BE MINE 5
Vote and comments ganahan naman ako mag update, desperada ba ngayon si otor para sipagin hahaha.
Well dama naman siguro to ng ibang otor, yung feeling na dahil sa parang walang nagbabasa o tamad ang mga nagbabasang mag kumento man lang ay napapaisip si otor kung dapat pa nga ba syang magpa tuloy o hindi sa pag susulat.
Sinabi ko na sa inyo padama nyo naman sakin na suportado nyo ang kwento ko para ganahan talaga ako ng bongga!
Yun lang, thank you!
∞ Jaydee on multimedia ∞
Mermar's POV:
"Pwede ba mermar umupo kana lang para makapag isip pa maige, nahihilo ako sayo aba"
Saad ni kuya jaydee, nasa kwarto nya kasi kami at paikot ikot ako dito dahil pinag iisipan kong maige kung itutuloy ko ba yung planong naiisip ko.
Plano kong pumayag na pero kailangan may isang kondisyon, at ayun ang pinag iisipan ko ngayon.
"Makikipag kita kana ba ulit kay ashley? bilisan mo naman para makita ko na ulit yung best friend kong si richie"
"Ikaw kaya dito sa kalagayan ko ngayon kuya tsk!"
"Ilang beses na kasi akong nag sabi sayo na ituloy muna, isipin mo naman si tito pati gaya ng planong sinabi mo sakin mukang gagana yun"
"Sa tingin mo?"
"Oo naman, kaya mag ayos kana para makausap na natin sila ashley"
Dahil sa pangungulit narin ng pinsan ko ay kumilos na nga ako para ayusin ang sarile ko, kakausapin ko rin muna si papa para sa mga plano ko.
Hindi lang dahil sa gusto ko bigyan ng leksyon ang aiden nayun kundi para narin sa ama kong nag hihirap ngayon sa kalagayan namin.
Gusto ko rin pamukha kay kuya ashley na mukang wala ng pag asang mag bago ang kapatid nya na ubod ng sama at puro gimik lang ang alam.
Yeah may alam ko kay aiden dahil sa villanueva brothers ay tanging sya lang lagi ang laman ng panget na balita, kaya pala etong si kuya ashley ay despiradong makahanap ng taong pwedeng makapag pabago sa kapatid nya.
Alam kong mahihirapan talaga ako dito pero, kailangan ko talagang gawin to.
Baka sakaling pag naliwanagan nasi kuya ashley na dapat na nyang sukuan ang kapatid nya ay hindi na nya ipatuloy ang kasal na pinaplano nya pagitan samin ni aiden.
Binigyan kami ni kuya ashley ng pitong buwan para magka kilala maige ni aiden bago ikasal.
Kung sakin ayos nayun dahil mahaba haba nayun para patunayan sa kanila na hindi kami para sa isa't isa ni aiden.
Impakto sya anghel ako hahaha joke, ang ibig kong sabihin malabo na talagang mangyaring magbago pa si aiden villanueva na ubod ng sama at isa pang certified playboy.
Naawa tuloy ako sa mga babaeng binasura nya lang, tas napaisip rin ako na ilan na kayang tao ang nilait lait ng aiden nayun.
Matapos kong mag bihis ay tumungo ako sa kwartong ginagamit ngayon ni papa, dito kaai kami ngayon nakatira sa bahay nila kuya jaydee.
Buti nga pumayag sila tita, nakakahiya nga eh ang alam ko kaai magka galit si tito at papa, ngayon alam ko na ang dahilan dahil pala sa palihim na pag susugal ni papa.
Nakiusap lang ako kala tita na dito na kami sa bahay nila kuya jaydee tutal wala naman sila dito nasa ibang bansa.
Si papa kasi eh masyadong matigas ang ulo kaya kahit nakaka tandang kapatid nya si tito sinusuway nya to, hindi nalang makinig at sumunod kay tito para naman sa ikabubuti namin yung sinasabi ni tito.
"I'm sorry ulet anak, hayaan mo gagawa parin ako ng paraan para mabawi natin lahat ng pag aari natin"
"Pa hindi na satin yun, ang gusto ko lang ay ayusin mo nayang sarile mo, tinanggap ko ito kahit labag sa kalooban ko para lang tulungan ka kaya pa sana tulungan mo rin ako"
Ang kinalabasan sa sinabi ko parang ako yung tatay na nag papayo sa anak, mabuti naman at hindi na umimik pa si papa.
Tama lang sigurong sakin na mag mula na mag bago sya.
----------
Mas hindi mapakali sa kinauupuan ngayon si kuya jaydee dahil sa excitement na makita nya ang nag iisang best friend nyang si kuya richie.
Sa halip na kabahan akong makaharap ulit si kuya ashley ay natatawa nalang ako sa itsura ni kuya jaydee, para syang batang bibisitahin ni santa.
"Kuya sabihin mo nga sakin kung paano ako nakilala ni kuya richie, hindi ko kasi matandaan talaga?"
Natigil naman sya sa pag iling iling ng ulo bago umayos ng pagkakaupo at tumingin sakin.
"Sampung taon kapa lang nun nung nakilala mo si richie at ashley"
Kaya naman pala 12 years ago narin yun, tinaas taas ko lang yung isa kong kilay para sabihing ituloy nya lang mag kwento.
"Ganito nag aaral palang sila richie at ashley ay in-arrange na agad yung kasal nila, yun pala yung sinasabi sakin ni richie na tradisyon na pamilya ni ashley na ikakasal silang magkapatid sa kapwa lalake"
"Huh? may ganung tradisyon ba?"
"Meron kala ashley nga diba? ikinasal si ashley kay richie tas ipapakasal naman ni ashley ang kapatid nya sayo.
Nung una tatanggi tanggi pa si ashley na mag pakasal kay richie pero in the end sila rin pala mag kakatuluyan"
"Weird ng tradiayon nila ah, so ibig nyong sabihin may gusto na talaga si kuya richie kay kuya ashley?"
"Oo meron na, kaso matigas noon si ashley napaka pasaway nya noon.
Tas eto na nga balik tayo sa tanong mo kaya kayo nag kakilala nila richie ay dahil sa pag ligtas mo sa buhay ni ashley"
Pasaway rin pala si kuya ashley, baka nagbago dahil kay kuya richie.
Tingin ko kasi mabuti tao si kuya ashley hindi nya lang lantarang ipinapakita.
Teka ako tinulungan si kuya ashley?
Bakit kasi ang talino ko pero sa ibang bagay bagay na nangyari sa buhay ko diko matandaan.
"Balak ni ashley ang tapusin nayung buhay nya noon dahil sa umay na umay na raw sya maging sunod sunuran sa magulang nya, tatalon dapat sya mula sa mataas na building"
"Tapos anong ginawa ko para mailigtas sya?"
"Ang kwento sakin ni richie.."
[A/N: Para hindi kayo mahirapan intindihin mag flashback nalang si otor]
Third person POV:
"Hoy kuya!"
Sigaw ni mermar sa nakatayong lalake sa gilid ng building na kinaroroonan nila.
"Hindi kaba natatakot dyan? nako kuya pag nalaglag ka dyan tiyak na wasak wasak katawan mo!"
Sigaw nya muli sa lalakeng nag ngangalang ashley ang anak ng may ari ng building kung nasaan sila.
"Wag ka mangialam gusto ko na nga mamatay!"
"Hala sandali lang, kung tatalon po kayo dyan hayaan nyo na muna ako umalis kasi pag nakita kong tumalon kayo dyan makukunsensya pa po ako, baka diko mapatawad sarile na hinayaan ko lang kayo mamatay"
"Oh sya umalis kana!"
Ilang minuto pang nag titigan ang dalawa na walang gumagalaw sa mga pwesto nila.
"Alam mo po kung ako sa inyo mas pipiliin ko pang mabuhay, bata parin po kaya kayo sayang madami pa kayo pwedeng magawa.
Isipin nyo nga po kung halimbawang mamatay kayo, sobrang masasaktan pamilya nyo!"
"Sila ang dahilan kaya ako magpapakamatay!"
"Ah ganun po ba, kasi kuya hindi naman maidadaan sa ganyang paraan yung problema nyo, ang ginagawa nyo po kasi tinatakasan nyo yung problema nyo pati hindi kayo tatanggapin ni Lord sa langit dahil kasalanan ang gagawin nyo"
Napairap si ashley dahil sa mga sinabi ng lalakeng kasama nya ngayon, napaisip rin syang sa bata pang yan madada at matured na mag isip ang bata.
"Ashley!"
Pag tawag naman ng isang lalake na kakarating lang sa pinaka taas ng building.
Sya ang lalakeng nag ngangalang richie na napiling ipakasal kay ashley.
"Umalis ka dito!"
"Pleas bumaba kana dyan, nag mamakaawa ako sayo!"
Lalapit sana si richie ng pigilan sya ni mermar.
"Wag na po kayo umiyak, hayaan nyo sya sa gusto nya pinigilan ko na kanina kaso ayaw naman tigas ng ulo, hayaan nyo syang tumalon para mag lasog lasog katawan nya"
"T-teka hindi pwede"
Sagot ni richie kay mermar.
"Pwede naman po kaso kasalanan yun, hayaan nyo na sya umalis nalang po tayo dito kuya, para hindi tayo makunsensya."
Saad ni mermar kay richie, wala namang magawa si richie dahil iyak sya ng iyak at takot sa pwedeng ituloy ni ashley ang gagawin nya.
"Pag alis namin tsaka ka tumalon ah, tsk tsk kawawa naman mga maiiwan mo kuya.
Akala mo kasi lahat ng problema walang katapusan, kung dimo yan haharapin kuya hindi matatapos ng maayos yan, mamamatay kana nga duwag kapa tsk!
Pananalangin ka nalang namin na patawarin ka ni Lord sige po"
Huling saad ni mermar, dahil sa mag kasing laki lang si mermar at richie ay madali nyang nahila palayo si richie sa pwesto nila.kanina.
Nag tago ang dalawa palihim para tignan si ashley.
Si richie na impit na umiiyak at nag aalala para kay ashley, pero si mermar na seryoso lang nakatingin at kumpyinsadong hindi tatalon ang binata.
"Iyakin ka kuya, wag kang mag alala nakikitaan ko ng takot yung si kuya sinisugurado ko po sa inyo na hindi tatalon yan"
Halos tatlumpung minuto silang nakatingin sa nakatayong si ashley ng gumalaw ito na mas ikinakaba ni richie.
Papalapit sana si richie ng pigilan sya ni mermar, umiling iling ito at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay nito.
"Aaaah f*ck! ayoko na! sorry po Lord!"
Sigaw ng binatang si ashley habang umiiyak, bigla naman itong gumalaw na paatras at bumaba mula sa pwesto nya kanina.
END OF FLASHBACK.
Hindi ko akalain na nakatulong pala ako noon kala kuya ashley, sabi naman sakin ni papa noon dahil siguro sa matalino akong bata ay matured na talaga ako sa mga bagay bagay?
Pero may pagaka engot rin ako nun malay ko ba na bigla nalang tumalon si kuya ashley edi kasalanan ko pa at dinay ko pa si kuya richie.
Kaloka naman si kuya ashley may pa ganung ganap pala syang ginawa noon. Bigal namang parang nalunok ko yung dila ko sa kaba.
Ewan pero biglang pumasok sa utak ko imahe ni aiden, hindi ko maintindihan kung bakit pero para akong nag alala sa kanya, baka maisipan din nun waaaaaah!
Hindi hindi bahala sya kung balak nya, wala na ako pake doon, basta gagawin ko nalang ang gusto ni kuya ashley.
"May pa throwback story palang nagaganap dito"
Napatigil ako sa pag iisip ng bigalang sumingit si kuya ashley, dumating na pala sya kasama si kuya richie.
"Oh totoo naman ah, umorder kana muna doon mahal yung pang sating apat ah, wag kang pasaway ngayon okay"
"Bakit pati yang dinosaur mong kaibigan"
Iritang sagot ni kuya ashley, tinignan sya ng masama ni kuya richie.
"Sya sige"
Umalis nalang si kuya ashley at sinunod ang utos ni kuya richie sa kanya.
Umupo si kuya richie sa may tabi ko.
"Ngayon alam muna kung paano tayo nag kakilala, malaking pasasalamat namin sayo noon."
Bigla namang kwento ni kuya richie, Nag kwento pa sya about sa nangyari noon sa buhay nila mula ng nagbalak magpaka matay si kuya ashley.
Ikinuwento nya ng mabilis kung papano nahulog ang loob ni kuya ashley sa kanya, natawa pa nga ako dahil si kuya jaydee daw ay pinag seselosan ni kuya ashley noon kaya parati daw binu-bully ni kuya ashley yung pinsan ko.
Napilitan din pala silang ipakasal dalawa, kung baga yung mga nangyari sa kanila noon na kagagawan ng mga magulang nila ay gagawin rin nila samin ni aiden.
Yun nga lang wala kaming nararamdaman ni aiden sa isa't isa.
At hindi ko hahayaang mahulog sa kanya.
Gagawin nilang magka kilalan kami ni aiden ng ilang buwan tas sila nagkakilalan ng ilang taon, ano to nag mamadali silang ipakasal kami?
Sabagay ayos narin para hindi ko na makasama ng mas matagal pa si aiden.
"Anong plano? siguraduhin mong hindi mapapahamak kapatid ko dyan ah"
Tanong sakin ni kuya ashley, humugot muna ako ng malalim na hininga bago tumingin ng deretso sa mata nya.
"Dahil sa pumayag na ako gusto ko ng isang kundisyon para naman hindi ako yung lugi at kawawa in the end..
Ganito makikilala nya ako as MM mendoza not mermar"
"Ayusin mo nga mermar hindi namin maintindihan?"
Tanong ni kuya richie na mukang di gets ang sinabi ko.
"Ang gusto mong mangyari ay magpakilala kang ibang tao?"
Tanong naman ni kuya ashley, matalino rin tong si kuya ashley kaya alam kong mage-gets nya agad mga sasabihin ko.
"In disguise magiging si MM mendoza ako, mawawala ng ilang buwan si mermar, ang gusto ko itago nyo ang identity ko kay aiden, dahil sa isa akong model gumawa kayo ng paraan para maitago ang pagkaka kilanlan ko"
"Bakit naisipan mong magpakilala bilang ibang tao?"
"Gusto kong matutunan ng kapatid mo na makitao, nakita mo naman po ginawa nya sa pulubi nung nakaraan diba?"
"So anong konek nun sa kasal nyo?"
"Kung mapagbabago ko si aiden ng tuluyan papayag na talaga akong makasal sa kanya pero kapag hindi sa loob ng tatlong buwan lang pasensyahan na, hindi ako magpapakasal sa masamang ugali"
"Okay deal"
Hindi lang ako napanganga sa agarang desisyon ni kuya ashley, naka ngise sya sakin ngayon nakatingin.
"Aabangan kong matulad kayo samin ni richie, sya nga pala si tito james simula bukas sa kumpanya ko na mag ta-trabaho as my secretary dahil sasama sa hacienda ang secretary ko para mag bantay sa inyo ni aiden"
Paliwanag nya, kung magsalita sya parang wala syang takot sa pwedeng mangyari, well dapat ako rin dahil nakakasigurado naman akong mahirap pakisamahan at baguhin pa ang ugali ni aiden.
"Sya nga pala isasama ko si kuya jaydee, kailangan ko sya dun"
"Okay, may gusto kapa bang idagdag?"
Umiling iling nalang ako, inabot nya sakin ang kamay ko habang naka ngisi parin sakin.
"Inumpisahn mo tong larong to na ikaw rin ang tatapos, good luck my future brother in law"
Yiiii kakatatok yung pagkakasabi nya nun, bakit feeling ko mahirap ding kalabanin tong si kuya ashley.
Hindi mo mababasa nasa utak nya, ibang tao kasi madali mabasa kung anong nasa utak nila base sa pag galaw at sa mga mata nila?
Pero si kuya ashley diko man lang malaman kung ano bang laman ng utak nya, dun lang ako kinakabahan.
"Mag ready na kayo dahil after 2 days pupunta na kayo probinsya, dun mag ta-trabaho si aiden under my secretary, ang gagawin mo lang naman ay bantayan si aiden at yung gusto mong mangyari ang baguhin ang pag uugali ng kapatid ko"
Tumango tango nalang ako sa sinabi nya, ang gagawin ko lang naman ay ang magtiis ng ilang buwan.
At titiyaking hindi mahuhulog ang loob sa aiden villanueva nayun.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
-Greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top