sabihin nila pa importante ako, porket kami may ari ng hacienda.

Pag labas na pag labas ko ng bahay ay napatingin sila lahat sakin, yung ibang mukang empliyado dito na babae halatang gwapong gwapo sakin.

Mga naka ngite naman yung mga manong, habang seryosong nakatingin si gwendell at jaydee tapos pag tingin ko kay MM, sobrang sama ng tingin nya sakin.

Tumabi ako kay MM kahit na naaasiwa pa rin ako sa mukha nyang puro pekas, buhok lang ata maganda sa kanya, sige yung kutis rin kahit papano hindi ko pa kasi nakikita ng buo yung katawan nya.

Don't get me wrong, hindi sa gusto ko talaga makita.
Parati kasi syang naka long sleeve at mahabang short na lagpas sa tuhod nya.

In short curious po ako, pero wala narin naman ako pake kung makita ko paba yun o hindi, hindi naman mag babago pag tingin ko sa kanya.

"Dahil sa kumpleto na tayo ngayon, sasabihin ko na yung mga naibang patakaran at pwesto ng mga empliyado dito, pinapaalala ko lang po sa inyo na hindi ko ito desiayon kundi nag mula ito kay sir ashley"

Tumango tango lang yung ibang empliyadong narito.

Para akong kinakabahan ngayon, diko gusto yung binago ni kuya yung patakaran dito.

Inisa isa ni gwendell kung saan ang bagong pwesto ng mga punong namamahala sa bawat parte nitong hacienda, sa sobrang lawak kasi ntong lupain namin, kailangan talaga ng maraming tauhan.

Na ngunot ang noo ko ng lumapit sya kay MM at hawakan ito sa kamay, hinatak nya ng marahan si MM para mapatabi sa kanya.

"Eto si sir MM nyo sya ang magiging katulong ko para mag check ng mga dapat i-deliver at ibenta na mga produktong mula dito"

Paliwanag ni gwendell, hindi ako tumitingin sa mukha nya kundi sa kamay nyang naka hawak parin sa kamay ni MM.

Lalong sumama ang tingin ko dahil parang hindi sila nahihiya, pag tingin ko kay MM ay nailang sya kaya tinanggal nya ang pagkaka kapit sa kanya ni gwendell.

"Eto naman si jaydee, pinsan ni MM walang ibinigay na gagawin si ashley sayo kaya ikaw na bahala kung ano bang maitutulong mo"

Hindi ko alam kung tumango yung jaydee dahil nakikipag titigan lang ako kay MM, na para na syang kinakabahan.

"Especially kilala nyo na naman si aiden ang nag iisang kapatid ni sir ashley, sya ang isa sa mga magiging mangangalaga sa G3 kung saan nakatanim ang mga lemon"

"What?"

"Kung may reklamo o may tanong ka wag sakin kay sir ashley"

Seryoso ba si kuya? pag babantayin nya ako ng mga bunga? ni mag buhay nga noon ng halaman diko magawa!

"Ay sya pala yung batang pasaway noon, tung na ninira ng mga pananim"

Saad ng isang matandang babae, napatingin ako sa kanya bago sinamaan ng tingin.
Umiwas naman agad sya ng tingin sakin.

"Kumain kana muna bago mag umpisang mag trabaho, hindi ka raw kasi na kakain sabi ni manang kanina"

Saad ni gwendell, nang iinis ba sya para sa harap ko pa nya landiin yung fiance ko!
Hinahawi nya yung bangs na tumataklob sa suot na salamin ni MM.

"Magsing irog ba sila?"

"Sabagay uso nayun ganyang relasyon ngayon"

"Oo nga mare, tignan mo bagay naman sila gwapo yung si sir gwendell at cute naman na bata si sir MM"

Ano bayan mga matatanda na kinikilig pa, ayos sana kung bumagay sa kanila yang ganyan!

Gwapo? hamak na mas lamang ako ng sampung paligo sa gwendell nayan.
At cute daw si MM? talaga ba? saan banda kaya?

Bakit ba ang mga taong nasa paligid namin sinasabing cute sya, eh hindi naman totoo.
Malalabo ata mga mata eh, kuya ko baka sa sobrang liit ng mata di nya na makita ng maayos itsura ni MM.

Napadako muli ang paningin ko kay MM, at namumula mukha nya ngayon!
Kinikilig ba sya o nahihiya tsk!
Lakas ng loob magpakita ng ganyan sakin.

Hindi man lang nya naisip na kaharap nya lang yung fiance nya.
Hindi naman sa nag seselos o tinatanggap ko nang sya nga mapapangasawa ko, pero ayokong makita syang ganyan lalo na sa gwendell nayan.

Feeling ko kasi nasasapawan na akonnyan lagi, una kay kuya ngayon naman sa fiance ko! no way! hindi ako papayag na pati kay MM, na aangatan nya ako.

Ngumite ako ng nakakaloko dahil sa naisip kong gawin ngayon.
Tignan natin kung may ipupula payang mapekas na mukha ni MM.

Sa gwapo kong to wala pang babae na hindi kinilig sakin, madali nato dahil bakla naman ang MM nayan.

Lumapit ako sa kanila ni gwendell na ikinakunot ng noo ni MM at ikina seryoso naman ng mukha ni gwendell.

"May nakakalimutan ka atang sabihin sa kanila"

Saad ko kay gwendell, hinawakan ko ang wrist nya para ilayo sa ulo ni MM.

"Nakalimutan mong ipakilala ako bilang FIANCE nitong si MM"

Ngiteng ngite akong umakbay kay MM, nag react payung katawan nya dahil sa gulat at nakita ko rin kung papano mas lumaki yung mga mata nyang malabo.

"Excuse us, kakain na muna kami ng lablab ko"

Dagdag ko pang saad, sa totoo lang imbes na madire ata akong lablab ang tawag ko sa kanya ay natuwa pa ako dahil sa itsura nya ngayon na ubod na ng pula ang mukha.
Kinikilig sya sa tingin ko hahaha.

Samantalang si gwendell naman ay inis ang makikita mong reaksyon sa mukha nya at si jaydee pati narin mga ibang tao sa labas ay gulat at nag tatakang reaksyon ang ipinakita sakin.

Pag pasok na pag pasok ay agad kong tinanggal pagkaka akbay ko kay MM, hindi parin na tatanggal pagka pula ng mukha nya kaya mas lalo akong nag didiwang.

"Ano yun? lablab? fiance? bakit kailangan mo pang sabihin sa kanila, di kaba nahihiya?"

Mahinahon nyang saad pero dipa rin maalis sa mukha nya ang pagka pula, aamin ako ngayon ikinaganda tignan sa kanya yung pagka pula ng mukha nya.

"Kinilig ka nga, tignan mo yang mukha mo ang pula pula hahaha"

"Huh? yang pulang yan sanhi ng pagka sobrang gigil ko sayo at hiya kanina! Ano bang palabas yun huh? alam na alam naman nating ayaw na ayaw mo sakin o tawagin man lang akong fiance"

"Well tagumpay yung inisin ka at pakiligin, kung makikita mo lang sana reaksyon mo kanina at ni gwendell tangna nakakatawa talaga hahaha"

"Iisipin ko bang nag seselos ka kay gwendell? hindi aasa lang ako, alam ko namang diring diri ka sakin.
Congrats tagumpay ka ngayon, pero sa susunod ihanda mo yang sarile mo LABLAB"

Uso walk out chuchu?! ilang beses na nyang ginagawa sakin yun.
At dapat na ba akong matakot dahil sa pag babanta nyang yun?

Kung gusto nya parin ng asaran, sige lang handa naman ako sa mga pwede nya o nilang gawin laban sakin.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Itutuloy.....
-Greenite

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top