• Thirty Two

Si Dax ang nag asikaso ng burol ni Jamie sa isang chapel. Hindi ko kasi alam ang mga gagawin ko. At hindi ko rin alam kung kaya ko.

Kung noong namatay si tatay, kailangan kong maging matatag dahil meron pa kong kapatid na sakin lang kumukuha ng lakas, ngayon namang nawala na si Jamie... si Dax ang naging karamay ko. Hindi rin ako pinapabayaan ni Jeremy. Araw araw din siyang nasa burol para damayan ako... para samahan.

Nandun din si mama, madalas nasa isang sulok lang siya... umiiyak mag isa. Kahit na galit ako sa kanya... hindi ko pa rin maiwasang maawa at parang dinudurog din yung puso ko pag nakikita siyang ganon. At gaya ko, si Dax lang din yung kinakapitan niya.

Busyng busy si Dax dahil ngayon na ang libing ni Jamie. Nag aasikaso siya dahil magsisimula na ang mass.

"Condolence, Jelly." Napatingala ako sa nagsalita... si Lorraine. Ngayon lang siya nagpunta sa burol.

"Thank you..." naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"No words can ease your pain, Jel. All we can do is to sympathize..."

"Jelly..." dumating si Arx at hinalikan ako sa pisngi. Nagpunta na din siya dito nung unang araw ng burol ni Jamie. "Be strong, okay? We're always here for you. Isipin mo na lang na tapos na yung paghihirap ni Jamie, at magkasama na sila ni Tito."

"Thank you Arx... thank you sa inyo. Naaappreciate ko yung pag aalala niyo sakin at pagpapagaan niyo ng loob ko."

Magsasalita pa sana ko pero dumating yung pari.

Bago pa mag start, lumabas na ko ng chapel. Ayokong makinig sa kanya. Hindi ko siya kailangan. Pinabayaan na nga niya ko eh. Bakit pa ba ko lalapit sa kanya.

Napangisi na lang ako habang tumutulo yung luha ko. Siguro kung mamamatay ako ngayon, demonyo ang sasalubong sakin.

"Nandito ka lang pala... kanina ka pa namin hinahanap."

Hindi ko na nilingon yung nagsalita para lang malaman ko kung sino siya.

"Gusto ko lang mapag isa kahit sandali."

Naramdaman ko na naupo siya sa tabi ko.

"Ganito na lang..." hinawakan ako ni Dax sa kanang braso ko kaya nilingon ko siya at hinawakan niya din yung kabilang braso ko at iniharap niya ko sa kanya. "Tutal umiiyak ka na lang din naman... oh eh di sige. Iyak!"

"Huh?"

"Umiyak ka. Yung malakas... yung todong iyak. Tapos last na yun ah. Hindi ka na ulit iiyak pa. Nadudurog yung puso ko eh..."

Napaiyak nga lalo ako sa sinabi niya. Isinandal niya ko sa dibdib niya at hinahagod hagod niya ng daliri yung ulo ko.

"Sana... sana eto na yung huling iyak mo na nasasaktan ka. Sana kung umiyak ka man sa susunod, eh dahil masaya ka. Gusto ko mang pawiin lahat ng sakit na nararamdaman mo, kaso naisip ko na hindi naman ako ikaw eh. Hindi ko napagdaanan yung hirap na dinanas mo... pero alam ko yung pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay. Pero sana marealize mo na kahit merong nawala, meron pa rin namang natira na nagmamahal sayo."

Ilang minuto din kaming magkayakap ni Dax ng lapitan kami ni Jeremy. Tapos na yung mass at eulogy kaya isasakay na yung casket ni Jamie sa funeral car.

Lumapit ako sa kabaong niya at tinignan ko siya sa huling sandali. Nakatulala lang ako habang hinahatid na namin si Jamie sa huling hantungan niya. Totoo pala na pagkasobrang iyak eh wala ng mailuha.

Nakarating kami sa memorial park at iilan na lang kami. Konti na lang yung mga taong hindi ko kilala.

Hinagisan namin ng white roses yung kabaong ni Jamie habang ibinababa na siya.

"Paalam anak ko..." narinig ko si mama. Binalingan ko siya at kitang kita ko yung paghihinagpis niya. Pero wala eh. Huli na ang lahat. Hindi na siya makakabawi pa.

Isa isa ng nag aalisan yung mga tao na nakilibing samin.

Hinintay ko na matabunan ng lupa yung kabaong ni Jamie bago ako umalis.

Napansin ko na hindi pa rin umaalis si mama at nakaharap siya sa isang puntod. Wala na si Dax, pero natatanaw ko pa rin yung kotse na gamit gamit niya.

"Kelan mo ba ko mapapatawad Jelly?"

Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi agad ako nakasagot.

"Miss na miss ko na kayo... sobra akong nagsisisi dahil hindi ko man lang naalagaan si Jamie."

"Talagang na sa huli ang pag sisisi. Naiisip ko tuloy, kaya mo ba kami iniwan eh dahil sa pera? Dahil mahirap lang si papa kaya hindi ka nakatiis sa kanya? Kaya ba sumama ka sa tatay ni Dax? Ang yaman yaman niya no? Kaya nung namatay na, ikaw naman ang nagpapakasasa sa pera ni--"

Dumapo sa pisngi ko ang palad ni mama. Naramdaman ko na nag init yun, dahil medyo malakas ang pagkakasampal niya sakin.

"Wala kang alam tungkol sakin Jillian!"

"Eh ikaw ba? Ano bang alam mo samin?"

"Kung alam ko lang na lalaki kang ganyan, pinabayaan na sana kita."

"Kung alam mo nga! Pero hindi! Lumaki akong ganito dahil inabanduna mo kami!"

"Oo! Maling mali ako dun! Sana nung umalis ako kinuha ko yung anak ko para hindi siya naiwan sayo!"

Natahimik ako sa mga narinig ko... tama ba ko ng pagkakaintindi?

Hinawakan niya ko sa braso at hinila niya ko sa at huminto kami sa isang puntod.

"Oh ayan! Ayan ang totoo mong nanay!"

Binasa ko yung nakasulat sa lapida at pangalan nga niya yung nakalagay dun. Tinignan ko siya ng may pagtataka. Pinigilan ko na tumulo yung mga luha ko.

"N-naguguluhan ako. Ano nanaman ba to?"

"Hindi kita anak. Hindi ako ang totoo mong nanay..."

"Panong--paanong nangyari yun?"

"Pinagbubuntis ka pa lang niya nun nung sapilitan siyang kinuha ng magulang namin. Naiwan ang papa mo na walang alam kung bakit biglang nawala ang mama mo. Kinulong siya ng magulang namin sa bahay, galit na galit sila dahil nabuntis siya ng isang lalaki na mahirap... walang maipagmamalaki sa buhay. Lagi niyang kinukwento sakin ang papa mo. Kung gano siya kasaya... nung ipinanganak ka, namatay siya. Namatay ang kakambal ko. Gusto kang ipatapon ng lolo at lola mo. Pero nangako ako sa mama mo, sa kakambal ko, nangako ako na aalagaan at mamahalin kita na parang sakin. Kaya umalis ako ng bahay kasama ka. Hinanap ko ang papa mo. Sobrang tuwang tuwa siya nung makita ka niya... hindi niya alam na yung babaeng mahal na mahal niya eh wala na. Patay na. Natakot akong sabihin yung nangyari sa mama mo. Inisip ko yung kapakanan mo. Kaya nag panggap ako bilang siya."

Nagsimulang mag unahan sa pagtulo ang mga luha ko nung marinig kong mabasag ang boses niya.

"Hanggang sa lumipas yung mga linggo, buwan at taon... hindi ko pa rin nasabi na hindi ako yung babaeng minahal niya. Kinain na ko takot... aaminin ko, minahal ko na rin ang papa mo. Napatunayan ko na tama lahat ng sinabi ng mama mo. Hanggang sa mabuntis ako... at yun nga, si Jamie. Akala ko okay na ang lahat... akala ko lang pala. Dumating kasi yung kinatatakutan ko... nalaman ng papa mo na patay na yung mama mo-- na nagpanggap lang ako. Hiyang hiya ako nun para sa sarili ko, kaya umalis muna ko. Umaasa na lilipas ang galit ng papa mo... na baka minahal niya din ako bilang ako.  K-kaso pag balik ko, wala na kayo. Hindi totoo na hindi ko kayo pinahanap... sa araw araw na ginawa ng Diyos, pinagdadasal ko na makita kayo. Kaso nung namatay ang magulang ko, nalaman ko na pinapaharang nila yung paghahanap ko sa inyo. Kaya pala laging walang resulta yung pagpapahanap ko sa inyo. Hanggang sa nakakuha ko ng balita tungkol sa inyo. Kaso hindi ko kayo maabutan, kasi palipat lipat kayo. Tapos nakilala ko ang ama ni Dax... at ikinasal kami. Lagi kong kinukwento sa kanila yung tungkol sa inyo. Kaya nangako sakin si Dax na tutulungan niya ko sa paghahanap sa inyo. Ibinigay ko sa kanya yung mga pictures niyo na meron ako. At yung mga pictures na nakukuha ko kada pinapahanap ko kayo. Hanggang sa ibalita sakin ni Dax na parang nahanap ka na niya. Pinabackground check niya, at nung maconfirm na ikaw talaga yun, nag isip siya ng plano kung pano niya mailalagay sa ayos yung buhay niyo... at ibinalita niya sakin na malubha yung sakit ni J-jamie. Sinabihan niya ko na siya muna ang bahala sa inyo... na wag muna kong magpakita dahil galit na galit ka sakin. Nakuntento na ko sa mga pictures na pinapadala niya sakin."

Napasinghap ako sa mga sinabi niya. Umupo ako sa tabi ng lapida at hinawakan yun.

Kinamuhian ko yung maling tao. Buong buhay ko, kinamuhian ko siya.

"Pero nagpapasalamat na din ako Jelly, dahil kahit sandali nakasama ko ulit an anak ko. Tinuring na rin naman kitang sakin eh." Aniya.

Tinignan ko siya.

Her eyes are full of sorrow. Lumapit siya sakin at lumuhod. Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos ako ang buhok ko.

"Alam kong napakadami mo na ring napagdaanan. You've been carrying all the pains... pero nandito na ko Jelly. Nandito na ko anak. You're still my daughter."

Tuluyan na kong napaiyak at niyakap niya ko. Gumanti din ako ng yakap.

"Mama..."

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top