BE MINE 23
[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming mga manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...
Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]
• Gwendell's on multimedia 👆
Mermar's POV:
Kakatapos lang namin kausapin si CEO at naintindihan nya yung nagawa ko, napanood nya kasi yung video kagabi na lahat ng panget na pinag sasabi sakin ni kristine ay nai-record doon, galing daw yung video nayun sa isa kong tagahanga na talagang sumadya dito kay CEO.
Ayos narin ginawa ng taong yun dahil hindi nya ipinost sa social media dahil baka mas lumaki pa, wag na lang muna daw ako mag bubukas ng kahit anong social media acc ko para hindi ako makabasa ng panget na salita mula sa mga taong mapanghusga agad.
Ayoko rin naman na madagdagan pa yung pag aasikaso ni CEO sa nangyari, matatapos din naman daw yung issue nayun kaya imbes na bigyan nya ako ng mga pani-bagong projects ay binigyan na nya muna ako ng 2weeks vacation.
Pag labas ko sa office ni CEO ay sinalubong ako ng iba kong katrabaho dito, kina-musta nila ako at pinagaan gaan yung loob ko, salamat naman at meron na akong masasabing kaibigan dito sa kumpanya.
"Salamat sa inyo at hindi nabago ang tingin nyo sakin"
"Syempre naman, alam naman namin ang totoo sana mapabilis nga pag alis nyang si kristine ng wala nang panggulo dito"
Saad ni niela, tumango tango na lang ako sa kanya. Nagpa alam na ako sa kanila dahil may pictorial pa sila at para hanapin si kuya jaydee dahil nawala sya sa tabi ko bigla. Nag lalkad ako sa hall way ng maka salubong ko si aiden, ewan pero parang ayoko muna syang batiin man lang kapag kasi na aalala ko yung nangyari kagabi na iinis ako ng sobra.
Itinaas nya ang kamay nya at iniwagayway, mahal ko tong taong to pero yung sakit kasi na, sa harap ko pa talaga nya ginawa nakaka panlanbot at inis lang. Naka ngite syang papalapit sana sakin ng lumihis ako ng daraanan at hindi man lang sya pinansin.
Maramdaman mo sana ngayon kung ano pakiramdam na parang ni reject ka ng kaibigan mo, kung mahalaga nga ako sa kanya as a friend gagawa sya ng paraan para kausapin ako at humingi sya ng tawad.
Tinawag nya pa ang pangalan ko pero hindi ako lumingon, OA ba ako nito? sa naiinis ako sa ginawa ni aiden dun pa sya lumapit at nag alala sa ex nyang sinungaling at maldita! kaysa saking kaibigan nyang alam nyang nasa tama at mas malala yung sugat na natamo dahil sa kabwisitan ko nga kay kristine, kaya imbes na sya nasaktan ko yung sarile ko pa, sana mabigyan pa ako ng chance na makita yung kristine nayun dito para mabigyan ko sya ng sampal pabalik.
"Oh my gosh ang aga naman nating naka salubong ng malanding bakla"
Kapag sinuswerte ka nga naman, ang kapal ng mukha ng babaeng to, gusto kong itanong kung saan ba nanggagaling yung kakapalan ng mukha nya at kagaspangan ng ugali nya. Ngumite lang ako sa kanya bago inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya.
"Malandi pala ako? eh ano kapa? a slut! a gold digger! manggagamit! kabitin ng mga gurang na negosyante! oops sorry not sorry dear nag sasabi lang ako ng totoo"
Saad ko, kunwari ko pang inaayos yung buhok nya na todo ang pag ngite sa kanya. Hinawi naman nya agad yung kamay ko at akamang sasampalin na naman ako, dahil sa ayoko nang may lumapad na kamay sa pisnge ko ay mabilis ko iyong napigilan.
Hinawakan ko yun ng mahigpit bago itinulak si kristine ng malakas na ikinaupo nya, lalapit sana sakin yung gay nyang manager para siguro saktan ako ng tignan ko sya ng masama.
"Subukan mong idikit yang kamay mo sa kahit anong parte ng katawan ko ay lalabas ka rito ng kulang kulang ang ngipen mo! tandaan mo hindi ako yung basta bakla lang, kayang kaya kong basagin yang mukha mo!"
Feeling mga strong kasi, tapos ngayon matatakot sila at parang nag papaawa. Itinayo nung manager nya si kristine, nagpagpag pagpag ito ng damit bago muling humarap sakin. Aamba pa sana si kristine ng may humawak sa kamay nya, sino pa nga ba kundi si aiden.
"See sinabi ko na sayo aiden magaspang din ang ugali nyang baklang yan!"
Saad ni kristine, walang emosyon akong tumingin kay aiden na kung makatingin sakin ngayon para bang dismayado syang nakita ang ganitong ugali ko. Kakampihan nya parin ba yang bruha nyang ex.
"Sobra naman yung mga sinabi mo mermar, tandaan mo babae parin tong si kristine at lalake kapa rin kaya dapat hindi mo sya pinapatulan, iwasan mo na lang"
Saad sakin ni aiden, naiyukom ko ang kamay ko dahil mas kinampihan na naman nya yung ex nya.
"Ano ibig mong sabihin wala na akong karapatan na ipag tanggol ang sarile ko ganun! aba aiden sobrang pang babastos na pinag sasabi nyan sakin! hindi porket bakla ako ganun ganun na lang ang sasabihin nya! kung mas nauunawaan at kinakampihan mo yang babaeng yan, kalimutan mo na yung mermar na nakilala mo!"
Hindi ko na hinintay pang makapag salita pa si aiden o kahit yang sila kristine, binangga ko silang dalawa at nilisan ng may galit ang pwesto nila. Mahal nya pa talaga yung kristine nayun, maling maling na ginagawa yun parin ang kinakampihan ako pang pinag sasabihan!
--------------------------------
Aiden's POV:
"Sinabi ko na sayo diba! lubayan mo nasi mermar, tigilan mo na yang pagka inggitera mo dahil walang magandang maidudulot sayo yan!"
Bulyaw ko kay kristine, nakakainis tong babaeng to nag sisisi tuloy ako na naging ex girlfriend ko to! Nung una nagkasira kami ni kuya tapos ngayon sya rin dahilan kung bakit nagalit sakin ang kaibigan kong si mermar. Panibagong kasalanan na naman to kay mermar baka iniisip nya talaga na mas kinakampihan ko itong si kristine.
"Isa pang lapit mo at pag salitaan pa sya ng panget, ako na ang makaka tapat mo!"
"My god aiden tuluyan nang nalason ng baklang yun ang utak mo!"
"Shut up! mas gusto ko pang sya yung nakakasama ko at nakakausap kaysa naman sayo, tangna sisingsisi ako na pumatol ako sa katulad mo, masarap ka nga sa kama patapon naman yang pagkatao mo!"
Matapos ko sabihin yun ay agad akong lumabas para hanapin si mermar, patakbo akong lumabas para maabutan ko sya, ayoko naman na tuluyan na nya akong iwasan, para kasing nasaktan ako kanina nung hindi nya man lang ako pinansin.
Pasakay na sana sya ng kotse ni jaydee ng hawakan ko yung braso nya, nagulat naman ako ng makita ko yung itsura nya, umiiyak sya tsk! feeling ko tuloy mali yung ginawa ko sa harap nya at sa harap ni kristine, alam ko na nga na inis na inis to kay kristine tapos ganun pa ginawa ko hays, ayoko kasing isipin ng ibang taing makakakita sa kanya na katulad lang ng ugali ni kristine ang ugali ni mermar.
Bumaba si jaydee sa sasakyan at lumapit samin, binubungangaan nya ako na ako raw ang may kasalanan kung bakit umiiyak ngayon si mermar, imbis na sagutin si jaydee ay inakap ko si mermar.
Parang nasasaktan akong makita ko syang umiiyak, paulit ulit akong humingi ng tawad dahil alam ko na ngayon na ako talaga ang dahilan kung bakit sya umiiyak ngayon.
"Pleas jaydee kailangan ko maka-usap si mermar"
Paki usap ko kay jaydee, alam ko naman na may panget kaming nakaraan nitong si jaydee dahil kay MM, pero malayo naman yun sa issue ngayon, alam ko naman na mahalaga rin sa kanya si mermar dahil noon pa man magkasama na sila bilang magka trabaho at magkaibigan narin.
"Sige basta ingatan mo yan ah"
Yun nayun? akala ko tatanggi sya eh, pero sabagay iba yung pinsan nya at si mermar kaya siguro pumayag syang makausap ko ng maayos si mermar. Sumakay nasi jaydee sa kotse nya at pinaharurot ang takbo nito palayo samin.
Hindi naman umiimik si mermar at nakayuko parin sya matapos ko syang yakapin, hinayaan ko na lang muna at hinawakan ko ang kamay. Dinala ko sya kung saan naka park yung motor ko, dadalhin ko muna si mermar sa lugar kung saan ako madalas magpaalis ng sama ng loob o stress.
Alam ko magugustuhan naman nya dun, kailangan nya rin muna kasi umiwas sa mga problema baka mauwi pa yun sa stress, ang hirap pa naman umalis sa sakit nayun, naranasan ko yun isang beses at walang nakaalam kung hindi ako lang dahil ayokong mag alala sakin si kuya.
Yung problema at pagsisising lumamon sakin noon ay panandaliang tumambay sa buhay ko, pero sa sarile kong sikap ay nalabanan ko naman dahil sa taong hindi ko sinusukuan na makitang muli, sya ang dahilan kung bakit malaki ang pinagbago ko. Ang taong minamahal ko ngayon, ang taong hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin.
Isang beses akong lumapit kay kuya para hanapin si MM peri nabigo ako dahil hindi nya sinabi kung na saan sya o hindi nya lang din alam. Hindi naman ako makapag tanong kay jaydee dahil, may sama ng loob sakin yun dahil sa ginawa ko sa pinsan nya. Kaya minabuti kong sarilinin na lang ang pag hahanap kay MM, hindi parin ako sumusuko dahil alam kong magkikita kaming muli.
Hindi ko akalain na sa ilang buwan naming pagsasama ay mahuhulog ang loob ko sa kanya, litong lito kasi noon kaya hindi ko nagawa yung tama, gumawa na nga ako ng kasalanan, hindi ko pa hinayaang piliin ang magpapasaya pala sakin dapat.
Inilagay ko yung helmet ko sa kanya dahil iisa lang naman lagi dala ko, ako ang driver kaya dapat yung pasahero ko is safe. Nakatingin lang sya sakin ng seryoso habang inaayos oo yung helmet, ang pula ng mata nya sasaglit umiyak pula pula agad.
Una ako sumakay bago tignan si mermar, hindi ako nag salita sa halip ay yung tanging pag tingin ko lang sa kanya ang nag sasabing sumakay sya, sa una ayaw nya nailing pa nga sya pero dahil sa mapilit ako no choice sya, dahil sa ayaw at sa gusto nya sasama sya sakin.
"Mas maige kung dito ka yayakap para mas safe"
Saad ko dahil hindi na naman sya nag kusang kumilos ay kinuha ko ang magkabila ng kamay nya at ipinulupot sa bewang ko, tinakot ko sya na kapag inalis nya yung pagkakahawak nya sakin malalaglag sya.
Bukod sa nakita ko kaninang galit nya at kagabi mahirap rin pala amuhin tong si mermar, ni hindi nag sasalita tanging ginagawa lang ang tignan ako ng seryoso, sabagay sa loob naman ng dalawang taon parang napaka mysterious parin ng dating nya sakin, i dunno pero alam kong ayaw nya ipakilala maige ang sarile nya, nahuhuli ko kasi to minsan kapag nag tatanong ako nag iiba iba yung sagit nya, hinahayaan ko na lang tutal kilala ko naman sya bilang idang mabuting kaibigan.
Pinaharurot ko yung motor ko na agad nakapagpa higpit ng kapit nya sa bewang ko, naririnig ko pa ng bahagya na para bang nag dadasal sya, minsan cute tong taong to eh!
.................................
Dahil sa naka motor kami ay iwas traffic at mabilis kaming nakarating, nung una ay para bang natulala pa si mermar nung makita nya kung na saan kami.Palihim akong napunta dito sa farm ni kuya, ewan kung alam ba ni kuyang hapunta ako o hindi dito, pero gustong gusto kong narito lalo na kapag nga may problema ako dahil sa lugar nato naaalala ko yung taong mahal ko.
"Farm namin to, dito na muna tayo para ma relax naman yang utak ko, makapagpa hinga ba sa mga bagay bagay"
"Bakit dito mo ako dinala?"
Sa wakas nag salita rin, akala ko pipilitin ko pa rin syang pag salitain eh.
"Dito ako madalas mag punta diba nasabi ko na sayo noon, pero ang totoong dahilan ko kasi kaya gusto ko dito ay dahil meron mga alalang masasaya at malulungkot narin ang nakakapagpa wala ng problema ko"
"So may problema ka ba? tingin mo rin ba mawawala yung iniisip ko at nararamdaman ngayon kapag na natili ako dito?"
Tanong nya, hindi ako agad naka sagot dahil napaka seryoso nya ngayon, ni hindi ko pa nakikita ulit ngumite to simula kagabi nang umalis sya sa party, parati pa namang nakangite to kapag naka harap sakin, nasanay na ako na ganun sya.
"Look mermar i'm sorry okay, hindi ko naman intensyon na mag mukhang kinakampihan ko si kristine, ganito yun ayoko lang kasi na may masabing masasama ang ibang tao tungkol sayo, kaibigan kita mermar at kilala narin kahit papano kaya iniisip ko lang na baka mas pag ipinagpa tuloy mo lang ang pansinin si kristine ay baka maging tingin nila sayo ay hindi na lalayo ang ugali mo kay kristine"
Paliwanag ko, syempre kaibigan ko narin yan kaya gagawa ako ng ikabubuti nya, kaso yun nga lang na misunderstanding nya yung ipinakita ko sa kanya kagabi at kanina.
"Okay"
"Yun lang?"
"Ano pang gusto mong sabihin ko?"
"Sya sige sige, so okay na ba ulit tayo? friends?"
Inilahad ko yung kamay ko at tinanggap naman nya agad.Mabuti naman at hindi na nag tagal yung tampupu nya sakin, nalinaw ko na kasi yung intensyon ko at alam kong naintindihan nya yun kaya okay na ulit kami.
Inaya ko na muna sya sa loob para maipag handa ng makakain at maiinom, mukha kasing hindi sya kumain kanina dahil nung dumidikit ang tiyan nya sakin ay naririnig ko itong nag rereklamo.
"MM juskong bata ka ang tagal mong nawala, salamat naman at bumalik ka rito...... Ang laki ng pinagbago mo"
Napatanga na lang ako ng yakapin ni manang si mermar at ang ikinagulat ko yung tinawag syang MM. Inayos ko ang sarile ko bago humarap sa kanila, para kasing nakakahiya kay mermar.
"Manang hindi po si MM yan, sya po si mermar kaibigan ko"
"Pero sigurado akong si MM to, mukhang mukha nya oh kasing katawan pa nya pati amuyin mo ganitong ganito amoy ni MM"
"Pero hindi nga po sya si MM, mermar ho pangalan nya. Ah pahanda naman po kami ng makakain"
Tumango na lang di manang na parang nagtataka ang mukha, muli nyang tinignan si mermar mula ulo hanggang sa mapunta sa mukha, sinuri nya na muna maige mukha ni mermar bago umalis.
Matapos mag handa ni manang ay agad din kaming nag handa para kumain, hindi ako pwedeng magkamali ang mga nakahanda ngayon sa lamesa ay paborito ni MM tsk! miss na miss ko na ang taong yun, sana naman mag kita na kami ulit.
"Wow ang sarap nito, paborito ko tong chopsuey"
Tuwang saad ni mermar, enjoy na enjoy sya sa pagkain kaya hindi nya ako napapansin na nakatingin sa kanya. Pareho sila ni MM, ayun din ang pinaka paboritong nyang kainin noong narito pa sya.
"Eto lemon juice, fresh na fresh yan alam kong magugustuhan mo yan jiho" "Nako thank you po paborito ko rin po itong lemon juice"
Tuwang saad nya ulit, pagkakataon nga naman bakit parehas sila ni MM ng mga paborito, lalo ko lang na aalala si MM, lalo ko lang sya na mi-miss. Hindi na ako nakakain ng ayos dahil feeling ko busog na ako, nakakatuwa kasi tignan si mermar ang sigla nyang kumain tapos ang cute cute nya tignan dahil todo syang maka ngite sa harap namin ni manang.
"Rie bumaba ka dyan! wag mo syang kakagatin o kakalmutin man lang ah kundi itatapon kita sa bangin!"
Pananakot ko sa pusa ko na akala mo naman naiintindihan nya ibang sinabi ko, dito na kasi nakatira si rei simula noong umalis kami dito nila MM, ewan dyan sa pusang yan ayaw umalis dito tapos madalas daw nakatambay to sa labas ng kwarto dati ni MM.
Hindi naman kasi lapitin si rei sa tao, kung baga mapili sya sa taong lalapitan nya o sasamahan peronsa nakikita ko ngayon nag lulumandi ang pusa ko sa mga binti ni mermar, ibig sabihin gusto nya si mermar. Bakit parang ang daming bagay na nakikita ko ngayon kay mermar na nakita ko noon kay MM.
Nilaro laro lang ni mermar si rei at ang pusa ko naman ay masigla rin, para bang matagal nang kilala ni rei si mermar, sa kinikilos ng pusa ko ganyan sya sakin kapag matagal kaming hindi nagkita.
"Ang cute ng pusang to, rei pangalan nya diba?"
Tanong nya sakin na tinanguan ko lang.
"Rei mamaya samahan nyo ako ni aiden maglibot dito ah"
"Meow"
Totoo ba to sumagot nayung pusa ko tumango tango pa sya, naiintindihan nya ba sinasabi ni mermar? oh my god diko akalain na napaka talino na ng pusa ko hahaha. Dahil sa nakapag paalam na naman din ako kay sir wilbert ay lulubusin ko na ang mini vacation ko with my friend mermar, sinabi ko na lang kay mermar na dabihin kay jaydee o sa pamilya nya na narito sya para hindi sila mag alala sa kanya.
Sasakyan namin mamaya si lei, i'm sure matutuwa rin si mermar kapag nakita nya yung kabayo kong kulay itim rin. Ang tagal ko naring hindi nabibisita ang kabayo kong yun, may masayang ala-ala rin nga pala kami ni MM sa kanya.
Kapag talaga nandito ako parati na lang si MM pumapasok sa utak ko, bakit kasi ang tanga tanga ko noon! Kung mas na tanggap ko lang sana noon ng mas maaga yung nararamdaman ko para kay MM edi baka ngayon may pag asa akong sumaya sa kanya.
Pleas MM bumalik ka na naman, ipina-pangako ko na kapag nagkita tayong muli, sisiguraduhin kong hindi na ako mag dadalawang isip na aminin tong nararamdaman ko para sayo, gagawin ko ang lahat para mahalin mo lang ako pabalik, at sana walang taong hahadlang satin.
Itutuloy..........
-Greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top