• Twenty Nine
Nagising ako na masakit yung pisngi ko kaya tinignan ko sa salamin... may malaking pasa. Mahihirapan akong itago kay Jamie to.
Nag hilamos na ko at nag toothbrush. Naalala ko na meron pala kong make up at alam ko meron akong corrector na nabili, yung kulay green. Pagkatapos ko lang lagyan ng concealer, hindi na siya ganon kahalata.
Paglabas ko ng kwarto, wala akong anino ni Dax na nakita. Pinakinggan ko din sa pinto yung kwarto niya, pero wala akong narinig kahit kaluskos. Nagpunta ako sa kitchen at isang note ang naabutan ko sa ibabaw ng mesa. Meron din mga plato dun na natatakpan.
Kinuha ko yung note at binasa ko na.
'I have to fix something Babe, but I'll be back before lunch, so don't go anywhere.'
Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kilig na naramdam ko.
Nauna na lang akong kumain, para mamaya pagkagising ni Jamie, ako na lang ang magpapakain sa kanya.
Nakatapos na kong kumain pero hindi pa rin nakakabangon si Jamie. Minsan kasi mas maaga saking magising yun. Tapos bago mag lunch, maiidlip kagad siya.
Niligpit ko lang yung pinag kainan at pinuntahan ko na siya sa kwarto. Wala na rin siya sa kama. Palabas na sana ulit ako ng kwarto ng mapansin ko na nakatumba na yung wheelchair niya.
Agad agad akong tumakbo sa gilid ng kama at nakita ko siyang nakahiga sa sahig at walang malay.
"Jamie! Jamie! Naririnig mo ba si ate? Jamie!"
Binuhat ko siya papuntang kama. Pinakinggan ko yung puso niya at medyo mabagal yung tibok.
"Jamie! Wake up! Please!" Tinatapik ko siya sa pisngi pero wala pa din siyang malay.
Kinuha ko yung cellphone ko at sinubukan kong tawagan si Dax, pero hindi niya sinasagot. Nakailang dial ako sa number niya pero wala talaga.
Wala na kong ibang maisip kaya si Arx na lang ang tinawagan ko. Nakakailang ring pa lang sinagot na niya yung tawag ko.
"Arx... Arx si Jamie. Dalhin natin siya sa hospital. Please... wala dito si Dax. P-please..."
Hindi ko na napigilan yung sarili ko na umiyak. Sobra yung takot na nararamdaman ko sa mga oras na to.
"I'll be there, Jelly. Stop crying and compose yourself. Mag ready ka na ng gamit ni Jamie. Mag ayos ka na, dalhin mo yung mga hospital records niya. Okay? Wag kang masyadong magpanic. Wait for me..."
"O-okay..." napatango na lang ako at sinunod ko yung mga sinabi niya.
Mga 10 minutes lang siguro nakarinig na ko ng doorbell. Tumakbo ako para buksan ang pinto.
"Arx..." lumapit siya sakin at niyakap ako.
"Hush now..." hinalikan niya rin ako sa noo at nakaramdam ako ng security. Yung pakiramdam na merong dadamay sakin sa mga ganitong panahon. "Where is she?"
"Follow me." Tumakbo ako papuntang kwarto. Nilapitan ni Arx si Jamie at tinapik tapik niya din. Wala pa ring malay si Jamie kaya binuhat na niya.
"Yung mga gamit, Jelly. Let's go."
Lumabas na kami ng unit at sinigurado kong nakalock ng mabuti yung pinto.
Nagmadali kami ni Arx na makalabas ng building. Nung papunta na kami sa kotse niya, maraming tao ang nakapalibot. Galit na galit dahil nakahambalang yung kotse niya sa daanan.
Naririnig na namin yung pag mumura ng mga tao kaya nag salita na si Arx.
"Pasensya na po. Emergency lang. Padaanin niyo po kami."
Agad agad din namang tumalima yung mga tao. At tinulungan pa nila kami sa pagbukas ng kotse.
Nasa likuran kami ni Jamie at hawak hawak ko ang kamay niya. Ang putla putla na niya. Nakakaawa ang itsura niya.
"Jelly, you have to be strong for your sister."
Para lang akong bata na tumango tango. Lutang na yung pag iisip ko.
Nakarating kaming hospital ng hindi ko namamalayan.
Pag kapasok namin ni Arx sa loob naglapitan kagad samin yung mga nurse.
Inihiga siya dun sa kama na may mga gulong. Chineck nung mga nurse yung vital signs at may lumapit din saming resident doctor.
"Leukemia patient, doc." Si Arx na ang nag asikaso at sumagot sa mga tanong nung doctor. Wala na kasi akong maintindihan.
Habang itinatakbo namin si Jamie, nanginginig yung mga tuhod ko. Hinarang na lang kami ng mga nurse at hindi na kami pinapasok. Pagkasarado nila ng pinto, napaluhod na lang ako sa sahig. Inalalayan din ako ni Arx at iniupo niya ko sa bench at tinabihan.
"Relax lang, Jel... matapang si Jamie di ba?" Hinawakan niya ko sa kamay at inakbayan.
"Jillian!" Napalingon ako sa direksyon ng tumawag sa pangalan ko. Humahangos sa pagtakbo si Dax palapit samin.
Nung nasa harapan ko na siya, dun lang bumitaw si Arx sa pag kakaakbay sakin at pag kakahawak sa kamay ko at tumayo na siya.
Nakita ko na tinapik siya ni Dax sa balikat at tumango lang si Arx.
Lumuhod si Dax sa harapan ko at hinawakan ako sa baba.
"Everything will be alright, Jel... sa inyong dalawa ni Jamie, dapat mas matatag ka."
"Natatakot ako Dax..." yung luhang kanina ko pa pinigil, nagsimula ng mag unahan sa pisngi ko. "N-natatakot ako..."
Takot na takot akong maiwan... una si mama, tapos si papa... at ngayon naman, si Jamie.
Pinisil niya yung kamay ko at niyakap niya ko.
Mahigit 30 minutes din akong naghintay bago lumabas yung doctor. Hawak hawak niya yung record ni Jamie. Si Dax naman, umalis sandali. May bibilhin lang daw siya.
"You must be Jillian?" tumango lang ako bilang sagot.
"As for now, okay na yung kapatid mo. Iniscan ko lang tong medical records niya kanina sa loob..."
"Magiging okay pa rin naman po siya sa mga susunod na araw di ba po?"
"I can't answer you, Ms. Jillian. I'll be honest with you... hindi ko alam kung dapat kang magpasalamat dahil nalagpasan ng kapatid mo yung one month na taning ng buhay ng niya. I will do everything to extend her life. Pero walang kasiguraduhan yun. Because anytime... anytime pwede siyang mawala. At alam mo yun."
"Okay naman siya nung mga nakaraang linggo. Masigla siya... bakit? Bakit siya nagkakaganyan?"
"Because it's cancer. There are some instances na akala natin, magaling na yung pasyente. Pero bigla na lang mag bibreakdown yung katawan. It's a case that no one knows what will happen and when will it happen."
"Please do everything..." tumango yung doctor at umalis na siya.
Pumasok ako sa loob ng ICU. Natutulog si Jamie at maraming nakakabit sa kanyang kung anu ano. Hindi ko siya malapitan dahil merong plastic na curtain ang nakapalibot sa kanya.
Nanginig ang tuhod ko at napaluhod ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko pag tuluyang nawala si Jamie. I can't afford to lose her.
"Mama..." napatayo ako nung marinig ko na nag salita siya. Siguro nananaginip siya. "M-mama..."
"Sorry Jamie... gustuhin ko mang tuparin yung pangarap mo na makita si mama, pero hindi ko kaya... hindi ko magawa."
Lumabas na ko at nagpunta ko sa chapel, pero hindi ako makapasok. Dahil natatakot akong humiling sa kanya dahil alam ko... hindi rin naman niya ko papakinggan at pagbibigyan. Umalis na lang ako at nagpunta sa lobby. Naabutan ko dun si Dax na may kausap sa cellphone. Kaya si Arx na lang ang nilapitan ko.
"Jelly, you should rest too. Para pag nagising si Jamie, may lakas ka na."
"I can't leave her here."
"Nandito naman ako eh. Ako na muna ang mag aasikaso kay Jamie."
"Arx..."
"I'll still insist. Kung nakikita mo lang sana yang mga mata mo. Pulang pula na kakaiyak." Hinawakan ni Arx yung magkabila kong pisngi at pinisil pisil niya. "
"Marami ka pang oras para makasama ni Jamie."
"Jillian..." napatingin ako sa pinanggalingan ng boses... si Dax. Masama ang tingin niya kay Arx kahit na nakatalikod to sa kanya. Bumitaw si Arx sa pagkakahawak sa pisngi ko at humarap na din siya kay Dax.
"Bro, iuwi mo na mun--"
"Let's go Jelly." Lumapit sakin si Dax at kita ng dalawang mata ko na nabangga niya si Arx, pero parang wala lang sa kanya. Hinila na ko ni Dax at wala na kong nagawa kundi lingunin si Arx at ngitian siya.
Nung medyo malayo layo na ko kami ni Dax, huminto siya kaya napahinto din ako. Dumukot siya sa bulsa ng pants niya at naglabas siya ng panyo.
Ipinunas niya sa pisngi ko yung panyo habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
"Ako lang, Jelly... ako lang dapat ang hahawak sa pisngi mo, ako lang, Jel. Ayokong merong iba pa."
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top