Chapter 3
"WEAK KA pala, dre eh. Dapat dumamoves kana." sabi ng kaibigan niyang si Jonathan matapos ikwento ni Thaddeus iyong babae kanina. Sumingit naman si Elthon at pinalo si Jonathan gamit ang notebook nito.
"Gago Nate, ni hindi niya nga alam kung anong pangalan ng babae" sita ni Elthon dahilan para kumunot ang noo ni Jonathan. This time, it was him who hits Elthon.
"Gago ka din Elthon, kung sana dumamoves ala Vergara siya, edi sana alam na niya pangalan nung babae." sabi nito dahilan para natatawang mapailing si Thaddeus.
Jonathan Roi Vergara and Elthon Xeviour has always been nosy as they are now. They're his bestfriends, thus, hindi niya alam kung paano niya naging mga kaibigan ang mga ito. Babaero at maloko itong si Jonathan, habang si Elthon naman ay chismoso at madaldal.
"Trigger." tawag ni Thaddeus sa isa pang kaibigan na ngayon ay abala sa pagkain at nananahimik. "What should i do?"
"Give up." hindi interesado at malamig na sagot nito sakanya. He should've expected that. "Nothing lasts forever."
"Ang bobo mo naman, dre. Bat ka nagtanong dyan eh bitter at torpe yan?" ani Jonathan at sininghalan lang siya ni Trigger. Natawa lang si Elthon.
Trigger Cerillo, unlike his two kulang-sa-pansin friends, was a cold and quiet one. He's never showy and was a complete introvert. Sa kanilang apat ay si Trigger ang pinakamaraming admirers at fans, thus, he never liked someone or even laid eyes on.
"Pero anong plano mo, dre?" tanong ni Elthon dahilan para tanungin ni Thaddeus ang sarili niya. Ano nga ba ang plano ko?
And yes, he'll be lying if he says he isn't looking forward on finding that woman.
HINGAL NA hingal si Lexi ng makarating siya sa classroom nila. She was too focused on her mission and now she's 24 minutes late in her first class.
"You're late, Ms. Fardus." bungad sakanya ni Ms. Patriarca, ang terror teacher nila, pagkapasok na pagkapasok palang niya sa classroom.
Well, good morning on you, too. "I'm sorry, miss."
"Go sit. I'll let this pass, for now." mataray na sabi ng guro. Maglalakad na sana siya papunta sa upuan niya ng magsalita pa ang guro. "Get your pens and papers. We'll be having a quiz."
Nakamaang na hinarap ni Lexi ang guro. Ng magtama ang paningin nila ay tinaasan siya nito ng kilay. "Do you have a problem, Ms. Fardus?" tanong nito at matapang naman siyang tumango.
"Yes miss, I'm late and i'm aware of that, but i don't know-"
"Well that's not my problem. You should've came earlier." Ms. Patriarca answered and she sighed in defeat. Wala siya ibang choice kung hindi ay ang umupo sa upuan at sundin ang sinabi ng guro. Makita niya lang ang pagmumukha ng gurong iyon ay kumukulo na ang dugo niya at parang gusto niyang hugutin ang baril niya at barilin ito.
Hindi na siya nagtataka kung bakit tumanda itong walang asawa.
Today is definitely not her day. Umupo siya sa katabi ni Ayara, na ngayo'y nakangisi at mapangasar na tumitingin sakanya. "How is it going with Thaddeus Lee?"
"Shut the fuck up, bitch. I'm not in my best mood." she simply said, though she's really bothered by the fact that Thaddeus and her hands touched and his ebony eyes met hers.
She felt weird, really weird.
LEXI ALREADY said it, and she's saying it again. Today is definitely not her day.
Aside from being late in class and having low score in Mrs. Patriarca's given quiz, natamaan pa siya ng bola sa mukha kanina sa may field. Hindi lang yun, nakalimutan niyang itapon ang basura niya ng chocolates kahapon na nilagay niya sa bag, at ngayon, pinagpyepyestahan na ng mga langgam ang bag niya.
At mukhang hindi pa natatapos ang kamalasan niya.
Ngayon lang ng nagoorder siya ng pagkain sa canteen ay may tarantadang tumakbo sa harap niya dahilan para mabitawan niya ang tray at mabuhos lahat ng pagkain sakanya, at ang gaga ay hindi man lang nagsorry o kaya lumingon man lang.
And yes, after all of this shits, she still had her head over her shoulder, and she's damn strong for that. Glad, she didn't break out after all of those. For now.
Isang kamalasan pa talaga, babarilin ko na sa ulo si Ayara. And take note, she love her bestfriend.
Pagkatapos niyang maglinis ng sarili at magpalit ng damit ay nagpunas siya gamit ang towel niya, ang nagiisang bagay na nakaligtas sa mga langgam sa bag niya. Nagpupunas siya ng sarili ng magvibrate ang cellphone niya.
'Bitch, where the hell are you? Ang sabi mo magbibihis ka lang, baka rumarampa kana diyan?' it was a text from her oh-so-impatient-bitch bestfriend, Ayara. Napailing nalang siya at lumabas sa restroom and made her way to the cafeteria.
"AHHH." NAMROMROBLEMANG singhal ni Elthon habang sinasabutan ang sarili. Narito kasi sila sa cafeteria at lumabas na ang grades nila. Mababa ang nakuha ni Elthon, at ngayon ay namromroblema siya kung paano niya sasabihin iyon sa mga magulang niyang nasa Japan, parehas kasing mayari ng isang kilalang school sa lugar nila ang mga parents nito, at malaki ang expectations nito sa anak.
And being the good friends as they are, sinamahan nila Thaddeus si Elthon, and take note, sinamahan at hindi tinulungan. Moral support kuno.
Isinapak ni Thaddeus ang isang libro sa ulo ng kaibigan. "Wag ka kasing drama ng drama diyan. Magaral ka, tanga." pinukulan lang siya ni Elthon ng masamang tingin tsaka pabagsak na inilapag sa lamesa iyong libro.
Sumingit naman si Jonathan. "By the way, Xeviour, i love what you did on your hair."
Napahilamos nalang ng mukha si Elthon. Buti pa si Trigger, hindi man lang magreact.
"Bigti na, Elthon." walang emosyong sabat ni Trigger, hindi parin inaalis ang paningin sa libro na binabasa. Nevermind.
"Mine is 1.50" sabay silang apat na napatingin sa direksyon kung saan galing ang boses at ng malaman nila kung sino yon, biglang kumulo ang dugo ni Elthon. It was Dexter Cerillo, his worst enemy. Ngumisi pa ito sakanya. "How about yours?"
Dexter and Elthon were classmates, parehas silang chemical engineering ang kursong kinuha. Habang si Thaddeus at Trigger naman ay political science, since yon ang gusto ng kanilang mga magulang. Si Jonathan naman ay business ang kurso. Lahat sila ay 2nd year college na.
Taas noong tumayo si Elthon at hinarap si Dexter. Narinig naman niya ang mahinang tawa nila Thaddeus at Jonathan sa likod dahilan para inis niyang lingunin ang mga ito. "What's so funny?"
"Damn, Elthon. You're too short for Dexter." natatawang ani Jonathan dahilan para mas lalong tumawa si Thaddeus.
Nilingon niya si Dexter at oo nga! Ang liit niya nga kumpara dito!
Mabilis na tumungtong si Elthon sa upuan para mas matangkad siya kesa kay Dexter dahilan para mas lalong humalagpak sa tawa ang dalawa niyang baliw na kaibigan. Hindi niya na lang pinansin ang dalawa at nilabanan ang mga nakakaasar na tingin ni Dexter sakanya.
"Mine is 2.25, got a problem with that?" taas noo at matapang na sagot ni Elthon, napangisi naman si Dexter.
"Not bad." pangaasar nito sakanya na bahagya pang tumango tango. "But still stupid enough."
Sasagot na sana siya ng magsalita ang babae sa likod ni Dexter na ngayon lang nila napansin, si Ayara. "Cut the bullshit, Dexter. Elthon-babe's hotness is enough to defeat you." sabi nito gamit ang malanding boses at binigyan si Elthon ng malagkit na tingin dahilan para dumilim ang mukha ni Dexter.
PERO HINDI doon nakalaan ang atensyon ni Thaddeus. Nakatingin siya doon sa babae na ngayo'y papalapit sa direksyon nila, nakatingin din sakanya. Those brown eyes...
"Lexi!" Ayara shrieked. "Damn bitch, what took you so long?"
Those brown eyes.
That well shaped nose and kissable lips.
Her fair skin and havana brown hair.
There's no doubt. She's her, the one who made his heart beat like crazy. "Keep staring at me like that... and expect what's unexpected."
Lexi, huh?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top