BE MINE 10


[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming mga manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...

Ang saya saya ni otor naka abot na sa 9k kauna-unahang storya kong ART OF LOVE.
Thank you so much po :)

Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]

• Aiden on multimedia 👆





Aiden's POV:

Anong nangyayari sakin?!
Bakit gustong gusto ata ng katawan kong dumikit sa katawan nitong MM nato!

Bangong bango pati ako ngayon dito, ayaw rin ng ilong ko na hindi malalanghap yung halimuyak ng baklang to.

Actually kanina pa ako naguguluhan sa sarile ko, nung pababa ako ng hagdan at nakita kong tumalon si rei kay MM, may bigla bigla nalang akong nakita parang cute kay MM.

Na pinipilit ko namang hindi bigyan ng pansin, kung ano man yung cute nayun baka nag kakamali lang ako.

Imposibleng cute sya o may kung anong maganda sa kanya, panlabas pa lang na anyo nya panget na agad.

Alam ko rin naman na malakas din tong mang asar kaya, parati kong iniisip na wala paring magandang katangian sa kanya, pinipilit ko talagang itakip yung itsura nya at lakas nyang mang asar sa ipinakikita nyang kabutihan sakin.

Katulad kanina nung nahihirapan ako sa pagkain, oo nga't nang aasar rin sya pero diko naman inexpect na susubuan nya pa ako.

Tapos ngayon, tinulungan nya akong patigilin sa pag durugo ang sugat na natamo ko.

He's kind naman pero hindi dapat ako madala ng ganun ganun lang, baka pakitang tao rin sya.

Tandaan mo kasi lagi aiden na etong baklang nakadikit sayo ngayon, ay isa sa mga taong gustong matigil ang kaligayahan mo.

Isa sya sa mga tao ni kuya para tuluyan na akong mapag bago.
Hindi ko naman hahayaan na tuluyan na akong maging sunud-sunuran kay kuya.

Ginagawa ko lang sa ngayon ang sumunod para kapag nakuha ko na ang tiwala ni kuya ay may pagkakataon na akong makiusap ulit sa kanya.

Mag babago na naman talaga ako seryoso na nga kasi ako kay kristine.
Kaso isa pang problema yun, ayaw ni kuya sa present girlfriend ko deym!

"Nakakatakot pero mas lamang nayung sayang nararamdaman ko ngayon"

Ngiteng ngite nyang ani, humarap sya sakin kaya naamoy ko yung hininga nya at ang baho nun! djoke hahaha to be honest ang bango ng hininga nya.

Para bang may kinain o inimumog syang amoy matamis.
Diko ma explain masyado yung amoy basta mabango.

Napansin ko lang din yung ngipin nya mukha namang pantay pantay at walang sira bukod dun ubod pa ng puti, bakit kaya nag palagay to ng brace?

May pagka nerd looks sya pero hindi katulad nung nerds na nag susuot ng jumper, yung pormahan ba ng mga orihinal na nerds.

Sya kasi kahit na parating naka long sleeve di naman panget tignan.

Napatigil nalang ako at napa lunok lunok ulit dahil naalala ko bigla yung katawan nya, bakit napaka kinis ng baklang to?

Dahil doon ay hindi ko maintindihan bakit bigla bigla nalang bumilis ang pag tibok ng puso ko, para bang may mga kabayong nag kakarerahan sa loob loob ko.

Kaya bago nya pa maramdaman yun ay inilayo ko mg kaunti ang katawan ko sa kanya.

Kasi naman maputi na girlfriend kong si kristine pero mas makinis tong si MM, isa pa aminin na nating ang sexy nya.
Dipa kitang kita buong katawan nya ah, paano pa kaya kapag buo na nakita ko?

"First time mo bang sumakay sa kabayo?"

"Yeah takot kasi talaga ako, nung bata nga ako kapag pinipilit ako ni papa sumakay sa carousel umiiyak talaga ako ng matindi para di lang ako makasakay"

"Hahaha ang saya kaya sayang naman dika nakasakay noon sa carousel, pero ngayon okay na naman diba? nag e-enjoy kang naka sakay ngayon kay lei"

Ngumite lang sya at tumango, kakasabi ko lang kanina na dapat di ako magpa dala eh tapos ngayon nung ngumite sya ng tikom ang bibig parang gusto ko parati na syang ganyan.

Hindi naman ganito nung una eh, naiirita nga ako kapag nakikita ko sya pero bakit ba ganito? bakit parang natutuwa na ako sa kanya? bakit parang may gustong gusto pa akong makita sa kanya tsk!

"Pwede ko ba sakyan si lei, gusto ko kasing libutin tong hacienda nyo pati nag e-enjoy kasi ako"

Muli na naman syang tumingin sakin, hindi ako naka imik agad dahil napatitig ako sa mata nya, nakaharang man ang salamin nyang pagka kapal ay kitang kita ko parin kung gaano buhay na buhay ang mata nya.

Isang bagay na maganda sa kanya ang mga mata nya, para bang pag titignan mo mapapangite kana lang.

"A-ah sige amu-amuhin mo na lang para pasakayin ka nya at mapa sunod mo"

"Ayos, kaso diko pa kaya mag isa eh, siguro papasama o papaturo akong mangabayo kay gwendell"

"Hindi pwede!"

Nagulat naman sya sa sigaw kong yun, tsk! nakakainis kasi bakit kay gwendell pa sya mag papaturo, pwede naman sakin.

Gusto ko sakin lang sya magpaturo, wala rin kasi ako tiwala sa ibang tao dito.
Teka wait bakit? babae ba si MM para pagkaingatan ko at maganda ba sya para ilayo sa iba? tongno naman talaga!.

"A-ano kasi mapili si lei, simula pa lang nun hindi na nya gusto si gwendell, kaya kung gusto mo talaga si lei ang sakyan mo...
S-sa akin kana lang mag patu---"

"Talaga pwede? baka naman ilaglag mo lang ako?"

"Hindi ah, inilaglag ba kita ngayon?"

"Sabagay sige sayo nalang, basta kapag ikaw gumawa ng masama sakin naku pabubugbog kita sa mga lalake ko"

Muli na naman na ngunot ang noo ko sa sinabi nya, mga lalake?
Proud pa syang marami syang lalake, mga bakla nga naman tsk.

Hindi nalang makuntento sakin, oo wala naman kaming relasyong dalawa at oo minsan, hindi palagi palang ayaw namin sa isa't isa pero ako parin ang fiance nya.

"Yun naba yung imbakan?"

Tinignan ko yung tinuturo nya, yun na nga kaya tinanguan ko nalang sya.
Nag tatampo ako, ang rami nya raw kasing lalake.....

Teka wait ulit! Nag seselos ba ako?
Hindi naiinis lang ako kasi ang lakas ng loob nya man lalake pa!
Samantalang ako isa lang.

----------

"Wow"

Sabay saad namin ni MM, ang bango dito at bukod doon yung akala kong loob nitong imbakan basta basta lang, parang factory nato na katulad sa manila.

Napaka linis pa dito at ang ganda tignan ng samu't saring kulay ng mga prutas, pero pinaka marami dito yung mga lemon.

"Napaka husay ng mga tauhan nyo rito, napaka linis dito at maingat nilang inaayos ang mga prutas"

Ngiteng ngite nyang saad, badtrip hindi ko maiwasan hindi tumingin sa kanya ngayon para bang na mesmerised ako sa kanya ngayon.

Wala naman syang magandang ginagawa pero bakit ba kasi ganito!
Maling mali to aiden tsk, bakit ba parang hirap na hirap ako ngayon na mag isip ng matino.

Bakit parang hirap na hirap akong asarin si MM, bakit parang nakakaramdam na ata ako ng selos.

"Oo nga pala, umupo ka muna doon at mag hahanap ako ng first aid kit"

Tumango nalang ako at umupo kung saan pwedeng pumwesto.
Samantalang sya ay lumapit ng ibang taong narito sa imbakan para siguro mag tanong.

Ilang minuto akong nag hintay hanggang sa makita ko ukit sya at may dalang mga pang gamot.

Walang salitang lumabas ngayon sa bibig nya kahit na sa bibig ko.
Nakatuon lang sya ngayon sa pag lilinis ng sugat ko.

Nakirot yung sugat ko pero eto ako ngayon mukang tangang nakatitig sa mukha ni MM, isang pang nakakapag taka kung papaano ako nakakatagal sa pag mumukha ng bakla nato ngayon.

Kaylan lang ngiwing ngiwi akong makita yung mapekas nyang mukha, yung kilay nya ng ubod ng kapal at yung mga bakal sa ngipin nya.

Hindi kaya ginayuma ako nito, tama baka may gayuma yung pagkaing inabot nya sakin nung nasa kwarto ako.

Baka kaya parang naku-cute-an ako sa kanya, kaya hindi ko na sya laging maasar tsk! humanda sakin ting MM nato.

"Umamin ka nga! nilagyan mo ba ng gayuma yung pagkain ko nung nakaraan huh?"

Naka kunot noo kong tanong sa kanya, hinawakan ko ng pagka higpit yung kamay nyang may hawak na bulak.

Napa ngiwi sya sa sakit ata ng pagkaka hawak ko, masakit yung sugat ko pero naiinis akong isipin na ginayuma nga ako nito para magulo utak ko.

Ikinagulat ko ng isapak nya yung bulak sa bunganga ko, hindi tuloy ako nakapag salita ulit.

"Nasasaktan ako! pag dimo pa binitawan kamay ko paduduguin ko ulit yang sugat mo!"

Hindi ko pa rin sya binitawan sa halip ay mas diniinan ko pa ang pagkaka hawak sa kanya, akala nya ba matatakot nya ako sa ganun lang.

Pinipilit nya paring tanggalin ang kamay ko pero kahit na may sugat naman ako mas malakas pa rin ako sa kanya.

Unti unti naman nyang binitawan ang kamay ko, dahil sa wala syang magawa sumuko nalang sya at yumuko.

"Ano bang pro-problema m-mo?.... m-masakit sa-sabi"

Hindi ko inaasahang ng dahil lang sa pag hawak ko sa kanya iiyak na sya ng ganito, akala ko pa naman hindi sya madaling paiyakin.

"Wag mo akong artehan, umamin kana kasi! nilagyan mo ba ng gayuma yung pagkain ko?!"

Hawak ko pa rin yung kamay nya, parang may awa rin akong nararamdaman kaso pina-ngungunahan na ako ng galit, hindi ko na naman makontrol sarile ko.

Yung lang naman kasi talaga nakikita ko nang dahilan ang ginayuma nya ako kaya gumugulo ang utak ko.

"Hoy bitawan mo pinsan ko gago ka!"

Napabitaw naman ako sa kamay ni MM dahil sa pag dating nitong jaydee, hinawakan nya ako sa kwelyo at pwersahang itinayo.

"Kaya pala gustong gusto kong puntahan ka dito! bakit dimo ipag tanggol yang sarile mo kaya mo naman tong gago nato!"

Saad muli ni jaydee, itinulak nya ako palayo sa kanila ni MM.
Sa liit nyang yun ang lakas nya pala.

"Kasabwat kaba nya para gayumahin ako?"

"Ano? gayuma? fvck nasisiraan kana ba ng ulo? bakit ka naman namin gagayumahin ha?!"

Sigaw na tanong ni jaydee, sa halip na maka sagot ako ay sinamaan ko nalang sila ng tingin.

"Bakit kaba umiyak? sana kung na saktan ka binigyan mo ng isang suntok sa mukha yang baliw mong fiance!"

Ginago na ng ako kanina, tinawag nya pa akong baliw.
Iniyukom ko ang kamay ko sinugod si jaydee.

Pero bago pa man ako maka lapit sa kanya ay humarang si MM at hindi ko inasahang bibigyan nya ako ng isang malakas na suntok sa mukha.

Napaupo ako dahil sa gulat at sakit ng pagkaka suntok nya.
Lumapit sakin si MM at tinignan lang ako saglit bago tumalikod at nag lakad palayo.

"Sana mas ginalit mo pa yung pinsan ko para di lang putok sa labi naranasan mo, sana nadurog din yang ilong mo! makakarating to lahat sa kuya mo, tsk tsk! maisip mo rin sa yung mga sinasabi mo!"

Pangise ngise namang saad ni jaydee bago nag lakad narin palabas dito sa imbakan.
Napatingin naman sa paligid dahil may ibang tao narin pala dito.

"Kabataan nga naman ngayon"

"Ano ba kasing pumasok sa isip ng batang yan at may gayumang nalalaman?"

"Oo nga mare, samantalang tayo tumanda na ng ganito di naniwala sa gayuma"

"O sya na bumalik na tayo sa trabaho"

Sana nilakasan nalang nila o sinabibskain ng harapan, kung mga bumulong mga gurang to akala mo naman diko narinig.

Naiwan ako mag isa sa imbakan at napailing iling nalang tsk!
patay na naman ako nito kay kuya.




~~~~~~~~~~~~~~~~

Jaydee's POV:

"Bakit ba umiyak ka? isa pa kayang kaya mo yung aiden nayun!"

Bulyaw ko pinsan ko, nagkakapag taka eh.
Hindi kasi katulad ni aiden ang basta nalang magpapaiyak sa pinsan ko.
Hindi basta basta napapaiyak to.

"H-hindi ko din alam kuya, nung tumingin kasi ako sa mata nya nakaramdam ako ng panlalambot"

Saad nya habang nakaupo sa may harapan ng salamin at nag tatanggal ng make up.

"Natakot ka sa kanya?"

"I think so, kanina naman bait at okay pakikitungo nya sakin tapos bigla bigla nalang ganun, magagalit sya at mananakit"

"Sigurado ka bang yang kamay mo lang nasaktan? sasabihin ko kasi yang aiden nayan kay richie, para sabihin kay ashley"

"Oo kamay ko lang, hindi na naman masyadong masakit pati wag muna abalahin sila kuya ashley, hayaan mo sa susunod hindi na ako papasindak sa kanya, diko lang talaga alam bakit bigla nalang akong natakot sa kanya"

Napabugtong hininga nalang ako, kung ako lang din masusunod iaalis ko na ngayon pinsan ko dito.

Naisip ko kasi baka mali yung pakiramdam namin ni mickey na magkaka sundo si mermar at aiden.

Sa nakikita ko ngayon mukang malabo, wala namang dahilan para magalit yung aiden nayun at saktan pinsan ko.

Baka pag tumagal tagal mas saktan nya pa pinsan ko, oo kaya naman ni mermar sarile nya kaso nag aalala parin ako.

Isa pa si aiden diko naman alam na baka malakas rin yung taong yun, nakita ko narin yung sinasabi ni richie na mahirap magpigil ng galit si aiden.

Kaso tangna nya wala naman ginawa pinsan ko para magalit sya ng ganun ganun lang.

"Ano bang gayuma sinasabi nya?"

"Ewan ko dun, nililinis ko yung sugat nya kanina tapos bigla nalang syang nagalit at tinanong nya ko kung nilagyan ko ba raw yung pagkain nya ng gayuma"

"Matindi tama ng utak nya, gayuma para saan naman?"

Napatingin ako kay mermar at ganun rin sya, hindi kaya.....

"Imposible kuya"

"Eh iniisip nyang ginayuma mo sya, baka nga nagkaka gu----?"

"Hindi pwede! ilang araw palang kami nagkakasama pati diring diri nga sakin yun"

Sabagay may point sya kaso yung lang naman ang naiisip kong dahilan ang nahuhulog na ang loob ni aiden sa pinsan ko.

"O ano nababaliw lang fiance mo kaya iniisip nyang ginayuma mo sya?"

"Baliw naman talaga yun, bipolar pa! basta hindi pwede yung nasa isip mo! gumagawa nga ako ng paraan diba para hindi matuloy yung plano ni kuya ashley, pati okay narin siguro yung sinaktan nya ako ngayon may isa na akong dahilan para di matuloy ang kasal"

Paliwanag nya, hays suportahan ko lang naman sya lagi eh.
Ang ayoko lang makikita syang naiyak at nasasaktan.

Para na kaming mag kapatid ni mermar, halos sya narin ang isa sa tinuturing kong best friend.

Marami nang naitulong sakin tong si mermar at si tito lalo na noong lumayas ako samin dahil ayaw nila papa na sa pagiging assistant lang ako babagsak.

Ang alam ko dun nag simula away nila ni tito james, hanggang sa lumala nung parating sinisita ni papa si tito sa pag susugal.

Natanggap lang nila papabyung trabaho ko ng pumasok si mermar sa pag mo-modelo, sya na kasi ina-assist ko.
Lifestyle fashion na kasi pangarap ko kaya kahit anong mangyari eto ang pipiliin ko.

"Miss ko na ganitong itsura ko"

Saad nyang nakatingin sa salamin, ginusto nya yan eh panindigan nya.
Kahit naman kasi sabihin nating nagpa panget sya may cute kapa ring makikita sa kanya.

May kung anong ora bang nakapaligid sa kanya na talaga namang magugustuhan mo kahit na hindibmo ma-explain kung ano bayun.

Sana naman makita ng aiden nayun katangian ng pinsan ko di yung lait sya ng lait, nung una akala mo taeng nasa harapan nya si mermar kung mandiri ang itsura nya.

Mas boto pa ako kay gwendell, nakikita ko kasing may pag tingin si gwendell sa pinsan ko.

Kung sakali namang mahulog nga si aiden kay mermar, bahala sya sa buhay nya! inis ako sa mga taong mayayabang.

Ayos pa sana nung una, gwapo naman sya at mayaman kaso sama ng ugali.
Gagawin ko nalang ngayon ay bantayan maige si mermar.

"Sa sabado maira-rampa mo naman yang pag mumukha mo! yun nga lang sa mga bata at matatandang dinadalaw mo"

"Kuya baka mag babawas bawas ako ng pupuntahan sa sabado, ayoko kasing di mapuntahan yung limang bata, alam mo naman sila yung may pinaka mahirap na pamumuhay"

"Anong plano mo?"

"Siguro magpapadala nalang ako ng kaunting tulong sa ibang diko na mapupuntahan, mas kailangan ako nung limang bata at ng mga lola at lolo."

Sa dami ba namang nyang pinupuntahang orphanage tsaka yung mga senior citizen na tinutulungan nya, maluluga talaga sya.

Ayos talaga tong pinsan ko yung kahit nag hihirap na sila, pero sya parin yung tutulong sa ibang tao.

"Parati lang naman akong naka suporta sayo mermar"

"I know kaya nga mahal na mahal kita kuya hahaha, thank you kasi nariyan ka palagi para sakin"

Ngumite nalang ako sa kanya at lumapit, ginulo ko yung buhok nya at sabay natawa.

"Akala ko hahaba pa dramahan natin hahaha, ikaw nalang kumain ng hapunan kuya matutulog na ako pagod ako"

Tumango nalang ako, baka kasi ayaw nya rin munang makita si aiden.
Ayos mas maasar ko pa sya mamaya.

DINNER naka poker face lang si aiden sakin habang ngiseng ngise akong nakatingin rin sa kanya.

"Anong meron? na saan si MM?"

"Natutulog na pagod masyado, sumasakit rin kasi ang kamay nya"

Hindi ko inialis ang pagkaka tingin ko kay aiden na naka kunot ang noo ngayon.
Makaramdam ka ngayon ng sisi gunggong kang mukhang pusa!

"Naiparating mo naba ang sumbong mo? bakit hanggang ngayon hindi parin ako tinatawagan ni kuya?"

"May nangyari bang diko alam?"

"Oh yes meron, sinaktan lang naman ng aiden nayan ang pinsan ko"

"Ano? kaylan? anong ginawa mo?!"

Napatingin naman kami pareho ni aiden kay gwendell sa sigaw nito, parang mas galit na galit sya sa nangyari kaysa kay mermar.

See sabi na may gusto tong gwendell kay insan, bakit kasi nag pabebe pa sya dati edi sana baka hanggang ngayon sila parin ni insan.

"Ako na mag sasabi kay sir ashley"

Halatang halata sa kanya na gusto nya nang suntukin sa mukha si aiden.

"Hindi na kailangan ayaw ni MM na sabihin akala ashley, ayaw raw nyang maabala si ashley kaya gwendell sundin mo nalang si MM, para mas maka pogi points kapa sa kanya"

Muli kong tinignan si aiden, mukang gets naman nya yung sinabi ko at mukang alam rin na nya ngayon na gusto ni gwendell si mermar.

"Mas boto ako sayo gwendell kung tutuusin, kung ako sayo aamin na ako kay MM para makagawa ka ng moves para sayo sya mapunta, maa may tiwala kasi ako sayo"

"A-ano bang sinasabi mo?"

"Alam mo namang crush ka noon ni MM, kapag umamin ka sa kanya baka bumalik yung feelings nya for you, wag kang mag alala kung iniisip mo si ashley.
Napipilitan lang din naman si insan sa set up ni ashley kaya ganito, inaalala nya lang kasi si tito james"

Naka ngite ko paring saad sa kanya.
Napadako ulit ang tingin ko kay aiden, woah totoo pala nakakatakot yung mata ni aiden, pero hindi ako si mermar para masindak sa titig nyang yan.

"Tayo tayo lang naman narito, wag na tayo mag lokohan.
Sino bang magagalit kung ikaw ang magugustuhan ni MM?"

"Fiance ako ng pinag uusapan nyo! mahiya naman kayo sa sarile ko pa talagang pag aaring bahay"

"Uy may pake ka pala? fiance? pag aati mo naba to? akala ko kay ashley to pati kakasabi ko lang wag na tayong mag lokohan, as if naman kung may gusto ka sa pinsan ko, pero syempre wala! dahil ayaw mo sa mga panget na katulad nya! diring diri ka nga diba? may girlfriend ka nga diba?"

Hindi nakaimik si aiden sa mga pinag sasabi ko, isampal ko na agad dyan sa mukha mo yung katotohanang na ayaw nya naman talaga sa pinsan ko.

"Pag isipan mo gwendell, kung may taong mag mamahal sa kanya at mag aalaga gaya ng ginagawa namin sa kanya ni tito james ay ikaw yun, kilala mo na naman maige si MM diba? hindi sya mahirap mahalin at tanggapin....
Sige na tapos na akong kumain, mauuna na ako"

Pinsan ko lang kinakaya kaya mo ah!
Pwes simula sa araw to aiden, sa bawat gagawa ka ng masama at lalait laitin mo pinsan ko, ako ang makaka tapat mo.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Itutuloy.....
-Greenite

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top