• Twenty One
"Kuya Dax, pwede bang dumaan muna tayo sa simbahan?"
Out of nowhere biglang nagsalita si Jamie. Kanina pa kasi siya tahimik simula nung umalis kami ng unit. Inassume ko na baka nag iipon lang siya ng energy dahil nga ipapasyal kami ni Dax, kaya hindi ko na rin siya masyadong kinakausap.
"Sure. Tamang tama, meron tayong madadaanang simbahan."
Gaya ng inaasahan ko, pumayag si Dax. Nung pinark na niya yung kotse, wala lang akong kibo. Hindi ko alam kung lalabas ba ko para mag simba o mag pap aiwan na lang.
"Ate tara na!" Hindi ko namalayan na naibaba at naiupo na pala ni Dax si Jamie sa wheelchair.
Kinakabahan akong lumabas ng kotse. Ang tagal tagal na kasi nung huling beses akong pumasok sa simbahan. Yun pa ata nung nag communion ako. Tapos hindi na nasundan at hanggang sa kinuwestiyon ko na Siya kung bakit namatay si papa at bakit may sakit si Jamie.
Naramdaman ko yung kamay ni Dax na humawak sakin. Ipinatong niya yung mga kamay namin na magkahawak sa handle ng wheelchair. Nung sinulyapan ko siya, diretso lang siyang nakatingin habang itinutulak yung wheelchair.
Nung papasok na kami sa loob, bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanya. Tinignan lang niya ko nag dirediretso siyang naglakad. Ipinuwesto niya sa Jamie sa may gilid ng upuan sa bandang harapan. Medyo yumuko siya at parang may ibinulong sa kapatid ko then he walk towards me.
"Come on!" Yaya niya sakin nung nasa harapan ko na siya.
"K-kayo na lang... dito na lang ako Dax."
"Jil..." hinawakan niya ko sa kamay at tinignan sa mga mata ko. "Hindi ka Niya susunugin ng buhay dito. Walang masama kung kakausapin mo Siya. Dapat nga sa mga ganitong problemang kinakaharap mo, Siya yung mas sasandalan mo. Siya yung mas aasahan mo sa mga problema mo. Natutulog ako, Jil... Siya, hindi. You just gotta believe Him... you have to believe in Him."
May namuong luha sa mga mata ko kaya napayuko ako. Nahihiya ako sa Kanya dahil hindi niya pa rin ako piapabayaan. Nung mga panahon na kailangang kailangan ko ng pang sustento saming dalawa ni Jay, pinagtagpo niya kami ni Dax.
"Look me in the eyes, Jil... God will never let you handle this if He think you can't."
Huminga ako ng malalim at naglakad papasok.
I dipped my fingers in the holy water and signed a cross. I felt Dax's hand on mine while we are walking towards Jamie's. Naupo kaming dalawa and he started praying, so I kneel down and close my eyes.
Alam kong makasalanan ako... kinalimutan kita, binalewala, at lumayo ako sa'yo. Pero hindi mo pa rin ako pinabayaan. Nung mamatay si papa, nakilala ko si Jeremy... binigyan mo ko ng isang mabait na kaibigan. At eto... malubha ang sakit ng kapatid ko. Siya na lang yung nag iisang meron ako. Totoo ka naman diba? Pwede bang ipaubaya mo na sakin si Jamie? Si Dax... salamat sa kanya kasi sumulpot siya sa buhay ko. Kung hindi dahil sa kanya natutugunan ko yung mga pangangailangan ng kapatid ko sa hospital. Natutulungan niya ko... eh Ikaw? Ano bang silbi mo sakin? Wala!! Lahat na lang ba kukunin mo sakin?
Ibinaba ko ang mga kamay ko at tumingin ako ng masama sa altar. Napatitig ako sa image ni Virgin Mary at ni Jesus Christ. Then I burst into tears.
Sorry... sorry... please forgive me! Please forgive me Papa Jesus... give me another chance, please! I'm so sorry!
I felt Dax's arms wrapping around me. He's gently tapping my right shoulder.
"I'm so sorry! Please forgive me! Please!"
"Sshh... God has already forgiven you, Jillian."
Bumitaw ako sa pagkakayakap ni Dax at hinarap ko si Jamie na tumutulo yung luha sa mga mata niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Natatakot akong mawala ka, Jamie. Sobra kong natatakot."
"Kahit naman mawala ako, ate... nandito pa rin naman ako eh. Sasamahan pa rin kita. Dalawa na kami ni papa na gagabay sa'yo."
Yakap yakap ko lang si Jamie nung nasa kotse na kami. Anytime soon, pwede siyang mawala sakin at hindi maaalis sakin yung takot na nararamdaman ko.
"We're here!"
Saka lang ako bumitaw kay Jamie, binuhat siya ni Dax para makalipat siya sa wheelchair.
Para kaming nasa isang park. May malaking gate at merong guard house. Bukod sa kotse ni Dax, meron pang isang kotse na nakapa parada sa tabi. May kinuha si Dax sa likod ng kotse at napakunot ako ng makita ko na basket yun. Meron din siyang dala dalang backpack.
"Anong laman niyang basket?"
"Foods. Mag pipicnic tayo."
"When did you prepare that?"
"Last night and kaninang umaga habang tulog pa kayo."
"Bakit hindi mo sinabi sakin? Sana ako na lang ang gumawa niyan or at least nakatulong man lang sana ko."
"No need. It's my idea, anyway. Let's go."
Sumunod na lang ako kay Dax habang tinutulak ko yung wheelchair. Binati kami nung guard at pinapasok din kami kaagad sa loob. Puro puno yung paligid at merong mga kiosk sa mag kabilang side. May mga bench din at merong maliit na playground.
"Kuya Dax! Ang ganda ganda dito."
"Mas maganda pa dun sa pupuntahan natin."
Medyo malayo layo na rin yung nalalakad namin at meron akong natanaw na parang isang malaking kweba. Merong isang maliit na frontdesk sa bungad, pero walang tao. Hindi naman ganon kadilim dun dahil merong mga torch pero malalayo ang agwat.
"Dax! Pano nag karoon ng kweba dito?"
"Man-made cave to. Eto talaga yung main attraction dito."
Nang makapasok kami sa loob meron na kaagad na tubig na na hanggang ankle. Kaya pala sinabihan ako ni Dax kanina na mag tsinelas na lang kami.
Kumikinang yung loob ng kweba dahil sa makikinang na bato na natatamaan ng liwanag ng apoy sa torch.
"Pwede kaya tong wheelchair, Dax?"
"Of course."
Dirediretso lang kaming naglalakad. At pakiramdam ko nasa loob ako ng sinehan. Dahil medyo madilim at makipot ang dinadaanan namin.
"Okay ka lang Jamie?"
"Yes ate. Excited na ko."
Napatigil ako ng makarating kami sa dulo.
"Wow." Umabot sa pandinig ko yung pagkahanga ni Jamie sa lugar.
Ang ganda ganda naman kasi talaga. Sa left and right side ng kweba merong mga stone tables and benches. Meron ding parang mga lababo. Parang isang resort lang. Meron ding mga pang ihaw ihaw. Tapos may mga cubicle para mag shower. Tapos sa gitna, merong maliit na falls at pool na kagaya nung mga nasa kweba talaga. May mga fake crystal formations din sa itaas. Maliwanag na tong part na to dahil merong mga ilaw sa sulok at tumatama din yun sa mga crystal formation
"Ate tara na dun!" Natauhan lang ako ng tinapik ako ni Jamie sa kamay. Inaayos na pala ni Dax yung mga pagkaing dala niya sa table. Masyado kasi akong naging busy dahil sa ganda nitong man-made cave resort. Lumapit na rin kami kay Dax at tinulungan ko siya sa pag lalabas ng pagkain sa basket.
"Hi!" Napatingin ako kag Dax ng makita ko sila Lorraine na palapit na pala samin.
"San kayo galing?" Tanong ni Dax sa kanya.
"Dun sa cottage sa labas. Nagpabili kasi kami ng ice. Hinintay na namin."
As usual nag beso beso na naman samin si Lorraine at nginitian ko na din siya.
"Hi. You must be Jamie, right?" Tinanguan lang ni Jamie si Lorraine.
"Jamie?" Napatigin ako sa nagsalita... si Arx. Lumapit siya kay Jame at kay Lorraine. Niyakap niya si Jamie. Tinignan ko si Dax at napansin kong masama ang tingin niya kay Arx na nakaakbay na ngayon kay Lorraine. "Hindi mo na ko naalala? Si Kuya Arx to. Diba nung nasa Batangas pa kayo, lagi akong nagpupunta sa bahay niyo."
"Ah! Oo. Kuya Arx!"
Napangiti ako ng marecognize pa ni Jamie si Arx.
"Kala ko hindi mo ko matatandaan eh. Kamusta ka na? Ang ganda ganda mo pa rin oh."
"True. She's so pretty. Younger version ng ate, of course." Ngumiti na lang ako sa compliment ni Lorraine. Hindi ko alam kung bakit kilala niya si Jamie.. or baka nabanggit ni Dax. Siguro nga... eh kung nandito silang dalawa ni Arx, hindi na katakataka kung pano niya nakilala si Jamie.
"Oh! Speaking of Ate." Tumayo si Arx at lumapit sakin. Nilagay niya yung mga yelo sa mesa at niyakap ako. "I'm glad that she's okay."
Medyo napalayo ako ng konti nung magsalita si Arx dahil nakiliti ako.
Bumalik siya kay Jamie. Pagkalingon ko kay Dax, kasama na niya si Lorraine at tinutulungan siya na iayos yung mga pagkain.
"Umm... hindi mo naman sinabi Dax na sa ganito pala tayo pupunta."
"It was intentional sweetie. But don't worry, I bought you and Jamie a swimming suit. It's inside my bag."
"Where will I put this, Dax?" Sumingit si Lorraine kaya nagpunta na lang ako kabilang table kung san nakalagay yung bag ni Dax.
"You have something in your face, Dada."
"Stop calling me that... we're not a kid anymore, Lolo."
Nakagat ko ang labi ko dahil sa pinag uusapan nila at sa tawagan nila na ngayon ko lang narinig.
"Oh shit! I shouldn't have called you Dada... because of the comeback, Dax. Ugh!"
"Yeah. You shouldn't have done that. Now, Lolo will be stuck in my head for the whole day."
"Shut up, Dada!"
"Alright, Lolo."
Binuksan ko yung bag ni Dax at meron kaagad akong nakita na swim suit na naka pack pa. Kinuha ko yun at lumapit ako kay Jamie na kasama pa rin si Arx.
"Jamie, binilhan ka ni Kuya Dax ng swimsuit, gusto mo bang itry?"
"Wag na ate, hindi naman ako mag suswimming. Hindi ako marunong din."
"Sure ka?"
"Uh huh! Ang ganda niya ate no?" Tumingin ako sa direksyon kung saan nakaturo si Jamie.
"Ah... si Lorraine? Maganda talaga siya."
"Maganda din naman si Ate Jelly mo eh." Napangiti ako sa sinabi ni Arx.
"Oo naman. Pinakamaganda si ate sa lahat."
"Wait." Tumayo si Arx at may dinukot sa cellphone niya. "I'll take a picture of you together."
"Nakakahiya Arx! mamaya na lang."
"Don't be. Ang babata niyo pa kasi sa mga picture sa laptop ko."
Pumwesto na rin ako sa tabi ni Jamie. Dati kasi nung kami pa ni Arx, lagi niya kaming kinukuhanan ng picture ni Jamie. Madalas stolen shots tapos saka niya lang papakita sakin pag aalis na siya. Magaganda yung mga kuha niya kahit cellphone lang ang gamit niya. After two weeks of being together, I received a scrapbook from him. It was full of our pictures with Jamie. Sadly, naiwan ko yun nung umalis kami sa Batangas.
Nakailang shot ng pictures din samin si Arx. Lumapit siya at pinakita samin yung mga pictures.
"Hilig mo pa rin kumuha ng mga pictures."
"Hmm... minsan na lang din. Depende kung gano kaganda yung kukuhanan ko."
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Arx. Hindi pa rin siya nag babago.
"Jil, mag palit ka na. Para makakain na tayo." Napatingin ako kay Dax na nakapoker face lang. Tinutulungan siya ni Lorraine na ilagay yung mga plates sa loob ng clear plastic.
"Sige na Jelly, ako na munang bahala kay Jamie."
"Thank you, Arx."
Nagpunta ko sa shower room para mag palit. Royal blue polka dots na tankini tops at stripe na red and royal blue tankini shorts ang binili ni Dax. Pagkalabas ko ng shower room ipinatong ko lang yung damit ko sa kabilang mesa at lumapit na ko kila Arx.
"You look gorgeous, Jelly." He said while staring at me.
Inihilamos ko sa mukha niya yung kamay ko gaya ng ginagawa ko sa kanya dati pag pinupuri niya ko o pag masyado na kong kinikilig sa mga sinasabi niya.
"Damn! You're still the same... can I steal you?"
"You wouldn't want to, dude." Nagulat ako dahil hindi ko naramdaman na nasa tabi ko na pala si Dax. Inilagay niya yung kamay niya sa bewang ko. Sinulyapan niya ko at tumingin ng diretso kay Arx.
"You think so? Hindi ko na kailangang gawin yan Dax... you know. It'll come naturally."
Nagsalit salit lang ako ng tingin kay Dax at kay Arx. Napapansin kong medyo nagkakainitan na yung tinginan nila kaya inakbayan ko na rin si Dax. Hinawakan ko siya sa kanang pisngi niya at iniharap ko yung mukha niya sakin.
"Okay na ba yung food, babe? Gutom na ko eh."
"Guys! Punta na kayo dito. Kain na tayo!" Tinawag na kami ni Lorraine. Kaya nginitian ko na lang si Dax. Pagkalingon ko kay Arx, tinutulak na niya yung wheelchair ni Jamie. Hinila ko na lang si Dax papuntang table.
Ano pa bang ikakasama ng loob niya eh nasosolo na nga niya si Lorraine. Silang dalawa na nga yung mag kasama eh. Nagpaparaya na nga ako...
Natapos na kaming kumain. Si Lorraine at Dax lang yung laging nag uusap, kaming dalawa naman ni Arx, inaaikaso si Jamie. Tinatanong tanong niya kung anong gustong kainin.
"Tara swimming na tayo." Nagyaya na si Lorraine at nagpaiwan na lang ako para ligpitin yung mga pinagkainan namin. Sinama ni Dax si Jamie pero hindi naman lumusong si Jamie dahil ayaw niya ngang mag swimming. Kaya nasa may bandang hagdan lang pumwesto si Dax at nag uusap sila ni Jamie kasama si Lorraine.
"Let me help you."
Nginitian ko lang si Arx at bumalik na ko sa ginagawa ko.
"I still have the scrapbook I gave you..."
"Huh?"
"Nung first time mong umabsent noon, I went to your old house. And I saw the scrapbook in your room. Pero wala na kayo eh."
"Yeah. Naiwan ko nga... pero hinanap ko yun. Then I realized maybe it was meant to be lost."
"Like you? Haaay Jelly... kung alam mo lang. Pinahanap kita. Pero wala eh. Hindi ka magpakita sakin. Tapos sa ganito na kitang makikita ulit. Sakit!"
Pagkalingon ko kay Arx, nakatingin din siya sakin. I saw pain in his eyes. Pero he fake a laugh...
"Magiging abangers na lang siguro ako... ibangan ko yung araw kung kailan kita makikita ulit... at ngayon, aabangan ko kung kailan kayo mag hihiwalay."
Ako naman yung tumawa ng peke. Siniko ko siya sa tagiliran habang tumatawa.
"Sira ka talaga!"
Nang matapos kami ni Arx dun, nagpunta na rin kami sa pool. Naging sweet sakin si Dax at may times na sinisenyasan ko siya na lapitan si Lorraine. Napapayag ko ding mag swimming si Jamie kahit sandali. Enjoy na enjoy naman siya. Kita naman sa mga mata niya. Nakita ko rin na mabait talaga si Lorraine. Madalas niyang iengage si Jamie sa mga usapan. Hindi na ko magtataka kung bakit siya nagustuhan ni Dax. Sobrang ganda na, mabait pa.Pero nakakainis din dahil napansin kong nakabuntot siya lagi kay Dax. Pakiramdam ko kahit nag enjoy ako, hindi pa rin ganon kasaya sa feeling. Pero nakakainis din dahil napansin kong nakabuntot siya lagi kay Dax.
Yung pakiramdam na tinutulak mo yung mahal mo sa taong mahal niya. Ang sakit lang... kung totoo man yung sinasabi ni Arx, I guess we're on the same boat.
Mga 6pm na nung nag decide kaming mag pack up. Nag shower kaming dalawa ni Jamie. At tumulong ako sa pag aayos ng mga gamit namin.
Kaya pala kami lang yung tao dun kasi family ni Lorraine ang may ari ng buong lugar na to. Bagay talaga sila ni Dax... magkalevel sila eh. At ako? Binabayaran lang namin ako ni Dax para makita at marealize ni Lorraine yung worth it niya...
Nasa parking na kami ni Arx at ni Jamie. Nag paiwan pa si Lorraine at Dax dahil kakausapin nila yung caretaker.
"Hmm, Arx, pwede bang dito muna kayo ni Jamie? Naiwan ko kasi yung damit ko dun sa kabilang table."
"I'll get it for you."
"No need, ako na lang." Nakakahiya din kasi kung siya pa yung mag pupunta.
"You sure?"
"Yep. Ikaw munang bahala kay Jamie."
Tinakbo ko na kaagad papunta dun sa cave. Nung malapit na ko sa pinaka end ng tunnel ng cave, napatago ako dahil nandun pala sila Lorraine at Dax. Magkaharap silang dalawa and I saw how close they are. Literal na close dahil kahit hangin hindi makakadaan dahil magkadikit na magkadikit sila. Nakahawak si Lorraine sa dibdib ni Dax. Nakagat ko ang labi ko dahil biglang kumirot yung puso ko sa sakit na makita sila sa ganong sitwasyon.
Hindi ko marinig yung pinag uusapan nila. Masokista na kung masokista pero sinilip ko ulit sila... and this time... I can't handle it anymore. Magkalapat na yung mga labi nilang dalawa kaya tumakbo ako palabas ng cave. Tumakbot ako hanggang sa makarating ako sa parking lot. Pinigilan kong huwag tumulo ang mga luha ko dahil kaharap ko na sila Arx at Jamie.
"Okay ka lang ate? Para kang nakakita ng multo."
"H-huh? O-okay lang... hindi ko kasi nakita yung damit ko dun. Baka nasa bag na."
"Eh sila Lorraine, nakita mo ba?" Tinignan ko si Arx at umiling iling ako.
Kitang kita ko sila... kitang kita ko na nag hahalikan sila... kitang kita ko at ang sakit sakit.
Hinila ako ni Arx sa kamay at niyakap niya ko ng mahigpit. Yung yakap na parang hindi niya ko bibitawan... that's when my tears start to fall.
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top