• Two

Bumili ako ng mumurahing dress pero elegant pa din naman ang dating. Ganun din sa stilletos. Ayoko kasing mapahiya kay baklang Jeremy. Baka sabihin niya sakin sayang yung binayad niyang 20 kyaw pagkatapos ng party.

Nagsimula na kong mag ayos dahil susunduin niya ko dito sa apartment mamayang 6pm. Ilang oras na lang ang meron ako para mag mukha akong mamahalin.

Nang makapag bihis na ko. Bahagya kong kinulot ang laylayan ng buhok ko at ini-loose braid ko yun pa side kaya parang medyo messy ang dating. At inilagay ko siya sa balikat ko. Tamang tama lang siya dahil kahit na long sleeves ang black and silver fitted dress ko na above the knee, aakalain mo na conservative masyado ang style, pero open na open at malalim yung cut sa back niya na pa letter V. Kaya kitang kita ang spine ko. At hakab na hakab ang sa katawan ko ang dress.

Light lang ang make up na ini-apply ko sa mukha ko. Para fresh lang tignan.

Saktong pagkasuot ko ng stilletos ko, may nag door bell. And I knew that it was Jer.

Kinuha ko ang silver pouch ko at binuksan ang pinto.

"Perfect! Sigurado akong maniniwala sila satin." Sabi ni Jeremy ng pagbuksan ko siya ng pinto.

"So, what's the plan?" Sinabi ko pag kasakay namin sa kotse niya.

"Hmm... act as normal, Jelly. Yung normal na mag boyfriend-girlfriend. Magkakilala na tayo since college. Pero, one month pa lang tayo. That's it. I hate too much lies and complications."

"Okay. You're the boss."

Nakarating kami sa venue ng silver anniversary ng parents niya sa loob ng mahigit isang oras. Marami ng bisita at puro mayayaman.

"Do I look like a gatecrasher?" Tanong ko kay Jer na naghahanap ng parking dahil halos puno na ng magagarang sasakyan.

"No dear! Mukha kang amoy milyones. Wag ka ngang masyadong concious sa itsura mo."

"Bakit kasi di ka na lang mag paka totoo? Mas madali yun kaysa magpanggap."

"Dear, unico hijo ako ni General Enrico S. Nobles. Gusto mo bang ipa-baril ako niyan sa luneta?"

"Nag sa-suggest lang no!"

"Nako! Salamat na lang. Tara na nga."

Bumaba na kami sa kotse niya at sabay kaming naglakad papunta sa garden.

"Hay nako! Hanggang dito ba naman dinadala ni Dax ang pagiging womanizer niya!"

Napatingin ako sa tinutukoy ni Jer na Dax. Nakatalikod siya at may kahalikang babae na nakasandal sa isang luxury car. Napaiwas ako ng tingin ng makita ko ang pag galaw nung Dax. Obvious na gumagawa ng milagro.

Umubo muna si Jer para matanggal ang bara sa lalamunan niya. Pagkatapos ay inilagay niya ang kanang kamay ko sa kaliwang braso niya. Natuon ang atensyon ng halos lahat ng mga guest samin ng maglakad kami sa red carpet. May mga bumabati sa kanya. Kaya humihinto kami paminsan minsan.

Dumiretso kami sa isang grupo ng tao na puro may edad na.

"Good evening! Mom, dad!" Lumayo kami sa mga kausap kanina ng parents niya.

"Excuse me!" Sinabi nuna mommy niya sa mga kausap nila. "Akala ko hindi ka na makakarating." Maganda siya at sopistikada.

"Pwede ba naman yun? Happy anniversary mom!" Hinalikan niya sa noo ang mommy niya at niyakap yun. "Dad!" Niyakap niya din ang daddy niya at tinapik siya nito sa balikat. "By the way, I want you to meet my girlfriend, Jillian. Jillian, this is my mom, Lara, and my dad, Enrico." Marahan akong hinila ni Jer palapit sa kanila.

"Good evening po Tita Lara and Tito Enrico. Happy 25th wedding anniversary po."

"You're very beautiful, hija." Sabi ni Tita Lara.

"Thanks po."

"Talagang manang mana sakin tong si Jeremy pag dating sa babae." Pagbibiro ni Tito Enrico.

"Is that for real, Jeremy?"

"Mom! Hindi ko masasagot yan."

"Bakit naman? Mahiya ka sa girlfriend mo. Sa harapan niya pa sinasabi yan."

"It's okay Tita. We talked about it already. Marami pa pong pwedeng mangyari."

"Isa pa, ma. I want to secure my future."

"Wag natin i-pressure ang anak natin, Lara. Let him decide on his own."

"Kailan pa tayo mag kaka-apo niyan?"

"Gusto namin masigurado na magiging okay ang lahat. I mean, kung okay ba to na pumasok kami sa isang serious relationship or mas okay samin yung friendship na na-build namin for almost half a decade." Mahabang paliwanag ni Jeremy sa parents niya. "We have a lot of things to consider, mom, dad."

"Oh sige. Pero sana naman soon magka apo na kami ng daddy mo. Hindi na kami bumabata, Jeremy."

"Okay mom, pero hindi ko maipapangako. Dun muna kami sa kabilang table."

Nag punta kami sa table na tinutukoy ni Jeremy.

"Grabe! Pinag pawisan ako dun!" Pabulong na sabi niya sakin.

"Kaya mo naman palang mag isa."

"Hindi maniniwala sakin yang mga yan pag walang evidence."

"Okay. Mukha namang naniniwala na sila sa'yo."

Kumalam ang sikmura ko ng makita ko ang appetizer na nakalagay sa table. Kaya naman kumuha ako ng isa.

Tinatanggal ko sa pag kaka-wrap ang ham and cheese roll at feeling ko may nakatingin sakin. Dun ko lan napansin na may may nakatayo sa gilid ko. Kaya naman tinignan ko siya. At nakatitig siya sakin.

"Hey cousin!" Hinampas niya sa balikat si Jeremy kaya naman naubo siya ng wala sa oras. Bakla talaga!

"Oh! Ikaw pala yan Dax. K-kanina ka pa ba?" Napatingin ako dun sa lalaki. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha. Pinsan pala siya ng baklang to. Napaka gwapo niya. Napakagat ako sa ham and cheese roll ng wala sa oras ng tignan niya ko.

"Ipakilala mo naman ako sa date mo!" Medyo husky ang boses niya ng sinabi yun kay Jeremy pero nakatingin pa din siya sakin.

Napapunas ako ng tissue sa bibig ko dahil nako-concious ako sa tingin niya.

"Jillian, meet Dax Yvo. Dax, meet Jillian, my friend."

Hinawakan ako sa kamay ni Dax sa kamay at hinalikan yun, kaya naman para kong nasusuka na ewan dahil sa naramdaman ko sa sikmura ko.

"Girlfriend." Pagtatama ko kay Jeremy.

"Hindi ko alam na magaling ka din palang pumili ng babae." Sabi ni Dax kay Jeremy. Pero sakin pa din nakatuon ang mga mata niya.

Marahan kong hinila ang kamay ko. Naupo siya sa tabi ni Jeremy.

May babaeng lumapit kay Dax. Napaka iksi ng suot niyang dress. "Babe! Nandito ka lang pala. I told you to wait me!"

"You know me, Riza. Ayoko ng pinaghihintay ako."

Nag lapag ng water si Jeremy sa harapan ko. Kinuha niya ata dun sa waiter na nag iikot ikot.

May lumapit kay Jeremy na babae na may hawak na parang maliit na folder. Bumulong siya dito at tumango si Jeremy.

"Jelly, dito ka muna ha? The party is about to start at kailangan na ko dun."

"It's okay."

"Ako na ang bahala sa kanya, Insan." Kinabahan ako ng sabihin yun ni Dax.

Tinapik lang siya ni Jeremy sa balikat tapus umalis na siya.

Napatingin ako dun sa babae at tahasan niya kong inirapan. "Babe, tara na. Ipagpatuloy na natin." Malanding sabi nung Riza kay Dax habang nakahawak siya sa dibdib nito at itinataas baba ang palad niya dun.

"We're done, Riza."

"Pero gusto ko pa ng take two!"

"Enough Riza!" Ma-awtoridad na sabi ni Dax kaya naman bumitaw yung Riza sa kanya at padabog na umalis.

Umaayos ng upo si Dax at lumapit sa upuan ni Jer kanina.

"So, nagpapanggap lang kayo ng pinsan ko?" Napatingin ako sa kanya at para kong namutla sa sinabi niya.

"W-what are you talking about?"

"Narinig ko ang pinag usapan niyo."

Nag iwas ako ng tingin sa kanya. "Wala kang narinig."

"Isipin mo man na hindi kami close kami ni Jeremy, pero kilala ko siya. Alam ko kung ano talaga siya."

"W-wala kang alam, Dax." Kinakabahan ako sa sinasabi niya. Bestfriend ko ang baklang yun. Mahal ko yun at ayokong mapahamak yun.

"Talaga? Pano kung sabihin ko sa'yo na alam kong bakla siya?"

Nasamid ako sa sarili kong laway. Kaya naman inabutan ako ni Dax ng tubig.

"Ano? Tama ba ko?" Tanung niya sakin ng maging okay na ko.

Nawakan ko siya sa braso niya ng maghigpit. "Promise me... you'll keep it."

"In one condition... let's hangout." Nagulat ako sa sinabi niya. Di ko ini-expect.

"Mahal ako, Mister." Sabi ko ng maka-recover ako at nginitian lang niya ko.



(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top