BE MINE 25 (finale)
[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming mga manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...
Eto na po yung last chapter, binalak kong paabutin sana ng 5k words man lang kaso hindi ko kaya baka mas pumanget kung pahabain ko pa hehe, enjoy reading guys magustuhan nyo sana tong ending :)
Be lated birthday nga pala to LEE SUNGJONG (mermar) hindi ko sya nabati kahapon kaya bawi bawi lang ngayon, yun lang. Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]
• Mermar and aiden on multimedia 👆
Mermar's POV:
Isang linggo na simula nung na laman ni aiden ang totoo, at simula noon ay hindi man lang sya nagpakita sakin o kahit kanino sa mga kakilala nya. Eto na yung kinatatakot ko ang layuan ako ni aiden, ang malungkot baka hindi na tuluyang magka ayos ang mag kapatid dahil sa nangyari.
Inamin sakin ni kuya ashley na matagal na nga raw akong hinahanap ni aiden, pero dahil sa gusto nyang matuto ang kapatid nya noon ay hindi ako nito pinatunton ng ganun kadali kasabwat pa ang aking ama, kaya tumagal ang ganoong pangyayari.
Hindi ko naman sila masisisi dahil may kanya kanya silang dahilan, dahilan na para rin naman samin ngunit dahilan rin pala iyon para mas lumala yung sitwasyo tapos dumagdag pa ako, bakit kasi takot na takot ako noon sana kung umamin ako ng mas maaga baka sakaling masaya kami ni aiden ngayon.
Sa sitwasyong to si aiden pa ang pinaka nakakaawa samin dahil sa naging mukha syang tanga kakahanap kay MM, ang mapag panggap at matagal nang nawala dahil sa pag aakalang wala na talagang pakialam sa kanya si aiden.
Kaya nagpa kilala ako sa tunay na ako, bilang mermar naging, nawili ako sa sitwasyong iyon dahil naging masaya kami ni aiden, lalo na ako noong maging mag kaibigan. Hindi ko akalain na magagawa pala akong mahalin ni aiden, sobrang saya sa pakiramdam nun pero hindi parin naman maiiwasang hindi malungkot dahil sa nangyayari ngayon. Paano kung hindi nya ako mapatawad? paano kung hindi na sya magpa kita pa sakin, samin?
"Tutal wala kapa rin pasok sa trabaho at na ayos na yung issue between sa inyo ni kristine ay may na iisip akong paraan para mapadali ang pag han kay aiden"
Natigilan ako sa pag iisip at tumingin ng deretso sa kumakain kong pinsan ngayon.
"Paano?"
"Sikat ka naman kahit papano diba?"
Tumango ako sa sinabi nya.
"We use that thing! paano sa tulong ng social media, ang angels mo at sa ibang taong gustong makisali sa gagawin natin"
"Sure ka bang hindi mas makakalala yan sa sitwasyon namin ngayon?"
"Oh my god pinsan, mag bibigay ba ako sayo ng bagay bagay na makakasama sayo?"
Tama naman sya, lahat ng ibinibigay nya saking payo o idea okay naman sakin, minsan lang talaga na kahit anong ayos at ganda ng mga plano nya para sakin ay hindi maganda ang ending, but thankful ako sa kanya dahil hindi nya talaga ako iniiwan.
Kinuha nya yung cellphone nya at may kinakalikot, habang nag hihintay ay kumain na muna ako. Sana naman hindi tumulad si aiden sa ginawa namin noon sa kanya, napaka hirap kasi nung hanap ka ng hanap sa taong ayaw magpa hanap.
Sabagay nawala naman kasi noon si MM dahil akala nya ay wala nang dahilan para ipagpa tuloy nya pa ang pagpapanggap at pag amin na kung sino talaga sya.
Abala ako sa pag nguya ng ilapag ni kuya jaydee yung cellphone nya ng patalikod sa lamesa at tumingin sakin habang ngiteng ngite na pumapalakpak pa na akala mo may tanggap syang gift.
"Mag online ka dali!"
"Saan?"
"Kahit anong account mo sa social media, bilis!"
Excited po kayo? napa iling na lang ako at tumayo para kunin yung cellphone kong naka charge sa may sala ng bahay. Mukhang ang saya saya ni kuya samantalang ako medyo kinakabahan, dahil sa ganung action nya.
Nang makuha ko yung cellphone ay agad akong bumalik sa lamesa, gaya ng sinabi nya nag bukas ako ng twitter para tignan kung ano bang meron. Pag bukas na pag bukas ko pa lang nakita ko agad sa news feed ko yung litrato ni aiden.
"Ano to bakit nag post ka ng ganito?"
"Basahin mo muna kasi"
So i did..... Nung una detelyadong nakalagay dito yung name, age, height ect. ni aiden, habang binabasa ko pa maige ay napa nganga akong literal na napatingin sa pinsan ko, wth! seryoso ba to? Ang ingay ng notification ko dahil sa mga nag re-retweet at nag kokomento sa pakulo nitong pinsan ko, bawat segundo may mga bagong kumento na hindi ko mabasa dahil sa bilis ng mga tao lalo na ng mga fans ko sa pagsali sa pakulo nitong dinosaur nato.
Nag post lang naman po sya ng litrato ni aiden na para nyang ginawang wanted dahil daw sa pagnakaw nito...... Ng alin? langya ayan ang mas nagpalaglag ng panga ko dahil ang nakalagay dito ay yung puso ko yung ninakaw ni aiden.
Seriously nakakahilo mag basa ng mga comments, may iilan na akong nabasang kakornihan o bina-bash ako pero mas marami yung nag iingay na fans ko na todo suporta pa sa ginawang ito ni kuya dee.
Naloka rin ako sa ibang caption nung ibang admin na nag share ng post ni kuya, #OHANPNM or operation hanapin ang pusong nawawala ni mermar, meron ding todo ship samin ni aiden, at lahat ng iyon ay ang mga fans kong nakakaloka!
"Alam din ni ashley yan sa kanya nga ako humingi information about aiden HAHAHA!"
At pumayag din naman sya, seryoso ba talaga sila? baka lalong hindi magpakita si aiden nito? baka mas lalo syang magalit na ipinablik yung tungkol samin, oo hindi yung buo syempre social media po ang dawit dito at pwede na silang mag bigay ng kanya kanyang opinyon na mabuti o makakasama man.
"Don't worry pinsan sa pagkakataong to magkakaroon na kayo ng happy ending ni aiden... Look no.1 trending ang post ko ang saya saya HAHAHA!"
Yeah ang saya saya NYA! samantalang ako isip ng isip kung magiging maayos ba ang takbo nitong ginawa nya lalo pa't sa social media nya ito ginawa. Nag babasa basa lang ako ng mga comments na maayos naman, ng magpaalam sakin si kuya jaydee dahil tumatawag sa kanya si CEO, tignan natin kung anong masasabi ni CEO about dito, syempre alam nya laging nauuna sa mga trending news yun lalo na kung tungkol saming mga empliyado nya.
Tuwang tuwang bumalik sakin si kuya jaydee para sabihing pinuri pa daw sya ni CEO, seryoso ba talaga? anong nangyayari sa mga taong nasa paligid ko? sadya bang gusto nila ako magkaroon ng happy ending with aiden, hindi ba sila naiilang o walang pake sa ibang sasabihin ng ibang tao?
Dahil sa napagod ang mata ko dahil sa mga nababasa ko ay nag desisyon akong patayin na muna ang cellphone ko, humanap na muna ako ng ibang pagkakaabalahan para maiwas na muna ang utak ko ng konti sa nangyayari ngayon, dahil gusto ko lang isipin ngayon ay si aiden.
Kumuha ako ng notebook at pen para libangin ang sarile ko sa paggawa ng tula, tula na para kay aiden. Dahil kung sakaling mapatawad ako ni aiden o maging masaya man or hindi ay maibibigay ko sa kanya yung tula ko, isasaad ko lahat ng pagmamahal na meron ako para kay aiden.
Nang maisulat ko ang pinaka unang linya ay nag tutloy tuloy na ito, naka ngite ako at tanging si aiden lang ang iniisip ko sa mga oras nato. Na kada salitang nailalagay ko dito ay ang mga salitang gusto kong ipag sigawan at ipadama kay aiden kung gaano ko sya minamahal.
Na bawat salita ay nag mumula sa puso ko, sa puso kong matagal nang umiibig sa taong akala ko noon ay hindi man lang ako mapapamahal sa kanya, ang taong nagpakita sakin at gumawa ng masasamang bagay noon ay nakuha ko parin syang mahalin.
Ang isa sa taong lubos na nag bigay sakin ng kasiyahan, ang taong naging kaibigan ko at ang taong nag mamahal rin pala sakin. Ang tangi ko lang hiling talaga ay mapatawad nya ako sa lahat ng nagawa kong kasinungalingan.
[A/N:Pakidama na lang yung tula sa baba, at para sa mga loyal fan ng infinite dyan alam na alam nyo kung saan ko hinugot nyang tula na yan hehe]
'I watched over it, your love, the long farewell
Rather than always getting hurt,
this is better Look at me carefully,
it's because I don't like you crying
Being hurt is tiring, yeah every time I see you like that.
Be mine. I love you, okay?
I worry about you, okay?
I'll take care of you until the end being.
You know me, right?
You saw me, right?
I'll protect you until the end
Do you hear me... Do you hear me... oh?
The end of your wet eyes full of memories
I hope it dies in my embrace I try to at least protect you
Who quietly heard the falling tears being
swallowed by ripped hearts I think it's overflowing,
you were always like that to me.
My heart expands as your hurt grows Come to me,
it's because I like it when you smile
I'll make you comfortable, yeah
at least I can for you
Be mine, I love you, okay?
I worry about you, okay?
I'll take care of you until the end
Let's go together, don't walk onto the hard path, okay?
It wasn't easy, right?
I don't want to see you like that ever again.
Be mine, I love you, okay?
I worry about you, okay?
I'll take care of you until the end Will you fight?
Will you get hurt again?
In an endless ring of hurt, it's always a quiet war.
That's too much for you With a shield of worry
I stay in front of you and I revolve around you like a moon
The lights are turned off in your love
So leave it and look at me
I'll cover up your deep scars and make you laugh And make you mine.'
Nang matapos kong isulat yung tulang para sa pinaka mamahal ko ay inayos ko na ang sarile ko dahil gusto kong puntahan sila kuya ashley, may mga bagay bagay na tanong syempre at miss ko na rin kasi si infinity.
At dahil para na kaming kambal na magka dikit parati ni kuya jaydee ay hindi papayag na hindi sya kasama. Ang tanong ngayon kung saan ba makakarating yung ginawang finding finding na yan ni kuya jaydee, hindi ko kasi maiwasang hindi isipin si aiden, nag aalala ako sa kanya.
--------------------------------------
Lumipas pa ang ilang araw na hindi pa rin nagpapakita samin si aiden, pero kahit na may lungkot ay may side pa rin na sumasaya ako dahil na realize ko na mas gusto nila akong sumaya.
Mga fans ko na todo hanap parin kay aiden, sila kuya ashley na botong boto rin sakin, si kuya jaydee na nag bibigay sakin ng lakas loob na wag mag isip ng mga negatibong bagay.
Malaki pa sasalamat ko sa mga taong nag mamahal sakin ng ganito, na kahit napapaaway sila at napapagod ay kasiyahan ko parin ang inaalala nila.
Nag post ako about kung bakit ganito na lang nila ako suportahan, ang karamihan lang ng sagot nila ay masaya silang nakikita akong masaya, magandang ehemplo rin daw ako sa kanila at na iinspire sila sakin na talagang naka pagpa overwhelmed at nakaka antig sa puso ko.
"Hoy tara na!"
"Huh saan tayo pupunta? wala pa naman akong pasok ah inextend ni CEO vacation ko"
Tinatamad kasi ako gumala o lumabas man lang ng bahay ngayon, balak ko talagang mag pahinga muna ngayon para kinabukasan may energy akong hanapin pa si aiden.
"Mag bihis kana bilisan mo, may nag sabi saking fans mo na nakita nila si aiden sa may park na malapit sa bahay nila sister emy"
Agaran naman akong napatayo ng marinig kong pangalan ni aiden, bakit nga ba hindi ko naisip na pumupunta pa rin si aiden kala totoy, at hindi ko man lang namalayan na hindi narin ako nakakadalaw doon.
Nanakbo ako patungo sa kwarto ko, hindi na ako namili pa ng bonggang isusuot dahil tama na tong short at simpleng t-shirt na puti, ang mahalaga kasi ngayon ang makita si aiden dahil marami akong gustong sabihin sa kanya.
Dahil sa pagmamadali ay na nakbo ako palabas ng bahay, tinatawag ako ni kuya jaydee pero hindi ko sya pinansin dahil tanging nasa utak ko lang talaga ang mayakap man lang si aiden at makausap.
"Loko loko kaba! may kotse diba, bakit ka na nanakbo! sakay na!"
Napatingin ako sa galit na itsura ni kuya jaydee, hala hindi pala ako tumigil sa pag takbo? sa kasabikan ko atang makita ulit si aiden nawawala na sa isip ko yung ibang bagay. Napailing na lang akong natatawa sa sarile ko, mahal na mahal ko nga talaga yung taong yun.
Nang makarating kami sa sinasabing park ni kuya jaydee ay para pa akong nag dalawang isip kung bababa ba o hindi, napaka raming tao dito tapos yung iba kong fans may mga hawak na barners na samu't saring salitang tungkol samin ni aiden ang nakalagay.
Hindi ko pa talaga balak bumaba ng may makita akong isang pamilyar na tao, hawak hawak sya ng tatlong kalalakihan at may mga nakapaligid pa sa kanyang may mga hawak na nirolyong papel ata.
Sigurado akong si aiden iyon, parang takot yung itsura nya ngayon kaya dali dali narin akong bumaba. Agaran namang nag susumigaw ang iba na nakakuha ng atensyon ni aiden para mapatingin sa kinaroroonan ko, maraming sinasabi ang mga angels pero hindi ko maintindihan dahil para hindi ko maipasok sa isip ko iyon dahil panay sigaw ng puso at isip ko na lapitan si aiden at yakapin.
Dahan dahan akong humakbang at bawat hakbang na nagagawa ko ay tangi kong iniisip yung mga bagay na masasayang magkasama kami ni aiden. Dahil hindi ko na alam kung ano bang mangyayari kapag nakalapit na ako sa kanya.
Kung madadagdagan ba yung mga sayang nangyari noon o matitigil na ito at hindi na magkakaroon pa ng mga panibagong magaganap na kasayahan.
"Ano ba to huh? kulang na lang pag susuntukin ako nitong mga to"
Iritang saad ni aiden ng maka lapit ako sa pwesto nila, tinignan ko yung mga taong may hawak sa kanila bago tinganguhan, mukhang na gets naman nila kaya binitawan nila si aiden at bahagyang lumayo.
"Mag usap naman tayo aiden"
"Nag uusap na tayo"
"Yung maayos sana, pleas sumama ka sakin"
Balak ko sana hawakan sya para hilahin pero iniwas nya yung kamay nya at umiling lang sakin na napaka seryoso ng mukha.
"Para ano pa? malinaw na sakin ang lahat, ilang araw kong inisip ang lahat mermar at aaminin ko ang galing ng ginawa nyo para mag mukha akong tanga"
"Nandun na tayo pero may gusto pa ako sabihin sayo pleas lang naman"
Lalapit sana ulit ako pero mulu syang umiwas sakin, tinignan nya ako ng masama na ikinalambot ng tuhod ko. Mukhang hindi pa sya handa para makipag usap pero kapag hinayaan ko syang makaalis ng hindi ko man lang naiipaliwanag ang lahat lahat baka hindi na naman sya mag pakita pa ulit.
"Mahal kita aiden"
Saad ko naka deretsong tingin ako sa mga mata nya, sa pagkakataong to nawala ang pagkasama ng tingin nya pero hindi pa rin sya nag sasalita ulit.
"Mahal kita aiden! mapatawad mo na sana lahat ng nagawa ko, namin sayo pleas"
Saad kong muli, napayuko sya dahilan para mapatingin ako sa ibang dereksyon na mangiyak ngiyak na. Nakita ko sa mga mata ng mga tao dito na naawa at parang sinasabing kaya ko to. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang isang balikat nya, napaangat naman ang tingin nya sakin.
Ilang minuto kaming nag titigan bago sya ulit kumilos, hinawakan nya ang kamay ko at tinanggal sa pagkaka hawak mula sa balikat nya. Hindi man lang sya nag salita bago tumalikod sakin.
"Hindi mo ba ako mapapatawad? mahal mo rin ako diba, aiden hindi paba sapat yun para mag umpisa tayo ulit?"
Tumigil man sya sa pag hakbang ay hindi naman sya lumingon sakin. Dito na tuluyang bumagsak ang mga luha ko dahil pakiramdam ko sa ginagawa nya ngayon hindi nya pa ako kayang patawarin.
"Sige kahit na wag na tayong magka ayos o magkita muli pero sana mapatawad mo na ako pleas, ang sakit para sakin na hindi mo pa ako napapatawad, na ang taong mahal ko lubos parin ang galit sakin"
Pahikbi hikbi kong muling saad, ilang segundo ng matapos ako mag salita ay hindi pa rin sya umiimik, ngunit muli nyang iginalaw ang mga paa nya upang humakbang papalayo sa pwesto ko.
"Aiden pleas patawarin mo man lang ako bago ka mawala ulit, pangako huling pagkakataon ko na tong lumapit sayo dahil nasasaktan ako na ganito ka sakin! Patawarin mo na ako, hindi na ako lalapit sayo"
Pasigaw ko nang saad, ilang segundo ulit ang lumipas subalit hindi pa rin sya umiimik at nakatalikod parin sya sakin. Ilang sandali pa ay nakita ko na naman syang kumilos para humakbang at sa pagkakataong to, nawala na yung pag asang mapatawad nya ako ngayon.
Napayuko ako dahil sa mga luhang bumabagsak mula aa mga mata ko, ayokong tumingin sa mga taong nasa paligid namin dahil alam kong awa lang ang mapapakita nila sakin ngayon. Dahan dahan ako tumalikod din at humakbang paalis sa pwesto ko, tama na siguro mermar wag mo muna asamin na patawarin ka ni aiden dahil sariwa pa naman ang kasalanang ginawa mo.
Hahayaan ko na lang na sya na mismo ang lumapit sakin at wag muna ipilit ang sarile mo dahil kahit ano naman ata gawin mo lalayo at lalayo sya sayo.
Lutang ang utak kong nag lalakad hababg nakayuko dahilan para may mabangga akong tao, nakayuko parin akong humingi ng tawad sa kanya bago kumilos ulit sa pag lalakad. Ngunit bago pa man ako humakbang ng pangalaw ay may humawak sa kamay ko at hinila ako.
"S-sandali si-sino kaba?"
"Ako ito mermar"
Saad ng isang pamilyar na boses, kung kanina ay itinutulak ko sya ngayon naman ay mas lalo ko pang isinubsob ang mukha ko sa may dibdib nya at napayakap rin ako ng mahigpit. Tamang tama ang dating nya dahil kailangan ko talaga ng mapag lakabasan ng nararamdaman ko ngayon.
"Uuwi na ako gwendell"
"Sige, ihahatid na kita"
Mahinahon nyang saad, ramdam na ramdam kong naawa rin sya sakin. Ramdam ko rin na may pag mamahal pa sya sakin kahit na alam nyang hanggang kaibigan lang talaga kaya kong ibigay sa kanya.
Kung sya kaya ang minahal ko masasaktan kaya ako ng ganito? Pero hindi rin eh, hindi ko naman pinag mahalin si aiden. Nakayuko parin akong umalis sa pagkaka akap ni gwendell, hanggang sa hawakan nya ang isa sa mga kamay ko.
Ngunit bago pa man kami maka hakbang ay may humawak sa kabila pa ng kamay ko, unti unti kong inangat ang mukha ko para tignan kung sino man itong isa pang humawak sakin.
"Ano pang kailangan mo huh! diba ayaw mo nang kausapin si mermar, nag mukha na nga syang tanga kakausap sayo ni hindi mo man lang sya sinasagot! Akala mo naman napaka laki ng kasalanan nya, eh di hamak na mas marami kang kasalanan sa kanya!"
Bulyaw ni gwendell kay aiden, hinawi nya pa ang kamay ni aiden para maialis sa kamay ko.
"Alam mo epal ka! panira ka ng eksena!"
Sigaw rin ni iaden, muli nyang hinawakan ang kamay ko bago hilahin papalapit sa kanya.
"Naiintindihan ko naman na malapit na kaibigan ka o baka hanggang ngayon may gusto ka parin sa kanya pero, excuse me lang alam na alam mo kung sino ang nag ma-may ari na ng puso nya!"
Saad ni aiden, napatingin ako sa kanya. Nakita kong bumugtong hininga si aiden bago nya ituon ang tingin nya sakin.
"I'm sorry kung napaiyak pa kita ngayon, parte kasi ng acting namin na kunwari galit parin ako sayo"
"A-ano?"
"Napatawad na kita okay pati na rin sila kuya, ang totoo pinuntahan ako ni tito james para makiusap na patawarin ka na ginawa ko naman, humingi rin sila ng tawad sakin ni kuya. Tama naman sila kung magpapa tuloy ako sa ganitong pag iwas at galit sayo baka hindi na talaga tayo magkasama ulit, hindi ko naman na kakayanin na mawala ka ulit sakin MM, mahal na mahal kaya kita."
Natulala na lang ako sa mga sinabi nya, muli na namang umagos ang luha sa mga pisnge ko dahil sa kanya. Biglang nawala ang lahat ng sakit na kanina lang ay narito, napalitan ito ng sobrang saya kaya hindi ko napigilang kay aiden.
Sinaad nya ring kinumstaba nya ang mga angel fans ko at si kuya jaydee dito, alam nilang lahat na umaarte lang pala si aiden at kami lang ni gwendell ang hindi nakaka alam. Matapos namin mag usap ni aiden ay itinuon ko ang atensyon ko sa mga taong naka paligid samin, kunwari akong nag tatampo pero sila natutuwa lang at kinikilig.
Napansin kong aalis na sana si gwendell ng lapitan ko sya at hilahin papalapit sa pwesto ni aiden. Isasama ko sya sa party na inihanda nila papa, aiden at ng mag asawa ni kuya ashley, sa sobrang pag iisip ko kay aiden nakalimutan kong birthday ko nga pala ngayon. Invited rin ang mermar angels na tumulong rin sa pag hahanda sa birthday party na gaganapin. At doon ito gaganapin kung saan unang nagka lapit si aiden at si mermar bilang mag kaibigan, sa bahay nila sister emy.
Nang makarating kami sa bahay ay agad salubong ng mga bata sakin, inakap ko sila at nilambing lambing sandali. Matapos nun ay binigyan pansin ko naman sila sister, mga fans ko at ibang mga kaibigan upang pasalamatan sa pag dalo ngayon.
Tumungo naman ako sa kinaroroonan nila kuya ashley dahil na roon din sila papa, nang makalapit ako ay mahigpit kong niyakap ang ama ko dahil sa sobrang tuwa at pagka miss ko narin sa kanya.
"Namiss rin kita anak, sana nakabawi na ako sa inyo sa lahat ng ginawa ko, i'm sorry rin anak huh"
Hindi ako nakapag salita sa halip ay muli akong naluha at tumango na lang sa mga sinabi nya, wala naman akong sama ng loob sa kanya, lumaki lang naman to ng lumaki dahil akala namin na ginawa namin noon ay mas makakabuti.
Matapos kong umakap ay si kuya richie naman inakap ko at kinurot naman nya pisnge ko, hindi ko naman na akap si kuya ashley dahil feeling ko hindi sya yung tipo ng tao na masyadong madrama o pa sweet kaya kinamayan ko na lang sya at ginulo naman nya buhok ko.
Inasikaso at binati ko na muna ang mga bisita ko, nag speech rin ng konti dahil nakakahiya pahikbi hikbi ako, nakikita ko nga na tinatawanan ako ng iba kong fans lalo na ni kuya jaydee dahil tawang tawa sya sa itsura ko, mukha raw kasi akong batang inagawan ng tsokolate.
Tumungo ako sa pwesto ni aiden subalit hindi pa man ako nakakatagal sa pag tabi sa kanya ay hinawakan nya ang kamay ko, nag paalam sya kay papa bago ako hilahin papalayo sa party ko, joke dun lang kami sa likod bahay.
Bakit ngayon ko lang nakita tong maliit na bahay kubo dito sa likod, ang alam ko nung nakaraan waka ito. Nang itanong ko sa kanya ay kakatapos lang daw ito gawin, pinasadya raw para nay place kami dito kung sakaling mag lalandian kami hahaha joke ulit, para may private place lang kung tungkol daw samin ang usapan, advance din sya mag isip.
And wow ang ganda ng kwartong to, napaka aliwalas tignan dahil sa kulay nitong dilaw. Ang cute pa ng mga design sa mga dingding nitong bahay kubo, puro sya sticker ng lemon, ulo ng kabayo nyang si rei at si lei, pero ang mas nakakatuwa yung mga individual photos namin.
"Sa susunod pupunuin natin to ng pictures natin ng magkasama"
Wait lang naman kinikilig po ako, kanina lang mukha akong kawawang sisiw pero ngayon hays, si aiden kasi eh.
"Pangako hindi na ulit ako maduduwag, pangako na kahit anong problema man dumating satin pipilitin nating ayusin, pangako hindi ako mag sasawang mahalin ka"
Imbes na mag salita ako ay napatitig ako sa mga mata ni aiden na may sinseredad sa mga sinasabi, bago ko itungo ang paningin ko sa labi nya. Dahan dahan kong inangat ang kamay ko upang ilagay sa mag kabila ng pisnge nya, ramdam ko pa yung pagka gulat nya pero hindi sya nag balak tanggalin ang kamay ko sa halip ay napahawak sya sa bewang ko.
Ilang segundo kaming ganoon sa pwesto ng hindi na ako makakilos tanging mata ko na lang ngayon ang malikot sa pabalik balik na tingin sa labi nya at mga mata. Bigla kasi akong kinabahan, first time ko kasi yung binabalak ko kaya napa isip ako kung itutuloy ko ba o hindi.
Na ngangatal na ang kamay ko at napa pikit narin ako dahil sa hiya na ngayon, eto na mermar oh bakit umaatras kapa! Grab a chance baka sa susunod mas hindi mo maituloy kung aatras kapa ngayon! kaya dali na...... Waaaaaah totoo naba to, my god i can't breath sinasakal ako ni aiden!
"Ang bagal mo kasi, kinakabahan ka siguro? first time mo ba?"
Tanong nya, na tulala ako dahil sa gulat ng sya pa ang kumilos para magka dikit na ng tuluyan ang mga labi namin, kahit tatlong segundo lang yon damang dama ko parin yung labi nya, eng serep nen kehet ne seglet leng.
Nakayakap na sya ngayon sa bewang ko at sobrang magka lapit ang mukha namin, halos naririnig ko na yung sobrang bilis ng pagtibok ng mga puso namin, i'm sure pati sya ganun.
"I love you mermar, gagawin ko ang lahat mapa sakin ka lang"
Saad nya sa may tapat ng tenga ko.
"I love you too aiden gagawin ko rin ang lahat para mapa sakin ka lang din"
Bulong ko rin bago yumakap ng mahigpit sa may leeg nya. Damang dama namin ngayon sa yakap na ito kung gaano namin kamahal ang isa't isa, nag papasalamat talaga ako sa panginoon at sa mga taong naging parte ng buhay namin kung bakit masaya na kami ngayon.
"So tayo na?"
"Huh! agad? ni hindi kapa nga nanliligaw! magpaalam ka muna kay papa, ikaw rin kumausap sa mga press at fans ko about satin para hindi sila matanong"
"HAHAHA ang cute mo"
Saad nya, kinurot kurot nya pa ang ilong ko bago ginulo ang buhok.
"Gagawin natin lahat yan at kahit na matagal pa bago mo ako sagutin hindi ako mag sasawang ligawan ka para lang mapa sakin ka pero ang ibig ko kasing sabihin ay tayo na, alis na tayo dito at bumalik na sa party dahil para sayo yun"
Natatawa nyang saad tsk! feeling ka kasi agad, nakakahiya tuloy! Napatakip ako saglit ng mukha bago marahang itinulak si aiden, nang makalayo sya sakin ay agad akong tumakbo papalayo!
"HAHAHA ang cute mo talaga! Kahit saan kapa pumunta, susundan at susundan parin kita! I LOVE YOU MERMAR!"
THE END.......
-Greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top