BE MINE 7
[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...
Happy 8k sa ART OF LOVE salamat ng marami sa patuloy na nagbabasa aliens :)
Naway patuloy rin kayo sa pag suporta ng BE MINE..
Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]
∞James on multimedia ∞
Mermar's POV:
Nakarating kami sa hacienda ng magkapatid na villanueva ng safe, ang problema para akong natatae sa kaba na ngayon deym!
Nakababa na't lahat sila kuya jaydee at gwendell sa kotse pero eto parin ako sa loob, sa sobrang kaba para akong nahihilo rin.
Parang gusto kong umuwi na pala, natatakot kasi ako buset! akala ko madali lang na haharapin si aiden hindi pala.
"Lumabas kana dyan"
Katok sa bintana ng sasakyan ni gwendell, ni lock ko kasi yung kotse para hindi sila maka pasok, ayoko pa kasing bumaba.
Dahil sa tinted ang kotse di nila makikita kung ano itsura ko dito, tanging sila lang nakikita ko mula rito sa loob ng kotse.
Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pinto sa may shotgun seat, pumasok si gwendell at isinara agaran ang pinto muli.
Unti unti syang humarap sakin bago bumugtong hininga.
"Alam ko napilitan ka lang talaga dito pero......"
Napatigil sya saglit bago iginalaw ang kamay nya patungo sa kamay ko.
Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil pisil ng marahan.
Hindi ko alam kung bakit pero parang nakakabawas ng kaba yung pag hawak nya, at ang isa pa hindi ko magawang itaboy yung kamay nya.
"Kailangan mong gawin to para sa inyo ng ama mo, wag kang mag alala hindi naman kita pababayaan, siguraduhin mo lang na hindi mahuhulog ang loob mo kay aiden"
Pag dagdag nyang ani, napatingin nalang ako sa kamay namin at hindi umimik pa sa kanya.
Natuwa naman ako sa sinabi nyang hindi daw nya ako pababayaan, at isa pa hindi talaga dapat ako mahulog sa taong masama ang ugali.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya bago ngumite, naka ramdam na ako ng hiya dahil nakatitig parin sya sakin at hawak nya parin yung kamay ko.
"Ikaw bayun? sira na talaga ulo ng kuya ko!"
Napaiwas ako ng tingin kay gwendell at napa bitiw sa kamay nya.
Natuon ang tingin ko mula sa labas nitong saksakyan dahil yung boses na narinig kong pasigaw ay sigurado kong si aiden.
"H-huh?"
Si kuya jaydee na mukhang hindi maintindihan ang sinabi sa kanya ni aiden.
"Pipili lang ng mapapangasawa ko yung baklang mas mukang lalakeng lalake pa sakin!"
Natawa naman ako sa reaksyon ng mukha ni kuya jaydee, matalino si kuya jaydee minsan nga lang slow at madalas engot hahaha.
Isa rin namang engot si aiden, isipin ba namang si kuya jaydee yung sinasabi ni kuya ashley, sabagay hindi naman binigay ni kuya ashley information about sakin.
"Labas kana okay"
Saad ni gwendell, muli akong napatingin sa kanya bago tumango aa pag sang ayon.
Bahala na brief ni superman!.
Pagkababa ni gwendell mula sa sasakyan ay nakita ko kung gaano sya tignan ng masama ni aiden.
Narinig kong sinabi ni gwendell na ang tinutukoy ni kuya ashley ay nasa loob pa ng sasakyan, narinig ko ring sinabi nya na kinakabahan lang ako.
"Ano pa kasing inaarte arte nyan ayaw pa bumaba?!"
Bigla na naman nag init ulo ko dahil sa kanya, ni hindi man lang sumalubong ng maganda samin o gumalang galang man lang pisti!
Huminga na muna ako ng malalim bago napag desisyonang bumaba ng kotse, bahala na talaga.
Nakayuko palang ako ng makababa ako sa kotse, para naman surprise.
Kumalma ka kasi mermar, ang kailangan mo lang gawin ay humarap sa mukang lion na aiden nayan.
Isipin mo ang ama mo, ang sarile mo! gagawin mo to para maging maayos kayo okay! gawin mo to ng wala ng takot, dapat ay yang aiden nayan ang matakot.
Matakot sakin dahil gagawa ako ng paraan para makaganti man lang sa pang aalispusta nya dun sa mamang pulubi, at sa mga babaeng pina iyak nya.
Maka-kapwa tao kasi ako at ayokong, may mga taong tinatapak-tapakan nalang at nilalaro laro lang tas parang basura kung ituring.
Tama tama ganun nga, dahil hindi na ako umaasang may kabutihan yang aiden nayan! umiinit talaga ulo ko, makita nga lang sya ngayon gusto ko na sya suntukin sa mukha.
"Hello, you must be aiden?"
Ngumiti ako hanggang sa makakaya ko kahit na masakit sa panga dahil sa brace na suot ko, inilabas ko rin yung gilagid ko para kitang kita yung mga bakal sa ngipin ko ngayon.
Napa nganga naman sya at mukhang timang na inabot ang kamay ko.
Nagulat naman ako na parang may bultahe na naramdaman kong tumungo sa palad ko.
Miski ata sya nakaramdam nun dahil di lang ako ang napabitaw eh, sya rin.
Halata rin ang gulat sa mukha nya.
"Weird.."
Mahina nyang bulong ngunit narinig ko pa rin iyon, alin ang weird ang itsura ko o yung parang kuryenteng naramdaman namin?
"Wait, tatawagan ko lang si kuya"
Kunot noo naman nyang saad, dahil sa wala naman akong pake sa mga gagawin nya hinayaan ko nalang.
Lumayo sya ng bahagya at dinukot ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng suot nyang short.
Ngayon ko lang napansin ang cute ng suot nya, bagay na bagay sa kanya yung nga lang mula sa damit, short at pati ang suot nyang tsinelas ngayon is black.
Halata na ngayon ang paborito nyang kulay, sana naman sa gwapo nyang yan marunong syang pumili ng mas babagay sa kanya, sayang kasi.
"Seryoso kaba!..... tangna bakla na nga panget pa!.... sana naman kasi pumili ka ng ipapakasal mo sakin yung may itsura di yung mukhang lumot o nilamas na ta----..... oo na! ikaw naman masusunod lagi!"
Napatingin nalang sakin si kuya jaydee at gwendell, napayuko nalang ako dahil nakaramdam ako kahit papano ng hiya.
Kahit naman hindi talaga eto yung ako, nasaktan parin ako sa mga sinabi ni aiden.
Langyang leon nayan, mapanlaot talaga!
Gustong gusto ko na talaga sya suntukin aa mukha tsk!
Muling bumalik sa harapan ko si aiden na pangiwi ngiwi sakin.
Tinignan ko lang sya ng masama.
"Ba't ang sama nyo makatingin? masama naba mag sabi ng totoo? isa pa ano bang ganap mo dito?"
Saad nya na napatingin kay kuya jaydee.
Mula sa masamang tingin ni kuya jaydee sa kanya at unti unti itong ngumite, yung ngite bang may laman.
"Pinasama ako dito ni tito para may mag babantay ka me---- MM"
Shiya! akala ko madudulas na si kuya jaydee eh.
"Bantayan? ano yan bata?"
"Hindi, ayoko lang kasi na may HAYOP dyan sa tabi tabi na sasaktan ang pinsan ko"
Mas lalo namang nagunot ang noo ni aiden, dahil halatang halata namang tinutukoy na hayop ni kuya jaydee is sya hahaha.
"Ako bayung sinasabi mong hayop huh?"
Ay nag tanong pa talaga, iuntog ko kaya sya ngayon sa suot kong brace tsk!
"Huh? hayop ka ba? tao ka diba, papatawa ka naman hahaha"
Yan kasi bastos bunganga mo edi inaasar ka ngayon ni kuya hahaha, akala nya siguro lahat ng makakabangga nya kayang kaya nya.
Wag kaming mendoza, dahil hindi talaga kami nag papatapak o nag papaapi sa ibang tao.
"Mas maige kung sa loob na kayo mag usap usap, pagod narin kasi si sir MM."
Pag singit naman ni gwendell, mukha na kasing manunuktok si aiden.
Gawin nya lang yun sa kuya ko mag bibilang sya ng star sa ulo nya dahil sa hilo kapag tinirada sya ni kuya.
Sama nyo na ako dahil sisiguraduhin kong hindi pwedeng hindi ko ipag tatanggol si kuya, at pag kakataon ko narin yun para masuntok sya hehe.
Naka poker face lang si aiden habang ako ay nakataas kilay na nakikipag titigan sa kanya.
In fairness sa kanya, nakakatiis syang titigan ako, kung kanina mukha akong tangang kinakabahan pa pwes ngayon, mag sisisi syang nilait lait nya rin ako ngayon.
"Diko na kaya! buhok lang ata nakikita kong maganda mula sayo"
"Itinatago naman ng panlabas mong itsura yang masangsang at panget mong ugali"
Naka ngite kong saad, gusto nya ng asaran sige game ako.
Base sa itsura nya gustong gusto nya na talaga manuntok hahaha.
Natigil lang kami sa tinginan ng dumating ang isang katulong dito, mukhang sya yung mayordoma.
"Ang cute naman ng batang ito, uminom muna kayo patapos na naman yung niluluto kong hapunan"
Nakakapag taka namang na kyutan sakin si manang, sa itsura kong to.
Pinisil nya pa ang pisnge ko kaya napa ngite nalang ako.
"Ano naman kaya cute sa taong yan?"
Bulong ng aiden nayun, akala naman nya hindi namin maririnig.
Apat na juice ang nasa mini table na nasa harap namin.
Kay gwendell ay mukhang strawberry flavor, kay kuya green apple, yung kay aiden mango at yung akin lemon naman.
"Thank you po, paborito ko po itong lemon juice"
"Mga paborito nyo yan diba"
Tumango lang ako, ang diko inaasahan ay tumango rin tung tatlo.
"Magaling kasi ako mang hula hahaha"
Ang cute ni manang tumawa, nagpa alam na sya samin dahil babalik pa raw sya sa kusina para tapusin ang niluluto.
Nang makaalis sya ay halos sabay saby kaming uminom ng juice.
"Wow"
Sabay naming saad ni kuya jaydee at aiden, sobrang sarap ng juice nato, mas malasa to kaysa sa pinainom sakin noong naroon ako sa building ng villanueva.
Sa tingin ko walang hinalo na kung ano dito, purong lemon lang kung baga fresh na prutas na kakapitas lang mula sa puno.
"Sa tagal ko nang di nakakapunta dito ngayon ko lang ulit natikman ang paboritong juice ko"
Napatingin naman ako sa.... Shiya naka ngite si aiden! eh mey ged eng gwepe nye leste!...... No mermar iwas mong mag pabebe ng ganyan, kaaway mo yan!
Eh kasi naman mas lalong bumagay sa aiden nayan kapag naka ngite, sige na kahit na ubod ng sama ng ugali nyan gwapo naman.
Magkaiba yung pagka gwapo nya sa pagka gwapo naman ni kuya ashley sa kanya, kung tutuusin para silang di mag kapatid dahil di naman sila magka mukha.
Shunga lang mermar? pwede kayang si aiden sa nanay nya kamuha at si kuya ashley sa tatay ganern, pwede rin baliktad.
"Alam kong gwapo ako, kaso wag mo akong titigan ng ganyan nakakaasiwa"
Napapikit pikit muna ako bago ko na realize na napatitig pala ako sa kanya, tsk! kaengotan mermar, magyayabang lalo yan sayo.
Baka isipin nyan gwapong gwapo ako sa kanya, sabagay totoo naman pisti!
Mag iingat nalang ako sa susunod, at dina ako tititig pa sa kanya.
"Mukha namang leon"
"atleast mabangis na leon"
"Huh? mali pala dapat pala pusakal"
Natawa naman si kuya jaydee na nakipag apir pa sakin, napansin ko ring ngumise lang si gwendell.
"Panget naman!"
"Mas panget naman ugali mo"
Sinamaan nya nalang ako ng tingin at hindi na umimik, sa tingin ko madaling maasar to o bwisitin, araw arawin ko kayang mang asar tiyak na masaya yun para sakin pati narin kala kuya jaydee.
Ngiteng ngite lang akong inililibot ang paningin ko sa bahay nato, ngayon ko lang napansin bukod sa pagkalaki nito ay napaka ganda pa ng mga pigura sa loob nito.
Napatigil ako sa pag iikot ng paningin ng may naramdaman akong parang may kung anong bagay na pumatong sa mga binti ko.
Nawala ang pagkaka ngite ko at biglang sumeryoso ang mukha habang nakikipag titigan sa nakapatong ngayon sa mga binti ko.
Ewan kung ano bang meron sa pusang to at nakikipag titigan rin sya sakin, mata sa mata.
"Meow"
Aigoo bat parang ang lambing ng pagkaka tunog nyang yun.
Iginalaw galaw nya yung ulo nya pero nakatitig parin sa mga mata ko.
"Kyaaaah diko na kaya! ang cute mo!"
Agad kong binuhat yung pusa at niyapos ng hindi naman pagka higpit, pinag hahalik halikan ko rin ang ulo nya at hinimas himas ang katawan.
Ang bango at lambot ng pusang to, ang ganda pa ng kulay nya na parang black na may pagka grey.
"Rei! halika rito!"
Natigil naman ako kakalaro sa pusa ng tumayo si aiden at agarang inagaw yung pusa sa kamay ko.
"Oy masaktan naman!"
Suway ko, para kasing bagay lang yung pusa kung agawin nya lang ng ganun.
"Wala kang pake, pag aari ko tong pusang to kaya wag na wag muna syang hahawakan ulit!"
"Edi wag, pwede mo namang sabihin ng maayos kung maka sigaw ka wagas!"
"Sumisigaw ka rin naman ah!"
"Ikaw ang nauna pusakal!"
"Panget mo naman!"
"Ay juskong mga bata ire, akala nyo naman kay lalayo ng kausap kung mag sigawan... Mabuti pang kumain na muna kayo, baka mga gutom lang kayo"
Nahiya naman ako kay manang dahil sa parang bata pa kami umasta nitong si aiden, bakit kasi ang hilig nyang manigaw at manlait.
"Kumain kayo ng marami, mga fresh lahat yang gulay, isda mga prutas na nariyan sa lamesa ngayon"
Tumango nalang ako at ganun rin sila, fiesta ba ngayon? napaka raming hinanda ji manang at mukang masasarap pa.
Napatingin ako kay kuya jaydee na nag ni ningning ang mga mata, langya pag dating talaga sa pagkain saya saya nya ng bongga.
Napatingin rin naman ako kay aiden na nag ni ningning rin ang mga mata, halos patulo narin yung laway nya eh, mukang mas malala pa sya kay kuya jaydee eh.
"Kuya dahan dahan, naubos mo kaya yung mga pagkain mo kanina"
Saad ko, nag aalala kaai talaga ako sa tiyan nya.
Baka mabigla yung pagkain nya sumakit na naman ng sumakit tiyan nya.
Dalawang beses na kasing nangyari sa kanya yun, sa sobrang takaw at na sobrahan sa pagkain nasugod sya sa ospital.
"Mukang masasarap pa naman, pero sige konti lang kakainin ko, parang busog parin kasi ako, dahil sa libre nitong si gwendell"
Hays mabuti naman at masunurin tong kuya jaydee ko.
Hobbies kasi nyan ang kumain lalo na kapag libre ng ibang tao, manang mana kay tita hahaha.
Sinalinan ko ng puro gulay ang plato ko dahil umay na naman ako sa mga karne, maganda rin sa katawan ang magulay madalas.
Sarap na sarap ako sa pagkain, ng mapadako ang tingin ko kay aiden na ngingiwi ngiwi naman pero nag eenjoy rin sa pagkain.
Tama nga ako gustong gusto nya rin ang kumakain.
Bigla akong naka isip ng kalokohan para ituloy ituloy ang pag di gusto sakin ni aiden.
Ganahan pa kaya sya sa pagkain kapag ginawa ko nayung kalokohang yun.
"Napaka sharap nahman nithong mga gulay mhanang"
Tuwang tuwang saad ko ng malakas, nakita konnamang napatigil yung tatlo sa pagkain dahil natuon ang atensyon nila sakin.
Sinadya ko talagang magpa talsik ng pagkain para mas lalong kaayawan ako ni aiden, i know na parang kabastusan to pero makakatulong rin sakin to.
"Disgusting gay"
Bulong ni aiden, lengye kada bubulong yan parati ko nalang naririnig.
Sana sinabi nya nalang ng harapan diba, tutal ganun naman ugali nya.
Lumapit sakin si kuya jaydee at bumulong na meron daw gulay na sumabit sa brace ko, sa sinabi nyang yun ay mas ginanahan ako sa kalokohan kong ito.
Umiling iling naman si gwendell na natatawa, siguro ay alam nya kung bakit ko ginagawa yung mga ganung bagay.
Habang hindi nakatuon ang paningin sakin ni aiden ay nag mouthed ako ng sorry kay gwendell na ikinatango nya.
"Ayoko na! nakakawalan ng gana, napaka baboy naman kumain!"
Sigaw ni aiden, bigla syang tumayo balak na nya sanang humakbang ng mag salita ako.
"May nakalimutan ka ata."
"Nakalimutan?!"
"Oo my future hubby, nakalimutan mong mag goodnight kiss sakin"
Saad ko habang ngumunguso nguso pa.
Mas lalong nainis at na ngiwi ang itsura nya sa sinabi ko.
Huminga sya ng malalim at hindi na ako inimik, itinuloy nya nalang ang pag lakad paalis sa pwesto nya.
Napatawa naman ako ng makaalis sya.
Naki tawa rin ai kuya jaydee na hindi ko alam kung alam nya bang plano ko o nakikitawa lang sya.
Pag dako ng tingin ko kay manang ay para syang nalungkot na ewan kaya napatigil agad ako sa pag tawa.
"Sige kumain lang kayo ng kumain, matirahan nalang si aiden kawawa naman yung batang yun gutumin pa naman, mamaya mo sa gutom nun mahimatay yun dun"
Saad ni manang na para bang kinukunsensya ako tsk!
Ano ba yan nag eenjoy nga ako tapos mawawala narin agad.
Sige last ko nayun hindi ko na uulitin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
-Greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top