2. Capitalizing Kinship Terms

Kinship terms-sounds new pero siguro akong alam na alam mo kung ano ito.

↝ These are words used in speech community to identify relationship between individuals in a family.
↝ Heto yung mga salitang mama, daddy, ate, kuya at marami pang iba.
Question: Kailan nga ba natin kina-capitalize ang mga ito? Is it really mommy? Or Mommy?
Marami sa 'tin yung naguguluhan o nalilito pagdating dito. Hindi natin alam kung kailangan big letter ba yung 'kuya' o hindi. So ngayon, bibigyan natin ng linaw ang problemang ito.

i. Capitalize a kinship term when it immediately precedes a personal name.
Basta may kasunod ito na isang pangalan, automatic na na-capitalize ang kinship term.
• Mama Elsa
• Tita Anna
• Kuya Olaf
Same rule ito sa mga ibang terminologies o yung mga terms na ina-attach sa mga names na nag-iindicate ng kanilang profession tulad ng president, attorney at doctor.
• President Duterte
• Attorney Ace
• Doctor Storm
ii. Capitalized when used alone, in place of a personal name.
Nasa sa iyo na kung kailan mo gagamitin ang rule na ito. Basta ang term na iyon ay tumutukoy sa isang specific na tao lamang. Parang tinanggal mo lang yung pangalan na nakakabit.
• Let's go, Mom!
• Si Kuya ayaw sumama.
• Strict si Daddy.
Napansin ko na suitable gamitin ito when it comes sa mga dialogues. It's either kausap mo yung mismong tao o siya ang pinapatungkulan mo.
iii. Do not capitalize a kinship name when it is not part of the personal name but a word describing.
(a) Do not capitalize kapag mayroong article tulad ng a, an or the sa unahan ng term.
*articles are words na usually ginagamit to start a sentence
• Start acting like a brother.
• A mother wouldn't do that.
• The father of her child is gone.
(b) Do not capitalize kapag mayroong possessive pronoun like his, her, my, your, our or their sa unahan ng term.
• I have a crush on his brother.
• My mom baked the best cakes!
• Their grandma can't walk anymore.
Same goes in Filipino. Ang pagkakaiba lang ay nasa hulihan ang possesive pronouns.
• Crush ko yung kuya niya.
• Magaling magluto ang nanay ko.
• Hindi na makalakad yung lola nila.
* the reason why we should not capitalize them during these circumstances is that they only work as an ordinary noun

It is just the matter of analyzing or understanding how you wanted to use them.
• If alam mo na ang term na 'yon ay tumutukoy sa iisang tao lamang, then you should capitalize it.
• Automatic na naka-capitalize ang isang kinship term kapag may nakasunod ditong pangalan.
• No need to capitalize kapag may nakadikit ditong article o possesive pronoun.
. . .
That's all for that kinship terms! Sana may naitulong ako sa inyo. Kung may mga katanungan kayo patungkol dito, clarifications, huwag mahihiyang i-comment para mabigyan natin ng linaw.
I searched this out of curiosity. Ang weird nang tinype ko sa search bar noon kasi hindi ko alam kung ano bang specific na tawag sa mga ito hahaha! Wala lang. Share ko lang. Thank you so much!
Reference : https://data.grammar- book.com/blog/capitalization/kinship- names-to-capitalize-or-not-to-capitalize/
SR♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top