BE MINE 17
[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming mga manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...
Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]
• Kristine on multimedia 👆
Mermar's POV:
Saturday morning! maaga talaga ako gumising para ihanda ang sarile ko sa pag babalik ng pinaka dyosa at hot na modelo ng 1st star!
May pa welcome party kasi ngayon ang CEO para sakin at salamat talaga sa kanya dahil lahat ng gusto ko sa trabahong meron ako ay na susunod. Kung baga bigayan lang kami, balikan ba ng blessings ganern.
Ilang araw ako nagka sakit at medyo na losyang sa pag iisip at pag mumukmok kaya eto kailangan mag ayos ayos para dyosa akong haharap sa mga plastik kong kaibigan, sa ibang mga katrabho ko at sa ibang taong pupunta sa party.
Si kuya dee nga di rin mapakali kagabi pa yan pili ng pili sa mga damit ko para isuot mamaya, gusto nya kasi ako mangingibabaw sa party dahil party daw iyon para sakin. Ipamukha ko rin daw sa iba na walang ibang tao na pwedeng umangkin ng trono ko bilang dyosa ng 1st star hahaha full support talaga sila sakin ni papa.
Nakausap ko narin ang CEO kagabi dahil may kahilingan pa ako sa kanya tutal wala na namang kaagaw ang trabaho sa oras ko.
Simple lang naman, ang wag akong ipakilala ng buo sa ibang taong pwedeng humanga sakin o kainisan ako, dyosa kasi ako at alam kong hindi pwedeng hindi mapansin ng ibang tao at sa social media ang ganda ko.
Lalo pa sa america ako mag ta-trabaho, sikat kaya mga modelo dun at ang lalaki ng mga fashion industry doon.
Ayokong mag pakilala sa buong name ko, mas gusto ko mermar lang ang alam nila, bahala na sila kung gusto rin nilang itawag sakin dyosa hehe. Ayoko rin ipaalam sa iba kung sino-sinu mga miyembro ng pamilya ko, sa ganyang pag mo-modelo kasi parang buhay artista narin yan, gagawa at gagawa ang iba ng paraan para lang masira ka.
Pumayag naman ang CEO, mahirap daw yun para sa katulad kong pasikat hahaha see pati ang CEO alam na sisikat ako.
Mahirapan man daw sya at titiyakin nyang mangyayari ang gusto ko. Advance ako mag isip kaya wag na kayo mag taka kung bakit ganyan mga pinag sasabi ko, nagiging totoo lang ako mga baks hahaha.
"Light make up lang lalagay ko sayo mamaya, simple pero nganganga ang iba kapag nakita ka hahaha!"
Natawa na lang ako sa sinabi ni kuya jaydee, baliw eh ako yung kausap nya pero sa mga damit ko sya nakatingin at tumatawa na parang isang baliw na scientist.
Gustong gusto nya talaga ang fashion, minsan nga inuudyukan ko yan mag try rin mag modelo kaso ayaw nya, gusto nya lang daw ang maging assistant ko at hindi raw bagay sa kanya yung mag modelo.
Natawa lang ako sa dahilan nya dahil una hindi raw sya katulad ko na kung rumampa at humarap sa camera may lakas ng loob at ang pangalawa ay hindi daw sya matangkad.
May mga modelo namang maliit ah, baliw talaga tong pinsan ko, mahiyain naman kasi yan talaga kapag kaharap na camera.
"mukha kang hindi excited para sa party mamaya at sa pag alis natin sa monday?"
Nahalata nya siguro na kahit naka ngite ako eh nag iisip isip ako.
"Excited at masaya naman ako kuya, iniisip ko lang kasi ang mga bata at yung ibang maiiwan ko dito"
"Mermar alam mong matutulungan pa rin natin sila, umamin ka man o hindi alam ko nasi aiden ang iniisip mo"
Actually yes iniisip ko ngayon ngayon lang si aiden, para kasing gusto ko pa makausap si aiden kahit ngayon lang ulit bilang MM, para kasing gusto kong mag tapat sa kanya ng nararamdaman ko.
I know malabong matanggap nya yung pag mamahal ko sa kanya pero iniisip ko na baka pag sinabi ko sa kanya to is makagaan gaan man lang sa pakiramdam ko bago ako pumunta america.
"Hay pinsan hindi ko alam kung ano bang pinakain o ginawang mabuti nyang si aiden sayo para magka ganyan ka sa kanya"
"Ganito naman siguro sa pag ibig kuya, na kapag nag mahal ka hindi mo maipaliwanag kung bakit"
"Galit ako kay aiden alam mo yan pero wala naman akong karapatan na pigilan ka at yang puso mo kung sino ang mamahalin mo, tandaan mo pinsan parati lang naman kaming nasa tabi mo, magkaiba nga lang kami ni tito pero alam mo naman na ang ginagawa nya ay yung alam nyang makikita ka nyang maayos"
Tumango nalang ako sa sinabi nya, lumapit sya sakin at ginulo ang buhok ko, sa mga ganitong isipin talagang gumugulo sa utak ko basta nariyan si kuya gumagaan gaan naman pakiramdam ko.
Siguro sundin ko na lang muna si papa, tama naman kasi si kiya dee. Gawin mo to mermar hindi lang para sayo, kundi pati narin sa papa mo.
Lumabas na muna ako sa bahaynpara mag lakad lakad sa subdivision na ito, okay na naman itsura ko at mamaya pa naman ang party, lalabas muna ako para magpa hangin muna.
....................................
"Wow ang dyosa ko ngayon kuya"
Napangite si kuya habang inaayos ayos payung buhok ko, the best talaga to mag ayos eh alam na alam nya yung mga babagay sakin at hindi.
"Basta wag kang kabahan mamaya, kung gusto mo mag maldita kapa hahaha para ipaalam sa kanila na ikaw ang dyosa"
Natawa at tumango nalang ako sa pag sang-ayon, ipi-feel ko rin nga mamaya yung title ng pagiging dyosa ko sa 1st star kaya kung sino man mag balak na sirain ang gabi ko, paktay sya sakin hahaha.
Iniwan na muna ako ni kuya dahil ihahanda nya pa yung sadakyan, handa narin naman akong lumabas kaso hindi ko kasing mapagilang tumingin sa salamin.
Paano kaya kung ganitong itsura ko ang iniharap ko at ipihakilala kay aiden, hindi naman ako umaasang magustuhan nya pero sa tingin ko hindi nya ako pakiki tunguhan ng ginawa nya kay MM.
Mermar tsaka nasi aiden okay, focus kana muna sa party'ng inihanda ng 1st star sayo, ihanda mo ang sarile mo na makaharap ang mga taong may gusto sayo o kahit sa taong ayaw sayo.
Tumayo na lang ako at ngumiting nakaharap sa salamin, bago ako tuluyang lumabas sa kwarto ay nagpa salamat muna ako kay Lord para sa gabing ito at para sa mga ibinigay nyang trabaho pati narin sa dyosa kong anyo hehe.
...............................
"Akala ko simple lang yung party bakit ang daming ibang taong di pamilyar sakin?"
Nagkibit balikat si kuya dee, siguro hindi nya rin alam na ganito pala pinag handaan yung party para lang sa pag babalik ko! Lol si CEO masyadong ipinahahalatang special treatment nya sakin, kaya siguro maraming na iinggit sakin eh.
Magkano naman kaya na gastos nya dito? laking tiwala sakin eh. Sabagay naman isang beses ko lang na disappoint si CEO, yun time nayun ay ang umalis ako sa 1st star.
Nang mai-park ni kuya yung sasakyan ay sabay na kaming bumaba, may ilang ilang tao nang nakatingin samin dito sa parking lot na ni ngingitian ko na lang.
"Sya yung mermar diba? ay gandang lalake naman pala at ang bata pa"
"Nako simple lang yan kapag sa tao naka harap pero kapag sa camera na ilang shot lang tapos na, hindi nahihirapan mga photographer dyan"
"Swerte naman ni wilbert sa batang yan, sana magkaroon ako ng katulad nya sa kumpanya ko"
Bulungan yan ng hindi naman katandaang mga tao sa likuran namin, natuwa naman ako dahil sa positive thoughts nila sakin.
Ngiteng ngite na ako dahil papasok na ako sa loob, kailangan maganda at walang halong pilit o plastik yung ngite kong haharap sa kanila.
Yung mas marami pa palang tao dito sa loob, agad naman ako sinalubong ng mga ilang camera man at panay flash ng camera nila mula sa harapan ko.
Sinalubong naman ako ni CEO wilbert at tuwang tuwa na humawak sa may bewang ko, ganyan naman yan si CEO sakin minsan kapag kasama ko sya sa pictorial sya pa nag aabot ng tubig ko o ng ibang kailangan, kaya inggit na inggit talaga ibang modelo nya sakin dito.
Samu't saring mga tanong naman ang tinanong ng ibang tao dito, meton din pa lang mangilang ilang media, instant celebrity na pala ang peg ko haha joke. Tinutulungan na lang ako ni CEO na sagutin yung ibang tanong, medyo nawawala kasi utak ko sa pag iisip dahil sa hilo, ang sakit pala sa ulo ng flash ng camera kapa marami.
Nahalata siguro ni CEO na hindi na ako kumportable kaya nag excuse sya na kailangan na muna naming maupo. Nagpa tangay nalang ako kay CEO kung saan nga ba kami mauupo.
"Na saan ba si kuya dee?" Bigla na lang kasi syang nawala nung sinalubong ako ng pagka raming tao kanina.
"Baka nasa tabi tabi lang yun.... Nagulat kaba sa party nato?"
Tumango lang ako bilang sagot.
"Invited rin kasi ibang mga modelo at may ari ng iba't ibang fashion company na sabihin na nating malaki ang kapit sa kumpanya rin natin."
Kaya naman pala, nasabi rin sakin ni CEO na gusto rin daw ako ma-meet ng ibang modelo at ng mga may ari ng ibang kumpanya, hindi ko alam na sikat pala ako hahaha.
May ilan ilan ng lumapit sakin at binati ako, nagpa picture at kumausap sakin, lahat sila hindi ko tatanggihan dahil natutuwa talaga akong naging inspirasyon ako ng iba at hinahangaan daw talaga nila ako.
"Oh nice too see you again and welcome back dear"
Kilala ko ang boses na iyon, sa pag sasalita pa lang nya alam na alam kong nakikipag plastikan lang sya sakin.
Unti unti akong lumingon sa may likuran ko dahil doon naka pwesto ngayon itong si kristine, ngi-ngite sana ako ng tuluyan ng makita ko kung sino ang katabi nya ngayon.
Damn napaka perpekto nya talaga sa mga mata ko, gustong gusto ko syang yakapin ngayon. Ngiteng ngite sakin ngayon si aiden, kaya binalikan ko ng matamis na ngite.
Napansin ko namang naka buntot yung tatlo kong kaibigang plastik kay kristine, na hindi man lang makatingin sakin ng deretso ngayon, so nag kampihan naba ang mga impakta't impaktong to para agawin ang trono ko?
"Sandali lang mermar, kakausapin ko lang ibang bisita mag enjoy ka muna dito"
Pagka alis ni CEO, ay syang upo ng mga ito sa table na kinauupuan ko tsk! wala dito si kuya jaydee wala akong kakampi hahaha joke, kaya ko namang makipag sabayan sa pagiging maldita't maldito nila.
"By the way dear, this is aiden my bo------?"
"Kinagagalak kong makita ka ulit aiden" "Ganun rin naman ako sayo mermar"
Napakunot noo nalang si kristine, nag tataka siguro kung bakit magka kilala kami ni aiden. Nako nako paano kaya na sabihin ko sa kanya na ako yung dapat na magiging asawa ng boyfriend nya DAPAT.
Lol sinong niloloko ko, kitang kita naman ngayon kung sino ang talo, sino paba kung hindi ako. Masaya akong narito si aiden ngayon pero nasasaktan ako dahil nakikita kong kasama ngayon ang taong mahal nya.
"Magka kilala kayo?"
"Obviously yes dear, aiden is my new friend, right?"
"Ah yes i'm his new friend, sweetie"
Panget ng tawagan nila pisti! Tinaasan ko ng isang kilay si kristine na kung maka lingkis ngayon kay aiden, akala mo may aagaw sa syota nya.
"Hindi nyo naman ako ininform guys na close nyo na pala etong bagong empliyado dito"
May takot din tong tatlong to sakin, dahil kilala nila ako bilang isang mabait at maldita rin, kaya nga sobrang makipag plastikan yang mga yan sakin.
"So walang balak mag salita sa inyo? feeling nyo ba maaapektuhan ako na nakikisama kayo kay kristine? ano bang ginawa nya at sinabi sa inyo para sa kanya kayo sumama ngayon?"
Naka ngise lang si kristine habang yung dalawang babae at isang lalake na kaibigan ko ay nakatingin lang sakin, samantalang si aiden ay halatang walang ideya sa pinag uusapan namin ngayon.
"Ayaw na nila makisama sayo dahil isa ka raw g----"
"Oh pleas dear, alam na namin yan diba guys!..... Sa totoo lang wala naman maitutulong ang inggit, yes inggit kaya kaya anong gusto nyong iangat oa yang mga sarile nyo hindi nyo magawa, pinipilit nyo kasing mahigitan ako, mga bes sasabihin konlang sa inyo to hindi bilang kaibigan kundi payong magka trabaho lang, gawin nyo kasi yung kaya lang ng best nyo, pagtuunan nyo kasi yung sarileng sikap nyo, hindi yung dumi-depende kayo sa gusto nyong angatan, tanggapin nyo at gawin ng ayos kung ano lang ang kaya nyo, makuntento kayo sa kung anong meron kayo"
Saad ko sa mga kaibigan ko, napayuko nalang sila at hindi nag salita. Tumingin ako kay kristine na nakataas kilay parin.
"Nag hanap kapa talaga ng kakampi mo? dear aalis ako pero babalik ako dito, kung akala mo magiging reyna kana pag wala ako pwes i'm sorry dahil hindi ko hahayaang mapunta sayo yung korona ko hahaha"
Ewan pero natatawa talaga ako sa linya ko dyan, si otor naman kasi parang tanga, napaka baluga pa hahaha.
"Bitch! aagawin ko lahat ng meron ka!"
Mabilis naman dumapot ng isang basong may lamang tubig si kristine, balak nya iyong ibuhos sakin pero dahil sa may mabilis na kamay na umagap sa kanya ay hindi nya ito natuloy.
"Oops don't be a bad person in front of them, nakakahiya naman kasi na guluhin mo yung party nitong si mermar"
Si kuya jaydee, napatingin ako kay aiden na naka kunot ang noo. Kaya bago pa man sila makapag usap ay umisip ako ng paraan kung paano lulusutan ang sitwasying to.
Napag titinginan narin kasi kami ng tao dito, nakakahiya naman tsk! buti wala si CEO.
"Jaydee? anong ginagawa mo dito?"
"Oh hello mr masungit, ako ba? isa kasi ako sa empliyado dito at ako ang assistant manager nitong si mermar"
"Huh?"
"Ah oo, aiden meet kuya jaydee ang assistant ko"
Napakunot noo naman lalo si aiden at hindi na umimik, para syang nag iisip ng maige, na ikinakaba ko naman.
"Sige na mermar makipag usap ka muna dyan sa aiden na yan, dahil kakausapin konitong apat na ito"
Saad ni kuya jaydee, kaya bago pa man makapag reklamo si kristine ay hinawakan konsa kamay si aiden at hinila ng sa pilitan palabas nitong venue ng party.
Sa sarile kong dressing roim dinala si aiden, yes po meron ako dito dahil mahal na mahal nga ako ni CEO, pinasadya nya to para walang gugulo samin ni kuya jaydee.Okay balik tayo sa nang yayari ngayon, inilock ko yung pinto baka kasi biglang dumating yung kristine nayun diko maka usap tong si aiden.
"Lol wag kang matakot sakin, parang ewan yang mukha mo eh"
Yes mukha syang kinakabahan hahaha, ang gwapo na nga ang cute pa kaasar eh, buti napipigilan ko sarile ko kundi baka na tadtad ko na ng halik to hahaha joke.
"Baka hanapin ako ni kristine"
"Yes hahanapin ka talaga nya pero may gusto kasi akong pakiusap sayo"
Tutal tumutulong na rin sya sa mga bata ay hihiling narin ako sa kanya ng ituloy tuloy nya iyon, hanggang sa maka balik na ako ulit dito sa bansa.Sinabi ko ang gusto kong mga sabihin na hindi naman nya tinanggihan willing naman talaga sya magpa tuloy sa pag tulong.
"Matanong nga kita, bakit nga ba parang nag bago ka? diba una nating pag kikita nang alimpusta kapa ng pulubi? at tingin ko sayo hindi ka naman lapitin sa mga tao lalo na sa mga katulad ng mga batang yun, mukha ka kasing maka sarile"
Bahala sya maines eh yun naman talaga ugaling meron dya, wag na lang sana sya mananapak.
"I don't know kung ano bang nag push sa akin na tumulong sa mga batang iyon, to be honest tama ka sa sinasabi mo hindi ako yung tipo ng taong nag bibigay pansin sa tao lalo na sa mga pulubi, alila o mga taong kalye."
"Ah ganun ba, pero okay naman sa feeling ang maka tulong sa iba diba?"
Tumango nalang sya bilang sagot.
"Ako may tanong sayo?"
"Go ahead"
"Matagal mo na bang kakilala si jaydee?"
Ano ba yan aiden akala ko naman itatanong mo kung single ako hahaha ang korni mermar!
"Yes assistant ko na sya simula ng maka pasok ako dito sa 1st star, bakit?"
"Ah may naiku-kwento ba sya sayo about sa pamilya nya o ibang kamag anak?"
Ano ba kailangan ko naba umamin? paano kung mas magalit sya sakin kapag nalaman nyang ako rin si MM? baka hindi ko na sya talaga maka usap katulad nito?Ewan pero naiinggit ako sa sarile ko dahil, kapag si mermar kaharap nila, kinakausap nila ng ayos, hinahangaan pa pero kapag si MM, kung laitin na lang nila ay akala mo may ginawa sa kanilang masama.
Paano pala kung naging ganun na talaga itsura ko? marami kayang mang mamata? oo may iilang mababait sakin as MM pero meron rin namang mga tao talagang pan labas anyo muna tinitignan.
"Mermar?"
"Ah wala bakit ba?"
"Wala, wala tara na balik na tayo baka kasi magalit na sakin si kristine"
Tsk! wala na panalo nasi girl! kainis sana ako nalang yung nasa pwesto ng babaeng yun! Mukang mahal na mahal nga talaga ni aiden si kristine!Hays Lord, tulungan nyo naman ako maka move on agad sa lalakeng to pleas.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy............
-Greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top