• Twenty Six

Napapikit ako dahil sa mga kuryenteng dumaloy sa buong kaibuturan ko. Pakiramdam ko para kong binomba ng defibrillator.

I felt his hand on my waist. And his other hand capping the back of my head. I opened my mouth a little and that gave him a signal to enter my mouth. Our lips started to move, brushing each other's. This is my first real kiss, pero para kong may experience dahil sa kanya. He's a good kisser.

Then I remember the same scene between him and Lorraine.

Napadilat ako and I saw him staring straight at me. Tinulak ko siya dahilan para mapabitaw siya sakin.

"Jil..." lumapit siya sakin kaya napaatras ako. His eyes are full of emotions

Tinignan ko siya ng masama at tumakbo na ko palabas ng kwarto niya.

Maghapon lang akong nakakulong sa kwarto ko, tinatanong ko si Jamie kung nasan si Dax, at pagsinasabi niya na nasa kwarto niya, dun lang ako lumalabas para kumain. Lagi kong hinahawakan yung labi ko dahil pakiramdam ko magkadikit pa rin yung mga labi namin.

Hindi ko alam kung anong feelings ang una kong iintindihin. Kinikilig ako dahil bakit niya ko hinalikan? Nagagalit ako dahil bakit niya ko hinalikan? At nakoconfuse ako dahil bakit niya ko hinalikan?

Kada napapapikit ako, nakikita ko pa rin siya at nararamdaman ko pa rin yung labi niya sa labi ko. At kada naiimagine ko yun, nag tataasan ang mga balahibo ko sa batok at mga braso.

"Ate, pinapabigay ni kuya Dax."

Napatingin ako sa kamay ni Jamie... hawak hawak niya yung cellphone ko. Agad kong kinuha yun at tinignan ko yung mga messages. Deleted na yung thread ng conversation namin ni Arx.

"Hindi ka pa ba mag didinner, ate? Kanina ka pa kasi tinatanong ni Kuya eh."

"Umm... busog pa ko Jay. Mamaya na lang siguro ako. Titingin na lang ako ng mga pagkain sa ref."

"Nag away ba kayo?"

"Kami? H-hindi..."

"Nagselos ka kay ate Lorraine no?"

"Uy! Hindi ah! Tsismis yan!"

"Hindi daw!! Eh nagseselos ka nga eh."

"Sshh... hindi nga. Ano ka ba?"

"Ganyan din kaninang umaga si kuya Dax eh. Hindi siya mapakali. Palakad lakad lang."

"Bakit nag punta dito si Lorraine?"

"Dinadalaw daw ako."

"Pinapunta ba siya dito ni Dax?"

"Parang hindi naman. Nagulat pa nga si Kuya Dax nung pinagbuksan niya si Ate Lorraine sa pinto. Akala niya, ikaw na yung dumating. Tapos ayon, tinanong ni Kuya Dax si Ate Lorraine kung pano nalaman tong address."

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa guilt. Shett! Pinagbintangan ko si Dax na pinapunta niya dito si Lorraine.

"Oh eh bakit nga pala hindi mapakali si Dax kaninang umaga?"

"Tanong kasi ng tanong sakin kung anong oras ka daw uuwi, kasi wala ka daw nabanggit sa kanya. Baka daw sakin, meron. Tapos ang sabi mo daw sabihin ko sa kanya kung meron akong papasabi sa'yo, para siya daw ang tatawag. Kinukulit tuloy ako kung ano daw bang gusto ko o kung meron daw ba kong ipapasabi sa'yo."

Alam kong maling mag assume, pero shett. Kinikilig ako! Bakit ganon siya???

"Anong sinasabi mo sa kanya?"

"Na wala akong gusto. Tapos nag tanong tanong siya tungkol kay Kuya Arx. Ay! Nakita ko yung scrapbook na binigay sa'yo ni Kuya Arx dati. Pinakita ko kanina kay Kuya Dax."

"Ha?" Nanlaki ang mga mata ko dahil wala na nga sa gilid yung scrapbook.

"Bakit mo pinakita?"

"Tanong kasi ng tanong eh... ayun, nanahimik siya bigla nung pinakita ko yung scrapbook."

"Wew..."

"Ay nga pala, bago ko makalimutan. Sabi ni Kuya Dax, mamamasyal daw tayo ulit, bukas."

"Ha? B-bakit daw?"

"Baka daw kasi naiinip na ko."

"Hindi ka pa naman naiinip dito diba?"

"Medyo... nakakainip nga."

"Baka sumama nanaman pakiramdam mo."

"Okay na ko ate... nirequest ko naman kay Kuya Dax na nakababa na lang lahat ng bintana bukas. Para hindi ako mahilo dahil sa aircon."

"S-sigurado ka?"

Tumango tango lang siya at nahiga na. Sa kakaisip ko, hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako.

Alas otso na ko ng umaga nagising. Medyo mahapdi na rin ang tiyan ko.

Walang mangyayari sakin kung magkukulong lang ako sa kwarto ko. Pagkatapos ko mag ayos ng sarili ko lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kitchen.

Naabutan ko dun si Dax at Jamie na kumakain.

"Good morning ate."

"G-good morning."

"Lika na ate. Sabay ka na saming kumain. May pupuntahan pa tayo mamaya eh. Di ba kuya Dax?"

Napasulyap lang ako kay Dax na nakangiti lan kay Jamie habang tumatango.

Hindi ako masyadong makakain dahil pakiramdam ko parang yung upuan ko eh iniihaw. Hindi ako mapakali. Nakayuko lang ako tapos si Jamie at si Dax nagkukwentuhan lang sila.

"Hindi ba natin yayayain sila ate Lorraine?"

Napahinto ako sa pagsubo nung pagkain sa kutsara. Kung wala lang sakit si Jamie baka binatukan ko na siya. Nag bigay pa ng idea kay Dax! Hindi na lang niya hayaan na masolo namin yung buong araw.

"She's busy..."

Ganito talaga ang role natin Jay, pag busy si Lorraine, tayo ang hihilahin niya. Kaya nga ako nandito ngayon sa kinatatayuan ko eh.

"Tapos na kong kumain. Ate, kuya Dax, mag bibihis na ko ah."

"H-huh? Oo. Sige... susunod na lang ako liligpitin ko pa tong mga pinag kainan natin."

"Ako na, Jil. Mag ayos na kayo na ni Jamie."

Diretsong nakatingin sakin si Dax kaya napatayo na lang ako bigla para sundan si Jamie. Ayoko rin namang makapagsolo kami ngayon.

Nang makarating kami sa mall, si Jamie lang at si Dax ang nag uusap. As usual, nandun kaming dalawa ni Jamie sa backseat. Katext ko rin kanina si Arx kaya hindi naman ako masyadong nabored. Si Dax pa rin ang nagtulak ng wheelchair ni Jamie.

"Anong una mong gustong gawin natin Jamie?"

"Gusto kong manood ng sine, kuya Dax."

Almost one week pa lang na mag kasama si Dax at si Jamie, pero masyado na silang napalapit sa isa't isa. Masaya naman ako na inaalagaan niya ang kapatid ko. Iba kasi yung trato niya kay Jamie.

"Oh sige. Tingin tayo kung ano yung mga showing."

Nag papahuli lang ako sa paglalakad. Mas napapagmasdan ko kasi silang dalawa... ang cute kasi nilang panoorin. Akala mo mag ama kung titignan sa malayo, dahil maliit si Jamie. Pero pag malapitan, para silang magkapatid.

Nakarating kami sa cinema, si Jamie ang mamimili ng movie.

"Kuya Dax, gusto ko yun! Yung Me before you. Pareho kaming nasa wheelchair nung lalaki oh."

Sumang ayon din naman si Dax. Meron kasing trailer na pinapalabas sa maliit na screen sa may tv ng cashier. Bumili na ng tatlong ticket si Dax at sakto dahil 10 minutes na lang, mag istart na yung showing.

Ako na yung nag initiate na bumili ng popcorns and drinks. Pagkapasok namin sa loob ng cine, nilamig kaagad ako. Hindi pa naman ako nakapag dala ng jacket. Naka pink vneck shirt at highwaist shorts lang ako.

Saktong pagkaupo ko sa pinalikurang part ng theatre, nagstart na.

Napalunok ako nung marinig ko yung tunog nung mga kiss, kahit na black scene palang yung nasa screen. Napalingon ako sa kaliwa ko nung makita ko yung bedscene. At mas nagulat ako dahil si Dax ang katabi ko at nasa kaliwa niya naman si Jamie. Titig na titig si Dax sa screen kaya nag kunwari na lang akong may hinahanap sa bag para mabawasan yung awkward na nararamdaman ko.

Nung matapos na yung bed scene, dun na ko ulit nanuod. Sandali lang naman kasi yun, pero kasi tukaan ng tukaan at matutunog pa.

Nakakainis na nakakatawa yung simula ng movie. Nakakainis dahil hindi ko alam kung anong trip ni Will sa buhay niya. Bakit kailangan niyang i-isolate yung sarili niya dahil sa nangyaring aksidente. Oo, nalumpo siya, at hindi naapektuhan yung muscles and reflexes niya. Pero duh!! Si Jamie nga... tinaningan na ng doctor, and here she is! Still fighting. Bakit kailangang mag suicide?

Nakakatawa din dahil sa fashion statement ni Louisa at sa facial expressions niya pag nagsasalita siya.

Napatingin ako kay Dax dun sa scene na dumalaw yung ex ni Will pati yung bestfriend niya.

Shet! Ang sakit nun. Mahal na mahal mo yung girlfriend mo tapos mapupunta lang sa bestfriend mo. Parang ang insensitive lang na pinaalam pa talaga nila. Ganon na nga yung kondisyon ni Will.

Nakaramdam ako ng lamig kaya nayakap ko yung sarili ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na medyo humarap sakin si Dax kaya nilingon ko siya. Pinagkiskis niya yung dalawa niyang palad at idinikit niya yun sa ibabaw ng kamay ko. At nakaramdam ako ng init. Medyo nabawasan ng konti yung lamig na nararamdaman ko.

Ilang beses niya yun ginawa, idinidikit niya lang sa braso ko at sa kamay. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng ilagay niya yung mga kamay niya sa gilid ng leeg ko.

"Your heart is beating so fast."

"N-nilalamig kasi ako. P-pero okay naman na. Salamat."

Nginitian ko siya at humarap na ko ulit sa big screen. Nagsisimula ng maging close si Will and Lou. Hindi ko alam pero kahit nag uusap lang sila, kinikilig pa rin ako.

Kinuha ko yung juice ko sa lagayan pagka-sip ko. Nanlaki ang mata ko dahil iba yung lasa. Napatingin ako kay Dax na nakatingin lang sakin at natatawa tawa.

"Sorry..." dahan dahan kong ibinalik yung softdrinks niya sa lalagyanan.

"Masarap?"

"Oo."

Nag focus na lang ako sa movie at hindi ko na naintindihan yung ibang scene. Pero may tumatak na line sa utak ko... nung sinabi ni Will na si Louisa na lang yung dahilan kung bakit siya gumigising sa umaga.

Sakin kaya... meron kayang mag sasabi sakin ng ganon. Yung titignan ako kagaya nung tingin ni Will kay Lou.

Tears started to stream down my cheeks when Will refused Louisa on the beach. Bakit ganon? Bakit kahit may nagmamahal na sayo mas pipiliin mo pa ring mawala ka. Ang sakit sakit lang sa dibdib na hahayaan mo yung mahal mo na masaktan dahil maiiwan mo siya.

Ang sakit sakit lang. Ang sakit ng lalamunan ko dahil sa pigil na pag iyak. Naramdaman ko yung kamay ni Dax na humawak sa magkabilang pisngi.

"It's just a movie, Jil..."

"Pano pag nawala na si Will... pano pag namatay na siya? Anong mangyayari kay Louisa? Pano pag nawala si Ja--"

Nilagay ni Dax yung thumb finger niya sa labi ko.

"I'm just here, Jil... I won't let you face it alone."

Pinunasan niya yung mga luha ko sa pisngi at hinawakan niya ko sa kamay.

Kahit na ayaw ko na sa loob loob ko, pinilit ko pa ring tapusin yung movie. Hindi ko nanamang napigilang umiyak nung mag katabi na sila sa kama at kinanta ni Will yung kinakanta ng father ni Louisa sa kanya. Buti medyo light yung ending. Yung walang sobrang iyakan. Walang burol, walang libing. Baka nag breakdown na ko.

Hinalikan ko si Jamie sa noo nung matapos ang movie. Nung bumukas yung buong ilaw sa loob ng sine, napansin ko na namumula din yung mata niya. Parang halos lahat ng makasalubong ko namumula yung mata.

Bakit ba kasi kailangang may mamaalam.

"Mag lunch muna tayo, nagutom ako dun ah." Masigla na ulit ang boses ni Dax compare sa kanina. Kinuha niya yung kanang kamay ko at ipinatong niya yun sa kaliwang handle ng wheelchair ni Jamie at ipinatong niya yung kamay niya sa kamay ko.

Walang nagsasalita saming dalawa. Parang isang tinginan lang, meron ng connection. Parang nagkakaintindihan kaagad kami. Or assuming lang ako... pero magkapatong lang yung kamay namin, sobrang dami ng kuryenteng nanunulay sa mga ugat ko sa kamay.

Pagkalabas ng sine, namili na kami kung saan kami kakain. Sabi ni Jamie, gusto niya daw sa jollibee, kaya dun na lang din kami. Tutal siya naman talaga dapat ang bidang bida ngayon. Siya naman kasi talaga ang dahilan kung bakit kami namamasyal ngayon.

Nung papasok na kami sa loob ng jollibee, may tumawag sa pangalan ko tapos hinawakan pa ko sa braso.

"Jelly? Jamie..."

Para kong nakakita ng multo nung lingunin ko kung sino yun. Boses pa lang naman kilala ko na kung sino.

"H-hi Jeremy."

"Hi cousin!"

"Dax Yvo?! Oh my God! What is the meaning of this, Jillian??"

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top