BE MINE 15
[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming mga manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...
Eto na po nahihiya ako sa inyo dahil binitin na naman kayo ni otor, tag hirap at may sakit ngayon si otor kaya hindi nakakapag update ng mabilisan, pero push parin natin para sa malandiang planeta!
Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]
• Gwendell on multimedia 👆
Mermar's POV:
Pagod, antok, lamig, gutom at pananakit na ng mga binti't paa ko ang iniinda ko ngayon. Hindi ako maka tulog dahil sa lamig at takot simula kahapon pa. Inaalala ko rin mga tao sa bahay nakakatiyak akong nag aalala na sila sakin, lalo nasi kuya jaydee.
May signal nga dito sa lugar nato lowbat naman ang cellphone ko, at diko alam kung gagana pa ba sya pag bukas dahil sa nabasa na.
Nakisama na naman ang panahon ngayon medyo tumila tila na at tingin ko madaling araw na, magka lakas lakas lang ako ng kaunti, uumpisahan ko nang subukang mag lakad lakad muli. Maswerte parin naman ako dahil sa batis nato ay meron maliit na butas sa likod ng rumaragasang tubig, doon ako na natili mula kagabi dahil may paminsang minsang kidlat na nadating.
Ilang minuto pa akong na natili sa loob nun ng mapag desisyonan ko nang lumabas, dahan dahan ako gumapang gamit ang tuhod ko dahil na nanakit talaga ang mga paa ko na puro sugat na.
Paano ako mag lalakad lakad nito, bakit hanggang ngayon kasi wala paring dumadating na tulong para sakin. Makisama ka naman paa, tiis tiis para makauwi na ako. "MERMAR!" Nabuhayan naman ako ng marinig ko ang isang tinig, nagpa linga linga ako at nakita ko ang isang taong nakatayo sa may taas nitong batis.
Naiiyak naman ako dahil sa wakas ay meron nang taong nakakita sakin, dahang dahan syang bumaba at agarang lumapit sakin.
"Diyos ko, diyos ko! salamat at ligtas ka"
Niyakap nya ako ng mahigpit na ginantihan ko naman, tuluyan namang umagos yung luha ko dahil sa yakap at sa taong narito ngayon ay alam kong safe na ako.
"Natakot kaba ng sobra?"
Tanong nya, kumalas sya sa pag akap sakin at hinawakan ang magkabila ng pisnge ko.
"Oo pero mas maayos na ako ngayon dahil narito ka na"
May hikbi kong saad. Ngumite sya at tsaka sinuri ang bawat parte ng katawan ko, nakita ko naman ang awa sa mukha nya ng dumako ang paningin nya sa may tuhod ko at paa.
"Uwi na tayo, pagod at gutom na gutom na ako"
Saad ko, iaangat ko na sana ang sarile ko ng hawakan nya ako sa magkabila ng balikat ko.
"May sasabihin ako, makinig kang mabuti... Pasensya na kung ngayon ko pa naisipang sabihin to, mermar mahal kita"
"H-huh?"
"Alam kong nagulat ka pero eto ang totoo, takot na takot ako nang malaman kong nawawala ka, na takot ako dahil sa rami ng negatives na pumapasok sa utak ko, akala ko iiwan mo na ako, kaming mga taong nag mamahal sayo, akala ko hindi na ako makakapag tapat ng nararamdaman ko, mahal kita noon pa man"
Hindi ko alam ang isasagot ko o may dapat ba akong isagot, dahil sa gulat na pag amin nya ngayon. Kailangan ko bang matuwa dahil sa sinabi nya ngayon?
"Hinhintayin ko ang sagot mo, tandaan mo lang seryoso ako, mahal kita"
Hindi na lang ako umimik sa kanya sa halip ay yumakap nalang ako ng mahigpit, hindi ko talaga alam ang sasabihin ko dahil hindi ko naman inaasahan to.
Masyado pa akong nabigla at ayoko narin muna talagang sumagot dahil, baka kung ano anu lang lumabas sa bibig ko. Patayo na sana sya ng may narinig akong lagabog mula sa taas nitong batis, nag katinginan naman kami na may tanong sa isa't isa.
"Ano yun?"
Tanong ko sa kanya, sinipat sipat nya muna iyon bago bumalik sakin, may naligaw daw baboy ramo dito na ipinag taka at ikinatakot ko naman. Dalikado yung ganung hayop ah, isa pa paano mag kakaroon nun dito? nako dapat pala sabihan ibang mga trabahador dito na mag ingat, o kaya hulihin yung baboy ramo.
"Pinsan sorry, sorry, sorry, pasensya kana kung nagalit ako sayo kahapon.... Ayos ka lang ba? anong masakit sayo?"
Maluha luhang salubong sakin ni kuya jaydee, hinawakan nya ako at inalalayang makababa sa likuran ni gwendell.
"Nako pasensya narin po kayo kung naabala ko kayo at pinag alala, naligaw kasi ako hehe"
Binungangaan naman ako ni kuya ashley at kuya richie dahil sa sinabi ko, hindi ko kasi alam sasabihin ko pati totoo naman baka nabala ko sila masyado at pinag alala.
"Saan mo sya nakita gwendell?"
Tanong ni kuya ashley kay gwendell, sinabi naman nya kung saan, kanina hindi pa ako naiilang eh pero kada titingin sakin si gwendell nahihiya ako.
"Eh na saan si aiden?"
Napatingin naman ako kay kuya ashley, teka wag mong sabihing tumulong sya sa pag hahanap sakin?
"Eto ako"
Walang gana nyang saad, nakita ko naman kung gaano ka rumi ng suot nya. Napatingin sya sakin ng masama at hindi man lang ako nagawang kamustahin.
Pero ewan kahit na ganyan sya ngayon masaya akong malaman na may pakialam pala sya sakin, nag aalala rin kaya sya? Nanlaki naman ang mata ko ng mapadako ang tingin ko sa braso nya, ang daming dugo! Bigla bigla akong nakaramdam ng lakas at lumapit sa kanya, ni pag sakit ng paa ko ay hindi ko ininda dahil mas gusto kong tignan kalagayan ng braso nya.
"Kumuha kayo ng pang gamot dali!... Napaano to? may masakit paba sayo huh?"
Parang wala sa sarile kong tanong, tinignan ko yung sugat nya at ang lalim nun at ang haba. Dali dali ko namang hinubad ang damit ko at itinali sa sugat nyang nag durugo parin.
Wala na ako pake kung makita ng iba katawan ko, mas mahalaga yung mapigilan sa pag durugo sugat nya. Kailangan na ata sa hospital to gamutin.
"Ihanda nyo na pala ang sasakyan kailangan dalhin to sa hospital, bilis!"
Hindi ko alam bakit ako ganitong mag alala kay aiden, basta nararamdaman ko nalang ngayon na para bang ayokong makitang nasasaktan si aiden.
"Maiwan na muna kayo dito gwendell at richie, kami na ni jaydee ang sasama sa kanila"
Hindi ko na tinapunan ng tingin sila gwendell dahil hinila ko si aiden papasok ng kotse. Tsaka na ako magpapa salamat kay gwendell at sa iba kapag naka balik na kami.
"Ano ayos kapa ba? may masakit pa ba sayo? na paano bato? bat dika nag iingat"
Dere-deretso kong tanong habang nakatuon parin ang tingin sa may sugat nya, ako na ang humawak ng tali dali halata narin ang panlalanbot nya.
Wala rin akong makuhang sagot mula sa kanya kaya hindi na muli ako mag sasalita muna, tangin pag tingin tingin nalang sa mukha nya ang nagagawa ko. Tumitingin rin sya sakin pero hindi ko mabasa yung emosyong meron sa mga mata nya ngayon.
Hindi naman nag tagal ang biyahe ng makarating kami sa maliit na clinic, malayo layo pa raw kasi ang hospital dito, sabi ni kuya ashley kumpleto naman ang clinic nato.
Naunang bumaba sila kuya ashley, na sinundan naman ni aiden. Dahan dahan ako umusod para bumaba ng maramdaman ko na naman ang pananakit ng paa ko. Napatingin naman sila sakin.
"Ah kuya ashley sige una na kayong pumasok ni aiden para magaot nayan at hindi maimpeksyon, si kuya jaydee na bahala sakin"
"Sigurado kaba?"
Tumango nalang ako kay kuya ashley, nauna na nga silang pumasok bago ako nakiusap kay kuya na ipasan ako, sakit na naman ng paa ko.
Ipinuwesto ako sa katabing kama kung na saan si aiden, tatahiin daw pala iyon dahil sa lalim at haba ng natamo nyang sugat.
"Nako sir nilalagnat kayo tapos nakahubad pa kayo"
Saad naman ng nurse na tumitingin sakin, binalot na muna sakin yung kumot na narito para hindi raw ako lamigin, sipunin at ubuhin.
Pinabili narin ng pagkain si kuya jaydee para makakain na ako at maka inom ng gamot. Inaasikaso narin ng nurse ang mga sugat ko sa paa at tuhod, ngayon damang dama ko yung sakit dahil sa paglilinis nya at inilalagay na gamot.
"Wag mong babasain yan jiho para hindi mamaga, reresetahan ko nalang kayo ng gamot para sa mabilis matuyo yang sugat mo"
Tumango naman ang magkapatid.
"Aray naman nurse, dahan dahan po masakit"
Paawa ko namang saad da nurse, natatawa nalang sya sa inasal ko at sinabihan nya pa ako na parang isang bata kung mag reklamo. Bakit ba sa masakit talaga eh.
"Mag pepeklat ba yan nurse?"
"Nako sir hindi ho, mabababaw lang naman ang sugat nyo pati sa ganitong uri ng balat nyong napaka soft hindi mag tatagal sugat nyo? ano bang gamit nyong pangpa lambot ng katawan at balat?"
"fetus pa lang po ako ganyan nayan hahaha namana kay mama at alagang silka lang"
Natawa naman yung nurse at nakipag biruan pa sakin, ayos ginagawa nyang pakikipag usap sakin hindi ko napapansin yung sakit ng paa ko.
Nang makaalis yung nurse ay tumingin lang ako kay aiden, nakatingin rin sya sakin ngayon na para bang may sinusuri sya sa mukha ko.
"Kumain na muna kayo"
Nagulat naman ako sa pag dating ni kuya jaydee, hinawi nya yung kurtina sa pagitan ng pwesto namin, hindi ko tuloy matignan si aiden.
"Wala kang make up! tapos nakikipag titigan ka sa kanya!"
Bulong nyang may diin sakin, yah! kaya naman pala nabura siguro to dahil sa nabasa ng sobra. Mabubuking tuloy ako tsk! Hindi kaya napansin na kanina pa ni aiden? hala paano na? nakita narin nya yung katawan ko waaaah! hindi na virgin katawan ko! hehe joke.
Sana hindi magtaka sa aiden. Nilagyan ako ni kuya ng make up at pinag bihis narin, kaya pala sya natagalan kanina ay umuwi sya sa bahay.
Light make up lang ang pinalagay ko para hindi masyadong halata, baka kasi magtaka masyado si aiden eh sabi ni kuya jaydee walang bahid ng pekas ang mukha ko kanina.
"Ayos naba ang pakiramdam mo? gusto mo ba dumito muna o bahay na magpahinga?"
Tanong ni kuya ashley, mas gusto ko sa bahay dahil mas kumportable doon. Pati gustong gusto ko nang kumain ng luto ni manang, gutom na gutom parin kasi ako.
Matapos mag bayad ni kuya ashley ay inalalayan ulit ako ni kuya jaydee para makapasan sa likod nya, may gamot kasi paa ko kaya hindi parin ako makaka lakad.
Nang makabalik kami sa hacienda ay syang salubong samin nila gwendell at kuya richie. Gaya parin kanina pasan pa rin ako ni kuya dee.
"May bisita kayo jaydee"
Bisita? sino naman? wala namang kaming inaasahang bibisita ngayon samin. Nag pababa na ako kay kuya jaydee dahil kayo ko naman makatayo, mas malaki kasi ako sa kanya baka nahihirapan sya.
Nasa comfort room daw yung bisita namin sabi ni kuya richie, ayaw naman nya sabihin kung sino kaya medyo nae-excite ako na kinakabahan.
"Ayos kana ba? may masakit paba sayo?"
Tanong ni gwendell ng maka tabi sya sakin sa upuan, narito kami sa sala para magpa hinga saglit at hinihintay yung bisita daw namin.
"Nilalagnat pero ayos na rin naman, tiyan nalang masakit sakin dahil sa gutom hehe"
Bulong kong humahagikgik kay gwendell, pero totoo lang nahihiya parin ako sa kanya. Dati hindi naman ganito eh, naka-amin pa nga ako sa kanya, kaso ngayon ang awkward na.
Sabagay bagay iba na ngayon, wala na kasi akong crush kay gwendell at mas gustong kong malapit ako sa kanya bilang isang kaybigan.
"Pwede ba kung mag lalandian kayo wag sa harapan ko!"
Bigla naman kaming napatingin kay aiden na ngayon ay hindi maipinta ang itsura. Medyo nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi nya.
"Landian?"
"Bakit hindi ba? parati nyo nga ginagawa yan diba ang mag landian, sa harap pa mismo ng fiance mo"
"Nakakahiya naman pala sayo, hayaan mo sa susunod hindi na kami mag uusap ni gwendell sa harap mo"
Sakrastik kong saad, muntimang nag uusap lang eh landian agad kuda nya. Mag sasalita pa sana sya ng pigilan na sya ni kuya ashley.
"Tara sa kusina ipinag luto na kayo ni manang?"
Saad ni gwendell, natuwa naman ako kaya tumango ako sa kanya at ngumite, mas okay na muna sumama kay gwendell kahit nahihiya parin ako sa kanya, kaysa naman salubungin yung masamang titig na ibinibigay ni aiden samin.
"May bisita nga diba, pati feeling mo ikaw ang may ari nitong bahay? nauuna kapa sa mga boss mo"
Napayuko naman si gwendell dahil siguro sa napahiya sya, hinawakan ko nalang sya sa braso at ni ngitian. Narinig ko namang pinagalitan ulit ni kuya ashley si aiden at pinapa punta na sa kwarto para magpa hinga.
Kaso hindi nagpa tinag si aiden, na natili lang syang nakaupo at nakatingin samin ni gwendell, tsk palagi nalang may problema samin yan. At eto naman ako maiinis sa kanya tapos mamaya mawawala rin naman, at isa pa bakit ba ang tagal ng bisita daw namin!
"Kakain muna ako, gutom pa talaga ako! sasabay po ba kayo?"
Pauna kong tanong, umiling naman sila bilang sagot.
"Tara samahan mo ako gwendell tagal nung bisitang yun, diko alam kung nag darasal ba yun sa banyo o ano tsk!"
Nakita ko namang tinanguan sya ni kuya ashley kaya tumayo sya at humarap sakin. Inangat ko ang kamay ko at ipinatong sa nakalahad nyang kamay ngayon.
"Bitaw ako na! lalandi nyo talaga!"
Itinulak nya si gwendell dahilan para mapa bitiw sya sakin, hahawakan nya sana ang kamay ko ng iilag ko ito. Naawa kasi ako kay gwendell eh, masyado talagang salbahe tong si aiden.
Tumingin na lang ulit ako kay gwendell kaysa pag tuunan ng pansin tong si aiden, papansin sya masyado ngayon! Sarap hatawin ng sugat nya ngayon! djoke.
"Isip bata tsk! halika na gwendell alalayan mo ako"
Lalapit sana ako kay gwendell ng harangan ako ni aiden tsk! ano ba to parte parin ng pag kukunwari nyang mabait syang fiance sakin at pag kukunwari ba yang pag seselos nayan!
"Ano ba gutom na ako!"
"Arte arte mo ako na nga sasama sayo!"
Itinulak nya naman ako kaya napaupo ako sa sofa ulit. Tumayo naman sila kuya jaydee para sana lumapit.
"Wag kayo mangialam ngayon! palibhasa kinukunsinti nyo yang dalawang yan kaya kung mag landian sa harap ko wagas!"
"Ang bunganga mo nga!"
Sigaw ni kuya ashley sa kanya.
"Halika na! wag kana maarte!"
Sigaw ni aiden sakin, hinawakan nya yung braso ko at sapilitang itinayo at hinila, tangna sakit kaya ng paa ko! Nakakailang hakbang na kami ng pag hahatawin ko yung kamay nya kaya napa bitaw sya sakin.
Sinamaan na naman nya ako ng tingin kaya binawian ko, nako kung ganito ba naman sya syempre maiinis parin naman ako, pati nakaka sakit na naman sya.
"Ikaw ano bang inaarte mo! nag seselos kaba huh?! wag kana umarteng may pake ka at nag seselos na fiance ko dahil hindi lang naman ako may alam na lahat ng ipinapakita mo ngayon ay pag kukunwari lang!"
Yeah sabihin man kasi sakin nila kuya ashley o hindi ay alam nyang hindi parin maayos ang pakikisama sakin ni aiden, ako pa lang talaga yung nagpa pasensya at nag titiis sa lalakeng to.
"Oh ayun naman pala eh bakit pumapayag kapa rin sa gusto ng kuya ko! siguro gustong gusto mo dahil para makakuha ka ng pera para sa nasara nyong kumpanya, utos siguro yan ng tatay mo diba! at pati gusto mo dahil sa bakla ka kaya naisipan mong pumayag agad ipakasal sakin, mga bakla nga naman kasi kapag may lalake na sunggab agad!"
Naiyukom ko ang kamay ko at agad itinama ito sa mukha nya, hindi ko man sya napatumba ay sapat nayung lakas na ibinigay ko para ilabas yung galit ko.
"Ilang beses na akong nag titiis at nag patawad sa mga pananakit mo at mga masasakit na binibitawan mo sakin pero sumosobra kana ata na pati ang ama ko idadamay mo!"
Hindi na nagdala to, talent nya talaga siguro ang manakit at mang lait pisti. Tumingin sya ng masama sakin bago bumwelo ng suntok. Paatake na sana sya ng may humawak sa kamay nya.
"Eto ba? eto ba ang sinasabi mong magiging maayos ang anak ko sa puder nyo ashley?"
Si papa, nakita kong na ngiwi ang mukha ni aiden dahil siguro sa diin ng pagkakahawak ni papa sa kanya.
"At ikaw anong karapatan mong sabihan ng masasakit ang anak ko! anong karapatan mong saktan sya!"
Tiim bagang na saad ni papa, itinulak nya palayo si aiden.
"Ni isang beses hindi ko pinag buhatan ng kamay ang anak ko, iniingatan ko to tapos, ikaw malalaman kong ilang beses mo nang sinaktan!"
Hinawakan naman ni papa yung kewlyuhan ni aiden kaya lumapit sila kuya ashley at kuya jaydee para pigilan si papa, dapat lang dahil mahirap pigilan si papa kapag galit na galit yan.
Pabugtong bugtong hininga lang si papa na napabitaw kay aiden, bigla naman syang napa harap samin ni kuya jaydee kaya nakaramdam rin kami ng takot, napayuko nalang ako.
"Ni hindi mo man lang sinabi sakin jaydee?!"
"Hindi po tito, ayaw nya po kasing ipasabi pa sa inyo at kay ashley, sinubukan ko naman syang kunsintihin kaso matigas ulo ng anak nyo"
Ramdam na ramdam ko naman yung kaba ni kuya jaydee sa tabi ko, kaya pautal utal rin syang sumagot kay papa.
Naramdaman ko nalang na may humawak sa ulo ko, alam kong si papa to dahil sa pag haplos nya ng buhok ko.
"Kukunin ko na anak ko, wala ng kasal na magaganap tutal yun naman ang gusto ng kapatid mo ashley, hindi narin ko mag ta-trabaho sayo, kung gusto mo mag sampa ng kaso sige lang haharapin ko, wag lang masaktan ulit at mata-matahin ang anak ko...... Tandaan mo bakla man ang anak ko napalaki ko sya ng maayos at mabuting tao, hindi ko sya tinuruang mabuhay para lang maging mukang pera at mang lalake! Let's go, jaydee nasa likod yung kotse ikaw na ang mag maneho, aalalayan ko pinsan mo"
Tumango na lang at sumunod si kuya jaydee, gusto ko man mag salita ay wala narin namang magagawa, nung una ayoko naman talaga diba kaya dapat masaya ako pero hindi eh, iba na ngayon.
Binuhat ako ni papa na pang bridal style, napatingin na lang ako sa mga taong maiiwan ko ngayon dito, halatang may mga lungkot sa kanila kaso hindi rin naman sila makapag salita pa o maka galaw man lang ngayon sa kinatatayuan nila.
Napayakap nalang ako sa leeg ni papa at isinubsob ang mukha sa dibdib nya, bakit parang ayokong tanggapin desisyon ni papa.
"Pa paano ka? ayokong makita kang naka kulong"
Nakayuko at umiiyak kong saad, nasa kotse na kami ngayon at bumibiyahe pauwi. Hinawakan nya ang balikat ko at niyapos.
"Hindi na ako takot harapin yung nagawa kong kamalian anak, dahil mas mahalaga ka sakin. Hindi ko mapapatawad ang sarile ko kung ako pa mismo ang maglalagay sayo sa sitwasyong makakasama sayo, i'm sorry anak kung nasaktan ka muna ng iba bago ako magising at tanggapin ang mga kamalian at kinatatakutan ko, hindi na ako takot pa kahit saan at hindi na ako gagawa ng mali dahil ayokong isakripisyo ka, takot akong may mangyaring masama sayo dahil ikaw, ikaw lang ang nag iisang yaman na pagkakaingat ingatan ko, mahal na mahal kita anak kaya lahat gagawin ko para lang maging maayos ang buhay mo, patawarin mo lang talaga si papa sa mga pagkakamali nya, ipinapangako ko sayo na babawi ako sayo, mermar"
Wala na akong nagawa pa kundi ang umiyak nalang at yakapin ng mahigpit ang ama ko. Siguro tama naman ang desisyon ni papa, hindi ko na babalakin pang kumontra dahil lahat naman ng ginagawa ngayon ni papa ay para sakin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.......
-Greenite
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top