BE MINE 13


[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming mga manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...

Happy 10k ART OF LOVE and 3k RED CURTAIN thank you to all my readers :)

Matumal ako mag update poorita po kasi si otor dahil nasira po yung pinaka mamahal nyang cellphone, umaasa sya tuloy sa pc, sa pc na nakakatamad gamitin, sa pc na malaki kumain ng kuryente sa pc na nag papahirap sakin mag type hehe, paintindi po okay :)

Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]

• Jaydee on multimedia 👆




Mermar's POV:


"Hindi ko akalaing ganyan na kayo ka-sweet sa isa't isa?"

Napatigil naman ako sa pag sasalin ng pagkain sa plato ni aiden, dahil sa pag puna samin ni kuya ashley. Nagtataka kayo siguro kung bakit? ginagawa ko lang po ito para makabawi bawi man lang kay aiden sa mga nag daang araw na mabait sya sakin.

Hindi nato parte ng pang aasar ko, yes eto na talaga ang gusto kong gawin. Ang tiisin at tanggapin ang mga nangyayari ngayon. Ginagawa ko ngayon yung makakabawas sa mga iniisip ko.

Gaya ng plano ko na itigil ang larong inumpisahan ko ay itutuloy tuloy ko na, si aiden nalang kasi ang talagang mag dedisisyon kung tuluyan na syang papayag sa kasal o hindi.

To be honest magaan at masaya kahit papano ang desisyon ko, tanging pagka lito nalang kung bakit abnormal minsan tumibok puso ko, kung bakit na titiis ko ang sama ng ugali ni aiden.

"Arut! pabebe ngumite itong si MM"

Bigla naman napatingin sakin si aiden dahil sa sinabi ni kuya richie, tinignan ko lang sya at binigyan ng isang ngite na hindi sa pilitan lang.

"Kung bumabawi ka para maasar ako, well nagawa mo dahil iritang irita ako sa mga pa asukal mong kilos at salita ngayon"

May diing bulong sakin ni aiden, bahala na sya sa gusto nyang isipin o sabihin ang gusto ko lang naman yung maramdaman nyang, eto na talaga ako, yung tunay na pag uugali ko, yung hinding pakitang tao o napipilitan lang.

"Yun lang ba sige MIL mag ikot ikot tayo ulit, okay lang naman kay kuya ashley yun, isa pa tignan mo nga sarile mo masyado ka na ata na-stress sa trabaho mo?"

Bahagya naman na ngunot noo nya, hinawakan ko yung kamay nyang naka patong sa lamesa. Ramdam ko yung pagka bigla nya pero hindi ko inalis ang pagkaka hawak ko.

"Napaka maasikaso naman pala ng magiging asawa mo, aiden. Masuwerte ka na at katulad nya ang mapapakasalan mo"

Ngiteng ngite samin si kuya ashley at richie dahil alam naman nilang dalawa na totoo na ang pinakikita ko kay aiden, and yes dahil ako na mismo ang nag sabi sa kanila. Sa aming anim na narito sa hapag kainan ngayon ay tanging si aiden lang ang masama ang awra, sila Kuya dee at gwendell mga nag tataka.

"Sana tuloy tuloy na yan"

Mas hinigpitan ako ang pagkaka hawak sa kamay ni aiden, yung hindi naman sya masasaktan.May dalawang magandang balita nga pala ako hehe, una hindi na mahigpit sakin si kuya ashley yung trabaho ko dito mas pinagaan nya at ang pangalawa ay pumayag dyang sabado't linggo ako wala dito.

Alam nya naman na pinupuntahan ko mga bata at pati narin mga matatanda kung minsan para mag bigay ng tulong.At alam nya rin na babalik ako sa pag momodel, guess what? sya pa ang nag push sakin na bumalik.

At bakit? hulaan nyo hahaha djoke! Gusto nya kasing mas malamangan ko si kristine, nakakaloko diba!May ugaling impakta nga yun si kristine at manggagamit daw sabi nila pero wala namang ginagawang masama sakin yung tao.

Kung tutuusin ugaling maganda lang naman lamang ko sa kanya, bukod kasi sa maganda sya at mukang matalino pa ay isa syang babae!Babae na may malusog na boobs, may petchay, sexy, malakas sex appeal at ang babaeng mahal ng fiance ko.

Gagawin ko lang yung trabaho di para mas umangat kay kristine, kundi para may mapag kuhanan pa akong pera pang tulong sa pambayad utang ni papa.

Hindi sa ayokong matuloy o tuloy yung kasal, dahil malabo naman talagang pumayag ang katulad ni aiden na ipakasal sya sa baklang katulad ko.

"Huling araw na namin dito, dahil tambak na ang trabaho ko sa manila. Dinalaw ko lang naman kayo dito para narin ipakita si infinity sa inyo, pag balik kasi namin manila lilipad sila richie pa america, gusto makita nila mama si baby"

Tumango tango nalang kami, napatingin naman si kuya ashley kay gwendell dahil napuna nya kanina pa ito tahimik at naka tingin sa kamay namin ni aiden.

Nagulat naman ako ng ibaliktad ni aiden ang kamay nya, binawian nya ako ng pag hawak bago ngumite.Inangat nya pa yung kamay naming magka hawak ngayon.

"Ang bango mo talaga MIL"

Mas nagulat naman ako ng amuyin nya at halikan ang kamay ko, hindi ko inaasahang gagawin nya yun.At hindi ko na naman alam ang gagawin ko dahil sobrang bilis na naman ng pag tibok nitong puso ko.

Gusto ko man umalis dito sa kinauupuan ko dahil ramdam na ramdam ko na inet ng mukha ko, alam kong namumula nayung mukha ko dahil sa ginawa nya ngayon.Pero nag tatalo na naman yung utak ko at nararamdaman ko ngayon, gusto ng utak kong tumayo at lisanin ang lugar nato ngayon, pero iba ang nararamdaman ko parang gustong gusto lang nya yung nakahawak sakin si aiden. 

Alam kong inaasar nya lang ako kaso bakit diko ba maiwasan ganito ang maramdaman, ano ba talaga to? crush? imposible hindi naman ganito kalala nararamdaman ko noong may gusto ako kay gwendell!

"Ingat kayo kuya richie, sabihan mo ako kapag naka balik na kayo dito para mapuntahan namin kayo ni infinity diba MIL?"

Napatingin ako sa mukha ni aiden na ngayon na ngiteng ngite ring naka tingin sakin, oh Lord bakit parang habang tumatagal mas na ga-gwapuhan ako sa taong to.

"A-ah o----o"

Sa sobrang bilis ata at lakas ng pag tibok ng puso ko ngayon naapektuhan pa pag sasalita ko pisti!Kailangan ko na talaga mag tanong kay papa o kuya jaydee para makumpirma ko kung ano ba talaga to.

"Bilisan muna kumain MIL, mag iikot ikot pa tayo diba"

Tumango nalang ako, inuunti unti ko nang tanggalin yung kamay ko sa pagkaka hawak pero etong namang si aiden ang ayaw bumitaw.

Sinabi ko nang di ako makakain ng ayos kaso ang ginawa nya sinu-subuan nya ako na parang isang bata gamit pa ang kutsara nya.Jusko paano ba pakalmahin tong puso ko kada may gagawin o titignan ako ni aiden mas nagiging abnormal na pag tibok nito.

Napatingin ako kay kuya dee na pailing iling na naka tingin rin sakin, hindi ko alam kung bakit pero parang ayaw ko ng ganung pag iling iling nya.

Napatingin rin ako sa mag asawa na nag haharutan mismo sa harapan namin, parang wala kami dito eh! May sarile silang mundo ngayon.

Pag dako naman ng tingin ko kay gwendell ay nakatingin rin pala sya sakin, ewan lang pero parang ang lungkot ng mga mata nyang nakatuon sakin.Ngumite na lang ako sa kanya, at ganun rin naman sya kaso hindi ganung ngite inaasahan ko, halatang halata kasi na pilit lang yung ngiteng ibinalik nya sakin.

"Ah aiden tanggalin muna pagkaka hawak mo"

Bulong ko sa kanya, mukha syang nagulat pero saglit lang at ibinalik nya yung pagkaka ngite nya.

"Ngayon mo lang ako tinawag sa pangalan ko, nagustuhan ko naman kaso hindi ko bibitawan kamay mo hanggat hindi pa tayo tapos kumain, ikaw nag umpisa nito edi ako ang tatapos MIL"

"Hoy binubulong mo sa pinsan ko huh?!"

May pagka iritar na tanong ni kuya dee, napatingin naman samin sila kuya ashley.

"Tinatanong ko kasi kung kaylan kami gagawa ng baby, para may kalaro agad si infinity diba"

Literal na napanganga nalang ako sa lumabas na mga salita sa bunganga nitong si aiden, bakit ganitong klaseng pang aasar ang gusto nya? Hindi ba sya naiilang? pagkaka kilala ko sa kanya hindi talaga sya yung tipo ng tao na ididikit ang sarile sa usapan na may ugnayan sa bakla at lalong lalo na sakin.

"Hahaha kaya naman pala pulang pula na mukha ni MM, ka-cute na bata eh, wag kana mahiya fiance mo naman yang si aiden"

Tuwang saad ni kuya richie habang naka thumbs up pa samin.

"Ayos ka pala kapatid wala pang kasalan, anakan agad gusto mo advance ka mag isip hahaha.Sabihan nyo lang ako kung gusto nyo mapaaga ang kasal ah, para may kalaro na nga itong si infinity."

Tuwang tuwa ring namang saad ni kuya ashley, hindi ko na kaya parang nahihirapan na akong huminga dahil sa sobrang lakas at bilis ng pag tibok ng puso ko.Hiyang hiya narin ako sa mga pinag uusapan nila.Sapilitan ko nang inalis ang kamay ko at nagawa ko naman, agaran akong nag paalam na lalabas muna, tapos narin naman akong kumain.






Tumungo ako kung saan naka kulong si lei, sure kasi ako ganitong oras walang tao dun. Ayoko na muna may taong gugulo sakin ngayon.

Wag na muna ako mag isip ng kung ano-anu, tsaka na kapag si papa na kaharap ko parang nag dalawang isip na ako mag open kay kuya dee, pag usapang aiden nga pala umuusok ilong nun sa galit.

I'm right wala nga tao dito ngayon, mas kakalma na puso ko nito at mas makakapag pahinga ang utak ko sa pag iisip. Umupo ako sa may gilid ng kulungan ni lei bago sya kamustahin, kausapin alam ko kung may makaka kita lang sakin ngayon baka isipin na babaliw na ako dahil kinakausap ko ang kabayo.

Samut' saring salita at kwento na ang ibinibigay ko kay lei, kung minsan nga nag e-alien words pa ako na hindi ko alam kung saan ko ba napupulot. Ilang minuto na akong parang sira sa pagka usap kay lei ng matigilan ako, may tumatawag kasi sa cellphone ko... CEO wilbert calling....

Nakalimutan kong sabihin sa kanyang pumapayag na nga pala ako, answer button.

"Balita mermar?"

"Ah pumapayag na ako CEO"

"Oh my god, that's a good news!"

"Basta po kayo na po umintindi sa sitwasyon ko, nakakahiya man ay kayo talaga kailangan mag adjust para sa oras ko, pasensya na po"

"No need mermar, nagpapa salamat nga ako at babalik kana... Saturday after mong puntahan ang mga dapat mong puntahan ay dumeretso ka rito sa building may pa welcome party ako para sayo"

"Di naman kailangan pa CEO, ang importante yung babalik na ako at tanggap na tanggap nyo ulit ako"

"No kailangan ng party okay"

"Hays bahala po kayo, basta CEO salamat po"

"Walang anuman at salamat rin."

Pumayag nalang ako, nakakahiya namang tanggihan si CEO eh malaki narin ang tulong na nagagawa nya para sakin. After nang conversation namin ay muli ko na namang kina usap si lei.

Unti unti narin kami makaka bayad sa mga pinagka utangan ni papa, marami kasi syang pag kakautang kaso mas pinaka malaki kay kuya ashley kaya mas sa kanya ako nag ta-trabaho maka bayad lang.

Kung madali nga lang paki usapan si aiden na pumayag nalang edi sana ginawa ko, baka kasi matagalan pa ang pag babayad namin kay kuya ashley sa laki ng pagkakautang ni papa sa kanya.

Mga kikitain ko sa pag mo-modelo sa mga utang at sanlang ari-arian lang mababawi namin, malabong kitain ko yung napaka laking utang ni papa kay kuya ashley sa maiksing panahon.

"Ano yun mermar ipaliwanag mo nga sakin?!"

Napatayo ako dahil sa biglaang pag dating ni kuya dee, naka kunot noo syang naka tingin sakin.

"A-alin ku----?"

"Pwede ba wag kang mag kunwaring dimo alam!"

Sigaw nya sakin, sa kauna-unahang pag kakataon ngayon lang nya ako nasigawan ng ganito.

"H-hindi ko nga a-alam sinasabi mo?"

"May gusto ka ba kay aiden?!" 

Halos mabali ang leeg ko sa pag iling dahil sa tanong nya.

"Sinungaling! mag tagal na tayong magkasama mermar at kahit amoy ng utot mo alam ko!"

"Bakit ba? sinabi nang wa-wala nga, hindi ako magkaka gusto sa ganung tao na ubod ng sama ng u-ugali!"

"Hindi iyon ang nakikita ko! ang saya mo siguro ano? my god mermar halos kamuhian ka na ng taong yun, sinasaktan ka nya lagi, tapos magugustuhan mo lang sya?! nababalie kana ba! ni hindi mo rin alam na nakaka sakit ka ng ibang tao?!"

Bakit ba ganito si kuya jaydee ngayon, alam ko naman inis na inis sya kay aiden kaso bakit pati ata sakin galit na sya? hindi ko naman maintindihan bakit ipinag pipilitan nyang may gusto ako kay aiden? Hindi ko rin alam kung ano bang ibig nyang sabihin na nakaka sakit ako ng ibang tao? sino? wala akong alam na taong nasasaktan ko at paano ko nasasaktan ang taong yun!

"Hindi ko alam mga sinasabi mo, pwede ba kuya litong lito na ako sa nangyayari sakin ngayon! sasabog na ang utak ko kakaisip! hindi ko na maintindihan tong nararamdaman ko kaya sana wag kana muna magalit sakin at makisabay sa mga iniisip ko!"

Hindi ko na sya hinintay pang sumagot at tumakbo na ako palayo sa kanya, ilang beses nya akong tinawag pero hindi ako lumingon at hindinna bumalik pa doon. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko, ang gusto ko lang makalayo muna kay kuya jaydee.

Ayokong salubungin ang galit nya, hindi ko kasi alam kung paano sya pakalahin at kausapin ng ayos. Unang beses palang nya kasi ako sigaw sigawan at uang beses lang din sya na galit sakin.




Nice ang ganda ng timing mo ulan, nakikisabay kapa isa ka ring pahirap sakin! Basang basa na nga ako, hirap na hirap pa ako sa pag takbo dahil sa sobrang putik na nadaraanan ko!


Dahil sa pagod at at sakit na ng paa at tuhod ko kakadapa at dulas sa putikan ay minabuti ko nalang ang mag lakad, sobra narin lakas ng ulan diko maaninag maige dinaraanan ko. Hinubad ko narin yung tsinelas ko dahil sira na pareho, masaktan na ng kaunti ang paa ko wag lang ako paulit ulit na na madulas o madapa dahil sa tsinelas nayun.

"Lord wala naba ilalakas yan?"

Saad ko, at dahil mabait sakin si Lord ngayon ay mas pinalakas nya nga yung ulan. Sinasamahan pa ito ng malalakas na kulog na ikintakot ko naman.

"Si Lord naman hindi mabiro, okay napo yung ulan kanina eh!"

Sigaw ko, bigla namang kumulog ng malakas kaya napa takip ako ang tenga at napaupo sa takot, huhu sorry na po Lord dina po ako sisigaw. Thank you nalang po at walang kidlat, tumayo nalang ako para ipagpa tuloy ang pag lalakad pabalik ng bahay.

Pagod na ako ng mapandin kong parang dito rin ako galing kanina, napaka habang oras na sinayang ko sa pag lalakad kaso dito rin ako babagsak? Ano ba, saan nayung bahay? tumila kana rin pleas! pagod na ako, gusto ko na makauwi! Baka nag aalala narin mga tao sa bahay sakin huhu, bakit ba ang bait bait nyo sakin ngayon Lord? parusa bato sa mga nagawa kong kasalanan? palagi naman ako nag so-sorry sa inyo ah.

"PAPA NALILIGAW AKO HUHUHU!!!!"



.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Itutuloy........

-Greenite

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top