6. Third Person's Point of View

Hello, again and again! Welcome back for another lesson. In this page, we'll be talking about the third person's point of view.

Hindi ko na isinama pa yung ibang klase ng paningin dahil alam na naman na natin ang mga iyon. I wanted to focus more on this type of view dahil daming mga dapat na malaman tungkol dito. Hindi lang siya basta basta.

In this kind of view, the author or writer is the one narrating the story. Wala sa kwento ang nagna-narrate at mas lalong hindi siya isa sa mga tauhan. Dito ginagamit yung mga pronouns na "he," "she" at "they" o sa Filipino ay "siya" at "sila."

Aside from this, did you know na may types ang paningin na 'to?

i. Omniscient (Mala-diyos na Panauhan)

The narrator knows everything about the story and the characters. He can enter anyone's mind.

Another thing is that may kakayahan din siyang magpahayag ng opinyon niya tungkol sa nangyayari at maging sa mga tauhan.

Walang limit ang narrator dito. Alam niya ang lahat at malaya siyang gumalaw.

From the name itself, mala-diyos. Para siyang Diyos na nakikita at nalalaman ang lahat.

ii. Limited Omniscient (Limitadong Panauhan)

Almost the same with the Omniscient type except the fact that the narrator can only enter one character's mind.

Nababatid niya ang iniisip, nakikita at ang kilos ng isang tauhan lamang. Limitado lang ang alam ng narrator at ang lahat ng mga iyon ay nanggaling lamang sa iisang tauhan.

Pwede kang magpalipat-lipat ng tauhan na gusto mong ipokus.

Sa paraang ito, nalilimit ng narrator ang alam at nakikita ng mga nagbabasa. Effective ito kung ang gusto mo ng may pasuspense o kaya naman ay mag-build ng excitement.

iii. Objective (Tagapag-obserbang Panauhan)

The narrator is neutral. Wala siyang napapasok na isip at tagapag-obserba lang ng nangyayari.

The narration is purely observational. Kung ano lang ang nakikita niya, iyon lang ang sasabihin niya. The narrator is basically just watching.

As a writer, it's a good thing na alam mo ito. As what I have said, hindi pwedeng sulat lang ng sulat. Iba pa rin yung may alam ka talaga.

Knowing the three types of 3rd person's point of view could be a great help in your writing. Atleast alam mo na may choices ka if you are planning to use it at hindi lang basta nanghuhula.

In general, maganda ang paggamit ng ikatlong panauhan dahil mas nagiging malinaw ang bawat eksena sa kwento. Mas maraming detalye ang nakukuha ng mga mambabasa.

Pero unang una sa lahat, dapat alam mo kung anong klase ng ikatlong panauhan ba talaga ang gagamitin mo. Each type has its own advantages. Kung gusto mong magpa-suspence, then use the Limited Omniscient.

And lastly, be consistent. Baka naman kasi nahilo yung mga readers mo sa dami ng papalit-palit na perspective. Ayos lang naman pero do it in a very smooth way. Huwag pabigla-bigla o kaya naman ay nasa gitna ng chapter.

・・・

That's all I could give! Kung may tanong kayo o request, ask them right away.

Reference

MasterClass, 2019 https://www.masterclass.com/articles/what-is-third-person-point-of-view-in-writing-how-to-write-in-third-person-narrative-voice-with-examples#the-3-types-of-third-person-point-of-view-in-writing


SR♡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top