• Twenty


Pinunasan ko na si Jamie ng katawan at binihisan ko na siya. Hindi ko na pinatay yung aircon sa kwarto since sanay naman na siya sa malamig. Nahiga na kaming dalawa at humarap ako sa kanya.

"Masaya ka ba?"

"Sobra ate..." nakangiti siya habang tumatango tango. "Naninibago ako. Para kong bagong laya sa kulungan. Ang colorful pala ng paligid ko."

"Di bale. Sabi ni kuya Dax mamamasyal tayo bukas diba? Basta pag may masakit sa'yo or pag may gusto ka, sabihin mo lang saming dalawa."

"Ate, ang bait bait ni Kuya Dax no? Ang gwapo gwapo pa... parang artista."

"Talaga? Crush mo siya no?" Nakita kong namula ang maputlang mukha ni Jamie kaya napangiti na rin ako dahil alam kong masaya talaga siya.

"Ate naman... pero alam mo, ate... parang may gusto sa'yo si kuya Dax. Bagay na bagay kayong dalawa." Matamlay akong napangiti kay Jamie.

Nako! Kung alam mo lang sister! Ganon lang talaga yung lalaking yun.

"Hmm ano namang alam mo sa gusto gusto na yan?"

"Basta... nararamdaman kong gusto ka niya. Napapansin ko kasi na iba yung way ng pag titig niya sa'yo. Para bang napaka special mo sa kanya--" natigil kaming dalawa ng may marinig kaming mahihinang katok sa pinto.

"Speaking of the monkey..." bumangon ako para pagbuksan siya. Bumungad sa mukha ko yung isang gallon ng rocky road na ice cream.

"Hindi pa naman kayo tutulog diba?" Sabi niya na ngiting ngiti.

"Hindi pa kuya Dax, nagkukwentuhan pa kami ni ate." Wala na kong nagawa kundi ang ibukas ng maluwang yung pinto. Dirediretso siyang naupo sa kama.

"Kain tayong ice cream, Jay. Hindi naman siguro bawal sa'yo to."

"Ang tagal tagal ko ng hindi nakakain ng ice cream kuya Dax."

Sinarado ko na ulit yung pinto at naupo na rin ako sa kama. Inalalayan ko si Jamie para makaupo din at nilagyan ko ng maraming unan yung likuran niya para makasandal siya.

"Basta konti lang ang kakainin mo Jamie, para hindi ka sisipunin at uubuhin."

"Yes ate... promise!"

"O sige. Wait lang ha." Tatayo na sana ko pero pinigilan ko ni Dax.

"San ka pupunta?"

"Sa kusina... kukuha ng kutsara and lalagyan."

"No need. Kumpleto na... kakain na lang kayong dalawa ni Jamie."

Binuksan ni Dax yung plastik na dala dala niya. Hindi ko napansin na meron siyang hawak nun nung pumasok siya. Kinuha niya yung plato dun at dun niya ipinatong yung container ng ice cream. Inabot din niya sakin yung dalawang kutsara at dalawang teacup.

"Boyscout huh?"

"Syempre. Dapat kumpleto na. Ako nagyaya eh, tapos iistorbohin pa kita."

Binuksan ko yung container at nilagyan ng dalawang kutsarang puno ng ice cream yung teacup ni Jamie. Si Dax muna ang pinauna ko. Mag iiscoop na sana ko ng ice cream pero kinuha sakin ni Dax yung teacup.

"Wag ka na palang gumamit nito. Diyan ka na lang mag scoop scoop, dahil malamang mauubos mo yan."

"Hoy! Anong palagay mo sakin? Matakaw?"

"Ikaw nagsabi niyan... hindi ako."

Tinignan ko siya ng masama at tumawa lang siya.

"Let's play a game!!" Masiglang sabi ni Dax.

"Go ako. Anong laro kuya Dax?"

"Pinoy henyo!"

"Gusto ko yan! Gusto ko yan!"

Natawa ako sa reaksyon ni Jamie. Halatang excited na excited siya at kitang kita sa mga mata niya na masaya siya.

"Sabi na nga ba magugustuhan mo eh." Tumayo si Dax at may kinuha siyang mahabang post-it paper at pentelpen sa bulsa ng short niya.

"Talagang readyng ready ka ah?"

"Syempre. Pinag handaan ko to. Kagabi pa lang nung sinabi mong ilalabas mo si Jamie, pinlano ko na to."

"Salamat kuya Dax!!"

Flying kiss ang itinugon ni Dax kay Jamie. Medyo natulala ako dahil ang cute cute niya nung nag flying kiss siya. Pakiramdam ko nga bumanda lang yung kiss kay Jamie, at sakin dumiretso.

"Oh sinong unang manghuhula?"

"Ganito na lang kuya Dax, ako na lang ang moderator. Ako ang mag ooras sa inyong dalawa. Pag si ate ang huhula, ikaw ang sasagot ng yes, no, maybe at ikaw rin ang mag susulat ng word."

"Eh di hindi ka kasali?"

"Okay lang. Moderator naman ako eh. Tatlo kasi tayo, hindi balance."

"Eh di kayong dalawa na lang ni Dax, ako na lang moderator, Jamie."

"Aist! Tumigil ka ate. Kayong dalawa ni kuya Dax ang maglalaban. Pahiram akong timer, tapos bato bato pick na kayo."

Kinuha ni Dax yung phone niya, inayos niya muna yun bago ibigay kay Jamie. Nag bato bato pick kaming dalawa at talo siya.

"Pinagbigyan lang kita ha!"

"Pinagbigyan daw oy! Eh talo ka lang talaga."

Kumuha ako ng post it at idinikit yun sa noo ni Dax saka ko sinulatan ng 'monkey'

"Three minutes lang ha? Oo, hindi, pwede, yes, no, maybe lang pwedeng sabihin. Mag kalaban kayong dalawa, tandaan niyo yan. Okay, timer starts now!"

"Tao?" Unang hula ni Dax.

"Hindi."

"Lugar?"

"Hindi."

"Bagay?"

"Hindi."

"Pagkain?"

"Hindi."

"Hayop?"

"Oo!!"

"Sa tubig ba?",

"Hindi."

"Land?"

"Oo!!"

"Aso?"

"Hindi."

"Daga?"

"Hindi."

"Kabayo?"

"Hindi!"

"Cow?"

"Hindi."

"Pet ba?"

"Pwede." Habang nanghuhula si Dax, kumakain lang ako ng ice cream.

"Rabbit?"

"Hindi."

"Sigurado ka bang wala sa nabanggit? Niloloko mo lang ata ako eh."

"Ssshh. Manghula ka na lang. Bilis. May oras ka pa."

"Tagalog?" Umiling lang ako bilang sagot.

"Pig?"

"Hindi."

"Snake? Elephant? Lizard?" Kangaroo?"

"Times up!!" Napanguso si Dax ng iannounce ni Jamie na wala ng oras.

"Pet ba ang kangaroo?" Tanong ko kay Dax.

"Pwede naman... sa mga movie." Tinanggal niya yung post it sa noo niya at tinignan niya yung nakasulat dun. "Argh!! Unggoy lang pala. Bakit nga ba nakalimutan ko ang unggoy."

"Ewan ko sa'yo. Kamag anak mo kinakalimutan mo." Tawa ng tawa si Jamie sa sinabi ko kaya tinignan ako ng masama ni Dax at mag peace sign lang ako.

"Ah! Ganon pala ha?"

Kumuha na siya ng post it at dinikit din sa noo ko at nag sulat. "Ang dali dali lang nito ah. Baka hindi mo pa mahulaan."

Napahagikgik si Jamie ng mabasa niya yung nakasulat.

"Siguraduhin mo lang ah!!"

"Oo. Sobrang dali lang niyan. Promise! Si Jamie nga alam na alam yan eh. Diba Jamie?"

Nag thumbs up lang si Jamie kinuha na yung cellphone ni Dax.

"Time starts now!"

"Pagkain?"

"No.

"Lugar?"

"No."

"Bagay?"

"Yes! Yes!" Halos mag tatatalon sa tuwa si Dax kaya natawa na lang din ako sa kanya.

"Sinusoot ng tao?"

"Hindi, hindi"

"Ginagamit ng tao?"

"Hindi din."

"Nandito ba? Makikita dito sa kwarto ko?"

"Oo! Yes!"

Inisa isa ko lahat ng nakikita ng mata ko, pero ni kahit isa sa nabanggit ko, eh wala pa ring tumama.

"Akala ko ba nandito? Eh bakit mali pa rin."

"Aish! Madali lang yun. Bilisan mong manghula. Mauubusan ka ng oras."

"Kutsara? Plato? Kama? Unan?" Iling lang ng iling si Dax habang kumakain siya ng ice cream. "Kumot? Aircon? Curtains?" Napansin ko na yung kutsara ko ang ginagamit ni Dax sa pag kain niya ng ice cream kaya pinalo ko siya sa braso.

"Aray! Masakit yun ah!"

"Pinagtitripan mo lang ata ako eh. Isa pa meron kang kutsara, bakit di mo gamitin? Yung sakin pa ginagamit mo. Kadiri to!"

"Eh gusto ko eh. Wala ka namang virus eh. Maghula ka na nga."

"Times up na." Tinignan ko si Jamie ng masama pero nakangiti lang siya.

"Ano ba kasi to?" Kinuha ko yung post it sa noo ko at binasa yun. "Ano to Dax? May ganito bang bagay?"

"Aish! Bakit ba di mo mahulaan yan? Eh ang dali dali lang niyan."

"Anong madali? Sige nga ano ba yan? Anong 'tayo'? Hindi ko nga alam na may ganyang bagay! Baka naman tuyo yan? Pagkain yun, damuho ka talaga."

Lumapit sakin si Dax at pinisil ang ilong ko.

"Haaays... meron, Jelly... bagay yan... Bagay TAYO!! Matulog na kayo. May pupuntahan pa tayo bukas." Naiwan akong natulala ng lumabas si Dax bitbit lahat ng dala dala niya kanina. Si Jamie naman eh humahagikgik lang.

Bagay... tayo... tayo? Bagay? Damn!! Bagay tayo? Bagay kami?

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top