• Twenty Seven

"Mag uusap tayo mamaya Jillian." Pilit na pilit ang boses ni Jeremy habang ngumingiti.

Nilapitan niya si Jamie at hinalikan niya sa noo.

"Nagtatampo ako... hindi mo man lang sinabi sakin na magaling ka na pala.  Di ba sabi ko sayo, konting laban lang. Makakalabas ka din ng hospital."

"Sorry kuya Jer. Hindi ko alam na hindi pala nasabi sa'yo ni Ate na nakalabas na ko. Noong isang linggo pa po."

"Hindi nga nagrerespond yung ate mo sa mga text at tawag ko."

"Nabusy po kasi si Ate sa pag aalaga sakin eh. Pagpasensyahan mo na siya kuya Jeremy."

"Ano pa nga ba? Nga pala, saan kayo nakatira ngayon?"

Sisenyasan ko sana si Jamie na wag niyang sasabihin pero tumingin sakin si Jer kaya nginitian ko siya ng pilit at may halong kaba.

"Sa condo po ni ate."

"Aaah... sa condo." Tumatango tango si Jeremy at tinignan niya ko ng masama. Nginitian ko lang ulit siya at bumaling ako sa ibang direksyon. Nahagip ng mata ko sa iba na nakapamulsa at ngumingiti ngiti ng nakakaloko.

"Sinong kasama niyo sa condo ni ate?"

"J-jer kumain muna kaya tayo. B-baka nagugutom na si Jamie."

"Yes... for a while, Jil. Nagkakamustahan pa kami ni Jamie. Sino nga ulit, Jay?"

"Si kuya Dax po."

"Umm... si Dax? Oh sige, umorder muna kayo ni kuya Dax sa jollibee, tapos may bibilhin lang kami ng ate mo. Okay?"

"D-dax, ikaw na muna bahala kay Jamie."

"My pleasure." Kinindatan niya ko na kala mo wala kami sa ganitong sitwasyon. Para na kong mamamatay sa kaba at hiya kay Jeremy. Ano na lang ang sasabihin sakin ng baklang to.

Hinawakan na ko sa braso ni Jeremy at hinila ko paalis. Pumasok kami sa isang coffee shop. Umorder siya ng isang roll ng cake at drinks namin.

Pagkaupo namin dalawa hinampas na ko kaagad ni Jeremy sa braso.

"Aray! Masakit yun ah!!"

"Hoy babaita! Anong eksena to ha?"

"Alin ba?"

"Anong alin? Bakit kayo magkasama ni Dax? Bakit kayo magkasama sa iisang unit? At kailan ka pa nag ka condo?"

"B-basta! Mahabang kwento."

"Eh di simulan mo na."

"Hindi pwede."

"Isa!!"

Wala akong nagawa kundi ikwento kay Jeremy yung tungkol dun sa kasunduan namin ni Dax dahil kay Lorraine. Sinabi ko sa kanya yung offer niya na hindi ko matanggihan dahil kailangang kailangan ko para kay Jamie. Nakwento ko din sa kanya yung tungkol kay Arx... at sa past namin.

"Madali lang naman yung pinapagawa niya sakin eh. Easy money. Isa pa, yun naman talaga yung trabaho ko di ba? Simula pa lang yun na yung ginagawa ko. Nagpapabayad ako para sa serbisyo ko. Isa pa, mabait naman yung pinsan mo. Madalas siya ang nagluluto. Hindi mahirap pakisamahan. Malapit siya kay Jamie. Minsan nga siya yung nag aasikaso sa kapatid ko."

"Iba yun Jelly! Isang araw lang yung ginagawa mo dati! Pero ano to? Mahigit isang buwan na pala kayong nag babahay bahayan nitong si Dax. "

"Hindi kami nag babahay bahayan."

"Eh ano? Ibinahay ka lang?"

"Hindi!! Yung condo na yun, sakin na yun! Kasama yun sa contract na pinirmahan ko. Meron pa ngang kotse eh.  Nakapark na sa labas ng building. Pero hindi ko naman pinakailaman kasi hindi pa ko marunong, at hindi naman akong nagmamadaling gamitin yun."

"My God girl! Hindi mo ba naisip kung bakit ka babayaran ng ganong halaga buwan buwan? Tapos may allowance ka pa? May condo at pa kotse? Saan ba gawa yang Lorraine na yan? Sa ginto? Kaya gagawin niya lahat para lang makuha niya yung babaeng ginto?"

Naisip ko na yun... naiinggit at nag seselos ako dahil ganon ganon lang kasimple kay Dax na mamigay ng pera para kay Lorraine...

"M-mahal na mahal niya lang talaga siguro..."

"Eh ikaw?"

"H-hindi no! H-hindi ko mahal si Dax!!"

"Ang defensive mo naman girl! Tatanungin lang kita kung ikaw ba, ano ng nagawa mo. May progress naman ba?"

Napahigop ako sa bigla sa juice. Shet! Bakit nga ba ang defensive ko?!!!

"Ah... linawin mo kasi. Actually, marami na..."

"Gaya ng?"

"Ah basta!! Marami na! Eh dahil naman sa'yo kaya ako nakilala nung lalaking yun. Una, kung sinabi mo kasi kay General na bakla ang nag iisa nilang anak, eh di dapat wala ako sa party na yun at hindi ako makikilala ni Dax. Pangalawa, kaya  niya ko napapayag sa date daw kuno, eh dahil alam niya na berde ang dugo mo! At tinakot niya ko na sasabihin niya sa iba ang nalalaman niya at yung tungkol satin! Kaya mag thank you ka sakin!!"

Gulat na gulat si Jeremy kaya na dirediretso niyang ubusin yung juice niya.

"O-M-G! Shet Jelly! Anong gagawin ko? Pano pag pinagsabi na niya yun? Pano kung wala pa kong kaalam alam pero alam na ng mga relatives ko yung totoo. Pano kung makaabot yun sa magulang ko? Lalong lalo na kay General?"

"Wag kang OA! Nagawan ko na nga ng paraan diba? Hindi na nun sasabihin. Nangako na yun sakin!"

"Thank you Jelly! Shet! Thank you talaga!"

Maluha luha na si Jeremy at para siyang nginangatngat ng langgam sa puwetan dahil  galaw siya ng galaw sa upuan.

"Pwede ba? Pumirmi ka nga! Kaya wag ka ng magpanggap na lalaki kuno sa harap ni Dax. Magmumukha ka lang katawa tawa."

Umayos na ng upo si Jeremy at nangalumbaba siya sa table at tinignan ako ng diretso sa mata.

"But seriously, Jel... don't fall for Dax. Nakilala mo siya sa anniversary ng parents ko, that's right. Pero alam mo kung saan mo siya unang nakita, sino yung kasama niya, at kung ano ang ginagawa nila."

"A-ano bang pinagsasasabi mo? May pa don't fall, don't fall ka pang nalalaman."

"Jel, freshman pa lang tayo, magkakilala na tayo. More than six years na tayong magkaibigan. Sinasabi ko to dahil alam kong meron kakaibang nangyayari diyan sa puso mo ng dahil kay Dax. He lived in States. Liberated takbo ng utak at katawan nun. Lalaki pa rin yun. Eh kung mahal nga niya si Lorraine, oh eh bakit sa halip na gumawa siya ng sarili niyang paraan para makuha yung gintong babaeng yun, eh nakikipag lampungan pa siya sa ibang babae? Araw, tanghali, gabi lagi kayong magkasama. Imposibleng wala kang nararamdaman. Babae ka. Madali kang mafofall sa mga ganung ginagawa ng isang lalaki para sa'yo. Lalo na at iniinvolve niya yung kapatid mo. May affection kang mararamdaman diyan para sa kanya, for sure. Iisipin mo na ang ideal guy niya. Iba yung kislap nung mata mo nung kinukwento mo siya sakin kanina eh. At iba din nung sinabi mo na mahal lang talaga siguro niya si Lorraine."

"Pwede ba, Jer. Kung anu ano lumalabas diyan sa bibig mo. Kilabutan ka."

"Wala bang... wala pa bang... nangyari?"

"Nangyaring ano?"

"Alam mo na? Pag kayong dalawa lang... tapos malamig sa condo... tapos pag magkalapit kayong dala--"

"Huy! Wala no!! Imposibleng mangyari yun."

"Talaga? Alam mo Jel, lalaki pa rin yun sj Dax. Hindi siya na alam-mo-na sa'yo? Walang boner?"

"W-wala..." naalala ko tuloy yung kagagahan ko. Nung first time kaming magpupunta kila Lorraine. I teased him that time... namula yung tenga niya. At naramdaman ko yung boner niya.

"Ows? Maganda ka rin naman no, sexy, malaki joga, malaki pwet, tapos wala siyang pag nanasa sa'yo? Di pwede yun no! Lalaki yun. Imposibleng walang naramdaman yung ganon."

"Oh bakit di siya tanungin mo?"

"Nako! Di na kailangan. Fuccboi yun nung college pa lang yun."

"Pano mo nalaman? Hindi naman kayo same school. Hindi rin naman kayo close."

"Hindi nga, pero dati, marami akong nakikitang post nung mga elite girls na friend ko sa facebook, kasama nila si Dax. Meron pa nga mag kakiss, mag kasama sa beach, mag kayakap. Basta, mga ganon. Though, hindi silan magkakakilala. Parang every week, iba ibang babae yung nakikita ko sa mga post na kasama niya."

"Oh eh anong paki ko?" Eh sa gwapo siya, sobrang hot, mayaman pa. Eh di marami talagang magkakandarapa dun.

Nahawakan ko ang labi ko dahil nag flashback sakin yung nangyari kahapon... nung hinalikan niya ko. Haaaay. Naka first base na siya sakin. Nakakakilig na nakakapanlumo...

"Ang sinasabi ko, sanay na sanay yun sa babae. Kahit wala siyang gawin, mafofall at mafofall pa rin sa kanya. Lakas ng sex appeal ng kumag na yun. Nako. Kung hindi ko yun pinsan, ay baka. Alam mo na."

"Kung anu ano sinasabi mo. Inumin mo na yan ng makaalis na tayo."

Haaay Dax... sobrang dami pa palang babae na nagdaan sa mga kamay mo.

"Matanong ko lang... anong trabaho ni Dax? Kasi ang dami niyang pera, kita mo ang laki ng binabayad niya sakin. Pero lagi lang naman siyang nasa condo."

"Kasi meron yung business. Buy and sell ng mga kotse at bahay. Tapos meron din yun na tatlong branch ng banko. Pamana nung father niya."

"Pamana agad? Bakit ang mayayaman ang dali na lang magpamana."

"Gaga! Patay na kasi."

Nakagat ko ang labi ko. Hindi ko naman alam na patay na pala ang father niya.

"Eh yung step mother niya? Parang may nabanggit siya sakin before na meron siyang step mother."

"Umm. Sa pag kakaalam ko, under medication pa yun sa Australia. Nakalimutan ko kung anong sakit. Pero ayun nga... yun na yung kinalakihan niyang mother kaya mahal na mahal niya."

"Yun ba yung reason kung bakit siya nag punta ng Australia nung college siya?"

"Yep. Yun ata yung time na nadiagnose yung step mom niya. Pero may nabalitaan ako. Uuwi na ata yun next week. Kung hindi ako nagkakamali."

"Feeling ko naman mabait si Dax... hindi siya yung tulad ng iniisip mo."

"Ganyan talaga mga inlove... bulag na, tanga pa. Nagagawa nga naman ng pag ibig. Haaaay..."

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top