BE MINE 18

[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming mga manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...

uy uy nabuhay ulit si otor, ang hirap talaga ng busy at walang cp pisti hahaha. By the way kapit pa tayo mga beb.

Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]

• Mermar on multimedia 👆





Mermar's POV:

Tatlong buwan na kami dito sa america, sa bahay nila tito. Ayos naman masaya at sanay na sanay na ulit katawan ko dito, dati naman nakapag bakasyon na kami dito nila mama bago sya mawala samin.

Masaya rin ako sa trabaho ko ngayon, at ang mga katrabaho ko ay kasundo ko lahat, masaya sila kasama. Ako nga yung bini-baby nila masyado kapag may pictorial kami.

Pero may pinaka close ako si mami katie at si dylan na isa sa mga pinaka hot na modelong nakasama ko, palagi nya akong iaasar at may pagka naughty man ay masasabi kong mabuti syang tao.

"Hoy kuya meron ba akong schedule ngayon? gusto ko kasi puntahan yung iniidolo si kuya puti"

Saad ko kay kuya, ilang years ko nang hindi nakikita yung si kuya puti na nag turo sakin at nag open sakin tungkol sa pag pipinta. May ginawa kasi akong painting at ire-regalo ko sa kanya yun, gusto ko kasi talaga sya makita ulit hehehe.

"Wala ngayon, pero may meeting ka with mrs joana wright"

"Huh bakit? diba sya yung nakasama kong mag mc sa nag daang event? yung host ng morning show na fast talk?"

"Yes sya nga, sabi ni sir wilbert may pag uusapan daw tayong importante with mrs wright, kaya mag ayos kana dahil bago mag 1pm dapat naroon na tayo"

Ano ba yan galang galang ako ngayon! ilang linggo na kasi ako walang pahinga eh.

Dahil sa ayoko naman ipahiya si CEO sa host na yun ay nag ayos na lang ako, pumili narin syempre ako ng damit na presintable, sikat pa naman yung taong yun.

After akong mag bihis ay dumeretso na ako pababa para magpa alam kay tita, sya kasi ang taong bahay lagi. Si papa kasi nasa trabaho ngayon, empliyado sya ni tito. 30 mins lang ang biyahe ng marating namin ang isang mamahalin na restaurant, kung na saan daw si mrs wright.

"It's nice to see you again boys"

Bumeso naman sya samin ni kuya jaydee.

"By the way this director Ian my boss"

Nakipag kamay naman si mr ian samin, bago nya kami inayang maupo na. Pina order na muna nya kami, bago daw mag usap usap.

Nang maka order naman kami ay nahiya ako sa inasal ni kuya para talaga syang bata pag dating sa pagkain, ang kulit nya, natutuwa nga yung dalawa naming kasama kaso nakakahiya pa rin.

Napa iling na lang ako bago itinuon ang sarile sa pagkain, pasubo na sana sa bibig ko yung tinidor na may karne ng may humawak sa kamay ko.

"What's up dude!"

Saad ni dylan, inilapit nya ang mukha nya at alam ko ang gagawin nya kaya bago nya pa man magawa ay tinapakan ko ng malakas ang paa nya, kaya napayuko sya ng bahagya.

Hindi pa ako nakuntento, pinitik ko rin ang noo nya na ikina reklamo nya, na ikinatawa ko naman at ni kuya dee.

"I told you, don't you ever kiss me again! if you try to do that again i'll kick your balls dude."

Napatingin naman ako sa biglaang pag tawa ni mr ian, as in tawa talagang malakas dinaig nya pa nga si kuya jaydee sa pag tawa ngayon.

"I told you dad, this kiddo is bad"

Nagulat naman ako at nagpa salit-salitang tingin kay mr ian at kay dylan, dad? so mag ama sila, yay nakakahiya nakita ni mr ian na sinaktan ko si dylan.

Pinatayo ni dylan si kuya jaydee at pinalipat sa tabi ng kanyang ama, parang engot naman tong si kuya sumunod sa gusto ni dylan, si naughty boy tuloy katabi ko.

Kung maka ngite pa ngayon akala mo nanalo sa raffle, nako nako sigurado ako hindi pwedeng hindi to mang aasar.

"Excuse me mrs wright can we talk now, why we are here?"

"director?"

Itinuon ni mrs wright ang sarile kay mr ian.

"Go ahead joana, just tell them"

Tumango naman si mrs wright sa boss nya.

"Mr ian, offered an extra job for you."


Magsasalita na sana ako ng umextra si kuya jaydee.

"What kind of job?"

Tanong ni kuya, tsk! ayoko na nga tanggapin dahil baka mas lalo akong mawalan ng oras sa pag gala gala, gusto ko rin naman mag liwaliw ano.

"He will be my co-host"

"Why me?"

"Because a lot of people was enjoyed to see and watch you in past event, that's why they want us to be together in my show."

Wait lang papapasukin ko muna sa utak ko yung sinasabi nya. Bakit naman nila ako magugustuhan? sikat naba ako? ni hindi ko nga ipina aalam ibang details about sa sarile ko.

"Many people and Mah'angels on socail media say that someday you will be the one of, the great host/model. You know why? because you have a potential for hosting."

"Seriously? they want me to on your show? and what mah'angels?"

"Yes, wait you don't know mah'angles?"

Umiling kang ako dahil hindi ko naman alam yung sinasabi nya.

"Kiddo your so funny! seriously you don't know that you have a fansites? that you have a lot fans?"

Singit naman ni dylan, seryoso ba talaga may mga fansite ako? at marami raw akong fans? sikat na nga ako kaloka! Parang bilis tatlong buwan palang ako na mamalagi dito.

Ipinaliwanag nalang ni kuya jaydee na hindi ako active mag bukas ng mga accounts ko sa social media, na totoo naman dahil magulo lang naman doon, nag oonline lang ako kapag makikipag video call ako sa mga bata.

Hindi ko alam na trending pala ang pangalan ko, merong #mermarnewhostinfasttalk meron pang #mermarandjoanatogether and ang mas pinaka nag trending is yung #Dymarcoupleonbench.

Pinabasa sakin ni dylan ang mga tweet ng mga sinasabinnyang fans, at shookt! kaylan pa nila kami sini-ship ni dylan? bat wala akong ka alam alam? Hindi nga nababanggit sakin to ni kuya jaydee, halata pa naman sa kanyang may alam sya dito.

Imbis na matuwa ako ay nainis ako na may nag si-ship samin, kaya siguro dumami mga may gustong tao sakin gawa na ikinabit ang pangalan ko kay dylan. Nag paalam na aalis na sila mr ian at mrs joana, matapos nya pang ipaliwanag ang mga detalye sa extra job ko.

Opo mga kaibigan pumayag akong tanggapin dahil, mas pumayag pa sakin yung kuya ko. Pumayag narin ako dahil para makabawi bawi ako sa mga fans na meron na ako, baka madis-appoint ko sila agad, ayaw ko naman talaga sumikat kaso eto na diba. Iiwas na lang talaga akong may mang bash sakin at ang wag madamay ang pamilya ko.

"Type ka talaga nyan, biruin mo nakikisabay yan kahapon sa pag trend ng #Dymarcoupleonbench hahaha"

"Pwede ba kuya wag kang mang inis! bakit dimo sinabi sakin mga nangyayari?"

"Akala ko kasi wala kana talaga pake sa social media kaya diko na sinabi sayo..... Mag pahinga kana rin muna pala bukas, aayusin ko pa bago mong schedule okay"

"Basta yung may oras pa akong maka usap ang mga bata"

"Nakalimutan mong isama si aiden, jusko naman mermar ilang buwan na dika pa rin maka move on kay aiden?"

Mag sasalita pa sana ako ng mag salita si dylan, nakalimutan namin narito pa nga pala sya.

"Who's aiden? and move on? is he your ex mermar?"

"No, aiden is his ex-fiance"

Sabat naman ni kuya jaydee.

"What!"

Sigaw nya, napa tayo pa sya at napa hawak pa sya sa dibdib nya miyamo gulat na gulat si baliw.

"Over acting dude.... Ikaw na bahala kung gusto mo pa ikwento sa lalakeng yan, aalis na ako."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni kuya dee, at agarang nag lakad palabas ng restaurant.





Nag taxi na lang ako tutal sanay na naman ako bumiyahe mag isa dito minsan, tinamad narin ako gumala kaya deretsong bahay na ako. Pag dating ko sa bahay ay agad akong nag online, hindi para tignan na trending ang pangalan ko kundi tignan kung naka online si aiden.


Nakakausap ko si aiden via video call, sa kanya ko madalas kamustahin ang lagay ng mga bata. Itinuloy tuloy nya nga rin kasi ang pag tulong sa mga bata.

Samantala si kuya jaydee ang umaasikaso para magpa dala ng pera kay gwendell, sa kanya kasi kami humingi ng tulong para maiabot ang tulong namin sa mga bata.

Mainggat naman si gwendell, at hindi nag papakita kay aiden baka kasi mag taka yung mukang pusang yun. Hindi parin kasi ako umaamin kay aiden at wala na naman akong dahilan para ipakilala ko pa ang sarile ko bilang MM.

Mas mabuting ganito, yung tinatrato nya na akong kaibigan, yung nakakausap ko sya lagi. Humiga na muna ako bago ko tinawagan si aiden.

Naka ilsng ring na muna bago nya tuluyang sinagot.

"Oy napatawag ka?"

"Manganga musta lang, wala rin kasi akong magawa... Kakagising mo lang ba?"

"Nagising ako sa tawag mo eh hehehe"

"Hala sorry nakalimutan ko"

Hating gabi na nga pala sa pilipinas, nakakahiya tuloy tsk! Kawawa naman si aiden naistorbo ko pa, mukang pagod pa naman.

"Okay lang, ikaw ba kamusta?" "Ayos lang din naman, kapagod lang ng konti dito, pasensya na ulit"

"It's okay, may tanong lang ako?.... boyfriend mo ba yung dylan?"

"Hala hindi, nabasa mo ba?"

"Yeah at congrats sikat kana kaibigan hahaha."

Sige tawa lang, ngite lang! lalo lang ako napapamahal sayo. Ginawa ko naman nung una is kalimutan yung feelings ko for him pero hindi nangyari.

Mas lumalim pa pag mamahal ko kay aiden, dahil kada makakausap ko sya ay nakikita ko na may mabuting kalooban rin naman pala sya. Hindi ko alam kung ano dahilan nya at kailangan nya pang mas ipakita yung bad side nya kaysa sa good side.

Kahit anong pigil sakin ni kuya lalo na ni papa ay hindi parin sapat para tuluyan kong makalimutan ang nararamdaman ko para kay aiden. Wala man akong matanggap na pagmamahal pabalik ay ayos lang, masaya naman ako sa palihim kong pag mamahal sa kanya.

Alam narin ni gwendell na hindi ko kayang maibalik yung pagmamahal nya sakin, para ako lang kay aiden. Oo may sakit rin pero mag katulad lang ang gusto namin ni gwendell ang makita naming maayos at masaya ang mga mahal namin.

"Huy ano na nangyari sayo?"

"Ah sorry hehe"

"Pagod kaba? lutang utak mo eh haha, may sasabihin pa naman ako sayo."

"Huh hindi ah, sige sabihin muna pero ikaw ayos lang ba anong oras na kasi diba."

"Nanlalamig kasi sakin si kristine ngayon, pasensya kana ngayon pa lang kung sayo ako mag o-open ng problema ko"


Pakamot kamot batok pa sya, habang nag bibigay ng pilit na ngite, kitang kita naman na ngayon sa mata nya na may lungkot talaga.

"Para saan pa't naging mag kaibigan na tayo diba, sige lang tuloy mo lang makikinig ako"

Saad ko sa kanya, inayos nya na muna ang sarile bago bumugtong hininga.

"Nagsimula yun nung last month, sa totoo lang ayoko naman isipin na tama ang kuya ko tungkol sa sinasbi nya kay kristine"

"Na ano?"

"Isang manloloko si kristine, lumalapit sya sa isang lalakeng may pera para mahuthutan nya, sakin naman ayos lang noon na naibibigay ko lahat dahil may pera pera ako pero ngayon hindi ko na maibigay lahat ng gusto nya kaya madalas ayun yung pinag aawayan namin, ang masama pa pinipilit nya akong bumalik sa puder ng kuya ko"

Totoo nga kasi yun, nagpapa bulag ka lang sa ganda at lakas ng sex appeal nung gagang yun. 

"Ibig sabihin lang siguro nun tama ang kuya mo, na ginagamit ka lang din ni kristine para magkaroon sya ng mga pangangailangan nya, sorry sa words pero gusto ko lang maging honest sayo"

Natahimik naman sya at napatinhin sa baba.

"Isipin mo nga aiden nag away kayo ng kuya mo, umalis kapa sa puder nya at di ko sya pinaniwalaan ng maaga dahil lang kay kristine, diba ilang beses kana nya sinabihang iwan mo yung babaeng yun, kaso hanggang ngayon ang kristine pa rin nayun ang inatupag mo"

Napaangat naman sya ng mukha, kung tignan nya ako ngayon para bang may kung anong salita akong nasabi.

"Teka paano mo nalaman na matagal nang sinasabi sakin ni kuya na hiwalayan na si kristine? paano mo rin nalaman na nag aaway kami?"

Hala oo nga pala si mermar ako hindi si MM, tsk ingat ingat kasi bakla ka! isip ng palusot bilis! Isip...... isip...... isip.... ting....... hahaha baliw.

"Diba na sabi mo sakin yun nung nakaraan"

"Hindi ko tandang nag open na ako about kay kristine at kay kuya sayo"

"Nagsabi ka noon, di mo lang siguro tanda hehe"

Napailing naman ng isang beses ang ulo nya at mukang nag iisip kung na sabi nya nga sakin yun o hindi.

Nang maikailang segudo muna ang punalipas nya bago sya muling nag salita.

"So ano bang dapat kong gawin kay kristine? ayoko kasi bumalik kay kuya at sabihing tama sya tungkol sa girlfriend ko, ayoko rin dahil nahihiya na akong humarap sa kanya matapos ko syang sabihan ng kung ano anu"

"About kay kristine di kita mabibigyan payo, na sayo kasi yun kung anong gagawin mo, mahal mo kasi talaga yung tsong yun kaya nga nakipag talo ka pa sa kuya mo. At tungkol naman sa kuya mo, humingi ka ng tawad."

"Parang ayoko na nga humarap kay kuya, gusto ko rin kasing mamuhay muna mag-isa yung bang hindi ako aasa sa kapatid ko, yung bang sarileng sikap ko na para mabuhay"

Gusto ko pumalakpak ngayon dahil binata na si aiden, hahaha este buhay na buhay na yung matured nyang utak.

Nakakatuwa talaga na nag babago bago na ang mokong. Sa mga naka lipas na buwan talaga, ang layo ng aiden na nakilala ko noon sa aiden na kilala ko ngayon.

At sana mag tuloy tuloy na yung aiden ngayon dahil mas lalo lang ang napapamahal sa kanya.

"Ganito aiden, humingi ka ng tawad sa kuya mo kahit yun lang then ituloy mo lang yung balak mong mag sariling sikap"

"Sige gagawin ko kapag handa na ako"

Ngumite na lang ako sa kanya bago tumango tango. Randomly topic na yung tema namin, tanong tanong about sa pamilya, mga kaibigan, sa trabaho ect.

Syempre bilang mermar usong uso sakin ngayon ang mag imbento, hindi parin ako makaamin eh dahil nga na tatakot ako na iwasan ako ni aiden kapag nalaman nyang si MM ako.

Masaya na ako sa set up na ganito yung kahit kaibigan nya lang ako, at least masaya ako at alam ko kung ano anu bang nangyayari sa kanya.

Nalaman kong nag a-apply pala syang photographer kaya nag suggest ako na dun nalang sa 1st star para pag balik ko dun magka trabaho kami diba.


Pakikiusapan ko rin si CEO wilbert na tanggapin si aiden, papayag naman yun malakas ako dun eh, para may gwapo at bata bata ring photographer sa kumpanya hihi.

Ano naman kung nandun si kristine? wag na syang eepal dahil alam kong hihiwalayan na sya ni aiden hahaha advance talaga ako mag isip pisti.

Kung sakali nga na mag hiwalay nayung dalawa mas ikatutuwa ko syempre, at ipamumukha ko kay kristine na sinayang nya isang aiden villauneva.

Gagang yun mas mahal pera kaysa sa gwapo na yummy pa hahaha, yummy yun oy kahit walang abs.

"May sasabihin pa pala ako"

"Go push lang"

"Mahal ko si kristine...."

Punyeta nag didiwang pa lang kaloob-looban ko kani-kanina lang aiden, ano to bastusan?! iuntog ko na kaya to ng matauhan na talaga ng buo. 

"Pero may parating gumugulo sa isip ko"

Napakunot noo naman ako, gusto ko sya tignan sa mga mata nya ngayon kaso sa ibang bhagi sya nakatingin, yung sasabihin nya kasi ngayon para bang nahihiya sya.

"May ibang tao yata akong magugustuhan, madalas kasi palagi syang pumapasok sa utak ko, alam mo ba gumawa na ako ng paraan para maiwasan tong nararamdaman ko, dahil mali ito, gumawa na ako ng paraan para umiwas sa taong yun, diba nga dapat matuwa ako kasi wala na yung taong yun sa buhay ko kaso hindi eh, parang nasasaktan ako kapag basta sya pumapasok sa isip ko"

Hindi ko alam bakit bigla akong kinabahan sa sinabi nya, pero nakakagulat yung bukod pala kay kristine may nagugustuhan tong si aiden.

Oo gusto nya nga yung taong sinasabi nya dahil, yung nararamdaman nya ay hindi nalalayo sa nararamdaman ko.

Ganyan din kasi ako s kanya, yung kahit ano mang iwas, pag babawal sakin ni papa at wag isipin sya ay hindi ko magawa.

"Minsan ba yung pagtibok ng puso mo kapag naiisip mo sya ay hindi normal?"

"Haha ibig mong sabihin ba dyan tumitibok ng mas mabilis ganun?"

Tumango na lang ako sa pag sang-ayon, ngumite sya bago tumango rin sakin. Baka nga mahal narin nya yung sinasabi nya. Nakakainis tong lalakeng to, masakit pa nga yung kay kristine may iba na naman syang gusto hays.

Yung kuntento ka nga sa pagka-kaibigan nyo pero nasasaktan ka naman na makita syang may gustong iba.

Ang hirap ng ikaw lang yung nag mamahal, yung hindi na babalikan ang pag mamahal na gusto mo. Damang dama ko na talaga feels ni gwendell.

"Sige na matutulog na ulit ako, salamat sa oras"

"Salamat rin, pero sana aiden yang mga gumugulo ngayon sa isip mo masolusyunan mo agad, pag isipsn mo ng maige yan, sige na paki kamusta ako sa mga bata."

Tumango nalang sya at nag end call. Sakto lang yung usapan namin ah, pagka end call kasi syang katok ni papa sa pinto ng kwarto.

Aga naman ng macho'ng pogi kong ama, tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama para pag buksan ang aking ama.



.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.



Itutuloy..........

-Greenite

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top