3. 'Nang' at 'Ng'

Welcome back! We have another tricky lesson to discuss.

'Nang' at 'ng' Ano ang pagkakaiba nila at kailan sila ginagamit?

Wala namang problema kung sa pakikipag-usap lang dahil parehas lang naman ang tunog nila. Pero, pagdating sa pormal na pagsusulat, nararapat lamang na alam natin ang gamit ng mga ito.

i. If translated into English, heto yung conjunction na 'when.'

• Nang dumating ka, umalis siya.
When you came, he left.

• Napasigaw siya nang madapa.
She shouted when she fell.

ii. Gamit sa pang-abay na pamamaraan.

Pinagdudugtong nito ang pandiwa (verb) sa pang-abay (adverb) o ang salitang naglalarawan sa isang pandiwa.

* simply as 'how' o 'paano'

• Naglakad siya nang tahimik.
Paano siya naglakad? Tahimik.

• Tinignan ko siya nang masama.
Paano mo siya tinignan? Masama.

iii. Inilalagay sa pagitan ng inuulit na pandiwa.

• Takbo nang takbo
• Kain nang kain

i. In English, 'ng' is the counterpart of the preposition 'of.'

• Siya ang lider ng grupo.
She is the leader of the group.

• Maynila ang kapital ng Pilipinas.
Manila is the capital of the Philippines.

ii. Also used to connect the verb to the object.

• Siya ay bumili ng bagong libro.
Bumili is the verb, libro is the object.

• Ang ingay ng motor niya.
Ingay as the verb, motor ast the object.

• In English, 'nang' is 'when' and 'ng' is of.

• There is this trick na kapag daw ang kasunod na salita ay verb o adjective, use 'nang.'

• Kahit ang mga rules lang sa paggamit ng 'nang' ang tandaaan mo. Kahit 'yon lang ang guide mo when writing. Kapag nakita mo na hindi applicable ang 'nang,' then ang gamitin mo is 'ng.'

Just an advice:

I know na medyo mahirap i-put into work or action yung information lalo na kung nasanay ka na sa isang bagay. It's okay kung napagbabaligtad mo pa rin yung dalawang 'yan. You just need to patient. I suggest na before publishing, read your work first (word by word). I swear, ang sarap sa feeling kapag naitatama mo yung mga mali mo. It means that you are really learning. Tyagaan lang 'yan. Laban lang!

. . .

That's all! Sana ay may naitulong ako. Kung may katanungan, huwag mahihiyang magcomment!
Maraming salamat!

References

¹ Ponciano Santos
http://filipinotutorial.blogspot.com/2010/11/nang-at-ng.html?m=1
² Alfie Vera Mella
https://filipinojournal.com/ng-versus-nang/

SR♡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top