BE MINE 21
[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...
ANNOUNCEMENT! toroy may pa ganito pa akong nalalaman hahaha, eto na nga guys dahil sa namumuong bagyo sa utak ko, este dahil sa bagong namumuong storya sa utak ko ay tatapusin ko na po itong be mine, siguro maraming mabibitin dito pero bibigyan ko naman kayo ng magandang ending, yung tipong sabay mamamatay yung mga bida hahaha joke.
Typing typing na naman ako lagi kaya madali na itong matapos, siguro mga 5 chapters to go nalang po sya dahil nag hihingalo yung utak ko sa daming plot stories na pumapasok sa maliit kong utak! gagawin ko narin naman yung panibagong storya pero hindi ko na muna sya ipu-publish, pararamihin ko muna yung sipag at drafts ko para hindi matagal mag update si otor. Para hindi ako binubungangaan ng iba kong readers na mag update agad hahaha joke ulit!
Etong chapter nato ay maiksi lang at apat na character ng may POV, ang sipag ko kasi diba hahaha, tiis tiis muna gutom po kasi ako, basta nandyan pa rin kayo push lang tayo ng push kahit tuyo't na utak ni otor hihi, yun lamang po :)
Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]
∞ Jaydee on multimedia ∞
Jaydee's POV:
Pahinga namin ni mermar dahil sa pag babalik namin sa kumpanya ay alam kong susunod sunurin na naman ni CEO yung project na ibibigay nya para kay mermar, hello mas nakakapagod kaya maging assistant slash manager.
Eto si CEO sobrang bait naman talaga samin kaso hindi man lang maawa samin, pag papahingahin kami 1week to 2weeks lang! palibhasa kasi walang jowa yang si CEO kaya todo tuon sa trabaho.
Oo na! ako rin naman eh walang jowa, bakit kayo meron ba? diba wala rin, kaya damay damay tayo dito hahaha! Kung di lang ako masaya at kumikita ng malaki sa kumpanya ni CEO, pinilit ko na si mermar na layasan sya hehe.
Kung si mermar nag be-beauty rest ngayon sa bahay ako naman dadalaw sa bestfriend ko at sa inaanak kong si infinity, na miss ko sila pwera kay ashley na laging nag susungit sakin kapag nakikipag video call ako sa asawa nya.
"I'm back HAHAHA!"
Saad kong pasigaw bago tumatawa na parang walang bukas mula sa loob ng pamamahay nila ashley, oo sa bahay nila, walang hiya naman kasi ako at feel na feel ko lagi na kapag narito ako sa kanila parang bahay ko na.
Pati ewan kung bakit trip na trip kong tumawa ng malakas, yung kahit ang babaw na dahilan o kahit walang dahilan basta kung gusto kong tumawa walang nakaka pigil sakin.
"Lupa mo? bahay mo? lugar mo?"
Salubong ng hamster sakin, ngumite lang ako sa kanya at dumeretso sa sofa nila dito sa living room, walang pag babago ang bahay, red and white parin ang theme.
"Jayjayyyyyy!"
Sigaw ni richie, nakita kong hawak nya si baby infinity at dapat lalapit sakin ng hawakan agad ni ashley yung laylayang suot ni richie. Tsk! seloso talaga ng ashley nato.
"Yaya pahanda naman po kami ng juice dito at makakain narin salamat"
Utos ko sa katulong nila, napatinhin naman yung katulong kay ashley kung kailangan bang sundin yung utos ko o hindi. At dahil nariyan lang si richie sa tabi ay syempre mapipilitang pumayag si ashley, takot nya lang sa asawa nya.
Tumayo ako at lumapit sa kanila, na miss ko kaya tong si baby infinity ka cute eh, kuhang kuha nya tangos ng ilong ni richie at matataba nitong pisnge tas yung mata, labi at hugis ng mukha naman kay ashley.
"Infinity na miss mo ba si ninong?"
"Opo"
"Mabuti naman, sya nga pala may pasalubong si ninong sayo, meron din ipinadala si tito mermar mo"
"Talaga po? thank you po sa inyo"
Ang cute cute talaga, kasarap kagatin ng pisnge eh! Dalawang taon palang tong batang to pero yung salita nya natutuwid na nya kahit papano, magaling kasi mag turo yung papa richie nya.
"Anak play muna kayo ni yayay grace mag uusap lang kami ni ninong mo ah"
Tumango naman si infinity, inabot ko muna yung mga pasalubong dun sa grace bago sila tuluyang tumungo kung saan man.
"Kamusta naman kayo doon? si mermar ba?"
Bago ako sumagot ay hinintay ko muna talaga mailapag nung kasambahay nila yung pagkain at inumin, nagugutom kasi ako kaya kakain na muna ako.
At ayun asusual masama tingin sakin ni ashley na para bang sinasabi nta na patay gutom ako hahaha bakit ba sa nagugutom eh! Lagi lang talaga ganyan sakin si ashley pero ang totoo nyan sya yung pangalawang importanteng kaibigan ko, hindi man nag papakita o gumagawa ng mabuti yang si ashley sakin ay, alam na slam ko namang mapag kakatiwalaan at mabuting tae, este tao yan.
"Ayun maayos naman, mahal pa rin di aiden... Isa pa nga pala sa ipinunta ko rito para sabihin na ilihim nyo parin kay aiden nasi mermar ay si MM rin"
"Bakit pa eh alam naman natin nasi aiden ay may gusto narin kay mermar"
Saad ni richie.
"Gusto kasi ni mermar na sya yung gumawa ng paraan para iparamdam at ipakilala nya ng unti unti di MM sa katauhan ni mermar"
"Hindi ko gets?"
Napataas kilay na lang ako kay richie, mindan talaga lumilipad utak nitong bestfriend ko eh. Tumingin ako kay ashley at itinaas taas ang dalawang kilay, busy kasi ako sa pag nguya kaya si ashley na bahala mag paliwanag.
------------------------------
Ashley's POV:
"Takot pa rin bang umamin si mermar? sabagay ayos narin yung plano nya, hindi naman manhid kapatid ko para hindi nya agad malaman yun."
Alam ko naman ang lahat, gustong gusto ko man na paglapitin yung dalawa noon pa man ay hindi ko magawa dahil narin sa pangako ko kay tito james. Ang totoo maayos nga yung nanyayari noon pa lang kasi, nasisiyahan akong makita ngayon sng pagbabago ng kapatid ko.
Umalis man sya sa puder ko ay alam ko parin naman lahat ng tungkol sa kanya, at ang labis kong ikinatutuwa ay yung aiden na matulungin, yung marunong nang makinig sa sinasabi ng iba, yung hindi na bastos bunganga.
Malaki talaga pasasalamat ko kay mermar dahil sa nakikita ko siya ang nagpa bago sa kapatid ko. Simula kasi nung nawala si MM kuno sa tabi ng kapatid ko naging ganun na sya, yung bang tingin ko nang dahil sa mga kasalanan ni aiden kay mermar noon ay gusto nya makabawi man lang sa kanya pero hindi mismo kay mermar kundi sa mga taong pwede nyang tulungan o ano pa man.
Baka kasi mas najakagaan ng pakiramdam iyon para kay aiden, nakakatuwa pa dahil marunong nang mag sikap ang kapatid ko, hindi na sya yung dating umaasa lang sakin at sa atm card na meron sya.
Hindi narin sya yung babaero at laging nag wa-walwal, kuntento na ako ngayon sa pag babago ni aiden, kaya hinahayaan ko na lang sya sa mga gusto nya ngayon. Basta lagi lang naman nya akong nasa tabi may problema man o wala.
Gusto nyo malaman kung papaano kong nasabing may gusto narin ang kapatid ko kay mermar, dahil iyon sa dating nag tanong si aiden sakin kung na saan si mermar. Isang beses kasi nag tanong si aiden sakin kung may alam ba daw ako kung na saan si mermar, yun dahil nga ayaw ni tito james pasabi hindi ko sinabi kay aiden ang totoo.
Yun narin ang huling tanong sakin ni aiden, hanggang sa mag desisyon syang umalis sa puder ko, syempre pumayag ako nung una dahil pinag lalaban nya pa rin yung kristine nayun, pero ang totoo ayoko naman talagang umalis sa puder ko kapatid ko, sya na lang pamilyang meron ako kaya gusto ko parati syang maayos.
Nag taka ako nung una bakit na hinahanap si mermar kaya palihim kong pina susundan si aiden sa tauhan ko at doon ko na kumpirmang, hanggang ngayon hinahanap nya parin si mermar o MM man ang pangalan.
Naaawa ako sa kapatid ko pero gusto ko narin naman ang pagbabago nya, nag sisiskap na sya at natuto na sa mga bagay bagay, gusto ko na nga sya ulit pabalikin sa puder ko alam kong tatanggi lang sya, hayaan na ang mahalaga nagising na sya sa katotohanan at nawalay na sya kay kristine.
Mabalik tayo sa topic ko yun nga nga kaya ko na kumpirma dahil sa mga actions ng kapatid ko, imposible naman kasi na hanapin nya lang si mermar para mag sorry diba, halos dalawang taon yan nag hahanap. Nag hahanap na parang engot, dahil lahat ng information about tito james, jaydee at mermar na pwede nyang kunan ng imformation ay itinago namin ni tito james.
Wala parin ako balak sabihin kay aiden dahil gusto ko yung plano nila mermar ngayon, i'm sure na magngingitngit sa galit si aiden kapag nalaman nya pero sure na sure na talag ako na kung mahal nya nga si mermar ay madali nya rin ito mapapatawad pati kami.
Inexplain ko sa asawa kong daig pang pagong sa pagka slow ang gustong mangyari nila mermar, nang matapos ko sa kanya ipliwanag ay todo maka ngite, napansin ko nga nag iimagine sya kasi bigla bigla na lang matatawa ng mahina at alam ko na kinikilig yan.
Sya kasi ang pinaka nag si-ship kay mermar at aiden. Okay naman kasi talaga sakin kung si mermar ba magiging future husband ni aiden, kami nga ni richie masaya at may anak na diba, kaya wish ko talaga sila na eh.
"Sya nga pala invented kayo ni mermar sa birthday ni infinity"
Saaad ko kay jaydee na lamon pa rin ng lamon, ilang bulate kaya nasa tiyan nito at parang hindi na bubusog sa kinakain, halos sya na umubos nung hinanda ni manang, kupal ng mukha feel at home talaga dito.
"Sure, madali na naman maka isip ng palusot kung sakaling pupunta rin si aiden sa party."
Kung di lang magagalit sakin si richie nasipa ko na tong dinosaur nato, ang takaw na ang ang kalat pang kumain, daig na daig pa ng anak naming si infinity eh.
"Sige tutal tapos kana kumain, lumayas kana rito! gagawa pa kami ng baby ni richie"
Napatigil sa pag nguya si jaydee, napatingin sya sa asawa kong na mumula ang mukha ngayon, ano to teenager nahihiya pa ganun.
"HAHAHAHAHA!"
"Ano nakkatawa?"
Pag susungit ko, sa halip na sagutin ako ni jaydee ay mas lalo syang natawa, pailing ilng syang tumayo bago nag paalam na aalis na, mabuti naman dahil balak ko talagang gumawa ng pangalawang anak hahaha.
---------------------------------
Richie's POV:
"Abno ka talaga eh nuh! hindi ka man lang nahiya kay jaydee!"
Pag bubunganga ko kay ashley ng maka alis si jaydee, kaasar bibig nato ayos lang naman sabihin nya sakin at gawin namin yun kaso hindi naman yung lantaran pa sa tao at sa bestfriend ko pa, eh alam na alam nun na ayaw ko ng ganung topic noon.
"Ano naman mag asawa naman tayo"
"Kahit pa, halika na nga."
"Saan?"
"Diba gagawa nga tayo baby"
Natawa naman ako sa reksyon nya, namilog yung maliliit nyang mata hahaha gwapo talaga ng asawa ko, minsan nga lang pilyo at suplado. Agad syang tumayo bago ako yakapin mula sa likuran.
"Joke lang, diba nga yung time natin ngayon dapat kay infinity muna, tsaka na tayo gumawa ng baby kapag may free time ka ulit, kahit mag wantusawa kapa ahaha"
Ayaw ng ganitong usapan pero ang totoo isa rin akong pilyo, pero sa asawa ko lang naman pati sa kanya lang naman ako natuto hahaha.
"Sige na nga promise yan huh?"
Tumango na lang ako, inalis nya ang pag akap nya sakin at hinalikan na lang ako sa pisnge, my god kinikilig pa rin ako sa mga ginagawa at ipinakikita ng lalaking to sakin eh.
Tumungo nalang kami sa kwarto kung na saan si infinity, family bonding namin ito kaya sulitin na, madalas pa namang busy si ashley ngayon, tas ku lang din kasi wala si aiden, mas masaya sana kung narito sya. Sana maging maayos na ang lahat sa kanila ni mermar.
------------------------------------
Gwendell's POV:
"Akala ko hindi kana mag papakita eh"
Reklamo ni mermar habang naka ngite, hindi ko muna sya sinagot dahil inakap ko sya, na miss ko tong taong to, mas lalo syang naging cute.
"Oo na miss rin kita dell, kung maka akap to akala mo sampung taon tayong hindi nagkasama, umupo kana nga at kumain na tayo"
Umupo na lang ako, inimbitahan nya kasi ako sa bahay nila, na luto daw kasi sya para sakin bilang pasasalamat sa lahat ng ginawa ko para sa mga hiling nya. Kahit naman na friendzone ako gagawin ko talaga yung mga pinagagawa nyang tulong sa mga bata.
Opo tanggap ko nang hanggang kaibigan lang ako, may magagawa paba ako eh mahal ni mermar si aiden, noon masakit talaga pero ngayon mas maayos na pakiramdam ko, syempre basta masaya yung taong malalapit sakin, masaya narin ako.
Habang pinag hahanda nya ako ng pagkain ay panay ang kwento nya, tungkol sa trabaho nya doon, pinag mamasdan ko na lang sya ng may ngite sa labi dahil sa nakikita kong masaya ngayon si mermar. Hindi ko alam pero nakakagaan talaga sa loob na makita yung mga ngite nya, yung bang mahahawa kana lang kapag ngumite sya.
Sana naman kung malalaman na ni aiden na iisa si mermar at MM maging maayos na silang dalawa, alam ko naman na gusto na talaga nila ang isa't isa, syempre hindi man ako yung taong inuutusan ni sir ashley eh alam ko pa rin naman nangyayari sa buhay ni aiden lalo na nitong kaibigan kong si mermar.
Kung sila nga talaga sa isa't isa su-soportahan ko sila ng buong puso pero kung hindi handa pa rin naman ako mag hintay para kay mermar, ganyan naman mga nag mamahal umaasa na, nagtitiis, mag hihintay at mag sasakripisyo para lang makitang masaya ang minamahal mo, kontra ka totoo naman kasi hahaha.
"Kamusta ka naman? wala ka man lang bang ipakikilalang girlfriend sakin?"
Saad nya ng makaupo sya sa may harapan ko.
"Busy ako sa trabaho, pati hinihintay kong magkaroon ka muna ng boyfriend bago ako mag girlfriend"
"Huh bakit?"
"Para makipag double date, masaya yun"
Lol anong klaseng dahilan ba naisip ko hahaha, ang totoo kasi gusto ko na muna talaga sya makita ng masaya kasama ang taong gusto nya bago ako tuluyang bumitiw sa nararamdaman ko, madaling tumanggap ng pagkatalo at katotohanan pero mahirap mag move on sa taong mahal mo.
"Baliw, kumain kana nga lang dyan... Tas movie marathon tayo dito"
Day off ko naman kaya ayos lang pati ako paba tatanggi si mermar n nag aya oh, kilig ako konti promise pinipigilan ko lang talaga para hindi mailang si mermar.
"Pauwi nasi kuya jaydee, mas masaya panonood natin nito HAHAHAHA!"
Yung tawa nya para bang may masama syang binabalak, hahaha bahala na basta ang importante naman ngayon na masaya sya pati na rin ang mga taong nasa paligid ko.
Itutuloy.........
-Greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top