• Twenty Two
Tahimik lang kaming dalawa ni Jamie sa buong biyahe pauwi. Even Dax... hindi rin siya nagsasalita. Baka sa sobrang saya niya, nakalimutan na niyang merong tao sa backseat. Siguro pagkatapos ng nangyari ngayon, I need to go back on my business.
Hindi na niya ko kailangan, of course. Okay na sila ni Lorraine. Finally! Nagustuhan siya ni Lorraine. Baka naisip niya na hindi naman siya mapapansin ni Arx as a girlfriend. Kaya kay Dax siya.
"Ate... tutulog na ko."
Ibinaba ko sa sahig yung tabo na may face towel. Kakatapos ko lang kasi siyang punasan.
"Okay. Mamaya gigisingin kita ha? Magluluto ako ng lugaw."
Tumango lang siya at nahiga na. Naligo muna ko bago ako magluto. Isinalang ko sa stove yung malagkit na bigas na naupo ako sa counter.
May kirot kirot pa rin akong nararamdaman sa puso ko dahil kada pumipikit ako, yung kissing scene pa rin ni Dax at Lorraine ang nakikita.
Tinignan ko lang si Dax nung pumasok siya sa kitchen. Naka boxer shorts lang siya, basa basa pa ang buhok. Uminom siya ng tubig at naupo rin sa counter sa harapan ko.
"How's Jamie? Sa tingin mo nag enjoy siya?"
Tinanguan ko lang siya bilang sagot.
Ako ba Dax? Hindi mo ba ko tatanungin kung nag enjoy ako?
"Ikaw mukhang enjoy na enjoy ka sa company ni Arx."
Pakshett ka! Ang manhid mo.
"Yeah. I really did."
Tumango tango lang din siya. Tumayo ako para haluin yung lugaw na niluluto ko at bumalik ulit ako sa counter.
"May progress ba?" I asked him.
"What kind of progress?"
"C'mon! I saw you ki-- I saw your bonding together... your closeness... your sweetness. She's a thoughtful girl... and a multitasker. Imagine, napag sabay niya kayong dalawa ni Arx!"
Kumunot ang noo ni Dax sa huli kong sinabi kaya nag isip agad ako ng pampatanggal talipandas ng bibig.
"I mean... I mean you, as her bestfriend of course, and Arx, as her crush or her apple of the eyes."
"Yeah. Pero hanggang dun na lang yun."
Wtf? Ganon na sila ka intact ni Lorraine? At kung makapag bigay siya ng statement about her and Arx... hanggang dun na lang yun?
"So what's your stand?"
"Her... bestfriend."
Lul! Letse!! So ano yun? Bestfriends with benefit? Pakiss kiss na lang sa lips, kasi mag bestfriend?? Kung ganyan nga ang mangyayari, maraming mabi-bestfriendzone! Letse ka Dax!!! Nakakabeastmode ka!!
Tumayo na lang ako at hinalo ko ulit ng hinalo yung lugaw.
"Nakita kong magkayakap kayo ni Arx kanina. May kailangan ba kong malaman?"
"Wala naman. Bukod sa former boyfriend ko siya... damn! I can't call him as my ex. Sabagay pareho namang past yun. Pero mas okay yung word na former. Until now, there's no closure."
"Did he say something?"
"Yes. Kung pwede lang daw sana niya kong nakawin."
"What's your answer?"
"Nothing. I just laughed."
"Ah. So you just laugh?"
"Yeah. Why? Does it mean anything?"
"Silence means yes!"
"Wala namang tahimik. Duh! Tumawa nga ako eh. Ibig sabihin may sounds yun. Tawa nga eh."
"Sarcasm at its finest."
Ibinato ko sa kanya yung potholder at nasalo lang niya.
"Aalis kami bukas ni Jamie."
"Saan kayo pupunta? I'll go with you."
"No... don't bother."
"I insist!"
"Si Arx ang kasama namin."
Actually... wala naman kaming lakad. Hindi ko pa nga ulit nakakausap si Arx eh. Baka pauwi pa lang din siya.
"So... nasa dating stage na pala kayo?"
"Not yet."
Kumuha ako ng ng bowl at sinalin ko dun yung lugaw na niluto ko.
"I remember... may lakad din pala kami ni Lorraine bukas."
"Ouch!" Nabitawan ko yung maliit na kaserolang hawak hawak ko. Napaso ako at hinihipan ko yung kamay.
"Clumsy!" Inagaw ni Dax yung kamay ko at siya ang humipan nun. "Ako lang ang hot dito. Bakit ka pa ba kasi dumidikit sa iba?"
"What are we talking about?"
Tinignan niya ko ng diretso sa mga mata kaya tinalikuran ko siya at kinuha ko na yung lugaw.
Dirediretso lang akomg lumabas sa kitchen. Pagkarating ko sa kwarto, ginising ko si Jamie at iniupo siya. Konti pa lang ang nasusubo ko sa kanya ng maduwal duwal na siya.
"Masama ba panlasa mo? Hindi ba masarap ang luto ko?"
"Susuka ako ate. Pengeng plastik."
Nagmamadali akong humanap ng plastik pero wala akong nakita kaya nagpunta ko ng bathroom at kinuha dun yung maliit na stainless na planggana. Isinahod ko sa kanya yun at kinuha niya.
Awang awa ako sa kanya habang sumusuka siya.
"Labas ka muna ate!"
"No! Dito lang ako sa tabi mo."
"Ate please!! Lumabas ka muna! Iwan mo muna ko!"
Dirediretso pa rin siya sa pagsuka kaya wala akong nagawa kundi ang lumabas ng kwarto. Nakapatay na ang ilaw sa kusina at maliliit na mga ilaw na lang ang bukas sa livingroom.
Ilang minuto din akong nakatayo sa may pinto. Pinapakinggan ko si Jamie at hindi na siya sumusuka kaya pumasok na ko sa loob. Nakahiga na siya at nasa gilid niya yung planggana. Niligpit ko yun at pinunasan ko siya sa mukha.
"Sumubo ka ulit ng konting lugaw."
"Busog ako ate."
"Wala ka pa namang kinaka--"
"Tutulog na ako."
"Madalas ka bang sumusuka?"
"Minsan lang..."
Tinapik tapik ko na lang siya sa hanggang sa nakatulog siya. Sa may sofa sa sala ako natulog para hindi maistorbo ang tulog ni Jamie. Malaki naman yung kama at kasyang kasya kaming dalawa, pero minsan kami pag pagod ako, pakiramdam ko malikot akong matulog.
Nanaginip ako na yakap yakap ako ni Arx at maya maya lang, si Dax na ang kayakap ko. Naalimpungatan ako dahil ang weird weird. Bigla kasi kaming napunta ni Dax sa hammock.
Makirot kirot ang ulo nang magising ako. Nanlaki ang mata ko dahil nakahiga na ko sa kama... sa kwarto ni Dax. Nagmamadali akong bumangon pagkalabas ko ng kwarto niya, naamoy ko kaagad yung niluluto niya sa kusina. Hindi ko na siya sinilip at dumiretso na ko sa kwarto ko at natutulog pa si Jamie. Kinuha ko yung cellphone ko sa ibabaw ng table. Merong limang new message, galing kay Jeremy at kay Arx.
'Girl! Gaga ka! Hindi mo sinasagot mga tawag ko sa'yo! Nakalimutan mo na ko.' - Jer
'Omg girl! Hinahanap ka ng parents ko! Until now kasi hindi ko pa rin nasasabi sa kanila. My gaaaaaad! Naistress ang beauty ko. I badly need your help!!! Anyway, how's Jamie? Dinalaw ko siya kanina sa hospital. Inilabas mo na pala. I'm so tampo na! Hindi mo man lang ako binabalitaan!!'
Natatawa na lang ako sa text ni Jeremy. Nakakaguilty dahil hindi ko siya mareplyan. Baka kasi malaman niya yung tungkol sa set up namin ni Dax.
'Hey! You okay? I didn't know exactly why you cried awhile ago, but I'm just here, Jel. If you need a shoulder to cry on, I'm just here. I'm willing to wipe all the tears you'll shed.'
'Let's meet tomorrow. I'm going to give you something.'
'Looks like you're already in a deep sleep. Good night sleepyhead.'
Napangiti ako subconciously sa simpleng text ni Arx. He used to be like that... sweet, caring, and thoughtful.
Nagulat ako ng agawin ni Dax sakin yung cellphone ko.
"Goodnight sleepyhead." He said while mimicking Arx's voice.
"What the hell are you doing here?" Hindi ko kasi siya napansin na dumating. O baka nabusy lang ako sa pag babasa ng messages.
"Kakain na ng breakfast. Puro ka cellphone!"
"Akin na nga yan."
Inaagaw ko sa kanya yung cellphone ko pero inilagay niya lang sa bulsa niya at tinalikuran ako.
"Mamaya na. Kung sino sino nagtitext sa'yo."
"Eh ano naman?"
Nilingon niya ko at tinignan ng masama. Lalapit na sana ko para kunin ulit yung cellphone sa kanya pero dinilaan lang niya ko at nagmamadali na siyang lumabas ng kwarto ko habang tumatawa siya. Naiwan akong nakatayo dun. Pupunta na sana ko sa banyo para maghilamos pero natigil ako dahil bumukas yung pinto at sumilip siya dun.
"Bukod kay Jamie, gusto ko... nasa akin lang ang atensyon mo."
(c) Eilramisu
~A.N~
Sorry for the looooong wait. Love you all 😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top