BE MINE 16

[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming mga manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...

Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]

• James on multimedia 👆



Mermar's POV:


Ilang araw na akong naka nganga sa bahay, gusto ko man gumala ay hindi ako pinayagan ng ama ko, OA talaga sya pag dating sakin kaya mahal na mahal ko yung macho, gwapo, mabait at bonus pa yung singer sya kapag kami ni kuya jaydee ang kaharap.

Kakagaling ko lang kasi sa sakit kaya eto nag re-reyna-reynahan ako sa bahay ni kuya jaydee, si kuya naman kasi gumala ng hindi ako kasama.

Sa totoo lang sinasanay ko na ulit ang sarile ko sa kama ko dito at sa bahay ni kuya dahil aaminin ko nang na mi-miss ko ang kwarto at bahay sa hacienda. Tapos miss ko narin mga putahing ni luluto ni manang, yung fresh na mga inumin at kinakain dun at lalong lalo nasi gwendell at aiden.

Yes si aiden, sa ilang araw na diko na kikita yung taong yun ang lungkot lungkot lang, kahit na masama ugali nun gustong gusto ko pa rin sya makita o makasama. Why? simple lang dahil na sagot na ang mga nag papalito, gumugulo at nagpapa abnormal ng puso at utak ko.

Sabi ni papa at ni kuya pigilan ko kaso habang lumilipas ang araw na hindi ko na kikita si aiden mas lumalala pa ata yung pag tingin ko sa kanya. Ang bilis kung tutuusin, kaso ano bang magagawa ko eh narito nato, ang hirap na pigilan.

Tanggap ko na ng buo kung ano nga bang nararamdaman ko kay aiden, at tanggap ko narin na wala nang pag asang magkasama kami, kahit yun lang naman kaso malabo na talaga.

Malabo dahil alam ko naman na tuwang tuwa ngayon si aiden dahil sa wala na akong gugulo pa ng buhay nya, gusto kong mag assume na sana kahit isang beses lang magustuhan nya ako, yung kahit hindi tipo ng nararamdaman ko para sa kanya dahil imposibleng magka gusto sya sa katulad ko. Yung kahit ituring nya man lang ako kaibigan, yung makakausap ba sya ng matino at mapapakisamahan nya ako ng maayos.

Ganito kapag mahal mo isang tao? yung hindi naman naging kayo pero kailangan mong mag move on, yung masasaktan ka at mag titiis kahit wala namang KAYO hays!.

Sya share ko na lang ang naging usapan ni papa at ni kuya ashley, pumayag naman si kuya ashley na hulugan namin ang pagkaka utang ni papa sa kanya. Natuwa naman ako syempre dahil hindi makukulong si papa, kaso nga lang hindi ko alam kung saan kukuha si papa ng pera para sa mga bayarin nya.

Buti na nga lang yung ibang pinagkaka utangan nya hindi sya kinakasuhan, kung sa ibang negosyante sure ako hindi na sila mag dadalawang isip pa.

Tigilan ko na muna mag isip tungkol sa utang utang nayan at kay aiden, dun naman tayo kay gwendell.

At dahil sa dyosa ako, ay gusto raw manligaw ng oppa nyong si tangkad, hindi ko pa sya sinasagot kung papayag ba ako o hindi dahil......

Kakasabi lang wag muna kay aiden, kaso may connect yung mukang leon nayun kung bakit dipa rin ako maka sagot kay gwendell, oh wag mga engot alam nyo naman ibig kong sabihin.

"Hoy kanina pa kita tinatawag!"

Bakulaw natong si kuya, sigawan ba naman ako sa mukha! kung may sakit lang ako sa puso baka inatake na ako sa gulat eh.

"Ang baho ng bibig mo! maasim na spaghetti!"

Reklamo, itinapat nya yung kamay nya sa bibig bago bumuga ng hangin at amuy-amuyin.

"Oo nga nuh, wait lang toothbrush lang ako! may ibabalita kasi ako sayo"

Tumango nalang ako, lumabas ako ng kwarto dahil alam kong hindi lang magandang balita dala nya pati narin pagkain hehehe. Ang lakas ng good vibes na awra ni kuya kaya alam ko talagang good news yung sasabihin nya.

Hell yeah! bukod nga sa may pagkain syang uwi ay ang rami nito, kakainin ko na lang din kahit pa galing ito kay jollibee hahaha.

"Masarap ba?"

Tanong ni kuya ng makaupo sya sa tapat ng pinag kakainan ko, tumango nalang ako dahil hindi ako makapag salita dahil sa puno ng pagkain ang bibig ko.

"Tira tira kasi yan ng mga friends ko, sayang naman kasi mga binayad nila kung hindi mauubos kaya ayan ipina------"

Hindi pa na tatapos si kuya mag salita ng ibato ko sa mukha nya yung jolly chicken sa mukha nya at dali daling tumayo bago iluwa sa lababo ang mga pagkain.

Hindi sa maarte pero ayokong kumain ng tira tira jusko, ayos sana kung sya o si papa ang kumain nun diba safe ako dahio alam kong wala silang sakit hahaha.

"Hahaha joke lang baliw! napa rami order ko kasi dapat dadaan ako sa limang bata kaso nakalimutan ko ng dumaan gawa ng may good news akong natanggap"

"Seryoso hindi to tira tira?"

"Oo nga, ang dali mo talaga utuin at lokohin eh! sya kumain kana at sasabihin ko na yung good news."

Kainis eh ang gana gana ko pa naman kanina, yung kahit marami syang uwi ay feeling ko mauubos ko pero ngayon, ang pabebe kong ngumuya, na iimagine ko kasi na tira tira nga yung kinakain ko ngayon! kasalanan nya kasi to eh.

"Teka bakit dika daw ba ma-contact ni CEO?"

Ibig sabihin tungkol sa trabaho pala ang good news na sasabihin nya.

"Hindi pa nga ako nakakabili ng cellphone ulit diba? ayaw kasi ako pagalain o palabasin pa ni papa"

"I see, sya bukas bibili tayo tas deretso na tayo sa mga bata dahil kailangan mong magpa alam sa kanila"

"Huh?"

"Sa monday na ang flight mo pa america, doon ka mag ta-trabaho kasama ako ng dalawang taon."

"Hindi kaba masaya na makakasama nyo parin ako at ang mga tita mo anak?"

Tanong ni papa sakin, nasa loob kami nhg kwarto ngayon at nag uusap mag ama.

Sasabay pala sya samin pa america, dahil doon na sya mag ta-trabaho sa kumpanya nila tito. Masaya naman ako syempre dahil sa may trabaho na nga si papa ay nagka ayos narin sila ni tito.

May lungkot lang syempre hindi ko madadalaw dalaw ang mga bata at lalong hindi ko makikita si aiden. Aasa na lang ba talaga ako sa pictures nya sa mga accouts nya? gusto ko yung totoong nakikita ko sya, gusto ko yung nakakasama ko sya.

"Anak kung ang mga bata iniisip mo, tutulungan kitang tulungan naman sila at kung yung aiden nayun din ang inaalala mo, tama lang yung lumayo kana sa kanya ngayon palang para maiwasan mo na yang nararamdaman mo para sa kanya, nasabi ko na sayo ayoko sya para sayo dahil maraming panget na katangian yung taong yun, ang layo ng ugali nya kay ashley. Dun mo sa america tuluyang kalimutan si aiden"

Ang tanong naman kasi doon papa kung magugustuhan nga ba ako ni aiden di yung sinasabi nyong, ayaw nyo sya para sakin. Sana ganun nga kadali diba kaso, inlab na inlab na ako kay aiden, inlab na inlab na ako sa taong isang beses lang ako pinakitunguhan ng ayos.

Bakit kasi hindi nalang bumalik yung pagka gusto ko kay gwendell eh, nahihirapan tuloy ako. Mas masakit pala sa puso at utak kapag mahal na kaysa sa crush pa lang.

Wala na akong sinabi pa kay papa kundi ang pag tango na lang sa mga pangaral nya na mas makakabuti raw sakin, sana nga papa sana.... 








 -------------------------------


"Nabili mo na ba lahat?"

Tumango nalang ako kay kuya jaydee.

Kakatapos lang namin mamili para sa mga pasalubong sa mga bata at sa mga ilang gamit na dadalhin ko sa america. Bakit kasi dalawang taon pa? mami-miss ko talaga yung mga bata for sure, si CEO naman kasi gets ko naman na malaki rin kita nya sa mga projects na gagawin ko dun kaso dapat di ganung katagal.

Ayoko rin naman kasing sumikat ng bongga dahil ayoko ng ibang atensyon ng ibang tao, ayoko nung may mga taong mag sasalita sakin ng mga masasakit.

Advance ako mag isip kaya ganun, tama naman ako kapag sikat ka may mga haters, basher's kang mag aabang sayo, sisiraan ka ng bongga. Makalipas ang isang oras ay narating namin ng safe ang bahay, pababa na sana kami sa kotse ng may nakita akong isang pamilyar na taong dumaan sa may harap ng sasakyan namin.

Hindi ako pwedeng mag kamali, hinding hindi titibok ng ganito ang puso ko kung hindi sya yun. Nagkatinginan kami ni kuya jaydee.

"Sya ba yung sinasabi ng mga bata?"

Hindi ko sya na sagot, dahil miski ako hindi alam kung si aiden nga ba ang binabanggit ng mga bata na nag aabot rin ng tulong sa kanila.

"Anong plano?"

"Ako na lang ang bababa kuya"

"Hindi pwede!"

"Sige na kuya matatagalan bago ako makabalik dito, mag tiwala ka salin okay, isa pa promise hindi ako magpapa kilala kay aiden"

Sinusuri nya yung mukha konkung nag sasabi ba ako ng totoo. Totoo naman kasi hindi ako magpapa kilala kay aiden, baka kapag umamin ako mas magalit pa sakin yan.

"Siguraduhin mo mermar dahil kapag yang aiden na yan muling napa lapit sayo magagalit na ako sayo"

Tumango na lang ako.

Dahan dahan ako bumaba ng kotse tsaka huminga ng malalim. Kinuha ko na lang yung mga pinamili namin at humakbang na papasok.

Shiya bakit ganito? bawat pag hakbang ko mas lalong bumihilis pag tibok nito? ganito ko na ba kamahal si aiden? Nasa may pintuan na ako at natatanaw ko na ang mga bata na nakikipag laro na ngayon kay aiden, Lord sobrang saya ko ngayon dahil napag bigyan nyo akong makita si aiden.

Gusto ko man sya lapitan at yakapin pero hindi pwede, ilang araw ko lang sya nakita pero miss na miss ko sya.

"Oh jiho nandito ka rin pala, aba't tumuloy ka" Pag puna sakin ni sister emy, napatingin naman silang lahat sakin, pero ang atensyon lang ng tingin ko ay na kay aiden na sya rin nakatingin sa mga mata ko. Lumapit naman sa pwesto ko si totoy at mindy para hinatak ako papalapit sa pwesto ni aiden, dalikado to halos mabinge na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko jusko.

"Kute sya yung sinasabi namin sayo, ang gwapo diba?"

Saad ni mindy na may pag taas taas pa ng kilay, napilitan na lang ako ngumite bago tumingin ulit sa naka ngiteng si aiden..... Wait naka ngite? bakit? ang gwapo pisti! yung puso ko masyado nang malakas ang kalabog, jusko baka mahimatay ako dito!

"Hello i'm aiden, and you are?"

Napatingin naman ako sa naka lahad nyang kamay, ilang beses na muna ako lumunok lunok dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon bago tinanggap ang pakikipag kamay nya.

"Me-mermar"

Umayos ka naman bibig, kontrol ng konti baka kung ano maisip nitong lalakeng to.

"Oh nice to see you again memermar?"

"Huh? ah mermar lang yun"

"Okay, nag kita na tayo diba dati?"

Inisip ko naman yung sinabi nya at tama nag kita na kami dati sa labas ng building na pag aari nila. Yun nga lang panget ang unang pagkikita naman at dahil doon, gumawa ako ng laro na ako rin pala ang tatapos at talunan na nauwi lang din sa wala.

"Ayos ka lang ba? parang ang pula kasi ng mukha mo tas mukha kang nate-tense?"

"Ah ayos lang, naiinitan lang siguro"

Tumango tango nalang sya at bumalik na sa pakikipag laro sa mga bata, para makahinga hinga ng ayos kahit papano ay tumungo muna ako sa kusina nila sister at doon ay inabot ang mga pasalubong namin ni kuya jaydee.

Nag handa ng miryenda sila sister kaya eto kami magka lapit ni aiden sa upuan, mabuti at medyo may agwat pa dahil baka marinig nya yung kabog ng dibdib ko.

"Salamat nga pala sa pag tulong tulong na binibigay mo sa kanila"

Saad ko kay aiden, ngumite na lang sya at tumango dahil may laman ang bibig nya.

"Bagay sila totoy diba?"

Muntik ko naman malunok ng buo yung kinakain ko sa sinabi ni mindy, ang batang to kinikilig pang nakatingin samin ni aiden, pero sige happy ako dahil sa sinabi nyang bagay kaming dalawa hahaha.

"Napansin mo rin pala yun hahaha, nako kung wala nga lang syota itong si pogi edi sana lumulutang na ang barko nyong dalawa"

Literal na napa nganga nalang ako sa lumabas na mga salita sa bibig ni sister emy, my god sa edad nyang yan alam nya yung mga salitang syota at ship, ship na yan. Sinuway na lang ni sister flor ang mga bata at si sister emy dahil sa panunukso nila samin ni aiden.

Hindi ko alam pero napapalitan ng labis na saya nararamdaman ko ngayon, may pagkabog ng dibdib pero hindi na kaba pa. Ang bilis mag bago, nakita ko lang na ngumite at natatawa si aiden parang nawawala lahat ng mga nasa utak ko, tanging sya lang ang gustong makita ngayon ng mga mata ko.

Nakakapag takang hindi sya na iilang o na gagalit dahil sa panunukso, pero hahayaan ko na lang dahil mas gusto ko ang nakikita ko ngayon. Matapos namin kumain ay pinaupo ko na muna sila para sabihin na ang sadya ko, ayaw man ng puso kong umalis pero hindi ng utak ko, wala na rin ako magagawa dahil para narin kay papa.

Gaya ng inaasahan matapos kong sabihin ang planonkong pag alis ay naiyak nalang ang mga bata, nag tampo pa si mindy at totoy dahil matagal daw nila akong hindi makikita. Ipinaliwanag ko na lang maige na kailangan ko talagang gawin yun, na ngako naman ako na kahit nasa malayo ako ay parati akong tatawag sa kanila, at padadalhan ng tulong.

Ginawan ko ng facebook acc sila sister dahil may mga cellphone naman sila, para makapag video call narin kami.

Naiintindihan naman nilang kailangan ko talagang umalis dahil sa trabaho pwera nga lang talaga sa dalawang bata na hindi ko pa rin makausap ng ayos.

"Aalis na po ako, maraming salamat po sisters, mga bata papakabait kayo huh"

Tumango naman yung tatlo at yumakap sakin, napa tingin ako sa dalawa na hindi man lang tumingin sakin. Napa bugtong hininga na lang ako bago lumapit sa kanila at inakap.

"Promise pag balik na pagbalik ko dito, kayo una kong pupuntahan, sorry kung matatagalan ako bago makabalik, sana sa pag balik ko dina kayo nag tatampo sakin, sana maintidihan nyo si kute"

Hindi ko na hinintay pa sumagot yung dalawa, tumayo na ako at nag paalam dahil, kapag nag tagal pa ako baka tuluyan ng bumagsak mga luha ko.



.

.

.

.

.

.

.

.

.

.



Itutuloy.......

-Greenite

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top