• Twenty Four

Iniisip ko yung huling sinabi sakin ni Arx. Ganon ba talaga ko kagaling umarte para mapaniwala siya na boyfriend ko talaga si Dax o ganon talaga kahalata na totoo talaga yung nararamdaman ko kay Dax.

Kitang kita ba sa mga mata ko yung feelings ko towards him. Hindi ko kasi naisip na may possibility na ma-inlove ako sa kanya. Wala eh, ang nasa isip ko lang nung mga panahong yun, kailangan ko ng stable na kita para kay Jamie. Hindi ako aware sa possibility na baka magustuhan ko siya, na baka mafall ako sa mga sweet words niya pag nasa harapan kami nila Lorraine.

"Deep thoughts, huh?" Sinulyapan ko si Arx. Kanina pa kasi walang nagsasalita saming dalawa eh.

"Arx, can I ask you some questions?"

"Sure, what is it?"

"Gano ka close si Dax and si Lorraine?" Tinignan niya ko at nginitian ng nakakaloko.

"You sounds like a really jealous girlfriend."

"Yeah, I am." Well, ang alam naman niya is kami talaga ni Dax. So wala namang bukingan factor kung sakaling mag investigate ako about them.

"I refuse to answer."

"I just wanna know. Masama ba yun?"

"Okay. Sasabihin ko na. Sasabihin ko dahil ayokong sumama ang loob mo sakin. Hindi ko sasabihin to, para ikaselos mo dahilan ng pag aaway niyo..."

"Promise! Sating dalawa lang. Hindi ko babanggitin kay Dax." Baka kasi makahalata siya na mahal ko na siya. Silly!

"Ano munang alam mo sa kanilang dalawa?"

"Hmm... childhood friends sila. Tapos nagkagusto si Dax, pero binasted ni Lorraine."

"Umm... nung 2nd year college, naging sila."

Biglang kumirot yung puso ko sa narinig ko. Parang wala namang ganyang kwento si Dax sakin tungkol sa kanila ni Lorraine.

"It's just a trial relationship, anyway. It lasted for about five months I think. They decided to split up and remained friends."

"Bakit daw?"

"I don't know. Sa pag kakaalam ko, si Dax ang unang nakipaghiwalay. Pumayag na lang si Lorraine kasi wala siyang choice. Then after a year, nag punta sa Australia si Dax. Lorraine was in pain nung umalis si Dax. Tapos naging close kaming dalawa. Sakin siya nag kukwento, nag lalabas ng sama ng loob. Sakin siya umiiyak. This year lang bumalik si Dax. Matagal tagal din siyang nawala. Almost three years. Pero hindi sila nawalan ng communication ni Lorraine."

Tahimik lang ako habang nagkukwento si Arx. Gago pala tong si Dax. Pagkatapos pumasok sa trial relationship, makikipaghiwalay siya. Tapos aalis alis siya at ano yun? Feeling niya may babalikan pa siya pagkatapos niyang makipag hiwalay at umalis. Tapos ako gagambalain niya at mafofall ako sa kanya kaya at the end of the day, may pera nga ako, brokenhearted nga lang.

"May iba ka pa bang alam tungkol sa trial relationship nila?"

"Yung trial relationship nila, parang it's more of a serious relationship na rin. They love each other... they care for each other. They were very sweet during those days. Nagkaroon pa nga yan ng mga fans sa university. Pero hanggang dun lang sila eh."

Nasasaktan ako sa nakaraan ni Dax at Lorraine. May karapatan naman ako sa paningin ni Arx eh. Nag seselos ako... sobra... iba yung kwento ni Dax. Hindi naging sila... na hanggang mag bestfriends lang talaga sila... binasted siya ni Lorraine... pero bakit... bakit siya nakipaghiwalay? Hinalikan na siya

"Shit!" Iginilid ni Arx yung kotse. Hinawakan niya ko sa mukha at iniharap niya ko sa kanya. "Stupid! Dapat di na lang ako nag kwento!" Pinupunasan niya yung mga luha sa pisngi ko. "Kalimutan mo na lang yung mga kinuwento ko. It's all in the past. Ang importante, yung sa inyong dalawa ngayon ni Dax."

Tumango tango lang ako. Wala ng nagsalita samin hanggang sa makarating kami sa condo.

"Thank you, Arx..."

Hinalikan niya ko sa pisngi bago ako bumaba ng kotse. Parang wala ako sa sarili ko nung pumasok ako hanggang elevator at nang makarating ako sa tapat ng unit ko.

Nakalock yung doorknob at medyo nakakapanibago, dahil usually, naka double lock na chain lang yung pinto. Buti na lang at lagi lang nasa bag ko yung duplicate key ko.

Dahan dahan ko lang binuksan yung pinto at nagulat ako sa nakita ko. Nakaupo si Dax sa sofa at may babae siyang katabi na nakapatong yung ulo sa balikat niya. Nakatalikod sila sakin at nanunuod ng tv. Base sa built ng katawan, si Lorraine yun.

Sinarado ko yung pinto at napapikit ako ng pabagsak ko yung nasarado. Siguro naman naagaw ko na yung atensyon nila.

"Hi Jelly!" Napairap ako ng batiin ako ni Lorraine but I still manage to smile when I face them.

"Hi. What are you doing here?"

Tumayo si Dax at niligpit yung mga baso na pinag inuman nila.

"I just wanna visit your sister. Nagdala din ako ng mga fruits. Nabanggit kasi kanina ni Dax sakin sa phone na she's not feeling well."

"Umm. Thank you. Nag abala ka pa."

Nginitian ko siya at nagpunta ko sa kitchen para uminom ng tubig. Hindi nag sasalita si Dax kaya hindi ko na siya pinansin.

"Wala yun. By the way, ang cozy ng pad mo and malaki din pala. Kaya pala nawiwiling tumira dito si Dax."

"Yeah. Nag lunch ka na ba?"

"Yes. Tapos na kaming mag lunch. Nagluto si best, saktong favorite ko."

Besssssst! Letse! Ahassss!!

"I'll just change my clothes."

Tinignan ko muna si Lorraine mula ulo hanggang paa. Bago ko sila tinalikuran at pumasok ako sa kwarto ko.

Inilapag ko yung bag at scrapbook sa side table at hinalikan ko si Jamie sa noo. Nagmulat siya ng mata kaya nginitian ko siya.

"Bakit nandito ka na agad ate?"

"Eh kasi, hinahanap mo daw po ako."

Kumunot ang noo ni Jamie at marahang umiling.

"Hindi ah. Okay lang naman sakin na lumabas ka. Akala ko nga gabi ka pa makakauwi kaya sinabi ko kay kuya Dax na magluto siya ng giniling kasi favorite mo yun."

"Ah. Ganon ba? O sige, magpahinga ka na ulit. Mag shashower lang ako."

Pumikit na si Jamie kaya nagpunta na kong cr. Sandali lang akong nag shower. Parang lang maalis yung lagkit na nararamdaman ko at yung inis ko kay Lorraine lalong lalo na kay Dax.

Talagang ginamit pa niya si Jamie. Pwede naman niyang sabihin sakin na 'Hoy babae! Pupunta dito yung mahal ko. Umuwi ka at gawin ang trabaho mo!' O kaya naman 'Saka ka na umalis pag nagawa mo na trabaho mo.'

"Ugh!!"

Nag soot lang ako ng tube dress hanggang mid thigh at cycling shorts. Inibun ko na lang din yung buhok ko kahit basa. Nag apply din ako ng cheek tint para maging mapula pula yung pisngi ko.

Paglabas ko ng cr, tulog na si Jamie kaya ako na lang mag isa ang lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Lorraine na nakaupo sa single sofa habang nag cecellphone. Dun naman ako pumwesto sa mahabang sofa at sa pinakadulo ako naupo. Nanggaling si Dax sa kitchen at may dala dala siyang bowl.

"Babe pinagtalop kita ng apples. Favorite mo to diba?"

Kailan ko naging favorite ang apple? Wala nga akong nabanggit sa kanya tungkol sa mga favorites and dislikes ko.

"Thank you, ang sweet sweet mo talaga." Letse! Kung marunong kang umarte, ako din. 

"Favorite mo din pala apples, Jelly. Ganyan din ginagawa sakin ni Best dati eh. Pinagtatalop din ako ng apples."

Ugh! Daaax!! Hindi mo na kailangang ipamukha sakin kung gano mo kakilala si Lorraine!

Baka nga akala nitong lalaking to ako si Lorraine.

"Really. Anyway, sana mas maaga mong sinabi na pupunta ka dito, para pinadiretso ko na lang din dito si Arx. Magkasama kasi kami kanina."

"Talaga? Kaya pala nung niyaya ko siya ang sabi niya may importante daw siyang gagawin. Magkikita lang pala kayo."

Duh! LANG? Nilalang mo yung pagkikita namin. Echusera!

"Babe higa ka. Dali."

"Umm?"

"Higa ka." Tinapik ni Dax yung armrest ng sofa kaya nahiga na lang din ako gaya ng sinabi niya. Iniangat niya yung mga binti ko at pinatong niya sa lap niya. At sinimulan niyang imassage yun.

"Aww. Magaling mag massage si Dax. Minamassage niya ko dati when we're still together."

(c) Eilramisu

~A.N~

Sorry mga loves. Sobrang busy lang talaga these past few days.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top